Leigh POV Nang mga sumunod na araw ay mas naging madalas ang pag-alis ni Auntie Celia tuwing gabi at kung minsan ay hindi na umuuwi.Isang umaga, bago siya umalis, nagkausap kami."Leigh," tawag niya habang hawak ang laptop bag, naka-blazer at naka-heels. "Pasensya ka na ha, simula nang dumating ka, hindi pa kita naasikaso. Masyado lang talaga akong busy sa PrimeBuild. Operations Manager na kasi ako ngayon, sunod-sunod ang meeting at client dinner.""Okay lang po, Auntie. Naiintindihan ko po," sagot ko. Naniwala naman ako. Akala ko talaga trabaho lang."Sige, pag nagka-oras ako, mag-dinner tayo ha? Bawi ako," sabi niya at umalis na.Simula nun, mas madalas na siyang wala. Minsan naka-dress, mabango, naka-makeup nang makapal. Hindi na siya yung Auntie Celia na kilala ko na simpleng t-shirt lang sa bahay.Si Uncle Brix ay laging naiiwan sa sala at naghihintay hanggang sa madaling araw. Nakikita ko siya gabi-gabi. Nakaupo sa sofa, bukas ang TV pero hindi naman nanonood. Hawak ang cellph
최신 업데이트 : 2026-10-27 더 보기