Home / Romance / CRY OF RELEASE / CHAPTER ONE

Share

CHAPTER ONE

last update Huling Na-update: 2021-07-01 11:28:28

DOMINICA’S POV

YEAR 2008

“Hey! Nica, let’s play… I have my new set of princess dolls. Mama bought it from Japan, they look pretty,” bungad sa akin ni Ysa pero hindi ko siya pinapansin. Alam niya namang ayaw ko ng mga manika… I better read books.

“Com’on, Nics! Here.” Sabay abot ng isang manika pero hindi ko ito tinanggap.

“Sige na, kahit labag man sa loob ko… sa iyo na si Belle, alam ko namang naiinggit ka lang kasi kompleto ko ang mga princess dolls. Tsk, ito na oh.”

Tinignan ko siya, wow ha! Binibigay niya nga sa akin pero nakasimangot naman nitong iniaabot sa akin… maldita talaga ng bruhang ito. Kinuha ko nga ang manika sa pagkakahawak niya atsyaka itinapon sa kung saan.

“Waahh! Grabe ka, Nica!” Kinuha niya naman ulit iyon sa sahig, at sinuklay-suklay ang buhok.

“Grabe ka kay Belle! Alam mo bang si Belle ang pinakamagandang babae sa lugar nila. But she’s odd, weird and so fascinated in reading books just like you. Kaya nga gusto ko siyang ibigay sa ‘yo eh!” daldal niya pa. Hindi ko nga siya tinitignan, pero nakikinig ako, as if I have a choice not to, sa kadaldalan ni Ysabel, hindi ka niya titigilan.

“Saang fairytale story siya galing?”

Out of nowhere na tanong ko.

“Beauty and the Beast.”

Beauty and the Beast? I can’t remember watching or reading those stuff.

“What's the story?” I asked again… wala lang.

Nakita ko namang tinignan niya ako nang may pagkagulat.

“Seriously, Nica? Hindi mo alam ang kwento na iyon? Ako nga 3 years old palang ako, alam ko na ang kwento ng mga Disney princesses. Oh well… she was locked up by a beast in a magical castle in exchange of her father’s release. At first, she hated the beast for locking her up but then she falls in love with him, despite of ugliness and monstrous attitude of the beast –the end, that’s all,” pagmamadali niya sa pagkukwento.

Anong klaseng istorya ‘yon, posible ba ‘yon? Mahalin ang taong nanghamak sa ‘yo… kalokohan. Mabilis niya namang inilagay sa lalagyan niya ‘yong mga dolls niya. Problema niya at mukha siyang nagmamadali?

“Saan ka pupunta, Ysa?” tanong ko.

Tumingin naman siya sa akin at ngumiti, at inabot muli si Belle na manika.

“Oh… gift ko sa ‘yo, alagaan mo siya ha,” sambit niya at hindi ko alam pero tinanggap ko na iyon. Bigla kasi akong na-curious sa kwento ng Beauty and the Beast eh.

“Bukas na ulit tayo maglaro, Nics. I need to be with my prince charming eh. Ba-bye!”

Tinignan ko naman ang direksyong pinuntahan niya. Kaya naman pala, hahabulin niya na naman si Daniel at kukulitin. Napailing na lang ako.

Nagkatitigan naman kami ng manikang hawak ko.

Ito ulit ang unang beses na nagkainteres ako sa isang manika… Belle is her name.

YEAR 2013

“Hoy!” pag-gulat sa akin ni Ysabel. And as usual andito na naman siya sa bahay namin. Sunday ngayon kaya andito na naman siya manggugulo.

Hindi ko na lang siya kinibo at ibinalik ang focus sa laptop ko. Naramdaman ko naman siyang umupo sa tabi ko.

“Guns?” sambit niya, tumango lang ako… at isinusulat sa journal ko ang mga pangalan, gamit, at origin ng mga iba’t-ibang klase ng baril/ firearms, from pinakaunang nadiskubreng baril sa pinaka-latest kind.

At dinidikitan ko rin ito ng mga litrato para mas ma-familiarize ako.

“Why, Nics?” she asked again.

“Nah… I just love them, and I will buy and collect this someday…” sagot ko naman. Bigla na lang kasi akong nakaramdam ng fascination sa mga baril, toys that can protect and save you.

“Just be careful, Nics! It looks dangerous,” sambit naman ni Ysa, at nginitian ko lang siya.

“Don't worry, this world is more dangerous as you know it,” tugon ko naman na ikinibit-balikat lang niya.

“Sabagay,” sambit niya at tumayo na, at sumubo ng cookie na inihanda ng kasambahay kanina para sa snack namin.

“Oh, saan ka na naman?” tanong ko pero ngumisi lang siya at kumindat.

“Nagpapasama si Daniel, bibili raw siya ng materials para sa project niya, bye!” At kumaripas naman ito nang paglabas ng kwarto ko… napailing na lang ako.

Basta tungkol kay Daniel, ang bilis niya lagi. Sasaktan lang siya no’n, sayang lang ang pagmamahal na inilalaan ni Ysa, pati ang oras at panahong iniaalay niya sa taong hindi naman siya mahal.

Halata namang tine-take for granted lang din siya ng isa, kainis. Barilin ko talaga ‘yang si Daniel pag may baril na ako… tsk!

YEAR 2020

Nasa klase ako nang makatanggap ako ng tawag kay Hani, anak ni Tito Edward at Tita Hana.

“Oh? Andito ka na naman sa Pilipinas,” bungad ko, gala rin itong batang ito eh.w

“Yes, Ate Nica at andito ako sa University niyo, kasama ko si Ate Ysa. Gala raw tayo dahil hindi siya papasok sa afternoon class niya.”

Binaba ko naman kaagad ang tawag at nagpaalam sa Prof. ko na pupunta lang ako sa clinic, dahil masama ang pakiramdam ko. At syempre, naniwala siya at pinayagan akong lumabas. Aba, kung may masamang mangyari sa akin, lagot sila kay Sen. David Falcon na may-ari ng University na ito.

Dali-dali akong pumunta sa parking area, at mas nauna pa akong nakarating doon kaysa sa dalawa. And ayan na nga sila, approaching…

“Hey! Saan tayo gagala?” pagbungad ko sa kanila at ngumisi naman si Ysabel.

“Amusement park?” sambit niya.

Wahh! Nakaka-miss din pumunta roon.

Tamang-tama at stress ako dahil naubos kasi ang pera ko sa last auction na pinuntahan ko eh. Ang ganda kasi nung Smith & Wesson Model 29, it’s a N-frame revolver chambered in .44 magnum and was first introduced in 1957. So alam niyo ‘yon? –so old kind... nakaka-excite makuha ang ganoon. That's why I spent a lot of money just to win it.

“Libre mo ito ha, wala akong pera eh,” sambit ko naman. Ang sama tuloy ng tingin ni Ysa na pinupukol sa akin, alam niya na kasi ‘yan kaya nginitian ko na lang siya.

“Seriously, Ate Nica? Ikaw mauubusan ng pera? Siguro…” singit naman ni Hani, tinignan ko nga ng masama.

“Lagot ka talaga sa tatay mo, Dominica Falcon! Kailan mo ba ititigil ‘yan?” medyo napalakas ang pagsambit ni Ysa kaya hinampas ko siya sa balikat niya at tumawa. Baliw rin ‘to eh.

“Oh com'on. I just love buying guns and such… and please, hinaan niyo lang ang mga boses niyo. Baka may makarinig, it’s a top secret you know,” kibit-balikat na sambit ko na lang sa kanila, ganiyan lang sila na ‘yan, lakas maka-concern lalo na si Ysa but then she never meddle with my hobbies as long as I am happy with it.

“Eh bakit kailangang sa Black Market pa? Nako, just be safe, Dominica, alam mo namang may katungkulan ang tatay mo sa gobyerno. It’s not good, you know,” pangaral niya pa sa akin, nag-pout lang ako at ngumiti.

Umalis na nga kami pa-Laguna. Pupunta nga kasi kaming Enchanted Kingdom. Yehey!

Halos puro extreme rides ang sinakyan namin, ang saya lang ‘yong adrenaline rush na naidudulot nun, lalo na sa roller coaster akala mo final destination mo na eh. Pero pinakagusto ko talaga ay ang EKstreme Tower, yung dahan-dahan kayong iaakyat pataas ng 40 meters high tapos biglang bagsak ng mabilis, damn! Parang nagmahal ka tapos biglang iniwan ka lang… halos malaglag ang puso ko.

Ang saya kaya, mukhang naiwan pa nga kaluluwa ko sa taas eh. Tawa lang ako nang tawa habang ang dalawa halos maiyak na sa takot.

Pero nang sumakay silang carousel, hindi ako sumama. Alam nilang hindi ko tipo ang mga gano’ng ka-childlike na mga rides. I don't like magical feeling stuffs! It’s killing me… pinapaalala lang nun ang nawalang parte ng kabataan ko.

Kaya nag-decide akong magikot-ikot muna, medyo padilim na rin nang madako ako sa isang parte na wala masyadong tao, ang creepy! Kaya agad akong umikot pabalik sa kinaroroonan nina Ysa nang may bigla akong nabangga. Hindi, binangga niya talaga ako pero shit! Ang bango niya nang madampi ang mukha ko sa dibdib niya, he smells so good… nakakaakit.

“Are you lost, baby girl?”

Napatingala ako nang magsalita siya, damn! Nakaka-hypnotize ang lalim ng boses nito… a bedroom voice, nakakamasa. But seriously, boses palang at built ng katawan niya, nakakaakit na.

Pero bigla akong nakaramdam ng kakaibang feeling… hindi ko alam kung takot o kung ano man. I feel chills, hindi ko maaninag ang itsura niya. Dahil na rin sa medyo madilim ang parteng kinaroroonan namin. But I saw his eyes, its dark blue… and so deep, nakakalunod –nalulunod ako sa mga tingin niya sa akin.

Para akong nahuhulog sa isang kawalan just by staring at his beautiful deep dark blue eyes.

I am about to say something nang biglang humangin at napuwing ako, kaya napakurap-kurap ako. No’ng maayos na ay tumingin ulit ako sa harapan ko but he suddenly disappear. ‘Yong lalaki, bigla nalang siyang naglaho, damn! Ano ‘yon? totoo ba siya o imahinasyon ko lang. At syempre nakaramdam din ako ng biglang takot kaya agad akong umalis doon… shit talaga!

“Oh, Nics… dito!” Nakita ko naman kaagad sina Ysa, nakaupo na sila sa isang bench… waiting for the fireworks display. Kaya naupo na rin ako at binalewala ko na lang ang nangyari kanina.

Napatingin naman ako sa gawi ni Ysa, napapagitnaan kasi namin siya ni Hani… nakangiti ito.

“You should smile often, Ysa. Mas lalo kang nagiging attractive kapag nakangiti ka,” pahayag ko.

Alam ko, she's really hurting inside dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Daniel. Gago rin kasi ‘yon eh. Kasal na nga sila tapos binabalewala niya lang ang best friend ko. Ysabel is already one of a kind, ngunit ano pa bang hinahanap ni Daniel. Shit din ‘yon eh! Kaya ako? Kung masasaktan lang din ako dahil sa punyetang pagmamahal na ‘yan, mas pipiliin ko na lang mamatay.

“Siguro, Ate Ysa, andami mong stress ngayon kasi nagyaya kang mag-amusement park? Gano’n ba nakaka-stress mahalin ang isang Daniel Apolonio Jr.?” sambit naman ni Hani.

Baliw rin ‘to eh, tatanungin pa, eh obvious naman na ang sagot. Mas lalo niya lang ginagatungan ‘yong sakit na nararamdaman ni Ysa.

Bigla namang nagliwanag ang kalangitan, napuno ito ng iba’t-ibang kulay… fireworks, parang putok lang ng mga baril ang tunog nito. Ito ‘yong mga best part na magandang bumaril ng tao kasi hindi mahahalata at hindi aakalain ng iba na may napatay na pala. Mga naiisip ko rin minsan talaga, kung sabagay gano’n naman talaga ang buhay –it’s a matter of life and death.

Napabuntong hininga na lang ako.

Bigla namang nagsalita si Ysabel,

“Medyo gumaan ang pakiramdam ko, ang bigat kasi, ang bigat-bigat na ng pagmamahal ko kay Daniel. Parang gusto, gusto ko nang i-release ‘yong bigat na ito. I just want to set him free.”

Nasasaktan na talaga ang best friend ko, kaya niyakap ko na lang siya –to atleast maramdaman niyang I am just here, supporting her in every decision she will makes.

Napapikit naman ako sandali pero napamulat din kaagad dahil bigla na lang nag-pop up ang mga mata ng lalaking nakabangga ko kanina… damn!

–Those deep dark blue eyes!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • CRY OF RELEASE   EPILOGUE

    ALESANDRO'SPOV“HOW DID YOU ENDED UP HERE?”“Mr.DeVera, brought me here.”“Who is he?”“My bodyguard.”“So he kidnapped you?”“I don't know, he said he will brought me to my father's—”Natigilangpagkekwentuhannaminwhen someone entered this dark dungeon.“Hoy!Magandangbatangbabae,halikarito!”“M-me? W-why?”I hold her little soft hand to stop her from coming out the cell we are in.Perolumingonlangsiyasaakin –“They will hurt me, if I won

  • CRY OF RELEASE   CHAPTER THIRTY TWO

    EXAEL'SPOV“WHAT HAPPENED?”tanong ko kaagad pagkapasok ko sa silid kung saan naroroon sina Dexter at Vanilli. Pero isang unknowing face lang din ang itinugon nila sa akin. Ibig sabihin, wala rin silang kaalam-alam sa mga nangyayari.I am on my business deal in Russia para sa expansion ng Costa Nostra nang makatanggap ako ng sos mula kay Sandro. Kaya kaagad akong lumipad pabalik dito sa England head quarters nang tumawag sina Vanilli at Dexter about sa sos na na-receive rin nila mula kay Sandro. It’s so unusual, as in sobrang limit lang mag-send ng ganung mensahe si Sandro lalo na at mostly, he do his jobs alone, never itong humingi ng tulong –not until today.“NasaanbasiSandro?Fuck!Kinakabahanako, tangina!”biglang sambit naman ni Dexter. Kahit ako rin naman, parang may nangyayaring hindi maganda and I am telling it –w

  • CRY OF RELEASE   CHAPTER THIRTY ONE

    DOMINICA'SPOV“SO,NAGSISISIKA?”biglang tanong ni Sandro kaya napatingin akong muli sa kaniya.“Huh? What do you mean?”tugon ko rito.“Nagsisisi ka na ba at minahal mo ang isang katulad ko? A dangerous man –a reincarnation of Lucifer, they all said.” Umiling ako at sumagot,“Hindi. I've been in the worst scenario of my life, Sandro. I also knew how cruel this world can be. At hindi na ako magtataka kung bakit sa isang katulad mo ako nagpakatanga, pero okay na rin naman… aba! Magrereklamo pa ba ako? Hindi na ako lugi sa’yo! Guwapo ka na nga, malaki at mahaba pa ang armas na meron ka! Kung alam mo lang kunggaanoakoka-fascinatedin collecting guns since my teenage years, and your Colt 45 revolver there, was the best thing that I want to keep… forever.”

  • CRY OF RELEASE   CHAPTER THIRTY

    DOMINICA'SPOV“SIGURADO KA bang nasa safe na lugar na ang mga anak ko?” hindi mapakaling tanong ko muli kay Sandro.“Anak natin, Nica… at oo, Pierre just contacted me, safe silang nakarating sa head quarters sa London. Kaso iyak daw ng iyak si Alexandra…”“Sabihin mo kay Pierre na lutuan nila ng pancake with strawberry syrup si Xandra with a glass of milk. While si Xander, just a bread with nutella and also a glass of milk.” Napatingin lamang si Sandro sa akin nang binabanggit ko ang mga iyon.“How did you managed it?”Nakakunot-noong napatingin naman ako rito.“Managed what?”“Taking good care of our twins…”“Anakko sila, Sandro. I should take care of themkahitanongmangyari.&rd

  • CRY OF RELEASE   CHAPTER TWENTY NINE

    ALESANDRO'SPOVNAALIMPUNGATAN ako nang maramdaman ko ang sobrang sakit ng aking ulo, at pagkaduwal. Tangina! Uupo na sana ako na parang may nakayakap sa akin. Fuck! Kaya bigla akong napaupo galing sa pagkakahiga. And there I saw… the woman I love the most.“Anongnangyari?Bakit?”tanong ko sa aking isipan nang mapansin kong wala pala akong saplot. Damn, anong nangyari?Kaya napatingin ako kay Dominica na mahimbing pa ring natutulog. I want to confirm something that's why I need to see if she's also naked underneath the blanket.Walang malisya ito, I just need to see it –to confirm it. Kaya unti-unti kong hinawakan ang kumot na nakatabing sa kaniyang katawan. Dahan-dahan ko itong ibinaba upang makita ko kung may saplot nga ba si Dominica o wala.Fuck kasi… bakit wala akong matandaan sa nangyari sa amin kagabi. Ang tanging naaalala ko lamang ay ang

  • CRY OF RELEASE   CHAPTER TWENTY EIGHT

    ALESANDRO'SPOVKAAGAD NAMAN naming narating ang bahay na tinutuluyan ni Dominica, malapit lamang ito sa River Stour, what a beautiful place she had. Kumatok naman ang Town Mayor at nakangiting tumingin ito sa akin na sinuklian ko lang ng pagkakakunot ng aking noo.“You will love them, Mr. Estevan –they are the gems of this town. One of the reasons why I got a deal with you. ‘Cause I know, you are the right person to asked for the safety of our place. For the better future of the youngsters here.”Safety? Kaya ba gusto ng Town Mayor napanghawakanko angFordwich? But I know he already knew my reputation in England, in Britain to be exact. Kayangaitonagpasang lettersahead quarters ng Costa Nostra, asking that he wants to give me the full authority in handling this area in shadows, for the purposed to improve this town at hindi m

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status