Share

Chapter 18

Napatakip na lamang ako ng aking bibig nang makita kung ano ang bagay na dinampot ni Acanta mula sa sahig. Isa itong batang sanggol na hindi maipaliwanag ang kaniyang hitsura. Baluktot ang mga binti at braso nito. Nakausli ang mga ngipin at tabingi ang ilong at mga mata. Ito kaya si Artos? Kaya ba siya nagtatago sa likod ng kaniyang mga ilusyon dahil sa kaniyang hitsura. 

Ngumawa ang batang sanggol na hawak ni Acanta. Nakakaawa ang kondisyon nito. Nakakadurog ng puso. Kahit hindi ako isang ina, alam ko kung gaano kasakit na magkaroon ng anak na may abnormalidad sa katawan. 

“Hindi ka ba naaawa sa akin? Ipinanganak akong may kasuklam-suklam na karamdaman. Hindi ako magawang tanggapin ng aking mga magulang kaya itinapon nila ako sa isang ilog na patungo sa Underworld. Sanggol pa lamang ay nakaranas na ako ng pagmamalupit. Ngunit, isang bathala ang nagligtas sa akin at itinuring na parang totoong anak. Binigyan niya ako ng mahika at ginawang isa sa mga Nin

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status