Tinalukuran ko siya nang walang salita. Ang hilig-hilig niyang mambigla. Tinawag niya ako ng tatlong beses pero mabilis akong naglakad upang makalayo sa kaniya.Dumagsa na ang mga customer sa club kaya naging abala ako at hindi ko na namalayan kung nakaalis na ba siya o nanatili sa puwesto niya kanina. Kahit na abala ako kanina ay hindi ko magawang iwaglit sa isipan ko kung naroroon pa ba siya at hinihintay ako.Nag-abang ako ng masasakyang tricycle sa tapat ng club nang matapos ang duty ko. Mahina na ang tugtog ng musika sa loob dahil nagsisimula ng lumalim ang gabi at bilang na lang ang mga tao. Nagpalit na rin ako ng damit dahil sa hospital ako didiretso.Naglakad ako nang kaunti at napadaan sa madilim na bahagi ng kalsada. Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan nang lumitaw mula sa kadiliman si Greg at umalingawngaw ang malalim na tinig. Kung hindi ko siya nakilala ay iisipin kong isa itong holdaper na naghihintay ng mabibiktma."Ihahatid na kita." "Kaya kong umuwing mag-isa!
Pero paano ko malalaman ang totoong pakay niya kung hindi ko siya pagbibigyan man lang na kilalanin siya? Kung sa ibang pagkakataon siguro ay baka matagal ko na siyang hinayaan na makilala namin ang isa't-isa, pero sa paraan ng paglapit niya tulad ng lihim na inaalam ang buhay ko at mga kilos, mahihirapan akong pagbigyan siya. Palinga-linga siya sa paligid nang hindi pa rin ako nag-umpisang magsalita. Para bang nagmamasid kung mayroong ibang kaduda-dudang tao na nakatingin sa amin. Okupado ang isipan ko dahil sa pagtatalo pero hindi ko maiwasang isipin na para bang may iniiwasan siya na makakakita sa kaniya o sa amin."Puwede bang layuan mo na ang anak ko at huwag ng bumalik dito?" Malumay ang tinig ko pero pinaparamdam ko na may diin at seryoso ako. Nawalan ng emosyon ang mga titig niya. Gumalaw ang kaniyang panga at marahas na nagbuga ng hangin.Kinulong niya sa magkabilaang bulsa ang mga kamay at sinalubong ang mga mata ko at seryoso ang tingin. "Cailee, wala akong intensyong masa
"Kahit na ilang beses mo akong ipagtabuyan hinding-hindi ako lalayo sa iyo, sa inyo," usal niya dahilan upang bumilis ang pagtibok ng puso ko.Muli niyang pinag-isa ang mga labi namin, at sa pagkakataong ito ay mas malalim at tila gutom na halik na ang ipinaparusa niya sa akin.Pinatay niya ang makina ng sasakyan habang magkahinang pa rin ang aming mga labi. Nasa tabi kami ng kalsada ngunit hindi na inalintana ang mga dumaraan kahit na nasisinagan kami ng liwanag mula sa ilaw ng mga sasakyan.Wala akong idadahilan ngayon na epekto lang ng alak ang init na nararamdaman ko dahil hindi naman ako nakainom ng alak katulad noong unang beses naming pinagsaluhan ang mainit na tagpong katulad nito. Matino ako ngayon at hindi ako puwedeng magsinungaling sa sarili ko na nagugustuhan ng katawan ko ang atake ng mga kamay niya na unti-unti nang gumagapang sa iba't-ibang parte ng katawan ko.Hinila niya ako upang tuluyan nang makalapit sa kaniya. Nasa ibabaw niya ako at nakatukod ngayon ang dalawa k
Mabilis na kumalat ang halimuyak ng pamilyar na pabango sa loob ng silid. Nakapikit ako pero unti-unti nang nagigising ang diwa ko dahil sa naramdamang marahang pagyugyog sa braso ko. Tumatak na sa isipan ko ang amoy na iyon at pakiramdam ko hanggang ngayon ay nakadikit pa rin ito sa katawan ko. Pagmulat ko ng mga mata ay isang pamilyar na bulto agad ang naaninag ng nanlalabo ko pang mata. "Good morning sleepy head!" Masiglang-masigla ang tono ng boses niya. Hindi ba siya nakaramdam ng pagod sa ginawa namin kagabi? Masyado pang maaga para pumunta siya rito sa hospital upang bumisita."Dai, pasensya ka na ha? Ayaw ko pa sanang gisingin ka, kaya lang excited nang umuwi ang anak mo e." Nasa tabi ko si Josephine at hawak pa rin niya ang braso ko. Inaalalayan akong bumangon."Hmm.." Humikab ako na takip ng kamay ang bibig."Anong oras na ba?" Namamaos pa ang boses ko. Tinapunan ko siya ng tingin, ni hindi ko man lang binigyan ng pansin ang pagbati ni Greg. "Magtatanghali na dai e, mukhan
Kinabukasan at sa sumunod pang mga araw ay hinayaan ko si Greg na halos ibuhos ang oras sa bahay. Hinahatid niya ako tuwing umaga sa store, sa gabi naman ay hinahatid at hinihintay niyang matapos ang trabaho ko sa club. Si Angela naman ay sinasamahan nila ni Josephine sa paaralan. Unti-unti nang nawawala ang pagkailang ko sa kaniya. Masarap siyang kasama, masaya. Mabait din siya at hindi nga ako nagkamali dahil mas lalong lumalalim ang pagiging malapit nila ng anak ko sa isa't-isa. "Bantay-sarado si pogi sa iyo ah?" "Nagmamagandang loob lang po 'yong tao." Pinipigilan ko ang sarili na kumawala ng ngiti. Pakiramdam ko kasi biglang tumalbog ang puso ko. Iyon agad ang naramdaman ko nang tukuyin niya si Greg sa tanong niya. Hindi ko alam pero kusa ko lang naramdaman ang kaligayahan sa dibdib ko. Nasa loob ako ng maliit na kuwarto ni Madam Bernadette at naghihintay na maibigay niya ang sahod ko. Sigurado ako na kapag napansin nito na masaya ako ay hindi ito titigil sa pag-uusisa.Ilang
"Asus! Ang haba ng buhok. May pa-letter pa! Sana all na lang dai!"Abala ako sa kusina dahil nagluluto ng agahan namin. Nilingon ko si Josephine, tila hirap pa sa paglakad dahil sa mga bitbit nito. Umawang ang bibig ko. Nanatili 'yong nakabuka dahil nabigla ako at namangha sa lulan niyang malaking kumpol ng rosas na nakalagay sa isang kahon. Kulay pula ang mga iyon. Mayroon pang isang kahon ng cake at katamtamang laki ng teddy bear. Mabilis ko siyang nilapitan upang matulungang mailapag ang mga bitbit niya. Napangiti ako dahil sa hindi inaasahang sorpresa. Lumingon akong muli sa likuran ng kaibigan ko, umaasa na makikita ang taong nakaisip na magbigay nito."Hmm.. wala siya, may nag-deliver lang nito. Sa tingin mo hahayaan niya akong bitbitin ang lahat ng mga ito kung nariyan siya?"Nalukot ang noo ko kasabay ng paniningkit ng mga mata. Wala akong ideya kung sino ang nagpabigay nito. May mga iilan akong kaibigan tulad nina Roger at Simon na nakakaalam na kaarawan ko ngayon, pero wala
"Diyos ko dai, dapat pala sumama na lang ako! Kasalanan ko 'to e!" Pinadyak-padyak ni Josephine ang kaniyang mga paa. Maya't-maya ay hinihilamos ang dalawang palad sa mukha. "Dai naman, 'wag mong sisihin ang sarili mo. Kasalanan ko 'yon kasi naging pabaya ako. Hindi naman nawala si Angela e.""Hindi dai, mas kilala ko 'yang batang 'yan. Kabisado ko ang ugali niyan. Magkukusa 'yan kapag may gustong abutin, hindi siya aasa o hihingi ng tulong sa iba. Manang-mana sa iyo 'yang anak mo, dapat talaga hindi ko kayo hinayaang umalis na wala ako e! Kung nandoon ako hindi sana siya nawala sa tabi mo." Natahimik ako. Nakaramdam ako ng hiya. Ako ang ina pero mas kabisado ng kaibigan ko ang ugali ng anak ko. Mas kilala niya dahil sa loob ng maraming taon, mas maraming oras na silang dalawa lang ang magkasama."Pasensya ka na, mahal na mahal ko si Angge, ikamamatay ko kung may nangyaring masama sa kaniya." Naging mahinahon si Josephine nang maramdaman ang pananahimik ko. Ako ang may kasalanan pero
"Uy Cailee, kumusta? Balita ko mag-aasawa ka na raw?"Sa dinami-rami naman nang makakasalubong, si Aling Norma pa. Kay aga-aga nag-uumpukan na naman sila. Pero hindi katulad ng dati ang paraan ng mga tingin nila, kung noon ay puno ng panghuhusga, ngayon ay ngiting-ngiti sila. Maaamo at nagmukhang maalalahaning kapitbahay pero hindi naman mukhang mapagkakatiwalaan.Nagkunwari ako na walang nakita. Ni hindi ko nagawang bigyan kahit na isang sulyap man lang si Aling Norma. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Ang anak ko at si Josephine kasi nauna na sa akin at naghihintay na sa labasan ng eskinita. Ayaw ko ring makapagbitiw ulit ng masasakit na salita katulad noong nakaraang buwan kaya mas minabuti ko na lang na umiwas. "Alam mo Cailee, ang totoo kasi hindi naman talaga ako galit sa iyo no. Medyo nagtampo lang noon, pero kalimutan mo na 'yon." Nahinto ako nang muli siyang magsalita. Isang tango lang ang ginawa ko at nagsimula nang muli maglakad."Baka gusto mong bumili ng chorizo at em