Share

Chapter 17

Pero paano ko malalaman ang totoong pakay niya kung hindi ko siya pagbibigyan man lang na kilalanin siya? Kung sa ibang pagkakataon siguro ay baka matagal ko na siyang hinayaan na makilala namin ang isa't-isa, pero sa paraan ng paglapit niya tulad ng lihim na inaalam ang buhay ko at mga kilos, mahihirapan akong pagbigyan siya.

Palinga-linga siya sa paligid nang hindi pa rin ako nag-umpisang magsalita. Para bang nagmamasid kung mayroong ibang kaduda-dudang tao na nakatingin sa amin. Okupado ang isipan ko dahil sa pagtatalo pero hindi ko maiwasang isipin na para bang may iniiwasan siya na makakakita sa kaniya o sa amin.

"Puwede bang layuan mo na ang anak ko at huwag ng bumalik dito?" Malumay ang tinig ko pero pinaparamdam ko na may diin at seryoso ako. Nawalan ng emosyon ang mga titig niya. Gumalaw ang kaniyang panga at marahas na nagbuga ng hangin.

Kinulong niya sa magkabilaang bulsa ang mga kamay at sinalubong ang mga mata ko at seryoso ang tingin. "Cailee, wala akong intensyong masa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status