Share

Chapter 26

Humupa na ang lagnat ko pero magdamag akong hindi nakatulog nang maayos. Sa buong gabi na lumipas ay hindi pa rin naalis sa isipan ko ang mga sagutan namin ni Greg kahapon. Hindi pangkaraniwan ang galit na ipinakita niya kahapon at natakot ako bigla sa kaniya, inaamin ko 'yon sa sarili ko kahit na nilalabanan ko 'yon sa pamamagitan ng pagkainis at pagkagalit kahapon. Gusto kong unawain na marahil ay nag-aalala lang siya ng sobra sa akin kaya ganoon ang ipinakita niyang galit, pero hindi ko maiwasang isipin na mayroon pa siyang ibang dahilan.

Naalala ko noong buhay pa ang mga magulang ko, ang mama at papa ko mailap sa mga tao lalo na sa mga kapitbahay namin. Si Tiya Marita ko lang yata ang kilala kong kamag-anak ng mama, malayong kamag-anak daw pero hindi ko kailanman naramdaman na itinuring niya akong kamag-anak.

Si papa masyadong mapagmasid, kapag mayroong lumalapit sa akin na hindi namin kilala ay inilalayo agad niya ako. Sa paaralan na pinapasukan ko noon ay ganoon din si mama. W
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status