Share

Chapter 5

Author: pariahrei
last update Last Updated: 2025-05-29 12:25:45

CHAPTER 5

            MAKAILANG ulit ng napalunok si Summer para pigilan ang pag-iyak habang pinapanood ang pagbaba ng kabaong.

            Humahaya ng iyak si Tita SK—ang asawa ni Tito Handsome. Nakayakap dito ang mga anak na si Sean at Katkat.

            Wala ang panganay na si Vitoria Alexie—nawawala!

            Alejandro went to rescue his daughter from kidnappers alone. Walang kaalam-alam ang daddy niya o kahit sino sa mga kaibigan nito. May tumawag na lang sa bahay ng mga Almeradez na natagpuan ang katawan ni Alejandro sa abandonadong gusali na halos hindi na makilala.

            Ang ipinagtataka ni Summer ay kung paano basta-basta na lang nakuha si Vitoria Alexi?

            That woman is a Scout Ranger! Highly trained in combat and weapons.

            “Mommy!”

            Nagkagulo na sa sementeryo nang nahimatay ang maybahay. Hinawakan niya sa braso ang daddy niya na bagaman ay seryoso ay panay ang igting ng panga nito at mugto ang mga mata.

            “It’s going to be okay.”

            Walang sagot ang daddy niya kaya muli siyang nagsalita.

            “I’m gonna find who's behind all these. Ibabalik ko si Vitoria Alexie,” puno ng determinasyon ang kanyang boses.

            May humawak sa balikat ng daddy niya. Uncle Riguel offered a man-to-man hug to her dad.

            Nang lumingon siya ay nagtama ang mata nila ni Amber. Kaswal na tinanguan niya ito at sibil ang pakikitungo.

            Kahapon lang dumating ang pamilyang El Greco kaya hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap.

            Hindi sila malapit ni Amber katulad ng pagkakaibigan nila ni Vitoria dahil sa Russia ito namalagi. Habang sila naman dalawa ng anak ng Tito Handsome niya, ay magkapitbahay lang.

            “Matagal na nang huling beses kitang nakita.”

            Ang boses ay mahinhin, ang ganda-ganda…

            Tahimik niyang minura niya ang sarili dahil ganun na ganon siya noon. D amn insecurities!

            “Busy. You?”

            “Pine-peste ng lahat,” tawa nito at saka sinulyapan ang direksyon kung saan kausap ni Giovanni at Zacharias si Angus Channing.

            Biglang pumait ang panlasa niya.

            “Hahanapin ko si Vitoria Alexie. Sa tingin mo ba matutulungan ako ni Raegan?” tukoy niya sa nakababata nitong kapatid.

            Alam niyang maraming koneksyon ang lalaki at magaling maghanap ng mga impormasyon.

            “He’s busy studying, but you can try contacting him. Kung hindi,” lumingon ulit ito kina Giovanni, “pwede mong hingan ng tulong si Van.”

            Ipinagpasalamat niya na sumingit ang Mommy ni Amber dahil baka rolyohan niya ito ng mata.

            M aldita na kung m aldita ngunit may inis pa rin siyang nararamdaman kay Amber. Delikadesa na lang sana na hindi ito ‘pumatol’  noon sa may asawa kahit pa sabihin na ito ang mahal ni Giovanni.

            Tapos ngayon, mukhang hindi na naman mag-on ang dalawa. May ibang karelasyon na naman siguro ito o kaya si Giovanni ang may babae. Dhenaly never mentioned the two getting married.

            Ayaw na ayaw niyang makarinig tungkol sa dalawa. Pero naku-kyuryos siya ngayon kung bakit hindi kasama ng mga ito si Lucian?

            Her parents left with Tita SK’s family. Siya naman ay kay Zacharias sasabay nang tinawag siya ni Angus.

            They went to the same military school, but Angus’ specialization was Weapon Engineering.

            “Suspended?”

            “Shut up,” irap niya.

            Angus chuckled and put his hand around her shoulder.

            Hinatid siya nito kung saan naka-park ang mga kotse. Subalit, wala na roon si Zacharias, sa halip ay si Giovanni ang nakasandal sa Black Lamborghini nito habang naninigarilyo.

            “Zacharias’s been waiting.” Natural na masungit ang tabas ng mukha lalo pa’t magkasalubong ang makakapal na kilay ni Giovanni.

            “Where is he?”

            “Umuwi na.”

            “I can give you a ride,” sabi ni Angus kaya natuon ang malamig na tingin dito ni Giovanni.

            “She’s riding with me.” 

            “Kay Angus na lang ako sasabay,” tutol niya, nararamdaman na hindi maganda na sila lang ni Giovanni sa loob ng kotse.

            But her ex-husband didn’t think the same.

            “Ibinilin ka sa akin ni Zacharias,” mababa ngunit madiin nitong wika. “If you have problem with that, call him.”

            Wala siyang nagawa kundi pumayag. Hinarap niya si Angus para magpaalam nang hinawakan ni Giovanni ang palapulsuhan niya para ipasok na siya sa kotse.

            Umugong ang sportscar nang paharabas nitong pinatakbo paalis ng sementeryo.

            “You don’t have to be that rude.”

            “He’s way younger than you.”

            “So?” kunot-noo niyang tanong.

            Umigting ang panga nito sa halip na sagutin siya.

            Pasimple niyang tinakpan ang ilong. Tinapunan siya nito ng tingin bago binuksan ang bintana at saka itinapon sa labas ang may sindi pang sigarilyo.

            Alam pa rin ba nito na ayaw niya sa amoy niyon? He’s smoking when he’s stressed.

            “Things were messy these days,” wika nito.

            Summer’s mind went back to the past when he would say things that bothered him. Pero mag-asawa pa sila noon. Ngayon ay kahit pagiging magkaibigan nga ay hindi siya sigurado.

            Hindi na lang siya umimik. Eksakto naman na nag-text sa kanya si Rozen na nasa Vesarius Airline na ang mga ito.

            “Can you drop me off here?”

            “Why?”

            “Kailangan ko kasing kunin si Autumn sa opisina. Magta-taxi na lang ako.”

            “Autumn…” banggit nito na para bang itinatatak sa isip ang tunog niyon. “She has a very beautiful name. And really pretty too.”

            Lihim siyang napangiti. Kung maririnig siguro iyon ng anak niya ay siguradong magmamalaki na naman sa lahat.

            “I’ll drive you there.”

            “Out of the way ang Airline. Baka abala na kami sa ‘yo.”

            “You were never a bother to me,” anito sa namamaos na boses.

            Kinagat niya ang pang-ibabang labi nang maramdaman ang pamilyar na kiliti sa kaibuturan ng kanyang dibd ib.

            “Okay,” simple niyang sagot at sakay p inatay ang nararamdaman.  

            Sumama si Giovanni hanggang sa opisina ni Rozen. Galit agad ang kapatid niya ngunit wala naman sinabi pa.

            Cute na cute ang baby girl niya sa suot nitong kulay violet na  princess dress na hanggang kalahati ng hita ang haba. Sa paa ay ang paborito nitong ankle boots. May headband pa na bagay na bagay sa kulot nitong buhok.

            “It’s you Ser na Mister!” malakas ang boses ni Autumn. Sa halip na salubungin siya ng yakap ay nanakbo ito kay Giovanni.

            Kita ang gilagid na ngumisi ang beybi niya.

            “Here ka ulit para give mo ako money?”

            Ngali-ngaling takpan niya ang sariling mukha sa hiya. Saan ba ito nagmana at palaging pera ang bukambibig?

            “How much do you want?”

            “Many many money!” Kapagkuwan ay tumingin sa kanya ang pilya. “My, bati kami ni Ser po kasi bilhan niya ako ng maraming toys.”

            “Uuwi na tayo. Hinihintay ka na ni Mimila at Diddy-Lo.”

            Tumango ito at saka nagtaas ng kamay. Akmang bubuhatin niya nang umiling ito at saka kinurap-kurapan ng mata si Giovanni.

            “Carry mo po ako, Ser.

            “Ako na lang,” saway niya rito ngunit nirasonan na naman siya.

            “No po. Karga sa Beybi ay strong dapat like Papa.”

            Giovanni chuckled and carried Autumn in his arms.

            “I am strong,” laban niya. 

            “Mommy po, mas strong si Ser na mister po. Tingnan mo po tigas masel niya.” Dinutdot pa talaga nito ang braso at saka inangkla ang maliliit na kamay  payakap sa batok ng ama.

            Lumamlam ang mga mata niya.

            Ingrata siya kung sasabihin niyang ‘ni minsan ay hindi niya pinangarap ang tagpong nasa harapan niya.

            Giovanni was staring at their daughter adorably while the little girl was talking about everything.  Noon pa man ay responsable na itong ama kay Lucian.

            Tumikhim si Rozen kaya napaiwas siya ng tingin.

            Tinaasan niya ng kilay ang kapatid dahil naniningkit ang mga mata nito.

            “Aalis na kami,” patay-malisya naman siya.

            “Bye, Papa. Love you many times,” Autumn said sweetly and gave a flying kiss.

            Nauna na ang dalawa sa labas dahil may ibinigay pa sa kanya si Rozen na ticket. Balak nitong pagbakasyunin ang mga magulang nila dahil siguradong malulugmok ang daddy nila.

            “Who will run the airline?”

            “I can do it.”

            “Ang laki-laki mo na,” komento niya at saka inabot ang buhok nito para guluhin na umani ng reklamo mula rito.

            “I’ll run the airline. Pero kailangan ko ng kapalit sa Casa Amara.”

            Nauwi sa sabunot ang paghaplos niya sa buhok nito. “Gagawin mo akong ‘bell boy’?”

            “Aw, sh!t! Wala ka naman gagawin. Di ba suspendido ka?”

            “Lakasan mo pa,” sarkastiko niyang angil.

            “Why don’t you want Daddy to know?”

            “He just lost a friend, Rozen Gil!” Ang insensitive niya naman kung dadagdagan niya pa ang isipin nito.

            Napilit din siya ni Rozen sa huli kahit panay ang tanggi niya.

            Inirap-irapan niya ng matindi ang kapatid bago ito nilayasan. Nadatnan niya si Giovanni at Autumn sa parking lot na kausap si Amber.

            Si Giovanni lang pala ang kausap dahil simangut na simangot ang anak niya habang nakahalukipkip.

            “Mommy!” Nagliwanag ang mata ni Autumn nang makita siya.

            Umawang ang bibig ni Amber nang lingunin siya.

            “May anak na kayo?” 

“Who po ikaw?” maarteng tanong ni Autumn na lihim niyang ikinahinga ng maluwag.  Ayaw niyang itanggi ang bata ngunit ayaw niya rin umamin kay Giovanni.

            “I’m Amber.”

            Bago pa ito makapagtanong ng kung anu-ano ay inunahan niya na.

            “Babalik ka na sa Russia?”

            “Unfortunately, yes!” Amber eyed Giovanni meaningfully. “See you there? Lucian misses you.”

            “Yeah.”

            Umasim ang sikmura niya.

            “Baba mo na ako, Ser. Don’t want you anymore.” Pumasag-pasag ang paa ni Autumn kaya napilitan ibaba ni Giovanni. Humawak agad sa kanya ang anak.

            “Sorry,” nakangiwi niyang hingi ng paumanhin sa dalawa at saka nagmamadaling ipinasok ang bata sa kotse dahil baka ano pang masabi nito.

            “Mommy, I’m not done yet. Tanong ko pa iyong babae po kung girlfriend ba siya ni Sir?”

            “Why is that?”

            “Para hindi na ako isip na boyfriend mo siya para tawag ko siyang Daddy ko.”

            Napanganga siya.

            Idinikit naman ng bata ang mukha sa bintana para silipin ang dalawang nag-uusap sa labas. Sabay silang umirap ni Autumn nang makitang may pahawak-hawak pa si Amber sa braso.

            “Don’t want him anymore. Away ko talaga ‘yan po,” parang maiiyak na ang anak niya. Nakayakap na kasi si Amber kay Giovanni.

            “Hindi pwedeng tawagin mo na lang bigla na Daddy ang kahit sino,” wika niya sabay iwas ng tingin sa dalawa.

            “Wala ako Daddy. Why iyon po si Shaun meron?” tukoy nito sa anak ng kaibigan niyang si Vioxx Almeradez.

            “Meron ka naman Papa saka Diddy-Lo.”

            Tumahimik na lang ito ngunit halata sa mukha ang sama ng loob.

            Kandong niya na si Autumn nang pumasok ang ama nito.

            “Little Girl,” masuyo nitong tawag.

            Sa halip na sumagot ay nakangiwing isinubsob ni Autumn ang mukha sa dibd ib niya. Giovanni looked disappointed when he maneuvered the car.

            He looked more mature than years ago with stubble on his jaw. His messy hair was fashionably styled. Na para bang sinadya iyong guluhin.

            Ang mga kilay na makakapal ay nakadagdag sa natural na supladong bukas ng mukha nito. The straight proud nose and sensual lips were like made by a great artist.  Summer was sure he had inherited his aristocratic posture from his parents.

            Biglang lumingon sa kanya si Giovanni. Huli na para iiwas niya ang tingin kaya nagsabi na lang siya ng kung ano.

            “Hindi naman palaging ganon ang asal ni Autumn. Tinopak lang yata.”

            “She was a bubbly brat the first time I met her. Reminds me of someone I knew for years.” Sinulyapan nito ang nahihimbing na bata bago nagtaas ng tingin sa kanya. “You were like that when we were kids.”

            “I wasn’t a brat!”

            “Is she really Rozen’s daughter?”

            “Anong ibig mong sabihin?” Gumagapang ang mumunting kaba sa kanyang dibd ib.

            “She resembles you a lot.”

            “Of course! This little girl is a Vesarius.”

            Mas lalo siyang kinabahan nang hindi na umimik si Giovanni. Diretso lang ang tingin nito sa kalsada na para bang may pilit inaarok sa isipan.

            Walang nakakaalam na nagbuntis siya maliban sa pamilya niya. Kahit nga paglabas ng apartment niya sa New York ay hindi niya ginawa. Bumili ang daddy niya ng mga kagamitan para sa pagbubuntis at panganganak niya. May kinuha rin sariling Oby-gyne at private nurse.

            Ang alam ng mga kaibigan niya ay nasa military training na siya nang mga panahong iyon. Masyado siyang nasaktan at galit kay Giovanni noon na kapag nalaman nitong buntis siya ay talagang magwawala siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (28)
goodnovel comment avatar
Daisy Paclibare
haissst after how many years joke!! thanks miss A, Summer is her na.. more update please¡!;;;
goodnovel comment avatar
Yanne Bueno Nerizo
congratulations Ms P......
goodnovel comment avatar
Vanessa Bautista Erfe
Thank you po Miss A, more update po ...️
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Chasing Giovanni   Chapter 6 (Part 2)

    “Problem?” si Civ nang tuluyan makalapit sa kanila. “Leave,” Giovanni warned. Subalit kinunotan lang ito ng noo ni Civ at tinanong siya. “Is he harassing you?” “Mind your d amn business!” Giovanni’s words were laced with venom. Civ was about to remove Giovanni’s hand when her ex-husband moved like a d amn lightning. Sa isang iglap ay naibalibag nito si Percival. “Civ!” Giovanni dragged her back before she could reach the man. “Try and I’ll put a d amn bullet between his eyes!” banta nito sa nakakapanlamig na tinig. Summer tried to throw a punch and kicks, but Giovanni skillfully blocked her attacks. Ikinulong nito ang kanyang mga kamay sa mga bisig nito at paharabas na kinaladkad siya papasok ulit ng villa. “D amn you!” Hindi siya pinansin ni Giovanni bagkus ay dinampot nito sa likod ng telibisyon ang kalibre kwarenta y singko. Hinila niya ito

  • Chasing Giovanni   Chapter 6

    CHAPTER 6“LOOK me po, Tita. Look me, the baby princess!” “Ganda-ganda talaga!” Sinabayan niya ang hagikhik ni Autumn nang umikot ito para ipakita sa mga kasama niya sa Casa Amara ang maganda dress na suot. “Mommy and I are twinning po. Pretty girlies!” Hinawakan niya si Autumn sa kamay para yayain sa pwesto niya sa reception area. “Usapan natin, behave ka, ah?” Mabait naman itong tumango at naghusto na lang sa pagda-drawing. “Cute na cute talaga si Baby Girl. Kung hindi namin alam na anak ‘yan ni Rozen, iisipin talaga naman ikaw ang ina,” sabi ng kasama niya na si Althea. Makahulugan na ngumiti lang siya at inasikaso ang papalapit na bagong dating. Nagpakilala itong sekretarya ng isang Congressman. Agad niyang inasikaso ang ni-reserve nitong Villas at areas para sa team building.Madali niyang nagamay ang trabaho sa Casa Amara. Pati na rin ang pakikibagay sa mga tauhan doon. Itinago niya n

  • Chasing Giovanni   Chapter 5

    CHAPTER 5 MAKAILANG ulit ng napalunok si Summer para pigilan ang pag-iyak habang pinapanood ang pagbaba ng kabaong. Humahaya ng iyak si Tita SK—ang asawa ni Tito Handsome. Nakayakap dito ang mga anak na si Sean at Katkat. Wala ang panganay na si Vitoria Alexie—nawawala! Alejandro went to rescue his daughter from kidnappers alone. Walang kaalam-alam ang daddy niya o kahit sino sa mga kaibigan nito. May tumawag na lang sa bahay ng mga Almeradez na natagpuan ang katawan ni Alejandro sa abandonadong gusali na halos hindi na makilala. Ang ipinagtataka ni Summer ay kung paano basta-basta na lang nakuha si Vitoria Alexi? That woman is a Scout Ranger! Highly trained in combat and weapons. “Mommy!” Nagkagulo na sa sementeryo nang nahimatay ang maybahay. Hinawakan niya sa braso ang daddy niya na bagaman ay seryoso ay panay ang igting ng panga nito at mugto ang mga mata. “It’s going to be

  • Chasing Giovanni   Chapter 4

    CHAPTER 4‘MOMMY, Papa is being mean to me again!’ matinis na reklamo agad ni Autumn ang sumalubong kay Summer nang buksan niya ang voice message na ipinadala nito. ‘Ikaw ang bigla na lang nangangagat.’ Ang laki-laki na ng kapatid niya, pinapatulan pa rin ang batang maliit. ‘You said you gonna get my toy guns and lappy. Mean Papa. Bad Papa. Susumbong kita kay Diddy-Lo. Pingot ikaw ni Mimila.’ Sinenyasan ni Summer ang kabaro na susunod siya sa conference room para kausapin muna ang bulilit niya. Sumalubong sa kanya ang matambok na pisngi ng kanyang anak nang sagutin ang video call nito. Autumn Vesarius, her daughter, was pouting while clinging to Rozen’s neck. Magulo ang buhok nito kahit nakirintas. “What did you do this time, Rozen Gil?” Umiling ang kapatid niya habang namimilog ang mga mata. “Wrestling kami ni Papa!” tuwang-tuwa pang sigaw ng anak niya na hindi niya alam ku

  • Chasing Giovanni   Chapter 3

    CHAPTER 3 Tila kinumbulsyon siya sa kaluwalhatian na nadarama. Hindi pa siya nakakabawi ng hininga ay naramdaman na niya ang tuluyang pagpasok ng kahabaan nito sa bukana niya. “Oh, Giovanni. Hmn…Ah.” She felt so stretched with every thrust he made. It was a hot and pleasurable night. But what made it really special for Summer was the way Giovanni made love to her. It was gentle and she wants to think that it’s not a pure s ex. Simula ng gabing iyon ay naging maayos ang lahat sa kanila ng asawa. Mas naging malapit din sila ni Lucian at wala na siyang narinig na binabanggit ang Mommy nito. Mabibilang na lang niya sa daliri kung ilang beses sa isang buwan ito umaalis ng bansa. Sa mga akto nila ay para na talaga silang totoong mag-asawa. Mas napanatag pa siya nang malaman na may iba ng nobyo si Amber. Sa kanya na talaga si Giovanni… Iyon ang akala niya. When Amber and

  • Chasing Giovanni   Chapter 2

    CHAPTER 2 ‘Air Force sent me an invitation.’ ‘Congratulations. Go ace it!’ Summer replied with a smile while waiting at the school’s gate. Ni-click niya ang larawan ni Kelly Jane na nasa kampo ng US Airforce kung saan kita sa likuran nito ang iba’t ibang uri ng fighter jets. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdamn siya ng kahungkagan. Pagka-graduate niya sa military school, pinadalhan siya agad ng imbitasyon ng US airforce. Kung hindi lang siguro siya nagpakasal, siguro ay nasa kalagitnaan na siya ng training. “It’s okay, Summer. You’re married to the man you love for years. Kahit palagi siyang wala, ang importante ay sa ‘yo siya uuwi. Ikaw ang legal na asawa,” kumbinsi niya sa sarili. Inihanda niya ang malaking ngiti nang makita si Lucian. “Hi! How’s school?” “Okay,” tipid nitong sagot sabay pasok sa loob ng kotse. Nakapwesto na siya sa driver’s seat ay saka pa lamang ito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status