ホーム / Romance / Claimed By My Husband's Brother / CHAPTER 41: The Sudden Collapse

共有

CHAPTER 41: The Sudden Collapse

作者: GennWrites
last update 公開日: 2026-11-06 19:28:28

CHAPTER 41: The Sudden Collapse

~

MAAGANG-MAAGA pa lang ay kumatok na si Dani sa kuwarto ng kaniyang biyenan. Katatapos lang niyang tulungan ang dalawang kasambahay sa paghahanda ng almusal na ihahain sa loob ng sampung minuto.

Gaya ng nakasanayan, siya rin ang tutulong kay Doña Victoria sa paghahanda nito bago bumaba sa dining area.

“Mommy,” bati niya habang pumapasok sa kuwarto.

Katatapos lang isuot ng biyenan niya ang damit nito nang lumapit siya.

“Good timing. May gusto akong itanong sa'yo,
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 45: MALICIOUS SCHEMES

    CHAPTER 45: MALICIOUS SCHEMES—“HAHAHA...”Hindi mapigilan ni Yngrid ang tumawa nang mag-isa sa loob ng kaniyang silid habang nakatitig sa kaniyang sariling repleksyon sa salamin ng vanity table. Habang naglalagay siya kaniyang night skincare routine, ay hindi na nawala sa kaniyang mga labi ang mapang-insultong tawa na iyon.“Siguradong litong-lito ang babaeng 'yon kung bakit raw fabric lang ang nasa loob ng paper bag,” pabulong niyang usal habang may nakalokong ngisi sa kaniyang mukha.Bakas sa kaniyang mukha ang matinding pagmamalaki, na para bang may nagawa siyang isang napakadakilang bagay na dapat ipagdiwang. Subalit biglang narinig ang isang malamig at pormal na boses mula sa kaniyang likuran.“Bakit ka tumatawa nang mag-isa?”Awtomatikong tumigas ang katawan ni Yngrid. Tumingin siya sa salamin at nakita si Light na nakatayo hindi kalayuan sa kaniya, malamig at nanunuri ang mga mata habang pinagmamasdan ang bawat kilos ng kaniyang asawa.Mabilis na humarap si Yngrid. “Kanina ka

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 44: SILENT SABOTAG

    CHAPTER 44: SILENT SABOTAG~KINABUKASAN na ang araw kung kailan gaganapin ang grand anniversary event ng pamilya Del Fierro.Nang gabing iyon, pagkatapos ng hapunan, nakatayo si Yngrid sa living room habang isa-isang ipinapamigay ang mga pormal na kasuotan na dapat isuot ng lahat para sa okasyon.“Maganda, Ate Yngrid,” komento ni Irish, kahit na ang kaniyang ekspresyon ay halatang pilit at hindi masaya.Tinanggap niya ang kaniyang paper bag na may pilit na ngiti, halatang hindi iyon ang uri ng kasuotang gusto niya.Bago siya ikasal kay Raven tatlong taon ang nakalipas, kailanman ay hindi siya nasanay sa mga tradisyunal na Filipiniana. Ang mundong kaniyang ginagalawan ay napupuno ng cocktail dresses, mamahaling mga gown, at modernong formal events, lalo na noong nag-aaral pa siya sa ibang bansa.Simula lamang nang makasama siya sa pamilya Del Fierro ay kinailangan niyang magsuot ng ganitong uri ng damit tuwing may malalaking kaganapan ang angkan.Kaya ngayong hawak niya muli ang kasuo

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 43: A Growing Suspicion

    CHAPTER 43: A Growing Suspicion — BIGLANG natigilan si Drake. Mabilis ang pagtaas-baba ng dibdib niya habang pilit na naghahanap ng isasagot sa tanong ng kuya niya. Hindi niya maitago ang pagkabigla, at napansin iyon ni Light. Hindi na kailangan pang magsalita ni Drake para maintindihan niya ang lahat. Walang sinabi si Light. Tinalikuran lang niya ang nakababatang kapatid at tuluyan nang lumabas ng kuwarto. Samantala, naiwan si Drake na hindi pa rin maayos ang tibok ng puso. ‘Posible bang may alam si Kuya tungkol sa nangyari kagabi?’ Napailing siya. “Ah, imposibleng malaman niya,” mahina niyang bulong sa sarili. Napatingin siya kay Dani na wala pa ring malay sa kama. Napasinghal siya habang naaalala ang nangyari kagabi. Hindi niya akalaing aabot sa ganito ang sitwasyon. “Besides, nakipag-sex na rin naman siya sa ibang lalaki. Bakit parang napakalaking kasalanan kapag nalaman niyang may iba rin akong naka-sex?” iritadong bulong niya. — SAMANTALA... Pagbalik ni Light sa kuwarto

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 42: A Husband's Responsibility

    CHAPTER 42: A Husband's Responsibility—MABILIS na tumayo si Light mula sa kinauupuan niya. Halos matumba pa ang upuan sa sobrang pagmamadali niya nang makita si Dani na nakahandusay sa sahig. Agad niyang sinalo at inangat ang katawan ng babae.“Dani! Hey, Dani, gising!” tawag niya habang marahang tinatapik ang pisngi nito.Halatang nag-aalala si Light. Mabilis ang paghinga niya at hindi maitago sa mukha ang pagkataranta. Hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Yngrid. Bahagyang sumikip ang mga mata niya habang pinagmamasdan ang asawa.Paano naging ganoon na lang ang pag-aalala ni Light kay Dani samantalang ang mismong asawa nitong si Drake ay parang walang pakialam?Samantala, napahawak naman si Doña Victoria sa dibdib dahil sa pagkabigla. “Light! Dalhin mo siya sa kuwarto niya! Bilis!” utos ng ginang.Hindi na sumagot si Light. Maingat niyang binuhat si Dani at mabilis na umakyat sa second floor. Sumunod si Drake sa likuran nila. Naiwan si Doña Victoria na nakatingin sa hagdan bago ni

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 41: The Sudden Collapse

    CHAPTER 41: The Sudden Collapse~MAAGANG-MAAGA pa lang ay kumatok na si Dani sa kuwarto ng kaniyang biyenan. Katatapos lang niyang tulungan ang dalawang kasambahay sa paghahanda ng almusal na ihahain sa loob ng sampung minuto.Gaya ng nakasanayan, siya rin ang tutulong kay Doña Victoria sa paghahanda nito bago bumaba sa dining area.“Mommy,” bati niya habang pumapasok sa kuwarto.Katatapos lang isuot ng biyenan niya ang damit nito nang lumapit siya.“Good timing. May gusto akong itanong sa'yo,” sabi ni Doña Victoria habang naglalakad papunta sa vanity table.Agad namang hinila ni Dani ang upuan para makaupo ito. “Ano po 'yon, mommy?”Kinuha niya ang suklay sa ibabaw ng mesa at nagsimulang suklayin ang mahaba, makapal, at kulay brown na buhok ng biyenan. Tinitingnan ni Doña Victoria ang sarili sa salamin habang paminsan-minsang sinusulyapan si Dani na nasa likuran niya.“Isang buwan na mula nang ibigay ko sa'yo ang deadline para mabuntis.”Biglang natigilan si Dani. Bahagyang nanginig

  • Claimed By My Husband's Brother   CHAPTER 40: The Truth Hurts

    CHAPTER 40: The Truth HurtsTahimik ang boses ni Drake, pero masyado itong kalmado para sa mga salitang binibitawan niya. Para bang wala lang sa kaniya ang lahat, kahit alam niyang may makaririnig sa usapan nila.Napahinto si Dani sa may pintuan. Kinabahan siya sa narinig kaya dahan-dahan niyang itinulak ang pinto at pumasok. Nakatayo si Drake malapit sa balcony, nakasandal sa doorframe habang nakasuksok sa bulsa ng pantalon ang isang kamay. Hawak naman ng isa ang cellphone na nakadikit sa tainga niya.“D-Drake …” mahina niyang tawag.Ibinaba ng lalaki ang cellphone at humarap sa kaniya. Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi nito nang makita siyang nakatayo ilang hakbang ang layo.“Bakit?” malamig nitong tanong. “Nakikinig ka ba sa usapan ko?”Pinatay ni Drake ang tawag bago isinilid ang cellphone sa bulsa.Sandaling napatingin si Dani sa sahig bago muling naglakas-loob na magsalita. “Ito ba ang dahilan kung bakit gusto mong mabuntis ako sa ibang lalaki? Para makipagtalik ako sa i

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status