Mag-log inALAS nuwebe ng umaga nang magising si Bettina sa biglang pagtunog ng cellphone niya.
Masakit pa rin ang katawan niya at halos hindi siya nakatulog. Nakadilat-pikit lang siya buong magdamag, hindi tuloy-tuloy ang pahinga bago pa man sumikat ang araw.Pagtingin niya sa cellphone ay pangalan ni Elijah ang naka-flash sa screen.Napatigil siya. Hindi niya alam kung sasagutin ba niya o hahayaan na lang tumunog ito.Pero kusa na lang gumalaw ang daliri niya at sinagot niya ang tawag.Pagka-connect pa lang, agad niyang narinig ang malamig at walang emosyon na boses ni Elijah.“I tore your resignation letter. Dapat nasa law firm ka bago mag-alas diyes. Kailangan ka namin sa kaso ni Valdez.”“Elijah…”Sasabihin sana ni Bettina ang tungkol sa kalagayan niya, pero bago pa siya makapagsalita ay narinig niya ang malambing na boses ni Agatha sa kabilang linya.“Elijah, saan mo nilagay ‘yung turmeric tea ko?”“BETTINA…” Maingat ang pagkakasabi ni Regina, ngunit ramdam na ramdam ang pilit na paghinahon niyang binabalot ng pagkairita.“Ikaw talagang bata ka. Bakit ka umalis nang hindi man lang nagpapaalam? Ni hindi mo ako binisita bago ka umalis. Kailan ka ba babalik? Miss na miss ka na ng soon-to-be mother-in-law mo…”Parang may malamig na kamay na humawak sa sikmura ni Bettina. Mother-in-law? Hindi na iyon kailanman mangyayari.Mahigpit niyang hinawakan ang cellphone, halos mabasag sa bigat ng dibdib niya.Alam niya kung ano si Regina—hindi ito masuyo at hindi kailanman naging mabuti sa kanya. Suwerte na lang kay Bettina kung may araw na hindi siya sinisermonan nito o pinagsasalitaan ng masama. Kung narinig niya ang mga salitang ito noong una ay baka napaiyak pa siya sa tuwa. “Ayos lang po ako, Tita,” malumanay ngunit malayong sagot ni Bettina, halos walang buhay ang boses. “Salamat po sa pag-aalala. Ano po ba ang dahilan ng pagtawag ninyo?”Natigilan si Regina na para bang hindi siya h
HINDI sumuko si Agatha. Mabilis niyang kinuha ang cellphone at muling tinawagan si Elijah, pilit binubura ang kahihiyan na kanina pa kumakain sa kanya.The number you dialed is not in service. Please try your call later.Isang matinis na sigaw ang lumabas sa kanya. “Ah!” Halos mabitawan niya ang dalang pagkain nang ibinagsak niya ito sa upuan.Naramdaman niyang kumuyom ang mga kamao niya, mahigpit, halos bumaon na ang mga kuko sa sariling palad.“Tsk! Si Bettina talaga! Kahit wala siya rito, ginugulo pa rin niya ang buhay namin!”Pero hindi siya papayag na matalo ng babae na iyon. Hindi ngayon. Hindi kailanman.Kailangan niyang makita si Elijah ngayon, at kailangan niyang manatili sa tabi nito. Kahit anong mangyari.“Bigyan mo nga ako ng kape,” utos niya sa receptionist habang naupo sa sofa na parang siya ang may-ari ng law firm. “Freshly ground. No sugar. No milk.”Sanay na ang mga staff sa ugali ni Agatha. Sanay na sila sa pagdating niya, sa pag-aasta niyang parang fiancée ni Elijah
MARAHANG inilapag ni Nelson ang cellphone sa conference table bago siya bumaling sa kanyang mga kasamahan sa legal department upang ipaliwanag ang follow-up details ng settlement agreement.Sa isip niya, desperado lang si Elijah kaya ito nag-reply at nagtanong tungkol kay Bettina. Mas mahalaga pa rin sa kanya ngayon ang problema sa settlement case ng Luxe Sciences — masyado kasing mababa ang hinihingi ng Aleria Legal Group, halos borderline loss na para sa kanila. At higit sa lahat, hindi niya kayang lubos na intindihin kung bakit tinanggap iyon ni Evander nang walang pag-aalinlangan.Habang patuloy siyang nagpapaliwanag, biglang umilaw muli ang cellphone.A new message from Elijah.[Papunta na ako d’yan sa Cebu City!]Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakita iyon ni Evander na nakaupo lamang sa tabi ni Nelson. Sa sandaling mabasa niya ang mensahe, parang may kumislot na iritasyon sa mga mata niya. Lalong lumalim ang tingin niya, matalim, mabigat, tila nagbabanta.Dahan-dahang inang
HINDI agad maigalaw ni Bettina ang katawan niya habang nakatigtig lang siya sa screen ng cellphone ni Fiona. Parang unti-unting lumalabo ang paligid habang binabasa niya ang mga komento sa Facegram post ni Elijah.@isay21: Parang kilala ko ’yan si Bettina no’ng nag-aaral pa ako sa UST!@plxers: Ang alam ko co-founder ’yon ng Castillo Law Firm.@iamjuana: Siya yung babaeng dapat pakakasalan ni Atty. Elijah pero hindi natuloy.@crushkita01: Bakit hinahanap si Bettina? May utang ba ’to kaya tumakas? Hahaha!@j.j.cruz: Grabe naman ang judgemental niyo. Si Atty. Bettina defended me once sa kaso ko at sobrang bait niya.Naramdaman ni Bettina ang unti-unting pag-init ng mukha niya habang binabasa ang mga komento. Nagngingitngit ang panga niya, at hindi niya namalayang nagdidikit na ang mga ngipin niya sa sobrang inis. Gustuhin man niyang murahin si Elijah sa isip dahil sa galit, mukhang wala na siyang lakas para gawin iyon. “Kung makapag-comment sila, para bang kilalang-kilala nila ako,” bu
PAGKATAPOS ma-revise ni Nelson ang settlement agreement ay marahan nang pumirma si Bettina sa huling bahagi ng dokumento. Hinipan pa niya nang mahina ang ibabaw ng papel bago isinara ang folder at binigay sa assistant ni Evander para pirmahan naman ito. Ramdam niya ang unti-unting pagluwag ng dibdib niya, kahit papaano ay may nagawa siyang tama ngayong araw.Si Nelson naman ay napaupo nang bahagya, hinihingal na parang siya ang nakipagdebate kay Evander. “A-Ayos na… sa wakas,” mahina niyang sabi habang inaayos ang laptop at mga papel.Tahimik ang conference room, na tila ba nagbalik ang tunog sa loob matapos lumabas saglit si Evander dahil may kausap ito sa phone. Si Fiona ay abala sa paglalagay ng notes sa binder. Si Bettina naman ay inaabot na sana ang bag niya, handa nang lumabas nang biglang nag-ring ang cellphone ni Nelson sa mesa.Napaangat ang tingin nilang tatlo sa cellphone ni Nelson na nakapatong sa mesa. Umilaw ang screen at dahan-dahan itong umiikot dahil sa vibration.Napa
HINDI maigalaw ni Bettina ang sarili niya. Para siyang napako sa kinatatayuan niya nang magtama ang mga mata nila ni Evander Hudson. Ramdam niya ang dahan-dahang pag-akyat ng kaba mula sa sikmura niya hanggang sa dibdib, na para bang ang ingay ng tibok ng puso niya ang tangi niyang naririnig sa buong conference room.Bahagyang tumaas ang dalawang kilay ni Evander, na waring pinagmamasdan siya nang may halong pagsusuri. Nakatingin lamang ito sa kanya, para bang sinasadya nitong hayaan siyang malunod sa tensyon.Napalunok na lamang si Bettina. “O-Opo. Ako nga po si Atty. Bettina Imperial.”Isang mababa at marahang tawa ang lumabas mula kay Evander, iyon ay isang tunog na nakapagpatayo ng balahibo niya.“Hmm. Ikaw nga pala talaga si Atty. Imperial… yung tinatawag nilang ‘Imperial Ace’.”Halos sabay-sabay na napalingon ang lahat kay Bettina saka kumakabog ang pulso sa sentido ng dalaga.Imperial Ace?Hindi niya alam na gano’n pala ang tawag sa kanya sa industriya. Kadalasan kasi, pinepers







