Mag-log in
Zania Kathlynanne POV
"Umalis ka sa harapan ko, Zania! Wala akong panahon sa mga iyakan mo!" Pasigaw na bulyaw ni Lance, ang asawa ko, sabay bato ng mga damit ko palabas ng kwarto. Napaluhod ako sa sahig habang tumutulo ang luha, nanginginig sa galit at sakit na nararamdaman ko. "Mahal... nagtataka lang naman ako kung bakit gabi-gabi kang wala... kung bakit parang hindi na ako kilala ng sarili kong asawa..." garalgal kong sagot, pilit na inaabot ang kamay niya pero mabilis niya itong inalis na parang nadudumihan siya. Tumawa siya nang mapakla, tumingin sa akin na parang basura ang tingin niya. "Mahal? Tandaan mo kung bakit ka lang nakarating dito. Dahil pumayag ang pamilya ko na kunin ka kahit wala kang maipagmamalaki. Wala kang karapatang magreklamo. At isa pa... may nakita na akong mas mahalaga, mas maganda, at mas nakakatuwa kaysa sa'yo." Gumuho ang buong mundo ko. Akala ko pagpapakasal ko sa kanya ay matatapos na ang hirap ko. Akala ko ay magiging ligtas at mahal ako. Pero mali ako. Mula noon, naging alalay lang ako sa sarili kong bahay. Ginagawa ang lahat, tinitiis ang lahat ng pangmamaliit, habang siya ay parang prinsipeng gumagala kung saan-saan, umuuwi lang kapag lasing o kapag may kailangan. Isang gabi, umuwi siyang masama ang timpla, halatang galing sa gala at lulong sa bisyo. Dumiretso siya sa akin at hinawakan nang mahigpit sa braso, halos dudurog na ito. "May utang ako... malaki. At alam ko kung paano mo ito mababayaran," bulong niya sa tenga ko na may halong kasamaan. Natakot ako. "Anong ibig mong sabihin, Lance? Wala naman akong pera—" "Wala nga. Pero may halaga ka pa naman," sabi niya sabay itulak ako paharap sa pintuan na kabubukas lang. Pumasok ang isang lalaki. Matangkad, maporma, matalim ang mga mata, at puno ng awtoridad ang bawat galaw. Si Damian Vance, ang ama ni Lance. Ang lalaking kinatatakutan ng lahat, mayaman, makapangyarihan... at kilala sa pagiging walang awa. Tumayo ako at yumuko, hindi makatingin nang diretso. "Pa—Pa Damian..." Lumapit siya nang dahan-dahan, hanggang sa nasa harapan ko na siya. Inangat niya ang mukha ko gamit ang daliri niya, pinilit akong tumingin sa kanya. May kakaibang ningning sa mga mata niya — hindi galit, kundi isang uri ng pagnanasa at kapangyarihan na nakapagpalamig ng buong katawan ko. "Ang sabi ng anak ko... kaya mong bayaran ang utang niya," mababa at malalim ang boses niya, parang dagundong na tumatagos sa buto ko. Bumaba ang tingin niya mula sa mga mata ko, pababa sa buong katawan ko. "At pumirma ka na rin naman sa kontrata ng pamilyang ito, 'di ba? Exclusive ka na sa amin. Ibig sabihin... pag-aari ka namin, kahit sino sa amin." Napalunok ako at napatingin kay Lance. Nakangisi lang siya, walang bahid ng konsensya. Parang ibinebenta niya lang ako sa sarili niyang ama. "Pumirma ka, Zania," inabot ni Damian ang isang bagong dokumento, mas makapal, mas seryoso, at nakasulat sa itaas: EXCLUSIVE AGREEMENT. "Pumirma ka, at ililigtas ko ang buhay ng asawa mo. Bibigyan ko kayo ng lahat ng kailangan niyo. Pero tandaan mo... mula sa sandaling ito... hindi na kay Lance ka mapapakinabangan. Ako na ang magmamay-ari sa bawat oras, bawat galaw, at bawat parte ng pagkatao mo." Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang pluma. Ito ba ang parusa sa akin? Ang mahulog sa kamay ng ama ng lalaking nangtaksil at naghirap sa akin? Tiningnan ko si Lance, umaasang pipigilan niya ito, pero tumalikod lang siya at umalis. Wala siyang pakialam. Bumalik ang tingin ko kay Damian. Malakas ang dating niya, nakakatakot, pero sa kabila ng lahat... sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang isang bagay na matagal ko nang hinahanap: atensyon. Kahit pa ito ay nakabalot sa pagkakahigpit at pagmamay-ari. "Pumirma ka, Zania... dahil kahit anong gawin mo, akin ka na rin naman," bulong niya, sabay idinikit ang labi niya sa tainga ko. "At tandaan mo... sa oras na mapasakin ka... hinding-hindi na kita pakakawalan." Nanginig ang buong katawan ko habang isinusulat ko ang pangalan ko sa ilalim ng papel. Alam kong simula pa lang ito ng impyernong tatahakin ko. Alam kong mas masakit, mas mahirap, at mas mapanganib pa ang mga susunod na kabanata. Pero wala na akong atrasan. Dahil sa mundong kinalalagyan ko... ang tanging pagpipilian ko ay sumunod... o tuluyang masira. Pagkababa ko ng pluma, parang biglang umikot ang paningin ko. Ang pirma ko—ang pangalang Zania Kathlynanne na nakasulat sa ilalim ng Exclusive Agreement—ang naging huling selyo ng aking pagkabilanggo. Wala nang atrasan. Wala nang bawian. Mula sa sandaling iyon, hindi na ako asawa ni Lance. Hindi na ako malaya. Ako ay naging pag-aari ni Damian Vance. Kinuha niya ang dokumento, tinupi ito nang maingat, at inilagay sa loob ng kanyang itim na coat. Nang ibaling niya sa akin ang tingin, iba na ang liwanag sa kanyang mga mata. Wala na ang pag-aalinlangan. Ngayon, puno na ito ng pagmamay-ari at isang uri ng pagnanasang nakakapanghina ng tuhod. "Magandang desisyon," bulong niya, sabay haplos ng malaki at magaspang na palad sa pisngi ko. Mainit ang balat niya, at parang kuryenteng dumaloy ito mula sa mukha ko hanggang sa dulo ng aking mga daliri. "Simula ngayon, Zania, burahin mo na sa isip mo ang pangalan ng anak ko. Bawal kang sumuway. Bawal kang magtago. At higit sa lahat... bawal kang tumingin o humarap sa kanya na parang asawa ka pa niya. Dahil wala na siyang karapatan sa'yo. Ako lang ang may karapatan sa bawat hininga, bawat galaw, at bawat parte ng pagkatao mo." Napalingon ako kay Lance na nakasandal lang sa pinto, nakapamewang at nakangisi pa rin. Nang magtama ang paningin namin, imbes na awa o pagsisisi, nakita ko lang ang pandidiri at pagkatuwa sa mukha niya. Para sa kanya, isa lang akong basurang naibenta niya nang mataas ang halaga. "Wala ka nang pakialam sa kanya," parang nabasa ni Damian ang nasa isip ko. Hinawakan niya ako sa baba at pinilit na humarap nang diretso sa kanya. Ang mga mata niya—kulay itim at malalim—ay tila lumalanghap ng buong pagkatao ko. "Siya ang nagtulak sa'yo rito, kaya siya rin ang nawalan ng karapatang hawakan ka. Mula ngayon, ako lang. Ako lang ang dapat mong sundin, ako lang ang dapat mong pasalamatan, at ako lang ang dapat mong... ibigay ang lahat." Lumunok ako, nanginginig ang mga tuhod pero hindi ako umiwas. "A-anong gagawin niyo sa akin... Sir Damian?" mahina at garalgal kong tanong. Ngumiti siya—isang ngiting puno ng lihim at masidhing pagnanasa. Lumapit pa lalo ang mukha niya sa akin, halos magdikit na ang aming mga labi. Amoy ko ang mamahaling pabango niya na may halong tabako—amoy ng kapangyarihan at panganib. "Marami akong gagawin sa'yo, Zania. Mga bagay na hindi kailanman naranasan ng asawa mo. Mga bagay na ipaparamdam ko sa'yo hanggang sa makalimutan mo na kung sino ka noon, at matutunan mong maging akin lang..." Biglang sumingit si Lance, medyo nag-aalinlangan at parang nagmamadali. "Tay... nabayaran na ba ang utang ko? Tapos na ba tayo? Pwede na ba akong umalis?" Binalingan siya ni Damian ng matalim at nakakatakot na tingin, tinging parang nanliliit at kinayayamot siya. "Huwag kang mag-alala. Nabura na ang lahat ng utang mo. Malinis na ang pangalan mo. Pero tandaan mo ang babala ko: ang babae na 'yan... wala na sa iyong pangalan. Kung makita ko man lang na lumapit ka, hinawakan mo, o tiningnan mo siya nang may masamang hangarin kahit sa dulo ng daliri mo... kalilimutan mo kung paano huminga. Naiintindihan mo ba?" Kahit sarili niyang anak, walang awa ang tono ni Damian. Nakita ko ang takot na gumuhit sa mga mata ni Lance. Tumango ito nang mabilis, parang asong sunud-sunuran na dati ay matapang at mapangmata sa akin. Nakakatawa at masakit—ang lalaking aking inakalang tagapagtanggol, ngayon ay duwag na nagbenta lang naman sa akin kapalit ng sariling kaligtasan. "Umalis ka na. At huwag kang magpapakita sa bahay na ito hangga't hindi kita tinatawag," mariing utos ni Damian. Agad na tumalima si Lance. Bago siya tuluyang lumabas ng pinto, sinulyapan niya ako sandali—may halong panunukso at pagmamalaki, na parang sinasabing 'tingnan mo, ito ang nararapat sa'yo'. Nang sumara ang pinto at tumunog ang kandado, naiwan kaming dalawa lang sa malawak at tahimik na silid. Ang bigat ng hangin ay parang dumadagan sa dibdib ko. Lumapit ulit si Damian, dahan-dahan, bawat hakbang ay parang paghigpit ng lubid sa leeg ko. Umurong ako nang kaunti hanggang sa tumama ang likod ko sa malamig na pader. Wala na akong matatakbuhan. Ako ay nakulong sa pagitan ng pader at ng higante at matipunong katawan niya. "Takot ka ba, Zania?" tanong niya, habang dahan-dahang ibinaba ang kamay niya mula sa pisngi ko, papunta sa leeg, pababa sa balikat ko. Sa bawat haplos niya, parang natutunaw ang bawat lakas na natitira sa akin habang tumatagos naman ang lamig at init sa aking ugat. "Opo..." mahina kong sagot, halos pabulong na lang. "Takot po ako... pero wala na akong magagawa." Ngumisi siya at idinikit nang lubusan ang katawan niya sa akin. Ramdam ko ang bawat kurba at tigas ng katawan niya, ang init na nagmumula rito, at ang panganib na nagtatago sa likod ng bawat galaw niya. "Mabuti 'yan. Ang takot ay simula ng pagsunod. Pero sa paglipas ng panahon... papalitan ko ang takot na 'yan ng pagnanasa. At sa huli... hihilingin mo pa na huwag kitang pakawalan. Mamamatay ka sa pagnanais na manatili ka lang sa tabi ko." Hinawakan niya ang buhok ko nang marahan pero may diin, hinila ito nang bahagya upang itaas ang mukha ko at salubungin ang kanyang matalim na paningin. Ang kanyang hininga ay mainit at mabango sa aking balat. "Simula ngayong gabi, Zania... magsisimula ang iyong tunay na buhay. Ang buhay na pag-aari ko. At huwag mong asahan na magiging madali ito. Dahil ako si Damian Vance... at kapag nagmamay-ari ako ng isang bagay... sinisiguro kong walang ibang makakagamit, makahawak, o makakakita nito kundi ako lang." Nagbaba siya ng mukha at ibinulong sa tainga ko, sa boses na parang musika at sumpa nang sabay: "Handa ka na bang matutong maging akin... hanggang sa huling patak ng dugo mo? Dahil mula sa sandaling ito... ang katawan, puso, at kaluluwa mo... akin na." Napapikit ako nang mariin habang ramdam ko ang init ng labi niya na dumidikit sa leeg ko. Alam kong wala nang atrasan. Ang pirma ko ang nagkulong sa akin, at ang lalaking ito ang magpapatakbo ng lahat ng galaw ko. Pero sa kabila ng takot at bigat... may kakaibang kaba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Isang kaba na nagsasabing... kahit ito man ang pinakamasamang bagay na nangyari sa akin... baka ito rin naman ang maging pinakamatindi at pinakamahalagang bahagi ng buhay ko. Dahil ngayon... hindi na lang ako simpleng asawa na binalewala. Ngayon... ako ang pagnanasa ng lalaking kinatatakutan ng lahat. At sa ilalim ng kanyang kapangyarihan... kahit masakit, kahit mapanganib... alam kong hinding-hindi na ako muling magiging wala. TO BE CONTINUEDZania Kathlynanne POVHindi na ako nag-aksaya pa ng oras para lumingon o tumingin pabalik sa kwartong naging saksi sa lahat ng sakit at pagmamalupit na dinanas ko. Hinayaan ko na lang ang sarili kong hilahin ni Damian palayo, hawak-hawak niya ang kamay ko nang mahigpit—hindi parang dinadala lang ako, kundi parang ipinagmamalaki niya sa bawat hakbang namin palabas ng bahay na ito.Sa bawat yabag namin, naririnig ko pa ang pagmumura at pagsigaw ni Lance mula sa loob ng kwarto, parang batang inalisan ng laruan. Pero hindi na ako natinag. Wala na akong naramdaman na awa o takot para sa kanya. Ang lahat ng takot ko noon ay napalitan na ng katiyakan: wala na siyang kapangyarihan sa akin. Ang lahat ng karapatan niya—bilang asawa, bilang lalaki, bilang tao—ay binawi na ng lalaking ngayon ay kasama ko.Paglabas namin ng pinto, nakita ko ang isang itim at mamahaling sasakyan na nakahanda na. Nakaparada ito sa harapan, nakabukas na ang pinto sa likuran, at parang naghihintay lang sa amin.Sumaka
Zania Kathlynanne POVNanatili kaming nakadikit sa isa’t isa, tila huminto ang ikot ng mundo sa loob ng silid na ito. Ang bawat hininga ko ay sumasabay sa bawat buga ng mainit niyang hininga sa aking balat. Ang mga kamay niya, na dati kong kinatatakutan dahil sa awtoridad at kapangyarihan nito, ngayon ay marahang gumagala sa aking likuran, dahan-dahang tinatanggal ang bawat pira-piraso ng pader na matagal kong itinayo sa paligid ng puso ko."Wala nang atrasan, Zania..." bulong niya, parang binabasa ang bawat takot at pag-aalinlangan na natitira sa sistema ko. Itinaas niya ang mukha ko at tinitigan ako nang diretso sa mga mata, seryoso at matalim ang tingin na tila tumatagos hanggang sa kaibuturan ng kaluluwa ko. "Mula sa sandaling ito, bawal kang lumingon sa nakaraan. Bawal mong alalahanin ang buhay na mayroon ka kasama ang anak ko. Dahil sa bawat sandali na kasama kita, sisiguraduhin kong makakalimutan mo ang lahat ng pangalang tinawag sa'yo maliban sa isa... ang tawag ng babae ko."
Zania Kathlynanne POVHindi pa rin ako makahuma nang tuluyan nang maramdaman ko ang bawat init ng katawan niya na dumidikit sa akin. Ang bawat hininga ni Damian ay parang apoy na tumatama sa balat ko, habang ang mga kamay niya ay dahan-dahang gumagapang mula sa aking buhok pababa sa likod ng aking leeg, dahilan upang manginig ang buong sistema ko."Sir Damian... p-pakiusap..." bulong ko, hindi ko alam kung humihingi ba ako ng awa o kung ano ang ibig kong sabihin. Ang totoo, wala akong alam. Ang isip ko ay gulong-gulo, pero ang katawan ko ay tila may sariling isip na sumasabay sa bawat galaw niya.Tumawa siya nang mahina—isang halakhak na malalim at parang galing sa kailaliman ng lalamunan niya. Dahan-dahan niyang inilayo nang kaunti ang mukha niya upang tignan ako nang maigi, habang ang mga daliri ay nananatili sa aking balat, humahaplos at naglalarawan ng mga linya sa aking panga at leeg."Pakiusap? Ano ang pakiusap, Zania? Na tigilan ko na? O na ibigay ko na ang lahat ng ipinangako
Zania Kathlynanne POV"Umalis ka sa harapan ko, Zania! Wala akong panahon sa mga iyakan mo!"Pasigaw na bulyaw ni Lance, ang asawa ko, sabay bato ng mga damit ko palabas ng kwarto. Napaluhod ako sa sahig habang tumutulo ang luha, nanginginig sa galit at sakit na nararamdaman ko."Mahal... nagtataka lang naman ako kung bakit gabi-gabi kang wala... kung bakit parang hindi na ako kilala ng sarili kong asawa..." garalgal kong sagot, pilit na inaabot ang kamay niya pero mabilis niya itong inalis na parang nadudumihan siya.Tumawa siya nang mapakla, tumingin sa akin na parang basura ang tingin niya. "Mahal? Tandaan mo kung bakit ka lang nakarating dito. Dahil pumayag ang pamilya ko na kunin ka kahit wala kang maipagmamalaki. Wala kang karapatang magreklamo. At isa pa... may nakita na akong mas mahalaga, mas maganda, at mas nakakatuwa kaysa sa'yo."Gumuho ang buong mundo ko. Akala ko pagpapakasal ko sa kanya ay matatapos na ang hirap ko. Akala ko ay magiging ligtas at mahal ako. Pero mali ak







