Share

CHAPTER 4

Penulis: Truly_yours
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-05 13:55:40

Elara's P.O.V.

Ilang minuto na ang nakakalipas mula nang umalis si Mr. Montenegro, pero hanggang ngayon, tila napako pa rin kami sa aming mga upuan. Parang may iniwang multo ang presensya niya—isang tahimik pero nakakabinging tensyon na nagpaparalisa sa amin.

Ilang segundo pa, sabay-sabay na gumalaw ang lahat, halos nag-uunahan na lapitan si Jhon—ang bagong hire sa IT department. Dalawang linggo pa lang siyang nagtatrabaho sa kumpanya namin, pero ngayon, para siyang naging instant celebrity.

“Jhon! Totoo ba?” Agad na tanong ni Ms. Leah, halatang hindi makapaniwala. Kita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Jhon, halatang hindi pa siya fully updated kung ano na bang tsismis ang umiikot tungkol sa kanya. Pero bago pa man siya makasagot, sunod-sunod nang bumato ng tanong ang iba.

“Ikaw yung anak ni Mr. Montenegro na nagtatrabaho dito?”

"Hindi ka man lang nagsabi! Nasungitan pa naman kita nung isang araw!" sumbat ni Mix bago malakas na hinampas ang braso ni Jhon—na agad ding binawi matapos marealize kung sino nga pala ang hinampas niya. “Ay, sorry.”

"Sabi ko na eh! Kaya pala Montenegro ang apelyido mo. Anak ka pala ni Mr. Montenegro! Pero in fairness, hindi halata—joke lang!" sabat naman ni Maris bago tumawa nang malakas.

Napairap ako. Ang bilis talaga mag-jump to conclusions ng mga ‘to, parang walang konsepto ng fact-checking. Wala naman kasing sinabi si Mr. Montenegro kung sino mismong anak niya. Ang alam ko lang, nagkataon lang na si Jhon ang pumasok sa eksena habang pinag-uusapan ang anak ni boss. Ang dami namang tao sa kumpanya, pero dahil lang may apelyidong "Montenegro" si Jhon, siya na agad? Eh paano kung coincidence lang?

O baka naman siya talaga?

Ewan.

Tiningnan ko si Jhon, na halatang balisa. Hindi niya man lang dine-deny o kinoconfirm ang issue—ang awkward niya lang na nakangiti habang ginagawang circus ang buong pagkatao niya.

“Ahh—” hilaw na tumawa siya bago napakamot sa ulo, tila may gusto siyang sabihin pero hindi makasingit sa dami ng nag-iingay sa paligid.

“Jhon, single ka ba?” biglang singit ni Jen, sabay pulupot ng kamay sa braso ni Jhon. Kita ko ang agad na pamumula ng mukha niya—halatang caught off guard. Pero hindi ko rin maiwasang mapangiti. Simula pa lang, alam ko nang may gusto si Jhon kay Jen. Ang kaso, mukhang ngayon lang napansin ni Jen ang existence niya.

Napatawa ako at napailing. "Typical gold digger," bulong ko sa sarili.

Hindi ko na lang sila pinansin at binalik ang atensyon ko sa report na ginagawa ko. Pero wala pang isang minuto, biglang sumulpot si Mix sa tabi ko.

“Oy, bakla! Alam mo ba? Akala ko talaga si Theo 'yung anak ni Mr. Montenegro na tinutukoy niya kanina!”

Kumunot ang noo ko pero hindi ako tumigil sa pagtitipa. “Theo?” tanong ko, hindi iniaangat ang tingin mula sa screen.

“Oo! Ay, hindi ko ba nabanggit? Siya yung bagong hire sa kabilang department—yung gwapo!” Excited pang sinabayan ni Mix ng isang playful na hampas sa braso ko. Napataas ang kilay ko.

"Ahh." Tanging sagot ko lang bago binalik ang tingin sa screen.

“Ahh? ‘Yan lang reaksyon mo?” Hindi ko man siya tinitingnan, pero alam kong inirapan niya ako.

“Mamaya ka na kasi mag-marites d’yan. Kailangan ko tapusin ‘tong report ko.” Inis kong tinap ang backspace sa keyboard nang mapansin kong naitype ko ang isang bagay na wala naman dapat sa report—"Theo."

P*****a.

Mabilis kong binura ang pangalan niya at pilit na binalik ang atensyon ko sa report. Pero kahit anong gawin ko, parang nabu-bully ako ng sarili kong utak—ang lintek na pangalang ‘Theo’ paulit-ulit na pumapasok sa isip ko, na parang may sariling buhay.

Sino ba kasi ‘tong Theo na ‘to? At bakit biglang inisip ni Mix na siya ang anak ni Mr. Montenegro?

Napabuntong-hininga ako at bahagyang iniangat ang ulo ko. Sakto namang bumungad sa paningin ko si Mix, na nakapamewang at may knowing smirk sa labi.

"Ano na? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo, bakla?" panunudyo niya.

"Wala." Umirap ako at binalik ang tingin sa screen, kahit na wala naman akong natitype.

"Wala raw, pero na-type niya sa report niya ‘yung ‘Theo.’" pabulong pero may diin niyang sabi bago suminghap ng hangin na parang nakadiskubre ng chismis of the year. "Elara, may tinatago ka sa amin?"

"Gagi, hindi! Na-distract lang ako!" mabilis kong tanggi.

"Hmm... baka naman hindi lang basta distraction, baka manifestation?" sarkastiko niyang bulong sabay wiggle ng kilay.

"Manifest ka diyan—wala akong pakialam sa kung sino man ‘yang Theo na ‘yan, okay?" Napalakas ang boses ko kaya napalingon ang ilang officemates namin. Pinandilatan ko si Mix na natatawa lang sa reaksyon ko. Pero hindi pa siya tapos. Mas lalo pa siyang lumapit at inaninag ang mukha ko na parang may hinahanap.

"Hmm... so hindi mo talaga kilala? Eh di sino ‘yung gwapong lalaki kanina sa kabilang department na nahuli ka ni Mr. Montenegro na nakatingin doon?" Mapang-asar niyang sabi, sabay irap.

"Hindi ahh! Hindi ako nakatingin don, napabaling lang!" Mabilis kong tanggi, pero parang ang sarili kong utak hindi rin kumbinsido.

Muling nag-play sa isip ko ‘yung eksena kanina—yung nakakahiyang eksina kanina. Hindi naman ako intentional na napalingon, okay? Na distract lang ako! Dahil ang magaling na lalaki na yun… yung lalaki don sa elevator na siyang dahilan kaya ko nakita ang mga taong dapat matagal ng patay!

Wait lang. Siya nga kaya ‘yung Theo? At kung siya nga… Bakit parang biglang nagbago ang atmosphere sa buong kwarto?

Halos kasabay ng realization ko, bumukas bigla ang pinto ng opisina. At doon, sa threshold, nakatayo ang isang lalaki.

Mataas. Matikas ang tindig. Nakasuot ng simpleng long sleeves na nakatupi hanggang siko, pero kahit simple ang porma, may dating—yung tipong effortless. Masasabing corporate pero may bahid ng casual confidence. May itsura at ayon na naman ang pabango niyang amoy Sandalwood. Vanilla. Ugh!

Okay, fine. Hindi lang "may itsura"—as in, nakakabwiset na tipo ng gwapo. Yung may lakas ng loob maging maganda sa kahit anong anggulo, na parang hindi alam kung paano maging pangit kahit saglit.

"Ayun na! Siya ‘yung sinasabi ko, bakla!" bulong ni Mix, sabay siko sa akin.

Bakit parang may weird na energy shift sa kwarto? O ako lang ‘to?

Bumalik na naman sa alaala ko ang mga nakakahiya kong eksena sa elevator—at pati ‘yung kanina lang! Napailing ako, saka pinaikot ang mga mata bago mabilis na tumingin sa screen, kunwari’y abala, kahit na ang totoo, wala naman akong maintindihan sa report na nasa harapan ko.

Narinig ko ang boses ni Ms. Leah na sinalubong siya. “Oh, Theo! Dito ka pala. Hinahanap ka ni Sir.”

Mula sa gilid ng paningin ko, kita kong bahagya siyang tumango at lumapit. Hindi ko alam kung anong meron, pero parang biglang nagbago ang atmosphere sa buong office.

At ang mas nakakainis?

Pakiramdam ko, may mas malaking problema akong kasabay na pumasok sa kwartong ‘to.

May sumpa yata ang lalaking ‘yon.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 30

    Elara's P.O.V.Mariin akong napalunok nang makita ang pawis niya. From his neck, pababa sa matigas niyang dibdib na para bang binuhusan ng mantikilya. Sobrang kinis. Sobrang macho. Literal na nalulusaw na ang utak ko. At ‘yung amoy niya?Sandalwood vanilla. Ang signature smell niya. Hindi ko nga alam kung pabango ba ‘yon o natural scent niya, pero nakaka-addict. It smelled like warmth, danger, and a very expensive kind of lust.Parang gusto kong langhapin habang buhay. Hindi ko alam kung paano pero nakadagan na siya sa akin ngayon. His body heavy, warm, and alive. Ramdam ko ang bigat niya, ang init ng hininga niya sa pisngi ko. One arm braced above my head, the other tracing shapes on my bare thigh.“You’re soft,” he whispered, his voice gravelly. “So soft.”Hindi ako makasagot. Parang tinutunaw ng presence niya ang buong pagkatao ko. Ang tingin niya? Makalaglag-panty. Ang lips niya? Not too red pero mukhang malambot, yung tipong isang halik lang, busog ka na. Literal na busog ka n

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 29

    Elara's P.O.V. Halos mag-t-twenty-five hours na rin simula noong pumayag ako sa gustong mangyari ni Ms. Yannie. At grabe... literal na bed rest lang ang ginagawa ko! Nakakabagot. Nandito lang ako sa loob ng guest room—na kwarto ko na rin ngayon. At guess what? Para akong donya na nakahilata lang buong araw. Pero this time, choice ko ’to. Wala lang, ganito siguro talaga kapag buntis? Nakakatamad bumangon, pero nabobored din ako kakahiga. Ano bang pwedeng gawin? Hmm? Alam ko na! Yung cellphone ko... "Yung cellphone ko? Nandito lang yun ah... Ay, oo nga pala." Napabuntong-hininga na lang ako nang maalalang kinumpiska pala ’yon ni Ms. Yannie dahil halos di na ako natulog kagabi kakapanood ng K-drama. Daig ko pa ang grounded na teenager sa sitwasyon kong to. Siyempre, sabi ni lola, bad daw para kay baby. Pero ang boring talaga! I need my phone now. Mabilis kong pinindot ang bell button. Sinadya nilang ikabit ’yon dito sa kama para sa emergency purposes daw—so ako, this is an emergenc

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 28

    Elara's P.O.V.Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo—pero mali yatang ginawa ko 'yon dahil mas lalo lang akong nahilo.Damn this pregnancy! Ugh!Mariin akong napapikit. At nang unti-unting bumalik sa dati ang paningin ko, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis kong binuksan ang pinto...“B-Bakit...? Bakit hindi ko mabuksan? Letche.” Wag mong sabihing balak pa nila akong ikulong dito?!“Nalintikan na...” Parang biglang nanghina ang tuhod ko nang makumpirmang naka-lock nga ang pinto. Ganito na ba ang bagong paraan ng pag-welcome ng bisita?Saglit akong lumayo sa pinto at bumuntong-hininga. Kalma, Elara. Sabi ng doctor, this is not good for your health—and for the baby. I know, I didn’t expect to have a baby this early and everything was unexpected and shocking... pero nandito na ’to, and I already decided to have this baby with me. Wala naman siyang kasalanan sa lahat ng ’to. My baby is also a victim.So, calm down, Elara. Calm down...Pero punyeta, sino bang niloloko ko? Kahit gaa

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 27

    Elara's P.O.V."Ano?" Napamaang kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko nabingi na yata ako.Pretend to be his what...?"I know it's too much to ask but my mom won't stop bothering you if hindi ka papayag." Saglit akong natigilan nang hawakan niya ang kamay ko. Para akong napaso. Mabilis akong nag-iwas ng tingin pero hawak niya pa rin ang kamay ko.Hindi ako gumalaw. Nakatulala lang ako—feeling ko para akong robot na na-overheat."Hindi sa tinatakot kita but my mom... She's capable of something na kahit ako hindi kayang pigilan..." Nang makabawi ako, mabilis kong hinugot ang kamay ko sa pagkakahawak niya at mariing napakuyom—not because I was angry, but because ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko."Just until the baby's born and undergo DNA test... just until then." Mariin akong napapikit. Feeling ko kapag nagsalita pa ako, manginginig na ang buong katawan ko. Hindi ako pwedeng mag-breakdown sa harap niya!Ano bang problema ko? Si Theo lang naman ang kausap ko. Ano bang nangyayari sa

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 26

    Elara’s P.O.V.“Ano kayang pinag-uusapan nila? Kanina pa ‘yan ah…” bulong ko habang hindi maalis ang tingin sa direksyon nina Ms. Yannie at Theo.Nasa kabilang dulo sila ng garden—masyadong absorbed sa isa’t isa. Hindi ko marinig ang usapan nila, pero sa bawat kunot ng noo ni Theo at mahinang tango ni Ms. Yannie, ramdam kong may alam silang hindi ko alam. At mukhang wala silang balak sabihin.Parang may sarili silang mundo. At ako? Naiwan sa gilid. Parang extra sa sariling kwento ko.“Mix…” mahinang tawag ko, sinusubukang agawin ang atensyon niya kahit halatang enjoy na enjoy siya sa pagbibigay ng side comments sa paligid. “Uwi na kaya tayo?”Napalingon siya saglit. “Ngayon?” bulong niya, kunot ang noo. “Eh dai, paano tayo uuwi? Ni hindi nga natin alam kung nasaang lupalop na tayo ng Pilipinas!”Napabuntong-hininga na lang ako.“Kanina pa kasi tayo dito…” simula ko, sabay napailing. Simula pa nung sinabi ni Theo na maghintay kami… sumunod lang ako. Just like that? Napapikit ako sa ini

  • Cluelessly Yours    CHAPTER 25

    Elara’s P.O.V."So, you are Elara?" tanong ng babaeng sa tansya ko ay nasa mid-40s. Nakasuot siya ng eleganteng formal dress—Dior, for sure. Yung cut, yung tela, yung fitting—luxury written all over it. Pero ang mas nakakasilaw sa lahat ay ang suot niyang Bvlgari Serpenti set—hindi lang necklace kundi buong koleksyon. Legit. Real. Hindi ito costume jewelry.Ibig sabihin, hindi ito kidnap. Hindi ito scam. Pero… anong kailangan niya sa ‘kin?Alangan akong napatingin kay Mix. Nagtama ang paningin namin. Tumango siya, parang sinasabing go ahead."O-opo," sagot ko, halos pa bulong. Mariin akong napalunok, saka palihim na kumapit sa braso ni Mix, seeking stability sa gitna ng kalituhan.Dinala kami ng tatlong lalaking kasama namin papunta sa isang bahay—well, mansion talaga. Hindi ko alam kung nasaan kami. Hindi pamilyar ang mga dinaanan naming daan. Pero isang bagay ang sigurado—nasa ibang mundo na kami.Ang mansion ay parang eksena sa movie. Napakalaki, napakaganda. Para kang nasa Europe,

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status