Elara's P.O.V.
Mabilis kong inayos ang sarili habang nakatayo sa harapan ng meeting room. Kahit ilang beses ko nang ginagawa ito, hindi ko pa rin mapigilan ang kaba. Minsan talaga, kahit gaano ka kahanda, may parte pa rin sa 'yo na nangangamba. Huminga ako nang malalim at hinigpitan ang hawak sa folder ng marketing report ko. Kaya mo ‘to, Lara. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang mahinang ingay ng mga usapan—pero agad ding tumahimik ang lahat nang makita ako. Ang ilan ay walang emosyon, ang iba ay halatang gusto nang matapos ito. Normal lang 'to. Huwag kang magpapaapekto. Ngumiti ako at dumiretso sa harapan. Si Mix naman ay tahimik na inayos ang laptop na nakakonekta sa projector, sinisiguradong handa ang slides ko. Nang matapos siya, tumango siya sa akin bago bumalik sa kanyang upuan. Huminga ako nang malalim. “Magandang umaga po sa lahat,” bati ko bago ipakita ang unang slide. “Para sa buwan na ito, nagkaroon ng pagtaas sa—” Biglang bumukas ang pinto ng meeting room. Sabay-sabay kaming napatingin sa direksyon ng ingay. Agad akong kinabahan, lalo na nang makita kong isang pares ng makintab na itim na leather shoes ang unang lumitaw. Sumunod ang maingat ngunit confident na hakbang—tila kay gaan ng kilos niya, pero parang biglang bumigat ang buong silid sa presensya niya. Si Theo. Napako ang tingin ko sa kanya, bahagya akong nakahinga. Grabe na nga ang kaba ko sa report, agaw-eksena pa siya. Wala akong pakialam kung sino siya—kahit anak pa siya ng boss o ano, hindi iyon excuse para maging late. Bagong salta pa lang siya, late na agad? Pero habang tinitingnan ko siya… may isang bagay na parang hindi tama. Hindi ko agad maipaliwanag, pero may kung anong nagdulot ng biglang pagkabog ng dibdib ko. Ang pantalon niya. Itim na slacks, perpektong bumagay sa kanya. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang burda. Sa gilid ng bulsa niya, may maliit na burdang initials—MT. Napasinghap ako. Biglang bumalik sa isip ko ang isang alaala… Ang tren. Ang masikip at siksikang espasyo, ang biglaang pagliko, at—ang burdang MT sa pantalon ng lalaking hindi ko nakita ang mukha. Nalipat ang tingin ko sa maumbok na bagay na iyon. Biglang nag-init ang mukha ko. Napalunok ako. Bahagya napailing. “Shocks.” Nanlamig ang palad ko. Napalunok ako. Hindi. Hindi puwedeng siya ‘yun. Pero… sigurado ako. Ganyan na ganyan ang burda sa pantalon ng lalaking iyon! "Lara, bhe. Ayos ka lang?" bulong ni Mix, bahagyang yumuko palapit sa akin. Napansin niya sigurong nakatulala ako. "Ano bang tinitingnan mo?" Doon ko lang napansin—lahat ng tao sa meeting, kunot-noong nakatingin sa akin. Halos gusto ko nang magpalamon sa lupa. Mabilis kong iniwas ang tingin kay Theo at pilit na ipinagpatuloy ang report ko, kahit na gulong-gulo pa rin ang utak ko. Pagkatapos ng meeting, pilit kong pinakalma ang sarili at hinintay na makalabas silang lahat. “Good job,” sabi ni Ms. Leah sabay tapik sa balikat ko. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat. “Tara na, bhe,” yaya sa akin ni Mix. “Sige, mauna ka na. Ayusin ko lang ’to,” dahilan ko sa kanya—pero ang totoo, parang napako ako sa kinatatayuan. Naramdaman ko pa ang bahagyang pagsulyap sa akin ni Theo, pero sinikap kong huwag siyang balingan ng tingin. At nang matiyak kong nakalabas na silang lahat, doon ko na lang naramdaman ang bigat ng lahat at nanlupaypay. “Nakakahiya!” mahina kong impit habang nakakapit sa lamesa at inuuntog-untog ang ulo ko. Lupa, lamunin mo na ako! Habang abala ako sa pag-untog ng noo ko sa lamesa, narinig ko ang mahinang tikhim mula sa likuran. Napakurap ako at agad na napatingin—at doon, nakatayo si Theo. Nakapamulsa, seryoso, pero bahagyang nakangiwi, parang natatawa. “Sigurado ka bang ’di ka masasaktan niyan?” aniya, tinutukoy ang ginagawa kong pag-untog sa sarili kong ulo. Mabilis akong umayos ng tayo, nag-isip ng pwedeng maidahilan—pero wala! “Naiwan ko ’to,” sabi niya sabay taas ng hawak na envelope. Saka siya tumalikod at lumakad papalabas. Pero bago siya tuluyang lumabas ng conference room, saglit siyang huminto sa may pintuan. “By the way,” lumingon siya, ang mga mata niya may kung anong hindi ko mabasa. “You did well kanina.” At bago ko pa maisip ang isasagot ko, nawala na siya sa paningin ko. Napabuntong-hininga ako, hawak ang dibdib kong hindi pa rin makalma. Ano ’yun? At bakit parang lalo lang akong nahulog sa lalaking dapat ay hindi ko iniisip? Habang naglalakad ako sa hallway, pilit kong inaalis sa isip ko ang tungkol kay Theo—pero hindi ko kaya. Paulit-ulit kong naiisip ang paraan ng pagsulyap niya kanina, ang mga salitang binitiwan niya bago lumabas ng conference room. You did well. Simple lang naman, pero bakit parang may iba? Napabuntong-hininga ako at umiling. Tama na, tama na! Kailangan ko nang itigil ’to. Pero habang nag-iisip ako ng paraan para idistract ang sarili, napadaan ako sa isang kwarto at agad akong natigilan nang mapansing bahagyang nakabukas ang pinto. Sa loob, may dalawang tao—si Mr. Montenegro. Napakunot ang noo ko. Kanina pa ako nandito, pero ni anino niya, hindi ko na nakita. Hindi ba umalis na siya? Bakit nandito pa siya ngayon… at bakit kasama niya si Theo? Mabilis akong umatras at nagtago sa likod ng isang pader. Dahan-dahan akong sumilip mula sa distansya, sinusubukang intindihin ang nangyayari. Hindi ko marinig ang usapan nila, pero base sa kilos ni Mr. Montenegro, may kung anong mahigpit siyang inuutos kay Theo. Kita sa ekspresyon niya ang awtoridad, pero si Theo… nanatiling malamig ang mukha, parang matigas ang loob, hindi nagpatinag. Napatingin ako sa kamay ni Theo—ang envelope na hawak niya kanina, iniabot niya kay Mr. Montenegro. Pero sa halip na kunin ito, nanatili lang si Mr. Montenegro sa kinatatayuan niya, hindi tinanggap ang sobre. Parang may kung anong hindi ko maintindihan sa pagitan nilang dalawa. Para bang hindi lang basta empleyado at boss ang ugnayan nila. Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Mix kanina. Hindi kaya…? Si Theo… siya ba ang tinutukoy ni Mr. Montenegro na anak niya?Elara's P.O.V.Mariin akong napalunok nang makita ang pawis niya. From his neck, pababa sa matigas niyang dibdib na para bang binuhusan ng mantikilya. Sobrang kinis. Sobrang macho. Literal na nalulusaw na ang utak ko. At ‘yung amoy niya?Sandalwood vanilla. Ang signature smell niya. Hindi ko nga alam kung pabango ba ‘yon o natural scent niya, pero nakaka-addict. It smelled like warmth, danger, and a very expensive kind of lust.Parang gusto kong langhapin habang buhay. Hindi ko alam kung paano pero nakadagan na siya sa akin ngayon. His body heavy, warm, and alive. Ramdam ko ang bigat niya, ang init ng hininga niya sa pisngi ko. One arm braced above my head, the other tracing shapes on my bare thigh.“You’re soft,” he whispered, his voice gravelly. “So soft.”Hindi ako makasagot. Parang tinutunaw ng presence niya ang buong pagkatao ko. Ang tingin niya? Makalaglag-panty. Ang lips niya? Not too red pero mukhang malambot, yung tipong isang halik lang, busog ka na. Literal na busog ka n
Elara's P.O.V. Halos mag-t-twenty-five hours na rin simula noong pumayag ako sa gustong mangyari ni Ms. Yannie. At grabe... literal na bed rest lang ang ginagawa ko! Nakakabagot. Nandito lang ako sa loob ng guest room—na kwarto ko na rin ngayon. At guess what? Para akong donya na nakahilata lang buong araw. Pero this time, choice ko ’to. Wala lang, ganito siguro talaga kapag buntis? Nakakatamad bumangon, pero nabobored din ako kakahiga. Ano bang pwedeng gawin? Hmm? Alam ko na! Yung cellphone ko... "Yung cellphone ko? Nandito lang yun ah... Ay, oo nga pala." Napabuntong-hininga na lang ako nang maalalang kinumpiska pala ’yon ni Ms. Yannie dahil halos di na ako natulog kagabi kakapanood ng K-drama. Daig ko pa ang grounded na teenager sa sitwasyon kong to. Siyempre, sabi ni lola, bad daw para kay baby. Pero ang boring talaga! I need my phone now. Mabilis kong pinindot ang bell button. Sinadya nilang ikabit ’yon dito sa kama para sa emergency purposes daw—so ako, this is an emergenc
Elara's P.O.V.Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo—pero mali yatang ginawa ko 'yon dahil mas lalo lang akong nahilo.Damn this pregnancy! Ugh!Mariin akong napapikit. At nang unti-unting bumalik sa dati ang paningin ko, hindi na ako nagdalawang-isip pa. Mabilis kong binuksan ang pinto...“B-Bakit...? Bakit hindi ko mabuksan? Letche.” Wag mong sabihing balak pa nila akong ikulong dito?!“Nalintikan na...” Parang biglang nanghina ang tuhod ko nang makumpirmang naka-lock nga ang pinto. Ganito na ba ang bagong paraan ng pag-welcome ng bisita?Saglit akong lumayo sa pinto at bumuntong-hininga. Kalma, Elara. Sabi ng doctor, this is not good for your health—and for the baby. I know, I didn’t expect to have a baby this early and everything was unexpected and shocking... pero nandito na ’to, and I already decided to have this baby with me. Wala naman siyang kasalanan sa lahat ng ’to. My baby is also a victim.So, calm down, Elara. Calm down...Pero punyeta, sino bang niloloko ko? Kahit gaa
Elara's P.O.V."Ano?" Napamaang kong tanong sa kanya. Pakiramdam ko nabingi na yata ako.Pretend to be his what...?"I know it's too much to ask but my mom won't stop bothering you if hindi ka papayag." Saglit akong natigilan nang hawakan niya ang kamay ko. Para akong napaso. Mabilis akong nag-iwas ng tingin pero hawak niya pa rin ang kamay ko.Hindi ako gumalaw. Nakatulala lang ako—feeling ko para akong robot na na-overheat."Hindi sa tinatakot kita but my mom... She's capable of something na kahit ako hindi kayang pigilan..." Nang makabawi ako, mabilis kong hinugot ang kamay ko sa pagkakahawak niya at mariing napakuyom—not because I was angry, but because ramdam ko na ang panginginig ng kamay ko."Just until the baby's born and undergo DNA test... just until then." Mariin akong napapikit. Feeling ko kapag nagsalita pa ako, manginginig na ang buong katawan ko. Hindi ako pwedeng mag-breakdown sa harap niya!Ano bang problema ko? Si Theo lang naman ang kausap ko. Ano bang nangyayari sa
Elara’s P.O.V.“Ano kayang pinag-uusapan nila? Kanina pa ‘yan ah…” bulong ko habang hindi maalis ang tingin sa direksyon nina Ms. Yannie at Theo.Nasa kabilang dulo sila ng garden—masyadong absorbed sa isa’t isa. Hindi ko marinig ang usapan nila, pero sa bawat kunot ng noo ni Theo at mahinang tango ni Ms. Yannie, ramdam kong may alam silang hindi ko alam. At mukhang wala silang balak sabihin.Parang may sarili silang mundo. At ako? Naiwan sa gilid. Parang extra sa sariling kwento ko.“Mix…” mahinang tawag ko, sinusubukang agawin ang atensyon niya kahit halatang enjoy na enjoy siya sa pagbibigay ng side comments sa paligid. “Uwi na kaya tayo?”Napalingon siya saglit. “Ngayon?” bulong niya, kunot ang noo. “Eh dai, paano tayo uuwi? Ni hindi nga natin alam kung nasaang lupalop na tayo ng Pilipinas!”Napabuntong-hininga na lang ako.“Kanina pa kasi tayo dito…” simula ko, sabay napailing. Simula pa nung sinabi ni Theo na maghintay kami… sumunod lang ako. Just like that? Napapikit ako sa ini
Elara’s P.O.V."So, you are Elara?" tanong ng babaeng sa tansya ko ay nasa mid-40s. Nakasuot siya ng eleganteng formal dress—Dior, for sure. Yung cut, yung tela, yung fitting—luxury written all over it. Pero ang mas nakakasilaw sa lahat ay ang suot niyang Bvlgari Serpenti set—hindi lang necklace kundi buong koleksyon. Legit. Real. Hindi ito costume jewelry.Ibig sabihin, hindi ito kidnap. Hindi ito scam. Pero… anong kailangan niya sa ‘kin?Alangan akong napatingin kay Mix. Nagtama ang paningin namin. Tumango siya, parang sinasabing go ahead."O-opo," sagot ko, halos pa bulong. Mariin akong napalunok, saka palihim na kumapit sa braso ni Mix, seeking stability sa gitna ng kalituhan.Dinala kami ng tatlong lalaking kasama namin papunta sa isang bahay—well, mansion talaga. Hindi ko alam kung nasaan kami. Hindi pamilyar ang mga dinaanan naming daan. Pero isang bagay ang sigurado—nasa ibang mundo na kami.Ang mansion ay parang eksena sa movie. Napakalaki, napakaganda. Para kang nasa Europe,