Share

Chapter 4- TEMPTATION

"Mano po, Inay." Nakimano na rin ako tulad ni Ivan.

Nakangiti ang babae na sa tingin ko ay nasa edad na 40. "Ikaw ba si Trish?"

"Opo, Tita."

"Mabuti at pinayagan ka ng magulang mo pumunta dito." Ngumiti na lang ako. Hindi naman alam ng parents ko na narito ako sa place ng boyfriend ko. At mas lalong hindi nila alam na may boyfriend na ako.

Matapos akong ipakilala ni Ivan sa pamilya niya ay umalis na rin kami. Baka kasi hanapin na ako sa bahay kasi hapon na rin naman kaya nagpaalam na kaming pabalik sa Manila.

Hanggang sa dumating na ang pasukan, college na ako ngayon. My parents want me to be an engineer, but it's not something I'm interested in. I beg and plead with them to let me pursue the career path of my choice. In the end, my parents agreed with the course I had chosen for myself.

At dahil sa kagustuhan ko na mag-dorm ay pinayagan naman ako kaagad ni Papa.

"Oh, anak. Mag-iingat ka rito, ha? Sigurado ka na ba talaga na gusto mong mag-dorm?" kuryosong tanong ni Papa.

"Opo, Pa. Thank you po talaga." Sabay yakap ko sa kanila ni Mama na nakangiti sa akin.

"Mahihirapan ka, wala dito si Ate Lota mo," sabat naman ni Mama.

Ngumiti ako sa kanilang dalawa at yumakap. "Huwag na po ninyo akong alalahanin, malaki na po ako at kaya ko na ang sarili ko." My dad kissed me on my head and says, "Sige, basta ang mga bilin namin huwag mong kalilimutan. Mag-iingat ka rito."

Lumipas pa ang mga taon, hanggang sa naging 3rd year college na ako. Naipaglaban ko ang gusto kong kurso sa mga magulang ko. Business Administration ang kinuha kong kurso pati na rin si Clyde. Palagi kaming magkasama sa kahit saan, na madalas rin namin pag-awayan ni Ivan. Ang closeness naming dalawa ni Clyde. Lalo pa at tutol ito sa na magkaroon kami ng relasyon ni Ivan kaya para silang aso at pusa.

"Trish, hindi ako natutuwa na palagi mo siyang kasama, kahit anong sabihin mo, lalaki pa rin iyan! May t*t*, doble kara, at hindi ako magiging komportable na kasama mo siya."

"Heto na naman tayo, pagtatalunan na naman ba natin si Clyde? Nakita mo naman siya, 'di ba? Lalaki ang gusto no'n." Pagtatanggol ko pa pero matigas si Ivan. Hindi na siya nakikinig sa mga paliwanag ko.

At sa tatlong taong relasyon namin ay ngayon lamang siya nagalit nang ganito.

"Ano ba ang gusto mong gawin ko? La-" Pinutol niya ang pagsasalita ko.

"Layuan mo si Clyde!" Mataas na ang tono ng pananalita ni Ivan. Bakas sa baritonong boses nito ang inis at kung gaano siya kaseryoso sa kaniyang sinabi.

"No. Mas una ko siyang nakilala kaysa sa'yo, at kung hindi mo siya matatanggap, e wala akong magagawa!"

"At ano ang gusto mong mangyari, Trish?? Ipagpapalit mo ako sa baklang 'yon?!"

Hindi na ako nagsalita. Tinalikuran ko na si Ivan dahil hindi maganda ang kalalabasan ng pag-uusap namin dahil walang gustong magpatalo sa aming dalawa.

"Kinakausap pa kita, Trish!" Hinigit at pinisil niya ang aking braso.

"Aray! Nasasaktan ako, Ivan!" Nakatitig pa rin siya sa akin hanggang sa unti-unti na rin niyang niluwagan ang kaninang mahigpit na hawak. Lumakad ako sa kaniya palayo.

Bumalik ka rito. Trish!" pabulyaw na sabi ni Ivan. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad.

Pero dumating si Clyde, at hindi ko inaasahan na ipagtatanggol niya ako kay Ivan without saying a word. Sinuntok niya si Ivan sa panga at sa lakas noon ay natumba si Ivan sa sahig.

"Tar*nt*do ka pala e! Sino ka para saktan ang bestfriend ko?! Hoy! Boyfriend ka lang." Taas kilay na sabi ni Clyde. "At kahit ano pang maging papel mo sa buhay niya, hindi mo dapat siya sinasaktan!" mariing sabi ni Clyde.

"Sandali, huwag kayong mag-away." Hinawakan ko si Clyde sa damit nito. Napatingin ako kay Ivan na umiigting na ang panga at namumula na rin ang mga mata kaya binitawan ko si Clyde at nilapitan si Ivan.

"Siya pa rin ba ang kakampihan mo ngayon, ha, Trish?" naiiling na sabi ni Ivan sabay baling kay Clyde.

"At ikaw, ano ba ang papel mo? Baklang bestfriend?! Sige, magsama kayo!"

Iniwan na ako ni Ivan. Kaya naiwan kami ni Clyde na hinahaplos ang balikat ko.

"Tahan na, girl. Naging lalaki tuloy ako ng five seconds, juice ko! Nakakaloka kayong dalawa, ha?!"

"Hiwalayan mo na nga 'yan! Naku, Trish, masisira lang ang buhay mo sa Ivan na 'yan. Trust me!" dagdag pa ni Clyde na inis na inis kay Ivan.

Pero dahil mahal ko si Ivan, siyempre ay hindi ko pinakinggan ang sinabi ni Clyde.

"Paano mo pala nalaman na kami ni Ivan?" kuryosong tanong ko kay Clyde.

"Kaibigan kita, at alam ko ang liko ng bituka mo, babaita ka! 'Yong mga tinginan ninyo? Tss! Obvious naman..." sabay ikot ng mata.

"Nakalimutan mo na ba? Ako yata ang nawawalang kakambal ni Detective Conan," natatawa niyang sambit.

Nakiusap pa ko kay Clyde na huwag niyang ipagsasabi sa iba ang tungkol sa amin ni Ivan at pumayag naman ito. Kung sabagay, nailihim nga niya iyon nang ilang taon, kaya siguro naman ay hindi niya iyon ipagsasabi.

Tatlong taon ko nang lihim ito sa pamilya ko, at kahit gusto kong sabihin sa kanila ay napangungunahan pa rin ako nang takot.

Magkalapit lang naman ang dorm namin ni Ivan, at noong umuwi ako ay nakabantay siya sa daraanan ko.

"Babe, sandali. Mag-usap muna tayo." Hinawakan niya ang kamay ko. At nakinig naman ako sa kaniya.

Umupo ako sa tabi niya at pinag-usapan namin ang naging issue namin kanina. Nagkasundo naman kami at minabuti ko na rin na dumistansya kay Clyde para sa ikatatahimik ng relasyon namin ni Ivan.

Simula noong nangyari iyon sa pagitan naming tatlo nina Clyde, napansin ko ang panlalamig ni Ivan sa akin. Dumating sa punto na nakipag-cool off siya sa akin kaya iniwasan ko si Clyde para magkaayos kaming dalawa.

Bumalik ulit kami sa dati ni Ivan. Naging madalas na ang oras namin na magkasama, hanggang sa maulit na naman ang nangyari sa amin noon. At sa tuwing nagkakasama kami ay hindi na rin namin mapigilan ang mga sarili namin. Halos mag-asawa na nga ang turingan namin sa isa't isa.

Dahil bawal sa dorm namin ang mga lalaki at ganoon rin sa kanila ay napilitan kaming kumuha ng apartment na sa tuwing magkikita kaming dalawa ay doon kami pumupunta. Natutunan kong hindi umuwi sa dorm, at magsinungaling sa mga kasama ko para lamang makasama ko si Ivan.

"Kyla, uuwi muna ako sa amin, ha? Baka hanapin ako dito, sabihin mo pinauwi ako ng Mama ko," pamamaalam ko sa kasama ko sa dorm.

Sumilip ako sa bintana at doon ay nakita ko si Ivan sa may likod ng kotseng kukay pula na naka-park sa tapat ng dorm. Kaagad akong bumaba dala ang bag ko na may laman na ilang damit. Bawat punta ko sa apartment namin ni Ivan ay nag-iiwan ako roon ng gamit at ganoon rin siya kaya nakaipon kami ng gamit namin doon sa apartment.

"Babe, e kung 'wag ka na kaya sa dorm mo, dito na lang tayo sa apartment natin."

"Ano ka ba, Babe, hindi naman 'yon p'wede. Makakahalata sina Papa."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Ivan. Magkatabi na kaming dalawa sa kama naming dalawa rito sa apartment.

Pinagtagpo niya ang aming mga noo. We're both looking at each other while Ivan apologizes for what he did. He gently caresses my cheek as he looks down at my lips. He seemed sincere, and my smile said it all:

Marahan niya akong hinalikan until he kissed me passionately. Ang mapaghanap niyang mga halik ay tinugon ko naman ng may pananabik. I can feel his thirst sa ilang araw naming hindi pagkikita. At bawat dampi ng kaniyang labi ay nag-iiwan ng mga marka sa aking katawan hanggang unti-unti niyang inalis ang aking saplot.

Nang maalis niya ang lahat nang nakaharang sa aking katawan ay sandali niyang pinagmasdan ang aking kahubdan hanggang sa unti-unti siyang sumubsob sa aking mga bundok. He kissed my boobies while his hands were also busy caressing my waist until he reached my bottom. Pinaghiwalay niya ang aking mga hita at naglabas pasok ito sa aking loob. Makailang ulit naming ginawa iyon at hanggang sa hindi na namin naisip ang mag-ingat.

Ramdam ko ang mga libidong ipinunla niya sa aking loob, at sa oras na ito ay hindi man lang ako nakaramdam ng kahit anong takot. Dahil sa bawat ungol ko ay mas lalo siyang ginaganahan, halinhinan kaming dalawa sa paggalaw hanggang sa maubusan na kaming dalawa ng lakas.

Masaya ako, at sa mga sandaling ito ay wala akong ibang inisip kun'di ang saya na malaya kaming dalawa na gawin ang lahat nang magkasama. Para na talaga kaming mag-asawa, kasal na lamang ang kulang dahil lahat naman ng gawain ng mga mag-asawa ay ginagawa na naming dalawa. Minsan na rin akong nadala ni Ivan sa kanila sa Laguna. Legal kaming dalawa sa pamilya ni Ivan, pero wala rin silang alam na ganito na ang kalagayan namin dito sa Manila.

Sabay kaming pumapasok sa school at magkasabay rin kaming uuwi, pero dahil sa nangyari sa amin ay mas lalo pa kaming nasabik sa isa't isa kaya bago kami umuwi sa dorm ay nagkikita muna kami sa apartment. Pagkatapos namin mag-love making ay kaagad kaming umaalis roon. At inihahatid ako ni Ivan sa dorm ko pagkatapos. Paulit-ulit na nangyayari ito at nasanay na kami sa ganitong set up.

Sa school naman, nakakasama ko si Clyde pero nagkaroon kami ng distansya sa isa't isa. Malayo sa closeness namin noon, alam kong nagtatampo ito pero mahal ko si Ivan at ayaw kong magkaproblema kaming dalawa nang dahil kay Clyde.

"Trish, gusto mo? Bumili ako ng mangga kay Nanay Pina, ang sarap may alamang pa! Hmm..."

Hindi ko alam pero bigla akong nangasim at parang gustong gusto kong ubusin ang manggang iyon.

"Ala! Pahingi mukhang masarap nga 'yan!" tugon ko.

"Oh, edi kinausap mo rin ako! Mangga lang pala ang katapat mo. Teka, kelan ka pa nahilig sa mangga? Dati ayaw mo naman nito, ah!" nagdududang tanong ni Clyde.

"Wala kang paki. Pahingi na ako, mang-aalok tapos hindi mamimigay!" Sabay irap ng mata.

Binigyan ako ni Clyde, at halos ako na ang nakaubos ng manggang dala niya. Kaya niyaya ko ulit siya na bumili pa at dinagdagan pa ng cornetto na red velvet flavor habang isinasawsaw ang hilaw na mangga doon kasama ang alamang.

"Yuck! Anong lasa n'yan? My goodness, Trishianaaa.... daig mo pa ang buntis sa trip mo!"

"Masarap. Try mo." Natawa ako dahil halos umikot ang ulo niya sa pag-iling.

Nakahiligan ko na nga ang bumili nang mangga at ice cream simula noon.

Lumipas pa ang dalawang linggo, ganito pa rin ang ginagawa ko. Kahit hindi ako makakain ng kanin, basta may mangga, ice cream at alamang, happy na ako.

Napadalas na akong tumatambay sa tindahan ni Nanay Pina para kumain ng hilaw na mangga, minsan ay kasama ko pa si Ivan at minsan ay si Clyde.

Habang naglalakad kami ni Clyde papunta sa sunod naming klase ay bigla akong napaisip sa kaniyang sinabi.

"Trish, bawasan mo nga ang katakawan mo, nananaba ka na, oh!" Sabay turo sa mukha ko.

Napapansin ko na rin ang paninikip ng mga damit ko, at ang pagiging matakaw ko at kung minsan ay nahihilo pa ako. Regular naman ang menstruation ko kaya hindi naman ako buntis, pero natakot ako sa nangyayari sa akin dahil pakiramdam ko ay para akong naglilihi.

"Hindi kaya lumalala na ang PCOS ko?"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status