Share

Chapter 3- MEMORABLE NIGHT

Nang makaalis ang mga teachers namin ay nagpasya na kaming umalis ni Clyde.

"Pa, aalis na po kami," sabi ko bago ako umalis. Hindi na kami gaanong pinagtuunan ng pansin dahil may mga kaharap itong bisita.

"Girl, dala mo ba ang pangmalakasan mong two piece?"

Natawa ako sa tanong ni Clyde. Matagal pa ang outing namin ay sinabi na niya sa akin na magsuot raw ako ng two piece para pareho kami pero hindi ako nagsusuot ng ganoon.

"Two piece ka d'yan! Shorts lang tayo, girl! Manipis pa naman ang balat ko sa mukha para magsoot ng ganoon ka-daring na outfit!" natatawa kong saad.

"Ah, basta! Ako? Mamaya, tiyak na bibigyan ako ng grand entrance pati ng shokoy at sirena."

"Naku, gumana na naman ang imahinasyon mo, Clyde! Tigilan mo na nga ang kababasa ng mga online stories, nahahawa ka na!"

"Asa ka, 'te! Doon na nga lang ako nakakatagpo ng totoong yummy, e."

Several of my former classmates have already arrived. Sadly, the person I was hoping to see wasn’t there when I showed up.

"Nasaan na siya?" bulong ko sa sarili habang nililinga ang paligid.

“May sinasabi ka 'te? Are you looking for someone?” Clyde asked curiously.

"W-Wala ah! Bakit hindi pa tayo umaalis? Sino pa ba ang hinihhintay?" Kunwaring tanong ko para maiwasan ang pag-uusisa niya sa akin.

"Guys! Sasama raw si Ma'am Liberty, pero kailangan maiwan dito ang isa kasi wala nang space para kay Ma'am."

Tiningnan ko ang phone ko, nag-text pala si Ivan na sa motor na lang kami sasakay.

Sakto naman na walang gustong magpaiwan kaya ako na lang ang nagpresinta. Tinutulan iyon ni Clyde pero wala siyang nagawa dahil kaagad siyang itinulak ng mga kaklase namin sa loob ng van.

"Trishianaaa! Sumakay ka rito, saan ka sasakay? Baka magalit ang Papa mo!" Sigaw ni Clyde na binuksan pa bintana ng van.

"Kay Ivan na lang siya sumabay. Dadaan na rin iyon, sabi ni Ivan may binibili lang daw siya." Narinig kong sabi naman ni Lea.

"Trish, kay Ivan ka na lang sumabay, parating na rin iyon." sabi ni Lea bago sila umalis.

"Sa wakas! Nakakahinga rin ang tainga ko kay Ivan."

Ilang minuto lamang akong naghintay maya maya ay dumating na rin si Ivan. He was wearing a black helmet, black jacket and riding on his tall black motorbike. Hindi ko sure pero Endoro yata ang tawag. Pagtigil niya ay tinanggal nito ang helmet sa kaniyang ulo na may matamis na ngumiti sa akin bago siya bumaba sa motor.

"Itim na itim ka, ah!" nakangiti kong bati.

"Anong gusto mo, pink?" ganting biro naman ni Ivan.

"Ano, tara?"

He put a helmet on my head and then invited me to ride. Pero nang sumakay siya ay hindi ako makasakay.

"Bakit? Hindi ka ba sumasakay sa motor, babe?"

"Hindi."

First time kong sasakay sa motor tapos sa ganitong kataas pa. Hindi ako pinapayagang sumakay sa motor ng parents ko dahil naaksidente noon si kuya, kaya damay na naman si bunso sa parusa.

“Just hold on to me, babe. I’m here. I’ll take care of you.”

Even though I was scared I was forced to ride. Tumuntong ako sa tapakan ng motor niya at humawak sa balikat ni Ivan. In-start na niya ang makina ng motor pero bago kami umalis ay hinawakan niya ako sa kamay.

"Trust me."

He placed my hands on his waist. Pinayakap niya ako roon bago niya pinaandar ang motor.

Noong una ay mabagal pa ang takbo namin.

"Babe, yakapin mo ako ng mahigpit, ha?"

"Ayaw ko nga, asa ka pa!"

"Ah, ganoon pala, ha?"

Binilisan niya ang pagd-drive ng motor niya kaya napayakap ako nang mahigpit kay Ivan. Muntik na akong makabitaw kanina at halos lumundag ang puso ko sa takot sa pag-aakalang mahuhulog ako.

"Grabeng para-paraan mo 'yan, ha! What if I fall?” I said simultaneously slapping his shoulder.

"Problema ba 'yon, sasambutin kita."

Hindi ko namalayan na naroon na pala kami sa entrance ng resort. At sa hindi kalayuan ay nakita ko ang nakapamaywang na si Clyde doon.

"Hay, salamat! Papatayin mo ako sa nerbyos, Trishia ka! Kung napahamak ka mapapatay ako ng Papa mo, sa akin ka pa naman nakahabilin!"

“Ang OA mo na, Clyde. Tara na nga.”

Matapos kong pakinggan ang mahabang talak ni Clyde ay binalingan naman nito si Ivan.

"At ikaw, hindi mo ba 'to minanyak sa daan?!"

"Hindi. Takot ko na lang sa'yo." natatawang sagot nito kay Clyde.

"Aba, dapat lang. Kung gusto mong makita akong mag-transform bilang Clyde version 2.0!"

"Sige, diyan ka na nga, android 2.0! Ipa-park ko na ang motor ko."

Hindi muna ako ibinaba ni Ivan. Isinama niya ako sa parking lot at pasimple kaming nag-usap.

"Babe, mamaya mag-chat ako sa'yo, ha? Gusto ko buong gabi kitang makasama kahit ngayon lang." pabulong niyang sabi sa may tainga ko bago ako bumaba sa motor.

Pasimple lang rin akong sumagot kahit alam kong hindi naman mangyayari iyon dahil may bantay ako, si Clyde at isa pa ay kasama namin si Ma'am.

Magkasabay kaming naglakad ni Ivan papunta sa cottage namin, gusto niyang dalhin ang dala kong bag pero pinigilan ko siya, ayaw kong makahalata ang iba na kami na ni Ivan. Lalo na ang makarating pa kay Clyde.

Narating na namin ang cottage, nagbigay ng instruction si Ma'am pagkatapos ay kani-kaniya nang takbuhan sa dagat ang mga kaklase ko. Naiwan kami ni Ivan sa cottage kasama si Ma'am. Nagkwentuhan lamang kami ron, maya maya ay bumalik si Clyde.

"Hoy, Trishia, magbihis ka na doon ng pangmalakasan mong outfit at ligong-liggo na ako. Maghahanap pa ako ng boys sa dagat, dali!"

"Ikaw na lang. Hindi ako maliligo, mayroon ako ngayon." pagpapalusot ko.

"Tigilan mo ako, ate girl! Next week pa ang period mo, dali na!" Pagpupumilit nito. Kaya wala akong nagawa kun'di magpalit ng panligo.

I came out of the room wearing sexy shorts with a black rushguard jacket. Hilig ko rin ang black tulad ni Ivan. Nahihiya pa akong lumabas dahil naroon si Ivan, ayaw kong magpakita na ganito ang suot ko. Okay lang sa akin na makita ni Ma'am kasi madalas niya akong kunin na candidate sa mga school activities namin kaya nakita na niya ito. Pero iba ngayon. Iba kapag si Ivan.

"Aba, naku! Inabot na siya ng siyam-siyam. Huwag nang pakabonggahan girl, at baka magsiahon pa ang lahat ng lamang dagat sa iyo!" pabirong sabi pa ni Clyde.

Narinig kong natawa si Ma'am at nang sumilip ako sa labas ay seryosong nakaharap si Ivan sa kinaroroonan ko. Dahan-dahan akong lumabas. Narinig ko pa ang mga biro ni Clyde pero wala roon ang atensyon ko.

Halos tunawin kasi ako ni Ivan sa mga titig niya sa akin. Sa palagay ko ay hindi niya iyon nagustuhan dahil sa pagsasalubong ng kilay nito. Nang lalabas na kami sa cottage ni Clyde ay niyaya naman ni Ivan si Ma'am na maligo pero tumangi ito, kaya nagpaalam na rin ito kay Ma'am.

Hinubad ni Ivan ang kaniyang damit at naka-short lamang siyang sumabay sa amin ni Clyde.

"Ay, pak! May pa-pandesal si Ivan! Pahipo nga?" pabirong sabi ni Clyde.

“At ang tigas! Uhmm...”

Abot-abot ang tili nito nang mahawakan ang maalon-alon na 6 packs abs ni Ivan. Kahit medyo may kapayatan ito ay makikita ang kagandahan ng hubog ng katawan niya. Halatang batak sa trabaho. Inaamin ko, na-attract din ako sa matipuno niyang katawan. Para kasing ang sarap kayakap.

Habang hinahawakan naman ni Clyde ang abs ni Ivan ay panay ang pag-wink ng mata ni Ivan sa akin na may pagkagat pa ng labi. Pinanlakihan ko siya ng mata at nagmasid sa paligid, baka kasi may makakita.

"Oh, tama na 'yan! Nahipo mo na, 'di ba? Akala ko ba ligong-ligo ka na?” sabay hila sa kamay ni Clyde. “Tara, doon ka sa dagat at nang mahimasmasan ka." Iniwan namin si Clyde at nauna na kami sa tabing dagat.

Nakaramdam kasi ako ng asar habang nilalandi ni Clyde si Ivan, siguro nga ay nagseselos ako.

Habang naliligo kami sa dagat kasama sina Lea ay nawala na sa isip ko si Ivan. Hindi ko na siya nakita noong lumusong kami sa tubig, kaya nakipagbasaan na lamang ako sa iba ko pang mga kaklase. Hindi naman ako marunong lumangoy kaya inilulublob ko lang ang katawan ko sa tubig para lamang mabasa.

Lumakad ako ng kaunti sa medyo malalim na parte at nakarating ako sa hanggang leeg na taas ng tubig.

Pabalik na sana ako nang biglang may humila sa akin sa mas malalim na parte ng dagat. Kaya pasinghap-singhap akong kumukuha ng hangin habang kumakaway na may kasamang pagsigaw pero parang walang nakakarinig sa akin hanggang sa tuluyan na akong mapunta sa ilalim.

Sobrang takot ang nararamdaman ko sino ba naman ang gustong mamatay 'di ba. Pero nang idilat ko ang aking mga mata ay may nakapulupot na kamay sa aking baywang.

Sumenyas siya sa akin nang thumbs up at umiling ako. Hindi ko na kaya dahil pakiramdam ko ay mauubusan na ako nang hininga. Naramdaman ko na lang na magkadikit na ang mga katawan naming dalawa at kaagad niyang pinagdikit ang aming mga labi.

Nanlaki ang mga mata kong itinulak ang ulo ni Ivan subalit mas lalo lamang niya akong dinala malalim na parte ng dagat. Natakot ako kaya napahigpit ang yakap ko kay Ivan. Hindi ko inaasahan na iyon ang gagawin niya.

Marahan na halik subalit damang dama ko ang sinseridad sa halik na iyon. Nasa survival mode na ako pero first kiss ang nasa utak ko. Ewan ko ba, pero masarap pala. Ganito pala ang feeling ng halik na may pagmamahal. May kuryente at kilig feeling. Hay... ewan ko ba, basta iyon na 'yon. Kakaibang feeling na hindi maipaliwanag.

Naalala ko tuloy bigla ang kwento ni Kuya Tyrone noon sa ginawa niya sa ex-girlfriend niya. Nakakahinga raw kasi sa ilalim ng tubig kapag may kahalikan. At sa tingin ko ay nabiktima ako ng galawang hokage ni Ivan.

Hindi sana ako papayag, pero hindi na ako makahinga kaysa naman sa mamatay ako rito juice ko hindi p'wede.

Kaya napilitan ako na sundin ang gusto niya. Hindi ko ito makakalimutan. Lalo na at sa ilalim pa ng dagat ito nangyari. Nang mahalikan ako ni Ivan ay doon ko lamang naintindihan ang sinasabi ni Kuya. Totoo nga, totoo nga pala na p'wede kayong mag-share sa hangin sa pamamagitan lamang ng halik. Hindi na ako nakakapos ngayon.

Gusto ko sanang umahon sa tubig pero ayaw ni Ivan. Wala akong magawa kun'di manatili roon kasama niya dahil hindi naman ako marunong maglangoy. Dahil gabi iyon, walang nagkikita sa ginagawa namin.

Ang tagal namin sa ilalim na naghahalikan sa estimate ko ay parang more or less one hour na kami dito sa ilalim. Hindi pa nga ako marunong pero ang sabi niya sa akin ay sundan ko lang daw ang ginagawa niya kaya ginawa ko. Ipinasok niya ang kaniyang dila sa bibig ko, at sinundan ko iyon.

Habang tumatagal ay lumilikot na ang kamay ni Ivan, hinahawakan niya ako sa kung saan-saan. Ipinangako ko sa sarili ko noon na hindi ako papayag pero ngayon? Hindi ko na alam kung mapipigilan ko pa. Dahil sa kakaibang pakiramdam na dulot ng halik niya sa akin.

Pakiramdam ko ay nag-iinit ang buo kong katawan kahit nasa ilalim kami ng tubig. May matigas na bagay na tumutusok sa puson ko, hinawakan ni Ivan ang kamay ko at dinala sa pagitan ng hita niya. As he placed my hand there, I could feel his enraged cock. Throbbing as if it had its own mind. It’s my first time, and I’m embarrassed.

Pero bigla akong nawala sa pag-iinit na iyon nang maramdaman kong palalim na kami nang palalim ni Ivan. Nabutiwan ko ang kaniyang sandata at mahigpit siyang niyakap. Bigla akong nagising sa riyalidad na maaari kaming mamatay sa ilalim ng dagat dahil lamang sa kapusukan. Kaya pinagpapalo ko si Ivan sa kaniyang dibdib. Mabuti na lamang at nakinig siya sa akin at naglangoy siya kasama ako. Hinawakan niya ako sa bandang tiyan hanggang sa naaabot na ng mga paa ko ang buhangin.

Doon ay muli kaming naghiwalay, lumangoy siya palayo sa akin para hindi kami makita ng iba na magkasama. Nakita ko pa si Clyde na nagkakamot na sa kaniyang ulo at napapahilamos na sa kaniyang mukha. Kasama niya si Lea na kinakagat pa ang hinlalaking kuko.

Ilang metro pa ang layo ko sa kanila kaya lumapit ako. "Anong nangyayari sa inyo?" nakangiting bati ko. "Lea, mauubos mo 'yang kuko mo n'yan, sige ka," biro ko.

"Hoy, babaitang pangit! Saang lupalop ng dagat ka pumunta at hindi ka namin mahanap hanap ni Lea?!" nakapamaywang at taas kilay na usisa ni Clyde. "Aatakihin ako sa puso sa'yo!" Nanggigigil na sabi ni Clyde sa akin na kulang na lamang ay sabunutan ako sa inis.

"Ramdam ko ang gigil mo, girl!" Dumistansiya ako nang kaunti dahil baka mabingi ako sa reaction ng dalawa. "Ano ka ba, narito na ako. Ang totoo n'yan, muntik na akong malunod kanina. Mabuti na lang nakaahon pa ako," pagtatapat ko.

"Trishianaaa!!! Pinanggigigil mo akong babae ka! At paano kung namatay ka doon?" Napapikit na lang ako sa lakas ng boses ni Clyde.

Totoo naman talaga na muntik na akong malunod, 'yon nga lang hinila ako ni Ivan sa ilalim para maka-survive este mahalikan pala. Pero hindi ko sasabihin ito sa kanila, kahit na close friends kami. Sekretong malupit ito, ang kakaibang first kiss ko.

"Hala siya! Bakit hindi ka humingi ng tulong sa amin??" nag-aalalang tanong ni Lea.

"Sumisigaw ako kanina, pero hindi ninyo ako naririnig hanggang sa lumubog na ako sa ilalim."

"Sinong kinatagpo mo sa ilalim ng dagat? Baka nagka-jowa ka na sa ilalim ng dagat na hindi namin alam, ha? Naku, kakalbuhin talaga kita!" singit pa ni Clyde.

"Gutom lang 'yan, tara sa cottage kain na tayo." Nilakasan ko ang pagkakasabi para marinig ni Ivan dahil kalapit lamang namin siya. Napatingin ito sa akin at nang nagsimula kaming lumakad ay sumunod rin ito.

"Sinasabi ko na nga ba at masama ang kutob ko kanina, bakit kasi may paglayo pa." Inirapan ako ni Clyde sabay kuha sa kamay ko.

Ivan cleared his throat before he passed us. Medyo sinagi pa nga niya ang aking balikat nang mahina, na sa tingin ko ay may gustong ipahiwatig. Napatingin ako kay Ivan, na ilang hakbang lamang ay nasa unahan na namin.

"Problema nito."

Nakahanda na sa mesa ang mga pagkain nang kami ay dumating. Wala na akong ibang mapupwestuhan dahil na-occupied na ng mga kaklase namin ang buong lamesa. Ang iba naman ay doon na kumain sa may kwarto, ang iba ay sa may sahig. Pero biglang hinigit ni Ivan ang kamay ko at pinaupo ako sa pwesto niya.

"Uy!!" kantyaw ng mga kaklase namin.

"Sana all hinihigit."

"Ang haba ng hair. Sana all talaga!"

Hindi ko na sila pinansin at umupo na lamang ako at kumain.

"Salamat." Nakangiting banggit ko kay Ivan.

Nang makatapos kami kumain ay nagpaalam sa amin si Ma'am Liberty, kailangan daw niyang umuwi dahil nagkasakit ang anak niya kaya sa amin ni Ivan iniwan ang responsibility upang bantayan ang mga kaklase namin.

"Trish, Ivan, kayo muna ang bahala sa mga kaklase ninyo, ha? Uuwi na muna ako, may sakit daw ang anak ko. Kailangan kong dalhin sa hospital."

"Sige po, kami na po ang bahala sa kanila." tugon naman ni Ivan.

Sa pag-alis ni Ma'am ay bigla akong kinabahan. Kami lang ang maiiwan rito, at sa amin ihahabilin, pero kami ni Ivan ang sa tingin ko ang magiging pasaway.

Malalim na ang gabi. Ang ilan ay natutulog na at ang iba naman ay nag-iinuman pa. Hindi ko na napigilan ang iba dahil nakiusap na ngayon lang daw naman kaya hinayaan ko na.

"Matutulog na ako, Trishiana antok na antok na ako. Kayo wala ba kayong balak matulog?" sabi ng naghihikab na si Clyde .

"Hindi pa. Responsibility namin kayo ngayon kaya hihintayin ko muna ang iba."

"O siya ako ay matutulog na talaga. Mornight!" Pumasok na si Clyde sa room nila.

Hiwalay naman ang cottage ng mga lalaki sa mga babae kaya kahit matulog ako ay hindi ko rin makakasama ito.

Natulog na si Clyde, at si Lea naman ay katabi ko. Habang kami ay nagku-kwentuhan ay biglang dumating si Ivan.

"Gabi na, bakit gising pa kayo?" Sabay upo sa tabi ko.

Para-paraan talaga ang lalaking ito, kahit kailan.

Hanggang sa nagpaalam na rin si Lea, sasama na sana ako pero bigla akong pinigilan ni Ivan sa kamay.

"Lea, mauna ka na, susunod na ako." nakangiti kong sabi kay Lea bago ito maglakad papalayo sa amin.

Hinintay ko munang makalayo si Lea at nang masigurado kong nakapasok na ito sa loob ay hinarap ko naman si Ivan.

"Ano ba, Ivan?! 'Di ba ay napag-usapan na natin ito? Hindi nila p'wedeng makita na magkasama at mas lalong malaman na tayo!"

"Nahihirapan na ako, Trish. Wala naman masama kung aaminin natin na tayo, 'di ba? Ano pa ba ang ikinakatakot mo?"

Napahawak ako sa aking sintido. Naiinis na ako kay Ivan, hindi niya maintindihan na kapag nalaman ng parents ko ay baka papaghiwalayin nila kaming dalawa.

"Mas mabuting tayo na lamang muna ang makaalam nito. Alam mo naman na hindi okay sa parents ko at mas lali na sa Ate ko na magkaroon ako ng boyfriend ng maaga."

Narinig ko pa ang pagbubuntong-hininga ni Ivan. Kaya hinawakan ko siya sa kamay.

"Hahanap lang ako ng tamang tiyempo, sasabihin ko rin naman. Pero sa ngayon, hayaan mo munang tayo lang ang nakakaalam."

"Huwag mo nang patagalin, seryoso naman ako sa'yo, Trish. Kung gusto mo, ako na ang magsabi sa kanila, e. Pero alam kong hindi ka papayag, kaya sige, maghihintay ako."

"Thank you," pabulong kong sabi.

Malagkit siyang tumingin sa mga mata ko. "Tara doon. Tingnan natin ang iba baka kung ano na ang ginagawa nila." Hinawakan niya ako sa kamay at inaya na tumayo.

Magkasama kaming naglakad-lakad papunta sa tabing-dagat para puntahan ang mga kaklase namin na nag-iinom. Hinawakan nito ang aking kamay hanggang sa marating namin ang isang cottage na walang tao.

"Dito muna tayo, inaantok ka na ba?" tanong niya.

Umiling lamang ako, pero hinila niya ako papunta sa loob ng cottage.

"Bakit tayo nandito? Pupuntahan pa natin 'yong mga nag-iinom, baka kung napaano na sila doon."

Itinuturo ko pa ang kinaroroonan nila pero bigla niya akong hinapit sa baywang. Hindi ako makalikha ng ingay dahil baka may makarinig sa amin, magkadikit ang aming katawan. Ramdam ko ang mainit na katawan ni Ivan at ang mabilis nitong paghinga. Mainit na may pagnanasa. Tulad kanina ay nakaramdam na naman ako ng kakaibang init. Alam ko na kung saan papunta ito kaya itinulak ko si Ivan.

"Ano ba!" paasik kong sabi. Lumakad ako papalayo sa kaniya, at pinuntahan ko ang mga nag-iinom kong kaklase.

Iniwan ko si Ivan sa cottage na mag-isa. Kinausap ko ang iba na bumalik na sa cottage at ihinto na ang pag-iinom pero uubusin lamang daw nila iyon kaya nakiupo na lamang ako malapit sa kanila. Maya maya ay dumating si Ivan at dumiretso ito sa nakaumpok na nag-iinuman.

"P're, shot ka muna."

Tinanggap nito ang alok ng mga iyon at ang paubos na alak ay nadagdagan na naman ng isa pang bote. Hindi ko na sila napigilan, pero nag-aalala ako sa ilang kaklase kong mga babae na lasing na lasing na. Niyaya ko silang pumasok na sa loob pero hindi sila sumama kaya hindi ako makaalis. Binantayan ko sila, pero hindi ako nakaligtas sa kakulitan nilang lahat.

Naglagay si Tina sa shot glass at iniabot sa akin. "Trish, shot ka din."

"No, thanks. Hindi ako umiinom."

"Ang KJ naman ni Class President. Minsan lang e."

Hindi ako nakaligtas sa kakulitan nilang lahat. Ininom ko ang alak na ibinigay sa akin ni Tina. Pero dahil hindi naman ako sanay uminom ng alak ay madali akong nalasing. Unti unti nang umikot ang paningin ko at nakakaramdam ng pagsusuka. Gusto kong tumayo pero pakiramdam ko ay sumakay ako sa roller coaster ng sampung beses.

Sinubukan kong tumayo na para bumalik sa cottage pero bigla akong natumba. Alam ko naman ang ginagawa ko pero hindi ko lamang makaya ang tumindig at maglakad.

"Pare, diyan na muna kayo, matutulog na ako." Narinig kong pamamaalam ni Ivan.

"Trisshh! Hala, natumba, itayo ninyo!"

Hindi ko na namalayan kung sino ang nagsalita noon. Nagdilim na kasi ang paningin ko pagkatapos kong matumba at hindi ko na alam ang nangyari sa akin.

Naalimpungatan na lamang ako na may katabi ako sa kama. Nakahiga ako at nakaunan ako sa kaniyang braso. Hindi ko makita kung sino ito, kaya pinipilit kong bumangon.

"S-Sino ka?!" takot kong sambit.

Ramdam ko pa rin ang epekto ng alak, umiikot pa rin ang paningin ko. Pero nangibabaw ang takot ko sa lalaking nasa harapan ko.

"Babe, ako 'to. Huwag kang matakot."

Biglang kumalma ang puso ko nang marinig ang boses ni Ivan.

"Babe, s-samaha-n mo ako sa cottage namin," pautal kong sabi dahil sa kalasingan.

Hindi niya ako pinakinggan. Bagkus ay inilapit pa niya ang kaniyang mukha sa akin. Hanggang sa marating ko ang dulo ng kama dahilan upang muling magkalapit ang aming mga katawan.

Siniil niya ako ng halik at hindi ko na iyon napigilan. Nagpaanod na lamang ako sa init na aking nadarama at hinayaan si Ivan sa ginagawa sa aking katawan. Unti unti niyang ginalugad ang aking bibig gamit ang kaniyang mainit na dila. Ramdam ko ang kamay nito na unti-unting ipinapasok sa aking short na tinutumbok ang aking kaselanan. Ang isang kamay naman ay pinipisil ang aking mga bundok na nakapagpaungol sa akin. Hanggang sa tuluyan na kaming nalunod sa sensasyon ng init ng aming kapusukan. Nakahiga na ako at nakapangibabaw na siya sa akin, marahan na halik hanggang sa unti-unting naging mapaghanap.

Tuluyan na akong nawala sa sarili. Sinunod ko ang aking puso at hinayaan ang lahat dahil hindi ko na mapigilan ang katawan ko na kusa na rin gumagalaw. Napahawak ako sa kaniyang batok habang unti unti niyang ibinababa ang kaniyang halik.

"Ahh..."

May naramdaman rin akong isang matigas na tumuturok sa aking puson na tila galit na galit na. Unti-unti niyang hinubad ang aming mga saplot hanggang sa maubos ito at napakalat sa kung saan-saang parte ng kwarto.

He kissed me on my lips sweetly down to my neck, and his hands were crawling into my breasts while squeezing them. I can't explain what sensation he gives me every time he touches my body. Until he gently enter to my core, itinulak ko siya at gusto kong maghumiyaw sa sakit pero hindi ko magawa. Kaya hindi ko maiwasan na makalmot ang likuran niya dahil sa sakit na dulot ng kaniyang sandata sa loob ko. Unang pasok pa lamang iyon at nang nasa loob ko na ay bigla ko siyang itinulak.

Bigla akong natauhan sa aming ginagawa at biglang nakaramdam ng takot. Pakiramdam ko ay nawala ang pagkakalasing ko dahil sa nangyari.

"Ivan, mali ito." paanas kong sabi.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang magising ako sa riyalidad na ginagawa ko na pala ang hindi dapat.

"Mali ito, hindi ito dapat nangyari."

Bigla ko siyang itinulak, napaupo ako na hawak ang puting kumot na itinakip ko sa aking katawan. Hindi ko alam pero bigla akong napaluha sa aking naisip.

Umiiyak na ako ngayon dahil unti-unti ko nang nasusuway ang lahat ng mga pangaral sa akin ng parents ko. Hiyang-hiya ako at diring-diri sa sarili ko. Mahal ko si Ivan, at gusto ko ang nangyari sa amin, pero mali ito. Mali na nangyari nang ganito kabilis. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na ibigay ang katawan ko nang ganoon na lamang kadali.

"Ang tanga mo, Trish!" salitang nabuo sa aking isipan.

Nagmamadali akong bumangon habang nakabalot sa aking katawan ang hawak kong kumot kanina. Kinuha ko ang mga damit kong nakakalat sa sahig, at nagmamadaling nagbihis at umiiyak na lumabas sa cottage na iyon.

"Trish, sandali."

Pakiramdam ko ay magkahiwalay ang magkabila kong hita. Masakit at halos hindi ako makalakad pero pinilit kong makalayo sa kaniya.

"Trish!"

Hindi ko pinakinggan ang sinasabi ni Ivan. Dahil ang tumatakbo lang sa isip ko ngayon ay ang posibleng mangyari pagkatapos nito. Hindi na ako virgin, at kahit unang pasok lamang iyon ay wala na akong magagawa. Sira na ang iniingatan ko, ang palaging bilin ni Mama na ingatan ko.

Hanggang sa magsiuwian kami ay hindi ko pa rin pinapansin si Ivan. Nahihiya ako, nalilito, at hindi alam ang dapat na maramdaman. Kahit masakit pa ang ibabang parte ng katawan ko ay pinilit kong lumakad ng normal. Sabi kasi ng iba, nakikita raw sa lakad ng isang babae kung virgin pa ito o hindi na, kaya kahit hindi ko naiintindihan ay pinilit kong ayusin at hindi ipahalata na hindi na ako virgin.

Nag-text sa akin si Ivan, sinagot ko naman ito pero hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso. OA na kung OA pero hindi kasi ako ang tipo ng tao na sinasabi ang nasa loob ko sa iba.

Makalipas ang isang linggo...

"Trish, anak, ininmbitahan tayo ng Tiya Rosie mo, ikakasal na pala ang pinsan mo. Abay ka raw."

Nag-iisang anak iyon ni Tiya Rosie kaya alam ko na kung sino ang tinutukoy nila, kaedad ko, si Ara.

"Ma, paano pong ikakasal? Bakit parang ang bilis naman po?" Hindi ko napigilan na magtanong kahit may kutob na ako.

"Aba, e ano pa? Di'ga ay nabuntis ng boyfriend! Kaya ikaw, Trish naku! Huwag na huwag mong gagawin iyan sa amin, nakakahiya!"

"Ikaw naman, honey, malabong gawin iyan ng bunso natin. Mana iyan sa akin, matino, at magtatapos pa iyan, 'di ba anak?" dugtong pa ni Papa.

Ngumiti lamang ako sa kanilang dalawa. Napakalaki ng tiwala nila sa akin, at hindi ko p'wedeng sirain iyon.

Maayos na ulit ang pakikitungo ko kay Ivan, at nagkasundo kami na huling beses na naming gagawin ang nangyari sa amin noong nakaraang linggo.

Dumating na ang araw ng kasal ni Ara, kilala ko ang boyfriend niya, mabait naman ito at responsible kaya sa palagay ko ay magiging maayos naman ang pagsasama nila. Nakatitig ako sa kanila habang nagpapalitan ng vows, hindi ko mapigilan ang kiligin at mapangiti.

"Ikaw, Trish, hindi ka ba naiinggit kay Ara?" Napatingin ako sa nagsasalita sa tabi ko, si Ate Lota pala.

"Naku, wala pa po iyan sa isip ko. At saka wala naman po akong boyfriend, sino naman po ang pakakasalan ko n'yan?" tugon ko.

Nag-iwas ako sa kaniya nang tingin, at ibinalik ko ang paningin ko sa dalawang taong masayang nakangiti sa isa't isa..

"Soon, Ate Lota, ikakasal rin po ako. Pero gusto ko ay matupad ang dream wedding ko, na kasama ang lalaking mahal ko at s'yempre kayong lahat na mahal ko."

"Aba sige, basta ba abay ako." sabay tawa. "Tama lang iyan, mag-aral kang mabuti at marami pang lalaki diyan, hindi ka mauubusan." dagdag pa niya.

Umalis na ito dahil tinawag siya ni Mama. Naiwan ako sa upuan mag-isa at masaya pa rin silang pinapanood na nag-pipicture taking na. Maya maya pa ay tinawag na ako ng photographer para kuhanan ang mga abay. Nang makalapit ako kay Ara ay binati ko ito sabay bulong.

"Congrats sa inyong dalawa, insan. Grabe, ang tapang mo."

Tinawanan lamang ako ni Ara at bumulong rin.

"'Yan lang ang akala mo, naku, Trish! Kung alam mo lang."

"Say cheese!" sabi ng photographer.

"Bakit?"

Hindi na kami nakapag-usap pagkatapos noon at hindi ba rin niya ako nasagot dahil busy sila.

Nang matapos ang kasal ay umuwi na kami. At habang pauwi kami ay puro pangaral na naman si Mama, pero si Papa, wala naman ginawa kun'di sawayin si Mama.

"Ibahin mo ang anak natin, malaki ang tiwala ko diyan na hindi iyan gagawa ng alam niyang makakasama sa kaniya. Matalino iyan, huwag mong pangunahan!"

"Kung sabagay, tama ka naman. Ang sa akin naman ay paalala lamang."

"Magiging engineer pa iyan, 'di ba anak?" sabi pa ni Papa. Tumango na lang ako kahit ayaw ko maging engineer.

Narating na namin ang bahay. Bakasyon na ngayon, tapos na ang graduation kaya okay lang kahit tanghaliin na ako nang gising. Pero kabaliktaran ang nangyari, naging maaga akong magising at naging palalabas ng bahay.

Noon ay palagi lamang ako sa bahay, basa nang basa at hindi nakikihalubilo sa iba.

"Aba, himala! Saan ang lakad mo, Trish? Ano ang nakain mo at ngayon ay aalis ka?" nagtatakang tanong ni Ate Lota.

"Sa bahay lang po ni Lea, sina Mama po nasaan?"

"Naku, saan pa nga ba? Umalis na sila, may aasikasuhin daw sa negosyo ninyo."

Nagtext na lamang ako kay Mama at kaagad naman itong pumayag. Makikipagkita ako kay Ivan ngayon. Monthsary kasi naming dalawa ngayon kaya naisip niya na ilabas ako. Hindi na ako kumain at kaagad na nagpaalam kay Ate Lota.

Gaya ng dati ay sinundo ako ni Ivan sa labas ng subdivision namin. Sakay kami sa motor niya na mataas. Wala akong idea kung saan kami pupunta pero huminto siya sa tapat ng isang fastfood para kumain kaming dalawa.

"Kain muna tayo, babe. Pagkatapos nito may pupuntahan tayo." Nakangiting sabi niya habang inaalis ang suot na helmet. Bumaba ako sa motor aalisin ko na sana ang helmet ko nang mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.

"Ako na, babe."

"Saan ba tayo pupunta?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status