Share

Chapter Seven

Author: FourStars
last update Last Updated: 2025-03-20 00:00:01
Sa matayog na skyscraper na siyang nagsisilbing punong tanggapan ng Strathmore Group, kararating lamang ni Russell mula sa Crystal Lake Mansion. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa opisina ni Axel.

Lumapit siya sa mesa nito at maingat na nagsalita. “Mr. Strathmore, naihatid ko na sila Ms. Payne at Silas. May iba ka pa bang ipapagawa sa ‘kin?” tanong niya habang hinihintay ang tugon nito.

Tumingala si Axel, hawak pa rin ang mga dokumentong binabasa. “Simulan mo na ang mga paghahanda para sa kasal namin bukas ng gabi,” anito sa malamig ngunit madiing tinig. “Gumawa ka ng listahan ng mga imbitado at ipasa mo sa ‘kin bago ipadala ang mga imbitasyon.”

Tumango si Russel bilang pagsang-ayon, ngunit hindi niya napigilang magtanong. “Maaari ba akong magtanong, Mr. Strathmore?”

Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Axel. Halatang hindi sanay sa mga personal na katanungan mula sa kanyang assistant. “Sige, ano ‘yon?”

Nag-atubili si Russell bago nagpatuloy. “Sigurado na ba kayo sa desisyon niyong
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Nine

    Sandali siyang napatingin sa loob ng silid bago muling nagsalita. “Kamusta naman kayo habang wala ako? Lalo na ‘yung kambal?”“Mabait sila,” tugon ni Neera na may ngiti. “Umiiyak lang kapag nagugutom.”Tumango-tango si Selena, gumaan ang loob sa narinig.“Oo, wala namang nangyaring kakaiba habang wala ka rito, Mrs. Strathmore,” dagdag pa ni Lucas na tila nag-uulat.Napanatag ang loob ni Selena, nagalak siyang malaman na walang sumunod na nangyaring masama sa mga anak niya habang wala siya.Bigla niyang naalala si Silas.“Ah, oo nga pala. Asan si Silas? Sabi ng kasambahay narito raw siya kasama ninyo magbantay sa kambal.”“Narito nga kanina ‘yong batang pasaway na ‘yon,” sagot ni Neera. “Pero bigla na lang tumakbo pabalik sa kwarto niya.”Nagtaas ng kilay si Selena. “Bakit naman?” puno ng pagtataka ang mukha.“Ang sabi ni Silas, tumawag daw si Mr. Strathmore sa kanya. Siguro natuwa ng husto kaya doon na sila nag-usap sa kwarto niya,” paliwanag ni Lucas.“Ano naman kaya ang pinag-usapan

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Eight

    Pero matigas ang puso ni Veronica. Mariin siyang umiling at nanatiling nakapulupot ang kamay kay Selena, halatang ayaw pang bumalik sa bahay.Tahimik lamang na nakaupo si Selena, pinagmamasdan ang palitan ng mag-lola. Ramdam niya ang bigat ng sitwasyon.Naawa siya kay Deric, na paulit-ulit nang sumusubok makiusap ngunit hindi pa rin natinag ang matanda.Halatang gusto lamang ni Veronica na makaramdam ng kalayaan, kahit pansamantala, mula sa pagkakakulong sa kanilang bahay at buryong.Nakisabat na si Selena sa usapan ng mag-lola nang makita niyang nauubusan na ng palusot si Deric para makumbinsi si Veronica na sumama na sa kaniya pauwi.“Uhm… mas mabuti siguro kung sumama ka na sa kaniya,” mahinahon niyang sabi habang nakatingin kay Veronica.Nawala ang simangot sa mukha ng matanda at napalitan ng tuwa nang lingunin siya nito. “Siguro nga. At isa pa, gutom at inaantok na rin ako. Kanina pa tayo daldal nang daldal,” sagot nito, tanda na sa wakas ay nakumbinsi na rin siya.Nakahinga nang

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Seven

    Mukhang may Alzheimer’s si Veronica.Naawa si Selena. Magulo at paiba-iba ang isip ng matanda. Nagkahalo-halo na sa kanya ang katotohanan at imahinasyon.“Nga pala, mom, may dala ka bang gamit bago ka lumabas papunta sa mall? Siguro naman mayroon,” bigla niyang tanong.“Ang galing mo talaga, anak! Pinaalala mo na naman sa akin ang isa pang importanteng bagay! Teka lang!” ani Veronica, sabay bukas ng dala niyang shoulder bag na halatang mamahalin at mukhang isang luxury brand pa.Tahimik na napailing si Selena, bahagyang natatawa sa inaasta ng matanda.Magulo ang laman ng bag kaya naghalughog muna si Veronica bago sa wakas ay may nailabas itong cellphone mula roon.“Ngayon ko lang naalala na may dala pala akong cellphone,” ani Veronica. Kinuha niya iyon mula sa bag at agad na nag-dial ng numerong naaalala niya.Maya-maya, sinagot na rin ang tawag. “Puwede ba? Matanda na ako. Kaya ko naman mag-isa, hindi ko na kailangan ng tulong n’yo sa tuwing lalabas ako. Maayos lang ako, wala namang

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Six

    Umiling-iling ang matandang babae. “Wala! Wala akong kasama. Ako lang mag-isa ang pumunta rito.”“Ganoon ba… mabuti siguro ay umuwi ka na. Baka mapahamak ka pa sa daan,” aniya, may pag-aalala ang tono ng boses.Biglang ngumiti ng malapad ang matanda. “Ay! Oo! Uuwi na talaga ako kasi nahanap na kita, anak! Tara na, umuwi na tayo! Isasama na kita sa akin!” sabay hawak nito sa braso niya at hatak-hatak siya palayo.Sinubukan ni Selena na alisin ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ng matanda ngunit nag-alinlangan siyang gumamit ng puwersa dahil baka masaktan niya ito ng hindi sinasadya. Kaya naman tumayo lamang siya, nanatiling hindi gumagalaw.“Hindi ako puwedeng sumama sa ‘yo umuwi,” mahinahong sabi niya rito.Biglang nalungkot ang matanda sa kanyang sinabi. “Bakit naman hindi puwede? Anak kita! Kaya dapat lang na sumama ka sa akin pauwi!” pagpupumilit pa rin nito.“Mrs. Strathmore!” mabilis na lumapit si Barry at agad siyang hinawakan dahil nagwawala na ang matanda. Lumalakas ang pa

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Four

    Ngunit mas lalo lamang humigpit ang kapit nito, waring ayaw siyang pakawalan.“Long time no see, Selena. Hindi mo man lang ba ako kakamustahin?” anito na may mapang-asar at pakunwaring ngiti sa labi.Nabalot ng pandidiri si Selena sa presensiya ni Klyde, para bang bawat paghinga nito ay nakakasulasok sa kanya. “Hindi na kailangan. Mukha namang maayos ka kahit hindi na tanungin,” sarkastiko niyang tugon habang matalim ang tingin.Akala niya’y ma-o-offend si Klyde sa sinabi niya, pero halatang nagpanggap lang itong nasaktan. “Grabe ka naman, Selena. Ni hindi ka man lang nag-alala sa akin? Lalo na noong ipadala ako ni Axel sa malayong branch company ng Strathmore Group.”“Hindi,” mabilis at diretso ang naging sagot ni Selena saka niya pwersahang hinatak ang braso mula sa pagkakahawak ni Klyde.“Kung makapagsalita ka, para bang wala tayong pinagsamahan noon,” may bahid ng hinanakit na sambit ni Klyde.“Noon… oo. Pero wala na ngayon,” malamig at walang pag-aalinlangang tugon niya.Matapos

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter One Hundred Ninety Four

    Sa loob, sinalubong siya ng isang marangyang chandelier at mga disenyong simple ngunit elegante, na pinaghalong light gray at gold.Mahaba ang hanay ng mga racks na puno ng iba’t ibang klase ng dresses at gowns, habang nakapwesto naman ang ilang standing displays sa harap ng salamin na nagtatampok ng mga kasuotang pawang haute couture, mula sa mga formal wear gaya ng business suits, hanggang sa mga ball gowns at evening dresses na tunay na kumakatawan sa karangyaan at gilas.Agad na lumapit ang mga saleslady sa kanya, bahagyang yumuko saka sinimulan siyang i-assist. Mabait ang mga ito sa kanya kaya naman naging komportable siya sa pamimili niya.Sa pag-iikot niya sa loob ng boutique ay nakapukaw ng atensyon niya ang isang simple pero eleganteng dress na naka-display sa loob ng isang glass display.Light pink ang strapless dress na ito, pinalamutian ng lace sa itaas na bahagi at napapalamutian ng mga piling rhinestones, hindi man sagana ngunit sapat upang makatawag-pansin.Ang disenyo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status