Share

Chapter Sixty Seven

Author: FourStars
last update Huling Na-update: 2025-05-24 23:31:33
Patuloy pa rin si Nessa sa pagsasalin nang biglang paluin ni Zane ang mesa.

["Tumahimik ka na!"] sigaw nito, halos manginig sa galit.

["P-pero Sir—"] nauutal na sagot ni Nessa, nanginginig sa takot.

["Mas malala ka pa sa translator nila!"] sigaw muli ni Zane, punong-puno ng pagkairita.

Halos hindi na makagalaw si Nessa sa takot at nerbiyos. Nagulat siya nang biglang hablutin ni Selena ang papel mula sa kanyang kamay.

"Selena! Ano sa tingin mong ginagawa mo?!" galit na tanong ni Nessa.

Hindi siya pinansin ni Selena. Tahimik itong tumayo sa harapan ni Zane at yumuko ng magalang.

["Mr. Virellan, alam kong ilang beses na kaming humingi ng tawad sa sa ‘yo, pero sana bigyan mo ako ng pagkakataong makausap ka at bigyan ng pagkakataon na maging gold supplier ng Dazzling ang Gold Magnet,"] wika niya sa matatag ngunit magalang na tono.

Napahinto si Zane, bagamat nananatili pa rin ang galit sa kanyang mukha.

["Hmph! Sa totoo lang, narito ako sa Regenshire para magbakasyon kahit
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Nine

    Pagbukas pa lamang ng pinto ay sumalubong agad sa kanila ang magulong usapan ng mga Board members. Ngunit nang makita ng lahat na si Selena ang pumasok, biglang natahimik ang silid. Isa-isang umayos ng upo ang mga direktor, waring naghintay kung ano ang una niyang sasabihin.Unang nagsalita si Emmanuel, nakakunot ang noo at may halong inis sa tinig.“Mrs. Strathmore, bakit ngayon ka lang dumating? Hindi pa tuluyang nakaka-recover ang Strathmore Group dahil sa nangyaring pagkakaaresto ni Axel—ngayon, ikaw naman na bago pa lamang sa posisyon ay nasangkot agad sa eskandalo!” sigaw nito, puno ng galit at panghuhusga.Matapos magsalita ni Emmanuel, nagsalita na rin ang iba.“Dalawang araw. Mahigit dalawang araw ka pa lang sa posisyon pero gumagawa ka na agad ng kabulastugan! O baka naman lumakas na ang loob mong gawin ang kahit anong gusto mo dahil ikaw na ang CEO ng Strathmore Group?!” singhal ni Zack.Sa pandinig ng lahat — lalo na kay Selena — ang tono nito ay hindi lang pangungutya kun

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Eight

    Ilang sandali pa, muling nagsalita ang reporter sa live broadcast, hawak ang mikropono at nakatutok sa kamera.“Sa ngayon ay inaresto na at dinala sa istasyon ng pulis sina Ivan Brandt at Warren Cruz upang kunan ng kani-kanilang panig. Humaharap si Warren Cruz sa patung-patong na kaso kabilang ang Manufacture of Dangerous Drugs, Plunder, at Falsification of Corporate Documents. Samantala, si Ivan Brandt naman ay nahaharap sa kasong Obstruction of Justice at Accessory to Plunder. Patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang lawak ng kanilang operasyon at kung sinu-sino pa ang posibleng sangkot sa mga iligal na gawain.”Doon na naputol ang live broadcast.Halos malaglag ang panga nina Abigail at Eve matapos marinig at mapanood lahat ng mga nangyari.Si Abigail ang unang nagsalita, puno ng galit ang boses. “Ang walang hiyang ‘yon! Ang lakas ng loob ni Warren na gamitin si Axel para lamang makatakas sa batas! Siya pala ang totoong nagpapatakbo ng drug laboratory na siyang dahilan

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Seven

    “Ayos lang, naiintindihan ko naman na nag-aalala ka lang sa akin, Mom. Pero hindi na kailangan dahil nariyan naman sina Barry, Tyler, Russell, at River para protektahan ako. Maaasahan ko naman silang apat,” paliwanag ni Selena.Napabuntong-hininga na lamang si Abigail at hindi na pinilit pa ang gusto.“Sige, ikaw ang bahala—”Naputol ang sasabihin ni Abigail nang bigla na lamang sumigaw si Eve.“Tita Abigail! Selena! Panoorin n’yo ’to!”Agad tumayo si Eve at iniharap kina Selena at Abigail ang kanyang cellphone upang mapanood nila ang live broadcast mula sa isang media outlet. Sabay-sabay nilang pinanood ang aktwal na pagdakip ng mga pulis kay Warren Cruz.Pinakinggan nilang mabuti ang ulat ng nagbabalitang reporter na nasa mismong eksena.“Kasalukuyang pinoposasan ngayon ng mga pulis ang isa sa mga shareholder at miyembro ng Board of Directors ng Strathmore Group na si Warren Cruz. Makalipas ang dalawang taon, muling binuksan ng mga awtoridad ang kaso ng dating may-ari ng kumpanyang

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Six

    “Maraming salamat, Mom,” tanging sabi ni Selena bago siya pumasok sa loob ng kwarto upang makatulog.Kinabukasan, nabulahaw ang mahimbing na tulog ni Selena nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto.“Selena!” sigaw ni Eve, halatang nagmamadali.Napabalikwas ng bangon si Selena, nagulat sa malakas at biglaang tawag ng kapatid. Akala niya ay may malalang nangyari.“Bakit? Ano’ng nangyari? Anong mayroon?” tanong niya habang pilit pang iniimulat ang mga mata, halatang inaantok at naguguluhan pa.Iniharap ni Eve ang cellphone niya sa mukha ni Selena. Antok pa at papikit-pikit si Selena habang binabasa ang ipinapakita sa kanya.Ilang segundo lang ay naningkit ang kanyang mga mata, tila unti-unting nagigising habang tahimik na binabasa ang laman ng balita.Pagkatapos ng ilang sandali, kinuha niya ang sarili niyang cellphone at agad na tinawagan si Tyler.Pagkakonekta pa lang ng tawag ay bumungad na ang nag-aalalang boses ng lalaki.“Mrs. Strathmore, nabasa mo na ba ang balita na magka—”“M

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Five

    Hindi siya agad sumagot. Paglingon niya kay Enzo, kalmado lang niyang sinabi, “Mr. Dalmacio, mauuna na kami. May kailangan pa akong asikasuhin. Mag-iingat sa biyahe.”Tumango lang si Enzo at pinanood ang pagpasok ni Selena sa sasakyan hanggang sa umalis ito.Pagkasakay ni Enzo sa sarili niyang kotse, tahimik silang bumiyahe ni Kenjie. Ilang minuto ang lumipas bago nagsalita ang assistant.“Mr. Dalmacio, napansin kong parang hindi nagulat si Mrs. Strathmore. Parang alam niyang may mangyayari.”Bahagyang tumango si Enzo. “Oo. Napansin ko rin.”Tahimik muli ang loob ng sasakyan. Pareho nilang alam na hindi matatapos sa gabing iyon ang nangyari.Sa loob ng kotse ay sakay sina Selena, Russell, at Barry. Pabalik na sila sa Crystal Lake Mansion.Tahimik ang biyahe hanggang sa biglang magsalita si Selena—seryoso, diretso, at walang pasakalye.“Russell, sabihin mo kay Tyler na huwag na niyang imbestigahan ang nangyari kanina. Gusto kong abangan niya ang mga balitang lalabas bukas,” utos niya.

  • Consultant Turned Contracted Wife   Chapter Two Hundred Fifty Four

    Ito mismo ang naging pangunahing dahilan kung bakit pinili ni Enzo Dalmacio na makipag-collaborate sa Ascend Robotics. Para sa kanya, hindi lang basta teknolohiya ang hatid ng proyekto, kundi kapayapaan ng isip at proteksiyon sa tahanan.Hindi maikakaila na pinag-isipan, pinaghandaan, at pinagbuti ng Ascend Robotics ang bawat detalye ng kanilang produkto. Hindi sila tulad ng ibang kompanyang nagpaparami lang ng produksiyon para kumita agad; sa halip, inuuna nila ang kalidad.At kahit mataas ang presyo ng mga produkto ng AR, naniniwala si Enzo na sulit ito — dahil bawat function at feature ay dinisenyo nang may layunin at katalinuhan.Matapos ang halos isang oras na pag-uusap tungkol sa proyekto, iniabot ni Russell kay Selena ang folder na naglalaman ng kontrata. Maingat naman itong tinanggap ni Selena at iniabot kay Enzo.Tahimik na sinuri ni Enzo ang bawat pahina, ang mga mata’y seryosong gumagalaw sa bawat linya ng dokumento. Ilang minuto lamang ay kinuha niya ang ballpen sa tabi at

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status