"Good evening, ho, Sir," bati ng kasambahay ni Nikolai na si Mona. Siya lamang ang natatanging kasambahay sa mansyon, bukod sa isang butler na si Claude, na tahimik na nakatayo sa isang sulok.
"Good evening, Sir," magalang namang bati ni Claude.
"Good evening. Ano ang balita?" tanong ni Nikolai habang tinanggal niya ang butones ng kanyang coat, marahang sumandal sa upuan, at hinintay ang sagot ng dalawa.
"Sir, tinanggap po ng mga Winchester ang engagement. Ang sabi po ay darating na bukas ang young miss," wika ni Claude nang walang bahid ng emosyon.
Napatango na lamang si Nikolai. Sa loob-loob niya, darating na bukas sa kanyang mansyon ang anak ni Deumon Winchester. Ang alam niya, dalawa ang anak ni Mr. Winchester, ngunit hindi ito naging specific kung sino ang ipapadala upang maging kanyang mapapangasawa. Ang nais lamang nito ay ipakasal ang isa sa kanila, at para kay Dawson, wala siyang pakialam kung sino man ito.
"Good. Nalinisan na ba ang mansyon?" tanong niya nang walang pag-aalinlangan.
Mabilis namang tumango ang dalawa bilang kumpirmasyon. Isang iglap, tiningnan ni Nikolai ang pintuan at bahagyang kumilos ang kanyang labi—sapat na iyon upang maunawaan ng kanyang mga tauhan ang gusto niyang ipagawa. Wala nang salitang kailangan. Agad na lumabas sina Mona at Claude, animoy sanay na sa tahimik ngunit matalas na utos ng kanilang amo.
Napabuntong-hininga si Nikolai habang marahang isinandal ang kanyang likod sa swivel chair. Ito na ang ikatlong fiancé niya ngayong taon. Wala na siyang inaasahang pagbabago sa magiging takbo ng relasyon. Alam na niya ang kahahantungan nito—tulad ng nauna niyang mga fiancé, hindi rin ito magtatagal. Hindi na bago sa kanya ang katotohanang ang nais lamang ng mga babaeng ipinapakasal sa kanya ay kapangyarihan, kayamanan, at koneksyon.
At sa pagkakataong ito, wala na siyang balak umasa pa.
"Let’s see kung tatagal ka, Miss Winchester," wika niya sa kanyang sarili habang marahang pinaikot ang baso sa ibabaw ng mesa, ang laman nito’y bahagyang kumikilos kasabay ng kanyang malalim na buntong-hininga.
Kinabukasan, tanghali na nang magising si Nikolai. Marahan siyang bumangon at lumabas ng kanyang silid. Habang bumababa siya sa hagdan, agad niyang napansin ang isang babae na nakatayo sa may sala, may dala lamang maliit na travel bag. Napataas ang kanyang kilay, at walang pagmamadaling tinapakan ang huling baitang ng hagdan.
Paglapit niya, saka niya mas tiningnan ang babae.
She is pretty—a blonde girl, around 5’4” by his estimation. Payat ito, at halatang hindi sanay sa lugar. Ang mga mata nito ay nakatuon sa sahig, waring nag-aalangan kung dapat bang tumingin sa kanya o hindi.
"Another fragile one," naisip niya.
“Good morning, Mr. Montgomery. I’m Maia Isabelle Winchester… Uhm, nice meeting you,” mahina ngunit malinaw na wika ni Mia. Ramdam ang kaba sa kanyang boses, pero pinilit niyang panatilihing maayos ang kanyang pagsasalita. Hindi pa rin siya makatingin nang diretso sa lalaki, nag-aabang sa kung ano ang isasagot nito.
Ngunit imbes na sumagot, dumaan lang si Nikolai sa kanya at tuluyang nagtungo sa kusina na parang hindi man lang siya narinig.
Nanatili namang nakatayo si Mia sa kinatatayuan niya. Kahit nangangawit na ang kanyang paa at braso mula sa pagbibitbit ng kanyang bag, hindi siya gumalaw, hindi rin siya naglakas-loob na sumunod.
Maya-maya lang, isang malamig at matigas na tinig ang pumunit sa katahimikan.
"What are you still doing? Tatayo ka lang?" malamig na tanong ni Dawson na hindi man lang lumingon sa kanya.
“A-ah… I’m sorry po,” natatarantang sagot ni Mia. Agad siyang gumalaw at naglakad papunta sa direksyon ng lalaki. “I’m sorry,” muli niyang ulit, halatang hindi alam kung ano ang dapat niyang gawin.
Napabuntong-hininga na lang si Nikolai bago tuluyang dumiretso sa kusina. Doon, nadatnan niya sina Claude at Mona, na abala sa paghahanda ng pagkain.
“Good morning, Sir. Good morning, Ma’am,” bati ni Mona nang makita ang dalawa. Lumapit siya kay Mia na halatang litong-lito pa rin sa nangyayari.
“Ihatid mo muna siya sa kanyang silid, Mona,” utos ni Nikolai na hindi man lang tumingin kay Mia.
Tumango naman si Mona at agad sinimulang akayin si Mia paakyat. Tahimik namang sumunod ang dalaga, pinipiling hindi dumikit masyado sa kasambahay. Halatang hindi sanay sa presensya ng ibang tao sa bagong tahanan niya.
Pagkapasok nila sa silid, agad niyang inilapag ang kanyang bag sa kama, marahang hinahaplos ang strap nito na parang isang bagay na nagbibigay sa kanya ng kahit kaunting kapanatagan.
“Ma’am, tulungan ko na ho kayo sa pag-aayos ng gamit ninyo,” alok ni Mona habang nakangiti.
Bahagyang nagulat si Mia at mabilis na umiling. “Huwag na ho, ako na lang ang mag-aayos ng gamit ko,” mahina niyang sagot, halatang ayaw maging abala sa iba.
Tumango naman si Mona, kita sa kanyang mukha ang bahagyang aliw sa ugali ng bagong kasamahan sa bahay. Saglit siyang tumingin kay Mia bago muling nagsalita.
"Halika, bumalik tayo sa kusina para mag-agahan," yaya niya ng magiliw.
Napatingin naman si Mia sa lunch bag na bitbit niya—ang tanging baong dala niya mula sa tahanang kanyang iniwan.
"I guess I can eat this food later," wika niya sa kanyang isipan bago niya marahang inilapag ang bag sa gilid. Huminga siya nang malalim at saka lumabas ng silid.
Pagdating niya sa kusina, nadatnan niyang naka-upo na si Nikolai. Ang ekspresyon nito ay tila naiinip, para bang wala siyang oras sa mga bagay na hindi niya pinahahalagahan.
"Let’s eat," malamig na wika ni Nikolai bago siya nagsimulang kumain, walang pakialam kung susunod ba si Mia o hindi.
Tahimik namang tumingin si Mia sa pagkain sa kanyang harapan. Halata sa kanyang kilos ang pag-aalinlangan, na agad namang napansin ni Dawson. Muling tumigil ang lalaki sa pagkain at itinuon ang tingin sa dalaga.
"Hm… an eaty picker?" bulong niya sa sarili, bahagyang napataas ang kilay.
"Are you allergic to shrimps?" diretsong tanong ni Nikolai.
Nagulat si Mia sa tanong at agad siyang napatingin sa lalaki bago muling yumuko.
“I’m sorry,” mahina niyang sagot, halos pabulong.
Mabilis na sumeryoso ang ekspresyon ni Nikolai. "I didn’t ask you to say sorry. Sagutin mo ang tanong ko," malamig niyang tugon, ang boses niya’y may bahagyang diin.
Napakuyom si Mia sa hawak niyang kutsara, bahagyang nanginginig.
"Stop it. Look at me and answer my question," madiin na utos ni Dawson.
“I’m so—”
"Tama na. Hindi ka ba pwedeng kumain ng shrimp? May allergy ka?" muli niyang tanong, mas matigas na ngayon.
Umiling si Mia bilang sagot.
"Then eat," malamig na sabi ni Nikolai bago bumuntong-hininga at muling bumalik sa pagkain.
Tahimik na napatingin si Mia sa pagkain sa harapan niya, saka marahang kinuha ang kanyang kubyertos. Samantalang si Nikolai naman, habang patuloy na kumakain, ay napaisip.
Kung dati, ang problema niya sa kanyang mga fiancé ay ang kanilang kasungitan at pagiging mapaghanap, mukhang iba ang isang ito. Napakaliit ng kilos, parang laging nag-aalangan.
At hindi niya alam kung alin ang mas nakakainis.
Pagdating nila sa eskwelahan, medyo kinakabahan pa si Mia. Napatingin siya sa paligid—maraming estudyante ang nasa campus. Ang iba ay kasama ang kanilang mga magulang o guardian, habang ang iba naman ay nagkukumpulan na, mga estudyanteng nagkasundong sabay mag-enroll para sa paparating na pasukan."Ito pala ang paaralan? Ang daming estudyante," wika ni Mia sa kanyang sarili. Napansin din niya na maraming nakatingin sa kanila—hindi talaga sa kanya, kundi kay Nikolai. Napabuntong-hininga na lang siya at marahang napailing."Are you okay?" tanong ni Nikolai, marahil ay napansin ang marahan niyang pag-iling."Uhmm... Ayos lang ako," sagot ni Mia, at napahinto sila sa kanilang paglalakad. Malaki ang campus, at hindi alam ni Mia kung saan sila dapat pumunta."This school really changed a lot. Hindi na siya katulad ng dati," wika ni Nikolai habang nakatingin sa paligid, waring may inaalala. Hindi alam ni Mia kung ano ang nasa isip nito."Magtanong na lang muna tayo sa help desk," dagdag pa ni
“The new academic year is going to start. Have you decided which school you’re going to attend?” tanong ni Nikolai habang magkasalo sila ni Mia sa hapag-kainan, ang kanyang tinig ay kalmado, ngunit may halong pag-aalalang hindi niya maitatago.“Wala pa akong napagpilian,” sagot ni Mia, sabay subo ng kanin. “Siguro sa public school na lang na malapit dito. Hindi ko din naman gusto sa private schools… I feel ma-o-out of place ako.”Bahagyang napatango si Nikolai habang pinagmamasdan ang dalaga. Sa nakalipas na limang buwan, napansin niya kung gaano kabilis matuto si Mia. Hindi na siya nahihirapan intindihin ang mga sinasabi niya, kahit pa madalas ay sa English siya magsalita. She’s a fast learner—matyaga, determinado. Kamakailan lang ay pumasa siya sa placement exam para makapag-proceed agad sa Senior High School. Iyon ay hindi basta-basta, at nakita ni Nikolai kung gaano kasipag si Mia para maabot iyon.“I can afford to send you to private schools… even international schools,” wika ni N
“Nikolai, how are you?” bungad ng kaniyang kapatid na si Natasha nang sagutin niya ang tawag, ang tinig nito ay puno ng kaswal na interes, ngunit may halong kuryosidad na agad niyang naramdaman.“I’m fine. Napatawag ka?” sagot ni Nikolai, bahagyang nag-aalangan habang kinokontrol ang kanyang tono, alam niyang ang bawat tawag mula sa kapatid ay hindi kailanman simpleng pangungumusta lang.“I just heard that your new fiancée is staying in the villa already. I want to meet her,” sagot ni Natasha, diretso at walang paligoy-ligoy, tila ba may itinatagong motibo sa kanyang nais.Napahawak na lamang si Nikolai sa kaniyang sentido, marahang pinisil ito, waring pinipigilan ang namumuong inis sa kanyang ulo. Kilala niya si Natasha—hindi ito basta-basta nagiging interesado sa mga babaeng dumarating at umaalis sa kanyang buhay.“You’re interested in her? Hindi ka naman dati eh?” tanong niya, pilit pinapakalma ang sarili, ngunit hindi maitago ang pagdududa sa kanyang tinig. Noon pa man, walang pak
Tahimik na lumipas ang dalawang buwan, at nanatiling masipag si Mia gaya ng dati. Ala-onse na ng gabi, ngunit naroon pa rin siya sa sala, nakaupo at tutok na tutok habang sinasagutan ang kanyang math booklet. Sa kabila ng gabi na, malinaw pa rin ang takbo ng kanyang isipan. Sanay na si Mia sa mabilisang pag-intindi, kaya’t mas madalas ay mabilis rin ang takbo ng kanilang pag-aaral. Nagsimula sila sa Ingles, ngunit ngayon ay nakausad na rin sila sa Agham at Matematika.Biglang naputol ang katahimikan ng silid sa marahang pag-angat ng pintuan. Mabilis na napalingon si Mia at nakita niyang pumasok si Nikolai, kasunod ang palaging kalmadong si Claude, ang kanyang butler.“Magandang gabi po, sir,” bati ni Mia nang magalang, agad na tumayo mula sa kanyang pagkakaupo, may halong paggalang at kaunting kaba.“It's already late, and you're still buried in your studies,” ani Nikolai sa kanyang karaniwang malamig ngunit may malasakit na tinig. “You should get some rest. It’s not good to overwork
Pagkatapos kumain nina Mia at Nikolai at mag-order ng take out, nagpasya na silang umuwi sa bahay. Kanina habang nasa labas pa sila, nag-uusap silang dalawa na parang magkaibigan—may kaswal na palitan ng mga salita at paminsan-minsan ay may kasamang tawa. Ngunit pag-uwi nila sa bahay, tila nag-iba ang ihip ng hangin. Para silang mga estranghero na tahimik na pumasok, walang imikan, bawat hakbang ay mabigat at may distansya sa pagitan nila.Pagkarating sa pintuan, bigla na lamang napahinto si Mia sa paglalakad. May gusto siyang sabihin kay Nikolai, ngunit nag-aalangan siya kung paano ito sisimulan. Kita sa kilos niya ang kaba; mahigpit niyang hinawakan ang kanyang kamay na parang doon niya kinukuha ang lakas ng loob. Malalim siyang huminga, sinusubukang pakalmahin ang sarili bago magsalita.“Sir Nikolai, gusto ko pong magpaturo ng Ingles. Gusto ko pong pumasok sa paaralan,” diretsong sambit ni Mia, na may halong pag-asa sa kanyang tinig. Napalingon naman si Nikolai sa kanya, bahagyang
“Kamusta na ang usapan niyo ni Manang Mona?” tanong ni Nikolai kay Mia nang datnan niya itong abala sa kusina, nagluluto ng hapunan. Tahimik ang paligid maliban sa tunog ng kumukulong sabaw at kaluskos ng sangkalan. Ang bango ng niluluto ay agad sumalubong sa kanya—isang masarap na timpla ng bawang, sibuyas, at siguro'y toyo, na tila nagpapahiwatig ng isang simpleng, pero pusong lutuin.“Ha?” tugon ni Mia, na halatang hindi agad naintindihan ang sinabi niya. Napakunot ang noo ni Nikolai at napapikit na lang sa pagkadismaya sa sarili. Masyado siyang nasanay sa Ingles at minsan nakakalimutan niyang hindi pa ganap na bihasa si Mia sa wika.“I’m sorry—” mabilis niyang paghingi ng tawad, sabay bahagyang pagyuko ng ulo bilang paggalang.“Ah… sir, gusto ko po sanang…” nagsimula si Mia, halatang may gusto siyang sabihin ngunit nag-aatubili. Yumuko siya ng kaunti, tila nahihiya, habang patuloy sa paghalo ng niluluto.“Gusto mo ng ano?” tanong ni Nikolai, lumapit ng kaunti habang inaabot ang is