KANINA pa yakap ni Cain ang asawa na mahimbing na natutulog. Kahit gusto niyang bumangon at linisan ito ay hindi siya nagtangka sa takot na baka maalimpungatan at masira ang tulog.Hangga’t maaari ay gusto niyang makapagpahinga si Katherine dahil… nakailang ulit pa sila kanina hanggang sa mag-pass out ito sa pagod.Mayamaya pa, ay namatay ang ilaw sa phone na siyang nagsisilbing liwanag nila sa madilim na silid dahil nag-empty na ang battery. Maging ang malakas na ulan ay humina na rin at naging ambon na lamang.Ilang sandali pa ay napagpasiyahan niyang matulog na rin gaya nito. Ngunit kahit anong relax niya ay sumisilay talaga ang ngiti sa labi kaya natulog siya ng ganoon…PAPASIKAT pa lang ang araw nang magising si Katherine, matapos makaramdam ng kiliti sa leeg. Ngunit nang makita ang mukha ni Cain ay biglang rumagasa sa alaala ang nangyari kagabi.Ngayong nagising na siya at malinaw nang nakakapag-isip ay bigla siyang nahiya, agad na namula ang pisngi. Matapos ay sinubukan niyang
BULTA-BULTAHING kuryente ang naramdaman ni Katherine mula sa labi, na mabilis naglakbay sa buo niyang katawan.Naguguluhan din siya sa dapat gawin dahil ngayon na lamang niya ulit naramdaman ang ganitong emosyon. Nalilito siya sa dalawa… sinasabi ng utak niya na itulak ito palayo ngunit pinapangunahan na kaagad siya ng sariling katawan.Hindi niya dapat tinanggap ang halik nito pero heto… siya pa mismo ang tila uhaw na uhaw. Pilit sinasabayan ang mapagparusa nitong labi.Hanggang sa saglit na tumigil si Cain, mapagtanong itong tiningnan sa mga mata kung dapat ba niyang ipagpatuloy o hindi na ang binabalak?Ngunit sa mata nito, naroon ang pananabik kaya kahit alam niyang dapat na siyang huminto ay muli niyang inangkin ang malambot nitong labi.Nang biglang kumidlat kasabay ng kulog.Sa gulat ni Katherine ay napatili siya at niyakap ito. Niyakap din siya ni Cain hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan.Dinig ang pagpatak ng ulan sa bintana at biglaang paglamig ng temperatura. Ngunit ang
UMILING-ILING si Cain. “W-Wala… wala naman problema,” aniya habang nakakunot-noo.” Matapos ay bahagyang tumalikod, pasimpleng sumuntok sa hangin sa sobrang tuwa. Saka sinara ang pinto, kulang na lang ay i-lock para wala na talaga itong kawala.“… Hala, nakalimutan kong sabihin na magpapalipat ako sa ward,” ani Katherine.Lumapit agad si Cain saka naupo sa tabi ng kama. “Ba’t ka pa magpapalipat? Dito ka na lang kaysa makisiksik ka pa kasama ang ibang pasiyente.”“Isa lang ang kama.”“Edi, mag-request tayo ng isa. Magulo sa ward kaya nga lagi akong kumukuha ng private room para akin lang… pati ikaw,” ani Cain, sabay bulong sa huling dalawang salita.“Well, kasi mayaman ka naman kaya afford mo.”“Bakit, ikaw ba hindi? You’re born rich, I’m sure na pinalaki ka nila Mom at Dad na parang prinsesa.”Napakunot-noo si Katherine, alam niyang alam nitong lumaki siyang mahirap pero dahil nga nagka-amnesia ‘kuno’ siya at walang maalala sa nakaraan ay sinasabi nitong nagbuhay prinsesa siya. “Ako ba
PAGKATAPOS ay hinawakan siya ni Cain sa siko upang alalayan. Marahan niya naman binawi ang braso. “Kaya ko naman maglakad.”Hinayaan na lamang ni Cain pero nakahanda pa rin ang kamay in-case na mawalan ito ng balanse. Paglabas sa emergency room ay hindi na nakayanan ni Katherine, nahirapan siya sa paglalakad kaya hinawakan na niya ang braso nito.Nagkatinginan silang dalawa ni Cain pero siya ang unang umiwas. Wala pa man itong sinasabi ay inunahan na siya, “Thank you.”“Ha?”“Kasi nandiyan ka.”Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Cain. “Nakita ka kasi kanina ni Levi ta’s sinabihan niya ‘ko. As your husband, responsibility ko na alagaan ka.”Natigilan sa paghakbang si Katherine. Ang weird lang sa pakiramdam na sinasabi pa nito ang mga ganoon bagay gayong hiwalay na sila at hinihintay na lang matapos ang proseso ng annulment.Gusto niya sana itong i-correct pero hindi na lamang siya nagkomento at baka masira pa ang moment.Mayamaya pa ay narating na nila ang silid. Sa sofa niya gusto
BUHAY ngunit tila isa ng pat*y si Margaret matapos bab*yin nang paulit-ulit ng mga lalakeng naroon. Para siyang basura na matapos gamitin ay basta na lamang itatapon sa isang tabi.Nayurakan nang husto ang pagkababae at sa sobrang sakit ng katawan ay halos hindi na siya makakilos, ni takpan man lang ang hubad na katawan ay hindi niya magawa.“Tubig…” sa sobrang hina ay halos hindi niya marinig maging ang sariling boses.Nauuhaw siya at pagod na pagod. Ang luha sa mga mata ay natuyo na kasabay ng pag-asang makakaalis sa lugar na iyon.Hanggang sa may isang tumawa, “Tingnan mo, P’re, hindi na gumagalaw. Pat*y na ata?”Tapos ay nagtawanan ang grupo. “Wala akong pakialam kahit hindi na ‘yan humihinga. Ang mahalaga lang sa’kin, may paglalaruan itong kargada ko.”“Tara na nga, naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya. Maganda sana kaso—“ tapos ay natawa.Hanggang sa isa-isa ng nagsialisan ang mga ito pero ang huling lalake ay napansin ang tila pagsasalita ni Margaret. “Anong sinasabi nito?” Sa
NAPANGITI si Stella sa pag-aakalang concern ito sa kanyang Ama. “Ayos naman si Dad. Palagi ka nga niyang nababanggit, kung kailan ka raw ba bibisita?”“Kung gano’n ay sabihin mo na sa kanya ang totoo. Hindi na ‘ko natutuwa na napagkakamalan tayong may relasyon. Oras na para linawin ang lahat.”Namutla ang mukha ni Stella sa narinig. “B-Bakit? Maayos naman ang lahat kahit hindi natin linawin sa iba ang sitwasyon.”Umiling-iling si Cain. “Ipahahanda ko kay Joey ang article para maging malinaw sa lahat lalo na sa mga paparazzi na mali-mali naman ang binabalita tungkol sa’ting dalawa,” dagdag pa ni Cain.Dati, wala siyang pakialam kahit ano pang sabihin ng iba pero pagdating kay Katherine, ibang usapan na. Hindi niya gustong isipin nito na may relasyon sila ni Stella.“S-Sandali lang naman, Cain. Ba’t hindi na lang natin hayaan? Eventually, ay makakalimutan ng iba ‘pag hindi tayo nakitang magkasama. What if, ‘di muna tayo magkita?”Napahawak si Cain sa sintido, marahang hinilot-hilot. “Al