Share

Chapter 65

Author: Lirp49
last update Last Updated: 2024-11-21 18:37:56

TILA pinipiga ang puso ni Cain sa inaakto ng asawa. Ni minsan ay hindi niya nakitang magalit ng ganito si Katherine.

"Tama na, 'wag mong gawin 'to," bulong niya pa habang mahigpit itong yakap mula sa likod.

Lumuwag ang pagkakahawak ni Katherine sa leeg ni Jean kaya ito umubo-ubo. Kumilos naman agad ang mga tauhan na inilayo ang dalaga upang hindi na muling manganib ang buhay.

Agad naman tinakbo ni Belinda ang anak saka ito niyakap. Matapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Walang hiya ka, pagbabayaran mong ginawa mo sa anak ko!"

"Bagay lang sa kanya 'yun. Kulang pa nga kung tutuusin."

Sa sinabi ni Katherine ay napasinghap si Belinda. Pero nang humagulgol ang anak ay ito na ang binigyan niya ng pansin.

"Mommy! Akala ko mamamat*y na 'ko," iyak ni Jean.

Nagngitngit ang bagang ni Belinda saka nanlilisik ang mga matang tiningnan si Katherine. "Humanda ka, hindi ko palalampasin ang ginawa mong 'to!"

"Subukan niyo lang at ako ang makakaharap niyo," anas ni Cain saka ito tiningnan. "Sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 66

    SA SINABING iyon ng asawa ay naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Cain.Pinakatitigan niya nang mabuti ang mukha ni Katherine. Hindi ito nabigla sa ibinalita niya at base na rin sa reaksyon ay walang dudang alam nito."Hindi ka nagulat? Matagal mo na bang alam na nagdadalang-tao ka?""Malamang, katawan ko 'to kaya alam ko kung anong nangyayari," sarkasmong tugon ni Katherine."At hindi mo man lang sinabi sa'kin sa dami ng mga nangyari? Ba't mo nagawang ilihim?!" Saka huminga nang malalim. "'Yung nangyaring masama sa'yo no'ng minsan mong tinulungan si Mommy mula ro'n sa nag-snatch ng bag niya. Do'n sa birthday celebration ni Lolo Max na hanggang ngayon ay may bakas pa rin ng sugat mo sa likod. Iyong nahimatay ka sa ospital nang magtalo tayo at dinala ka ni Luke sa kung sa'ng lugar at ngayon, 'tong araw na ito ay dahil buntis ka?! Hindi mo ba naisip ang anak natin sa ginagawa mo?" mahaba niyang litanya."Kaya kong sarili ko, Cain.""Talaga? Kung kaya mo naman pala ang sarili mo, ba't na

    Last Updated : 2024-11-21
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 67

    NAPATIIM-BAGANG si Cain, naglabasan ang mga ugat niya sa sintido at kamay dahil sa banta ni Katherine."Nasisiraan ka na ba ng bait?! Magagawa mong ipa-ab*rt ang anak natin maghiwalay lang tayo?!"Siyempre, walang katotohanan ang bantang iyon ni Katherine pero kung kinakailangan na gamitin ang anak para makuha ang gusto ay gagawin niya."Matino pa ang isip ko, Cain. Kaya kung ayaw mong tuluyan akong masiraan ng bait ay gawin mong gusto ko, maghiwalay na tayo."Namumula ang mga mata ni Cain ng mga sandaling iyon. Nanginginig siya sa galit at nangangambang baka makalimutang asawa niya ang kaharap at masaktan ito. "Subukan mo lang talagang ipalagl*g ang bata ay tinitiyak ko sa'yong--""Puro ka na lang banta, ba't 'di mo gawin para may rason na tayong maghiwalay. Alam mo, Cain, pagod na pagod na 'kong lagi mong kinukontrol, tinatakot."Sa isang iglap ay bigla itong hinawakan ni Cain nang mahigpit sa kamay. "Isang beses ko lang 'tong uulitin pero hinding-hindi tayo maghihiwalay. Tandaan mo

    Last Updated : 2024-11-22
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 68

    NABIGLA si Helen sa paraan ng pagbukas ng anak sa pinto. "Anong nangyayari sa'yo? Kulang na lang sirain mo ang pinto."Hindi naman nagkomento si Cain at naupo lang sa isang tabi habang hawak ang sonogram at medical record ni Katherine."Akin na, gusto kong makita si baby," ani Helen.Kaya muling tumayo si Cain para ibigay sa Ina ang hawak habang matalim ang tingin sa asawa.Napansin naman iyon ni Katherine pero binalewala lang dahil ganoon naman ito kanina pag-alis, iritado."Ang ganda niya tingnan," komento ni Helen habang pinagmamasdan ang sonogram. "Hindi na 'ko makapaghintay na makita ang bata," bakas pa ang excitement sa boses.Napaismid si Cain pero si Katherine lang ang nakapansin. Gusto niyang magtanong pero nagpigil siya dahil nakakahiya sa biyenan kung magtatalo sila sa harap nito.Bumalik si Cain sa kinauupuan at nanatili roon nang tahimik. Lumipas ang ilang oras nang tuluyang mapag-isa ang dalawa sa kwarto.Dito na tuluyang hindi nakontrol ni Cain ang sarili. Kinuha niya a

    Last Updated : 2024-11-23
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 69

    ISANG matalim na tingin lang ang itinugon ni Cain sa tanong ng asawa. Kahit nagpupumiglas na si Katherine ay hindi niya ito binibitawan hanggang sa marating ang master's bedroom.Matapos mailapag sa kama ay nagtangka si Katherine na umalis pero mabilis nang humarang si Cain sa pinto. "Narinig mo 'yung sinabi ko? Hindi ka pwedeng umalis dito hangga't walang permission ko.""Hindi mo pwedeng gawin sa'kin 'to!" ani Katherine saka ito pinaghahahampas sa may dibdib. "Ano ba, Cain, hindi mo 'ko pwedeng ikulong dito!" Sa inis ay hindi na nga siya tuluyang nakapagpigil at sinampal ito sa pisngi.Natigilan at napaling pa nga sa ibang direksyon ang mukha ni Cain. Sa isang iglap, sa kabila ng inis ay maingat niya itong binuhat na parang sako saka nilapag sa kama.Kumaibabaw siya saka tinaas ang binti nito. Sa ginawa ay kitang-kita niya ang gulat at kaba sa mukha ni Katherine."Ba't ka natatakot? 'Di ba't sanay ka naman sa ganito? Nagpat*ra ka nga sa iba, kaya balewala lang sa'yo kung babab*yin k

    Last Updated : 2024-11-24
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 70

    NAMAYANI ang katahimikan sa dalawa. Kahit ang daming gustong sabihin ni Levi ay hindi niya pinangunahan ang kaibigan.Simula nang ikasal kay Katherine ay nakokontrol naman nito ang sarili kaya hindi na niya binibigyan ng gamot, dalawang taon na ang nakakalipas. Pero nitong nakaraang buwan at linggo ay parang bumabalik na naman ito sa dati.Ilang minuto ang lumipas at inom lang nang inom si Cain kaya nagsalita na siya, "Kung may problema, pwede mo naman sabihin sa'kin ng diretso. Kahit papaano ay ako pa rin naman ang Doctor mo."Rumehistro ang iritasyon sa mukha ni Cain saka napasuklay sa buhok gamit ang sariling kamay pero hindi naman nagsalita.Napabuntong-hininga si Levi dahil mukhang kailangan na niyang manghula kung anong pinoproblema ng kaibigan, "Tungkol na naman ba kay Katherine? Siya lang naman ang lagi mong pinoproblema, nag-away na naman kayo?"Sa totoo lang ay hindi na niya kailangan pang tanungin dahil nasisiguro naman niyang si Katherine talaga. Ni minsan ay hindi ito nam

    Last Updated : 2024-11-24
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 71

    MAGKAGANOON man ay hindi sumama ang loob ni Jean dahil may tiwala siya sa kaibigan. Hindi ugali ni Margaret ang mang-iwan sa ere.Si Eduardo naman ay problemadong-problemado kaya nilapitan na ni Belinda upang pakalmahin. "Hon, huminahon ka at baka mapano ka pa. 'Wag kang mag-alala at ako nang bahalang dumisiplina sa anak natin," in-emphasize niya pa ang salitang 'anak'."Sa tingin mo 'yan lang ang pinoproblema ko?!" Saka nilabas sa bulsa ang cellphone. "Tingnan mo kung anong kahihiyan ang pinaggagawa ng anak mo na 'yan." Saka pinakita ang screen.Makikita sa social media ang isang blind item tungkol kay Jean na halatang-halata namang ito ang tinutukoy. Dahil hindi gaanong blurred ang naturang picture.Na itinago pa sa alyas na J.Lo.Nang makita ni Jean ang sariling mukha sa picture ay mabilis niyang hinablot ang cellphone. "S-Sinong kumuha nito?!""At talagang nagtatanong ka pa?! Nakakahiya ka!" si Eduardo.Si Belinda naman na hindi masiyadong natitigan ang picture ay inagaw na rin mu

    Last Updated : 2024-11-25
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 72

    PANAY padyak at dabog si Jean habang nasa hotel sila ng Ina. "Hanggang kailan tayo rito, Mommy?" aniya habang kagat-kagat ang sariling kuko."Hindi ko alam, gumagawa pa 'ko ng paraan. Baka may mga amiga akong pwede tayong patuluyin," ani Belinda."'Wag ka nang umasa, 'Mmy. Hindi nga tayo tinanggap do'n sa kapatid ni Lola dahil sa utos ni Lolo. Paniguradong ganoon din ang mangyayari kahit makiusap ka pa sa mga kaibigan mo." Saka kinuha ang cellphone. "Ako ang gagawa ng paraan."Matapos ay isa-isang tinawagan ang mga kaibigan pero ni isa ay walang gustong tumulong.Sa inis ay napatili si Jean. "Hindi 'to maaari, ang kakapal ng mga mukha nila! Matapos dumikit-dikit sa'kin para makilala ang mga losers na 'yun ang gaganituhin nila ako?! Mga walang utang na loob!""Huminahon ka, baka mapaalis naman tayo rito dahil maingay ka," saway ni Belinda.Kaya kahit gusto nang magwala ay kumalma si Jean saka lumabas sa hotel room."Sa'n ka pupunta?" ani Belinda."Maghahanap ng paraan para magkapera, h

    Last Updated : 2024-11-25
  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 73

    MAS LALONG natuwa si Margaret sa sinabi nito pero hindi siya nagpahalata.Bagkos ay ipinakita niyang nababahala siya sa gagawin nito. "Jean, baka naman mapahamak ka. 'Wag mo nang i-provoke pa si Cain."Pero masiyado nang nilamon nang galit si Jean. "Wala akong pakialam, hinding-hindi ako titigil hangga't hindi nakakaganti!"Matapos ay walang sinayang na oras si Jean at nagpaalam na. Pagkalabas sa pinto ay saka lang sumilay ang ngiti sa labi ni Margaret. Hindi na siya makapaghintay sa susunod nitong gagawin.Si Lyn naman ay napatingin sa alaga. "Hindi ka ba nababahala? Baka kung anong gawin ng kaibigan mo na 'yun. Para na siyang nasisiraan ng bait, baka ano pang gawin niya at madamay ka.""Don't worry, Ate. Madali lang naman i-deny lahat kapag nagka-ipitan na. Saka, narinig mo naman ang sinabi ko kanina. Pinaalala ko sa kanyang hindi tama kung anong binabalak niya. Siya lang itong nagpupumilit na makaganti." Saka tumingin sa CCTV camera at tinuro pa. "May proweba naman tayo in-case na

    Last Updated : 2024-11-25

Latest chapter

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 259

    PAREHONG napalingon ang magkapatid sa sinabi ni Cain. Nagpalipat-lipat pa nga ang tingin sa dalawa habang nanlalaki ang mga mata, gulat na gulat."Pa'no ka nagkaro'n ng kapatid?" Saka pinagmasdan nang mabuti si Sherwin, dahil tila pamilyar ito sa kanya.Mariin pa siyang napapikit habang inaalala kung saan niya ito nakita. "... Sa... Sa isang business gathering! Tama! I once saw you!" Sabay turo.Hindi naman nagustuhan ni Sherwin na dinuduro-duro siya kaya tinabig niya ang kamay nito. "Anong sinasabi mo? I don't know you," aniya saka bahagyang inusog palapit sa likod niya ang kapatid. Hindi nagugustuhan ang tingin nito kay Katherine.Napatiim-bagang naman si Cain ng makita ang ginawa nitong pagtago sa kanyang asawa. Pero kinalma niya pa rin ang sarili para hindi na lumala ang sitwasyong gayong medyo malinaw na ang relasyon ng dalawa. Tumayo siya nang maayos saka pinagpagan ang nadumihan na damit sa kabila ng sugat sa kamay."Magkapatid kayo, right?" gusto lang niyang makasigurado. "Pa'

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 258

    NAGTAKA naman si Katherine kung bakit nito tinititigan ang sariling kamay. Saka niya napagtantong hindi siya hawak ni Cain kaya pwede na siyang tumakas.Wala nang sinayang na pagkakataon at tumakbo siya nang mabilis patungo sa kalsada, pumara ng masasakyan nang bigla na lamang hinablot ni Cain."Ano ba, bitawan mo 'ko!""Hindi, sasama ka sa'kin!" Saka ito binuhat patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Joey."Tulungan mo 'ko!" paghingi pa ni Katherine ng tulong. Pero tiningnan lang siya nito. Pagkatapos ay nagmaneho na paalis sa lugar matapos siyang maisakay sa backseat. Akma pa nga siyang tatakas sa kabilang pinto nang mapigilan sa magkabilang braso. "Tulong--" ngunit sa halip na makahingi nang saklolo ay tinakpan pa ni Cain ang kanyang bibig."'Wag ka nang magmatigas pa.""Sa'n tayo, Sir?" ani Joey, suportado ang kung ano man binabalak ng amo."Sa condo."Pagkatapos ay iniliko na ni Joey ang kotse patungo sa building.Nagawa naman ni Katherine na makagat ang kamay nito."A-Aray

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 257

    PAGLINGON ni Aaron ay saktong hawak na ni Katherine ang baso sa may table. Walang pagdadalawang-isip na ibinuhos sa kanya ang tubig. Kaya basang-basa ang ulo at mukha niya."Sh*t!" mura pa niya sabay tayo at pagpag ng mamahalin na damit. Tapos ay tiningnan nang masama si Katherine. "Anong problema mo?!"Inilapag ni Katherine sa table ang hawak na baso saka taas-noo na tiningnan ito. "Ba't 'di mo tanungin ang sarili mo kung anong pinoproblema ko?" Kahit nanggagalaiti sa galit ay nanatiling mahinahon at mahina ang kanyang boses.Naging matalim ang tingin ni Aaron. "Bakit, totoo naman ang sinasabi ko, a?! Anong mali ro'n?""Hindi ko dini-deny na kinasal ako't may anak na pero hindi ko gustong hinahamak ng iba ang pagkatao ko. Na parang mali na minsan akong nagmahal at may anak kami."Napakurap si Aaron, hindi pa rin makita ang pagkakamaling nagawa hanggang sa mapansin niya ang tingin ng staff at waiter."Anong tinitingin-tingin niyo?!" galit niyang sita sa mga ito. Pagkatapos ay hinila s

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 256

    NAPAKUNOT-NOO si Katherine, ang ekspresyon ay parang nandidiri. "Anong pinagsasasabi mo? Mga kalokohan mo talaga, kaya tayo napagkakamalan, e."Tumawa naman si Sherwin. "Joke lang naman.""Well, obviously. Hindi magandang biro.""Nabo-bored na kasi ako ro'n sa unit ko, wala akong magawa. Ganito pala ang feeling 'pag tambay.""Malapit ng pasukan, ba't hindi mo na lang asikasuhin ang trabaho mo sa university?""Nah... nakakatamad."Napanganga si Katherine. "What the...! Now I know kung ba't wala kang girlfriend at kung ba't ayaw mo pang mag-settle down.""You already want me to get married? Saka, anong kinalaman ng katamaran ko sa pag-aasawa?""Why not? You're old enough."Umiling si Sherwin. "Pa'no na lang kayo kung mag-aasawa na 'ko?""No!" biglang sigaw ni Shannon. "'Di ka pwede mag-asawa, Tito. Wala akong magiging kalaro.""Exactly!" react ni Sherwin.Natawa si Katherine. "Okay, baby. Hindi na pwedeng mag-asawa si tito Sherwin mo hangga't hindi mo pinapayagan," aniya saktong tumunog

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 255

    HINAPLOS-HAPLOS ni Sherwin ang buhok ng bata. "Magbabay ka na sa kanila," aniya.Lumingon naman si Shannon at pagkatapos ay kumaway sa dalawa. "Thank you po sa tulong. Babye na po."Kumaway rin si Joey pero nanatili ang tingin ni Cain, parang nahipnotismo. "Ahm, Sir? Ayos lang kayo?" aniya nang mapansin na nakatitig lang ito.Napakurap si Cain. "Sha-Sha, right? Nice meeting you." Sabay lahad ng kamay. "Ako nga pala si Cain, you can call me tito Cain."Ngumiti naman ang bata saka inabot ang kamay nito. Marahang pinisil bago bitawan. "See you, next time po!"Pagkatapos ay naglakad na palayo si Sherwin upang mabalikan si Katherine na naghihintay. "'Wag mo nang uulitin 'yun, a? Hindi ka dapat basta-bastang umaalis.""Sorry po. Akala ko kasi si Mommy 'yung sinundan ko, hindi pala.""Mabuti na lang talaga at mabait 'yung tumulong."Tumango-tango naman ang bata, nalulungkot dahil napagsabihan."Sha-Sha!" si Katherine na niyakap agad ang anak. "Sa'n ka ba nagpupupunta?!"Sumimangot at biglang

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 254

    BIGLANG nabuhayan si Sheena nang dumating si Jared, naluha pa nga siya sa tuwa. Inangat ang dalawang kamay, animo ay inaabot ito. "M-Mabuti naman at nandito ka na. Dalhin mo naman ako sa ospital, nahihirapan na 'ko.""Nahihirapan ka na?" may pagkasarkasmong sabi ni Jared. "Nahihirapan ka na sa lagay mong 'yan?"Tumango-tango si Sheena, may ngiti sa labi. Hindi man lang pansin ang namumuhing tingin ni Jared. Ang nanginginig at mariin na pagkuyom ng kamay."Kung gano'n ay ba't mo pa kailangang pahirapan ang sarili mo? Mamahinga ka na habangbuhay."Naglahong bigla ang ngiti sa labi ni Sheena ng marinig iyon. Hindi niya akalaing masasabi ni Jared ang ganoon kasamang bagay sa kanya."G-Gusto mo na 'kong mamat*y...? Matapos ng ginawa kong kabutihan sa'yo?! Wala kang utang na loob!"Napatiim-bagang si Jared, kulang na lang ay hatakin ang mukha nito pero nagpigil siya. "Sabihin mong gusto mong sabihin pero matagal ko ng pinagbayaran ang ginawa mo. Hindi porke't minsan mo 'kong tinulungan ay h

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 253

    NAPAKUNOT-NOO si Cain sa narinig. Gulong-gulo siya at nagpalinga-linga sa paligid. "Pa'no nangyari 'yun? Tatlong araw?!" At nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Si Marc?" Pagkatapos ay bumangon, kahit masakit ang katawan ay pinilit niya ang sarili. "Anong nangyayari? Para akong nabugbog." Akmang tatanggalin ang nakakabit na IV fluids ng pigilan ni Stella.Lumapit naman si Helen sa kama saka hinawakan ang balikat ng anak. "Three days ago, nakatanggap kami ng tawag mula kay Marc. Ang sabi niya ay nabunggo ka ng kotse sa labas lang ng ospital," aniya upang unti-unti nitong maalala ang nangyari.Napahawak naman si Cain sa ulo ng bigla itong kumirot. Saka niya naalala ang lahat. "S-Si-Si Katherine! Siya 'yung pasaherong sakay ng nahulog na taxi sa tulay!" Wala ng paligoy-ligoy pa, hinablot niya ang IV fluids sa kamay."Cain!" react ni Helen."Kailangan kong malaman kung anong nangyari sa asawa ko!"Sabay na napasinghap ang dalawang babae sa narinig. "A-Anong sinasabi mo?" naguguluhang t

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 252

    DAHIL sa impact ay sumadsad pa ang taxi palabas sa barricade hanggang sa muntikan nang mahulog sa tulay. Kaunting maling galaw ay talagang bubulusok pababa ang sasakyan.Si Katherine na nasa backseat ay napahawak sa noo ng maumpog sa passenger seat. Kung hindi siguro siya nakapag-seatbelt ay baka lumipad na siya palabas.Kahit mahilo-hilo sa puwesto ay inalala niya ang kalagayan ng driver. "K-Kuya?" Ngunit hindi ito gumagalaw. Niyugyog niya pa ang balikat nito pero hindi pa rin nagkakamalay.Hanggang sa mapansin ni Katherine na umuuga ang taxi. Pagtingin niya sa labas ay napatili siya sa takot. Kalahati ng sasakyan ay lampas na sa barricade!Nagkukumahog siyang lumabas ng tila mahuhulog sila. Naririnig niya ang langitngit ng metal na bumibigay."S-Saklolo!" sigaw niya na kahit gusto ng lumabas ay hindi niya magawang gumalaw. Steady lang siya sa puwesto sa takot na mahulog ang taxi."Miss, 'wag kang gagalaw!" sigaw ng lalakeng nagmamagandang loob.Hanggang sa dumami na ang mga nakiki-u

  • Contract Marriage: Mr. President Chasing His Secretary Wife   Chapter 251

    KAHIT biglaan ang kasal nila ni Cain ay nakapag-hire pa rin ito ng photographer para may wedding photos sila.Kaya nang mabasa ni Katherine ang text message ay sinabihan niya ang dalawang bodyguard na samahan siya sa shop upang kunin ang mga litrato.Ilang minuto lang naman ang biyahe at narating na nila ang lugar. W-in-elcome siya ng staff at tinanong kung ano ang sadya sa lugar."Naka-receive ako ng message," aniya sabay pakita ng phone.Binasa naman ng staff ang mensahe saka siya iginiya papasok pa sa loob.Sa reception ay sinabi ng staff sa kasamahan ang kailangan ni Katherine."Ano pong pangalan, Ma'am?" tanong ng staff sa counter."Katherine Garcia-- Vergara."Tumango ang staff. "Sandali lang, Ma'am at titingnan ko rito." Yumuko ang babae, hinanap sa drawer ang kailangan ng customer.Habang naghihintay si Katherine ay nakarinig siya ng shutter ng camera kaya napatingin siya sa partition wall. Sa palagay niya ay may ibang customer ang shop kaya naririnig niya iyon."Ito na po, Ma

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status