LOGINFIONA’S POVHalos mapako ako sa kinatatayuan ko habang ramdam ko ang biglaang pagtahimik sa loob ng kwarto matapos ang inosenteng tanong ni Paige tungkol kay Amerrie. Saglit na tumigil si Gideon sa pagpupunas sa buhok ni Paige. Hindi siya agad nagsalita, pero nang mag-angat siya ng tingin, nahuli niya ang mga mata ko na nag-aabang sa magiging reaksyon niya. Seryoso ang titig niya bago niya ibinalik ang atensyon sa anak nang walang bakas ng pag-aalinlangan sa mukha.“Alright, sweetie, that's enough questions for tonight,” sabi ko nang may pilit na ngiti bago ako lumapit para buhatin si Paige sa kama. "You had a long day, and your Daddy still needs to rest. Papatulugin ka na ni Mommy, okay?" Mabilis na tumango si Paige at lumapit para i-kiss ang pisngi ko."Goodnight, Daddy!" masayang sabi ni Paige, habang nakatingin kay Gideon na para bang naghihintay na i-kiss din siya nito. Bahagya muna siyang tumingin sa ’kin bago lumapit para halikan ang bata sa noo nito. Naamoy ko ang pamilyar na
FIONA’S POV"Let go of me! You're hurting me!" tili ni Amerrie habang pilit na binabawi ang braso niya.Bago pa man lumala ang gulo, bumukas ang glass door na nag-uugnay sa office namin ni Gideon. Pumasok si Gideon nang may madilim at nakakatakot na aura, agad na pumagitna sa amin, at marahas na itinulak palayo ang braso ni Amerrie mula sa pagkakahawak ko bago niya ako inilagay sa likuran niya kasama si Paige."What the hell is going on here, Amerrie?" malakas na tanong ni Gideon, puno ng galit ang boses niya. "Who gave you permission to barge into my wife's office?""G-Gideon, love, she hurt me!" sumbong agad ni Amerrie, biglang nagbago ang tono at nagpaawa habang nakaturo sa akin. "At ang bastos ng batang 'yan—""One more word about my wife or my daughter, and I will pull out every single investment the Del Fierro Group has in your family's company before lunch," putol ni Gideon nang walang kurap. "Get out of here before I call the security to escort you out!" Nakakakilabot ang bos
FIONA’S POVHalos hindi ko maramdaman ang bigat ng heels ko habang naglalakad kami sa napakalawak at kumikintab na lobby ng Del Fierro Tower. Sa bawat hakbang namin, ramdam ko ang mga matang nakatingin mula sa mga empleyado sa reception area hanggang sa mga executives na naghihintay sa elevator. Sanay naman ako sa atensyon noon dahil sa apelyido ni Daddy, pero iba ang bigat kapag ang apelyidong dala mo ay Del Fierro. Lalo na kapag nakakapit nang mahigpit sa kamay mo ang nag-iisang tagapagmana ni Gideon Del Fierro."Look, Mommy! Big fish!" turo ni Paige sa malaking indoor aquarium sa gilid ng executive lobby. Ang maliit niyang kamay ay bahagyang humihila sa akin habang ang kabila ay nakayakap sa kanyang bunny plushie.Ngumiti ako at bahagyang yumuko para pantayan ang tingin niya. "Yes, love. Pero huwag tayong lalayo, okay? We're going straight to our office."Nang mag-angat ako ng tingin, nahuli ko ang mga mata ni Gideon ilang hakbang lang mula sa amin. Nakatayo siya sa harap ng privat
GIDEON’S POVMaaga akong nagising para tapusin ang ilang documents bago ang opisyal na pagsisimula ng unang araw ni Fiona bilang Chief Strategy Officer. Alam kong malaking adjustment ang mangyayari dahil sa desisyon kong tanggapin siya sa bahay ko. Hindi lang sa company kundi pati na rin sa bagong takbo ng buhay namin ni Paige. Tahimik akong naglakad papunta sa room ni Paige. Maaga siyang magising, pero bakit kaya hindi pa siya bumababa para kulitin ako? Kumunot ang noo ko nang madatnan kong bukas ang pinto at wala ng tao sa kama.Nasaan sila?Bigla akong kinabahan. Hindi pa puwedeng maligo nang mag-isa si Paige; delikado kung maabot niya ang mainit na tubig nang walang nagbabantay sa kanya, o kung madulas man siya sa loob ng mag-isa. At never pa akong sinuway ni Paige. Nang marinig ko ang giggles niya sa loob ng CR, hindi na ako nag-isip pa. Mabilis kong binuksan ang pinto."Paige—"Napatigil ako, kasabay ng pagtigil ng mga paa ko. Halos ilang segundo akong nakatayo do’n. Nakaluhod s
FIONA’S POVHindi pa rin nagbabago ang lamig ng aircon sa loob ng office ni Gideon. Nakatayo lang ako sa harap ng mesa habang pinapanood ko siyang kumuha ng isang folder. Suot ko pa rin ang simpleng cotton sleepwear habang medyo basa pa ang dulo ng buhok ko dahil sa mabilisang pagligo."Have a seat," utos ni Gideon sa mababang at may awtoridad niyang boses habang itinuturo ang katapat na upuan.Agad kong hinila ang upuan para makaupo at masabi ang lahat ng mga conditions na pinaghandaan kong sabihin sa kanya. Agad akong umupo. At pinatong ang mga braso ko sa mesa at diretso siyang tinitigan sa mga mata."We should treat this as a business deal, Gideon," panimula ko sa malinaw at pormal na tono. "Pero bago tayo magpatuloy sa pagpapanggap na 'to sa harap ng buong mundo, may mga conditions din ako." Tinitigan niya ako nang may bahagyang pag-angat ng kilay, para bang tinitimbang kung gaano ako kaseryoso. "I'm listening." Sabi niya, gamit ang modulate at nahinahong boses."Una," itinaas k
FIONA’S POV“Puwede ba tayong mag-usap bukas, kahit after work?” sabi ko habang mahigpit na nakahawak sa seatbelt.“About what? Kung may sasabihin ka, go ahead. I’m listening. Isa pa, hindi mo na kailangang magtrabaho. I can give you anything you need, just stay with Paige.” Hindi man lang siya tumingin sa ’kin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.“Wait, wala naman sa agreement natin na hindi na ako puwedeng lumabas ng mansyon mo.” Bigla siyang napaharap sa ’kin nang tumigil ang sasakyan niya dahil sa traffic light.“You’re my wife now, and if you really want to work, then work for me.” Agad akong napaiwas ng tingin. Naramdaman ko rin ang biglaang pag-init ng mga pisngi ko.“That’s not what I mean.” Napansin ko ang pamumula ng dulo ng tainga niya nang makita niya ang reaksyon ko. “Gusto kong pag-aralan mo ang lahat ng tungkol sa company in a deeper level. My wife should know about my business.” Naiintindihan ko naman ang gusto niya. Paano nga naman namin mapapaniwala ang buong bansa







