MasukWow... may improvement na talaga sa feelings, Estella?
MitchPanibago na namang araw, pero parang may bitbit pa rin akong pagod mula kahapon—hindi sa katawan, kundi sa isip. Katatapos lang naming mag-almusal at nagdesisyon na tumambay sa living area. Walang masyadong ganap, chill lang. Nakabukas ang TV, naghahanap ng mapapanood habang hinihintay ang scr
MitchHindi agad natapos doon ang usapan.Akala ko, pagkatapos ng mga sinabi nila ay babalik na sa normal ang lahat—kanya-kanyang kain, konting biruan, tapos usapang laro na ulit. Iyong tipong parang walang nangyari, parang wala kaming binuksang topic na medyo… personal. Pero kahit pilit nilang gina
Alam na nila. At ngayon… may nakita pa sila. Hindi ko napigilan ang mapayuko. “Hindi niyo naman alam ang buong story…” mahina kong sabi, halos bulong. “Alam namin,” sagot agad ni Ryan. “Kaya nga hindi kami nagko-conclude.” “Concern lang kami,” dagdag ni Cecilio. “Sa’yo.” Unti-unti akong napahi
Mitch Kinabukasan, paggising ko pa lang ay may kakaibang bigat na agad akong naramdaman. Hindi iyon dahil sa pagod mula sa laban kahapon o sa puyat, kundi dahil sa katahimikan ng phone ko. Dahan-dahan kong kinuha iyon mula sa bedside table at agad na tiningnan ang screen. Wala pa rin. Walang mes
Mitch Tahimik ang kwarto, pero hindi ang isip ko. Nakahiga ako sa kama, nakatitig sa kisame habang hawak pa rin ang phone ko, na para bang anumang oras ay iilaw iyon at lalabas ang pangalan niya. Ilang beses ko nang chineck ang screen kahit wala namang notification. Paulit-ulit, parang umaasa sa w
“Mitch, missing sila,” paalala ni Cecilio. Hindi pa man ako nakakareact, biglang may sumulpot mula sa gilid ng mapa. Isang mabilis na galaw, kasunod ang stun na hindi ko na naiwasan. Sunod-sunod na damage ang bumuhos. “Back! Back!” sigaw ni Ryan. Pero alam kong huli na. Sa harap ng screen ko, n
NoellePaglabas ko ng restroom, agad akong natigilan nang makita ko si Chanden. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang o talagang bumigat ang paligid dahil sa nag-aapoy niyang tingin. Para bang may unos na nagbabadya sa kanyang mga mata. Lalapitan ko na sana siya para batiin, pero biglang lumabas din
Noelle“So, ikaw pala si Noelle.”Mataman akong tinignan ni Marcus, para bang ini-scan niya ako mula ulo hanggang paa kahit na nakaupo na kami. Parang may hinahanap siya o baka sinusukat kung sapat ba ako para sa pinsan niyang si Chanden.Nasa restaurant na kami ng hotel para mag-lunch pagkatapos ng
Noelle“How do you like the place?” tanong ni Chanden, sabay ngiti habang nakatitig sa akin. Kitang-kita sa mga mata niya ang saya at kasabikan. Parang batang atat na ipakita ang bagong laruan niya.Ako naman ay napangiti rin. Agad akong tumingin sa paligid, pinagmasdan ang bawat sulok ng hotel room
Chanden“Ano sa tingin mo, Kuya?” tanong ni Chancy habang inaayos ang pagkakaupo sa tapat ng aking mesa. Nasa opisina ko na kami, at sumunod silang dalawa pagkatapos ng huling meeting namin ngayong hapon. Tahimik sa paligid. Tanging ang marahang tunog ng wall clock at ang humuhuning aircon ang narir







