Share

CHAPTER 81

last update Last Updated: 2025-06-01 11:54:30

ALTHEA'S POINT OF VIEW

Simula pa lang ng taon, ramdam ko na agad ang pressure. Hindi lang bilang top student kundi bilang anak nina Killian Alaric Dela Vega at Amara Ysabelle Santiago-Dela Vega. Sa bawat hakbang ko sa school, laging may tingin. Laging may expectations. Laging may pangalan akong kailangan panindigan. Pero hindi ko na iyon iniinda. Sanay na ako. Isa pa, mahal ko ang ginagawa ko. Gusto kong nag-aaral, gusto kong natututo, gusto kong pinagmamalaki ako ng mga magulang ko.

Ngayong ako ang class president, doble ang responsibilidad. Lahat ng projects, lahat ng issues ng klase, sa’kin dumadaan. Pero kaya ko. Gabi-gabi akong nagre-review, maaga akong gumigising, halos wala na akong social life pero okay lang. Wala akong ibang gustong marinig kundi ang “I’m proud of you” mula kay Mama at Papa. Sapat na ’yon. Ika nga ni Mama, "Success is never accidental." At ako, wala akong balak bumagsak. Hindi lang sa academics kundi sa mata nila. Kaya sa lahat ng oras, lagi kong iniisip ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Contract of Hearts   CHAPTER 83: Over Protective Parents

    ALTHEA'S POINT OF VIEW Simula nang makatanggap ako ng scholarship offer mula sa university sa Australia, ramdam ko na ang pagbabago sa paligid ko. Hindi lang sa mga kaibigan kong panay ang tanong kung aalis na ba talaga ako kundi sa mismong tahanan namin. Hindi ko agad pinansin, pero unti-unti, napansin ko ang unti-unting paghigpit nina Mama at Papa. Mula sa dati kong routine na malaya akong nakakauwi ng 7 PM dahil sa school projects at student council meetings, ngayon ay may curfew na ako na 6 PM dapat nasa bahay na. Hindi ko alam kung exaggerated lang ako o talagang may malaking pagbabago.Minsan, habang nag-aaral ako sa kwarto, pumasok si Mama na may hawak na plato ng prutas. Sa halip na tuwa ang maramdaman ko, agad akong kinabahan nang makita ko ang seryoso niyang mukha. “Anak, from now on, i-update mo kami palagi kung saan ka pupunta, kahit school-related. Hindi na puwedeng bigla ka na lang mag-e-extend sa school,” sabi niya habang inaayos ang kurtina sa gilid ng kwarto ko.Na

  • Contract of Hearts   CHAPTER 82

    Althea's Point of View Simula pa lang ng araw na 'to, kabado na ako. Alam kong matagal ko nang pinaghirapan ‘tong sandaling ‘to araw ng recognition, at isa ako sa mga tatanggap ng “Academic Excellence Award” at “Leadership Distinction Medal.” Pero kahit ilang beses ko nang inisip kung paano ang takbo ng programa, hindi pa rin mapakali ang sikmura ko. Ramdam ko ang malamig na pawis sa likod ng leeg ko habang inaayos ko ang ribbon ng uniform ko sa harap ng salamin.Narinig ko ang mahinhing katok mula sa labas ng kwarto. "Anak, ready ka na ba?" boses ni Mama. Binuksan ko agad ang pinto at ngumiti kahit nanginginig ang mga kamay ko. Napatingin siya sa akin at halos mapaluha. "Ang ganda-ganda mo, Althea," sabi niya habang inaayos ang buhok ko. "Parang kahapon lang, pinapalitan pa kita ng diaper tapos ngayon, college-ready ka na."Napangiti ako. "Mama, wag kang iiyak ah. Di pa ako ikakasal," biro ko, pero ramdam kong kahit ako naiiyak na rin. Dumating si Papa sa likod niya, suot ang pabori

  • Contract of Hearts   CHAPTER 81

    ALTHEA'S POINT OF VIEW Simula pa lang ng taon, ramdam ko na agad ang pressure. Hindi lang bilang top student kundi bilang anak nina Killian Alaric Dela Vega at Amara Ysabelle Santiago-Dela Vega. Sa bawat hakbang ko sa school, laging may tingin. Laging may expectations. Laging may pangalan akong kailangan panindigan. Pero hindi ko na iyon iniinda. Sanay na ako. Isa pa, mahal ko ang ginagawa ko. Gusto kong nag-aaral, gusto kong natututo, gusto kong pinagmamalaki ako ng mga magulang ko.Ngayong ako ang class president, doble ang responsibilidad. Lahat ng projects, lahat ng issues ng klase, sa’kin dumadaan. Pero kaya ko. Gabi-gabi akong nagre-review, maaga akong gumigising, halos wala na akong social life pero okay lang. Wala akong ibang gustong marinig kundi ang “I’m proud of you” mula kay Mama at Papa. Sapat na ’yon. Ika nga ni Mama, "Success is never accidental." At ako, wala akong balak bumagsak. Hindi lang sa academics kundi sa mata nila. Kaya sa lahat ng oras, lagi kong iniisip ang

  • Contract of Hearts   CHAPTER 80

    ALTHEA'S POINT OF VIEW "Anak, saan ka pupunta?" tanong ni Mama habang pababa ako ng hagdan suot ang simpleng jeans at blouse. Bitbit ko ang tote bag ko at nakaponytail lang ang buhok."Library po, Ma. Group study kami nina Erika at Toni." Sinubukan kong maging casual ang boses ko, kahit medyo may kaba. Alam ko na ang susunod."Sinong Toni?" tanong niya kaagad. Napatingin siya mula sa laptop na hawak niya habang nagrereview ng schedule naming lahat. Oo, pati schedule ko siya ang may access."Classmate po. Mabait. Sa group namin sa Science." I tried to sound light, but I already saw the look on her face. Yung hindi naman galit, pero puno ng pagsusuri."Nagpaalam ka na ba kay Daddy?" tanong niya."Po? Ah, hindi pa po. Pero sandali lang naman po kami. Before dinner, andito na ako."Napabuntong-hininga siya. "Althea, hindi sa pinipigilan kita ha, pero kailangan nating iwasan ‘yung mga unnecessary lakad. You know how your schedule looks. Finals na."Napakagat ako ng labi. "Ma, hindi naman

  • Contract of Hearts   CHAPTER 79

    Althea's Point of View "Althea Dela Vega."Narinig ko ang pangalan ko habang tinatawag sa stage para tanggapin ang certificate ko as Best in Math, Best in Science, at Most Outstanding Student for the third quarter. Umalingawngaw ang palakpakan sa buong auditorium habang paakyat ako sa entablado. Ilang beses na rin akong nakaakyat dito pero hindi pa rin ako nasasanay. May kakaibang kilig at kaba sa bawat pagbanggit ng pangalan ko.Habang inaabot ko ang certificate mula kay Principal Reyes, tumingin ako sa audience. Kita ko agad si Mama at Daddy nakatayo pareho, proud na proud na parang sila 'yung tumanggap ng awards. Si Mama, suot ang eleganteng beige dress, kumakaway at may halong luha sa mata. Si Daddy naman, naka-black button-up at naka-folded arms, pero may ngiti sa labi at halos mapunit ang mukha sa tuwa.Hindi ko maiwasang ngumiti. Ito ang mga sandaling alam kong hindi ko sila binigo. Lahat ng puyat, review sessions, leadership meetings, at extracurricular activities worth it. P

  • Contract of Hearts   CHAPTER 78

    Althea's Point of ViewSimula pagkabata, alam ko na agad kung sino ang paborito kong tao sa buong mundo si Daddy. Hindi ko alam kung bakit, pero may magic siya na kahit anong gawin niya, pakiramdam ko laging ligtas ang mundo. Hindi siya masalita gaya ni Mama, pero isang tingin lang niya, alam kong proud siya sa akin.“Anak, kumain ka na?” tanong niya habang binababa ang suitcase galing sa sasakyan.Kakatapos lang ng business trip niya sa Singapore, at kahit sobrang pagod na siya, ang una niyang hinanap ay ako.“Opo, Daddy,” sagot ko habang tumatakbo papunta sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit, halos hindi na ako huminga sa tindi ng yakap niya pabalik.“Na-miss kita sobra,” bulong ko.“Sobra rin kita na-miss, baby,” sagot niya habang hinahaplos ang buhok ko.Si Daddy ang tipo ng tao na kahit ang buong mundo ay abala, kaya niyang huminto para lang sa pamilya niya. Ang dami kong naririnig na kwento tungkol sa pagiging terror boss daw niya sa opisina, pero sa bahay, para lang siyang mal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status