ログインAlthea POVIlang araw na ang lumipas mula nang ipanganak ko si Dylan, at kahit pakiramdam ko ay parang panaginip pa rin ang lahat, unti-unti ko nang tinatanggap na ito na ang bagong realidad ko… isang ina sa isang banyagang lugar, malayo sa lahat ng nakasanayan ko, at mag-isang humaharap sa responsibilidad na hindi ko pwedeng takbuhan.Tuwing umaga, nagigising ako hindi dahil sa alarm kundi sa mahina niyang pag-iyak, at kahit pagod ang katawan ko ay agad akong bumabangon para alagaan siya, dahil sa bawat iyak niya ay para bang may kumukurot sa puso ko na nagsasabing kailangan niya ako, kaya kahit hirap akong gumalaw dahil sa sakit ng katawan ko mula sa panganganak ay pinipilit kong maging matatag, dahil wala akong ibang choice kundi kayanin.Habang pinapadede ko siya isang umaga, nakatitig lang ako sa mukha niya, at hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa simpleng pagdilat niya ng mga mata ay parang nawawala ang lahat ng pagod ko, kaya marahan kong hinaplos ang pisngi niya at bumulong n
Althea POVHindi ko pa rin maipaliwanag ang pakiramdam habang hawak ko siya dahil parang sa unang pagkakataon ay tumigil ang mundo ko at lahat ng sakit, pagod, at takot na pinagdaanan ko ay biglang nagkaroon ng saysay, kaya habang nakatitig ako sa maliit niyang mukha at marahang binubulong ang “Hi baby…” ay hindi ko napigilan ang pag-agos ng luha ko dahil nandito na siya, buhay at ligtas.Kahit saglit siyang kinuha ng nurse para sa observation ay parang may bahagi ng puso ko ang sumama sa kanya kaya hindi ako mapakali habang hinihintay siyang ibalik sa akin, at nang muling dumating ang sandaling iyon at inilagay siya sa tabi ko ay mas lalo kong naramdaman ang koneksyon naming dalawa, parang kahit wala pa siyang kamalay-malay ay kilala na niya ako bilang ina niya at ako naman ay unti-unting natututong mahalin siya nang higit pa sa sarili ko.Habang yakap ko siya at pinagmamasdan ang bawat detalye ng mukha niya ay hindi ko maiwasang mapansin na may pagkakahawig siya sa ama niya, sa para
Althea POVNormal lang dapat ang araw na ‘yon.Katulad ng ibang araw ko dito… tahimik, simple, walang gulo.Maaga akong pumasok sa shop.Inaayos ko ang mga bagong dating na flowers, pinupunasan ang mga vase, at tinatanggal ang mga tuyong dahon.“Good morning,” bati ng boss ko.“Good morning,” sagot ko, pilit na ngumiti.Pero sa totoo lang…May kakaiba akong nararamdaman.Medyo mabigat ang tiyan ko.May konting kirot.“Okay ka lang?” tanong niya.Tumango ako.“Yeah… baka pagod lang.”Hindi ko na pinansin.Sanay na ako sa discomfort.Pero habang tumatagal…Hindi na siya normal.Biglang sumakit ang tiyan ko.Mas malakas.Mas matindi.“Ah…” napahawak ako sa mesa.“Althea?” nag-aalalang tawag ng boss ko.Hindi na ako makasagot agad.Bigla akong nakaramdam ng kakaiba.Mainit.Basang pakiramdam.Pagtingin ko…Nanlamig ako.“Something’s wrong…”“Call an ambulance!” sigaw ng boss ko.Nagsimula akong mataranta.“Hindi pa… hindi pa time…” bulong ko.Pero hindi na ako makagalaw.Unti-unting nang
Althea POVUnti-unti, nasasanay na ako.Sa katahimikan.Sa lamig ng hangin tuwing umaga.Sa sarili kong routine na wala nang ibang iniintindi kundi ang araw na kailangan kong lagpasan.Gigising ako ng maaga.Maghahanda.Pupunta sa maliit na flower shop kung saan ako nagtatrabaho.Uuwi.Magpapahinga.At paulit-ulit lang.Simple.Tahimik.At sa totoo lang…Ito yung buhay na matagal ko nang hinahanap.Pero kahit ganun…Hindi pa rin buo.Habang inaayos ko ang mga lilies isang umaga, napahinto ako nang biglang sumakit ang likod ko.“Ah…” napahawak ako sa mesa.“You okay?” tanong ng boss ko.Ngumiti ako kahit hirap.“Yes… just tired.”“Take it easy,” sabi niya. “You’re pregnant, not superwoman.”Napangiti ako nang mahina.Kung alam niya lang kung gaano ko pinipilit maging matatag.Pagkatapos ng trabaho, dumaan ako sa maliit na grocery malapit sa apartment ko.Namimili ako ng mga kailangan ko.Healthy food.Milk.Fruits.“Para sa’yo ‘to…” bulong ko habang inilalagay ang mga prutas sa basket.
Althea POVPaglapag ng eroplano, parang mas mabigat pa kaysa sa pag-alis ko.Hindi dahil sa pagod ng biyahe.Kundi dahil sa realidad na nasa harap ko na ngayon.Ibang bansa.Ibang hangin.Ibang buhay.At ako… mag-isa.Huminga ako nang malalim habang hinihila ko ang maliit kong maleta palabas ng airport.Malamig ang simoy ng hangin. Tahimik. Wala akong kilala.At sa unang pagkakataon…Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.“Ma’am, taxi?” tanong ng driver sa akin.Tumango ako.“Yes… please.”Habang nasa biyahe, nakatingin lang ako sa labas ng bintana.Mga gusaling hindi pamilyar.Mga taong hindi ko kilala.Lahat bago.Lahat malayo.Napahawak ako sa tiyan ko.“Baby…” bulong ko.“Dito tayo magsisimula ulit.”Pero kahit sinasabi ko ‘yon, may kirot pa rin sa dibdib ko.Kasi alam ko…May mga taong naiwan ako.At may isang taong mas lalo kong iniwan.Si Damian.Pinikit ko ang mata ko nang mariin.“Stop…” bulong ko sa sarili ko.Hindi ko pwedeng isipin ‘yon ngayon.Hindi pa.Pagdating ko sa
Althea POVMinsan, akala mo sapat na ang paglayo.Akala mo kapag tumakbo ka na palayo sa lahat ng sakit, mawawala na rin ito.Pero hindi pala ganun.Kahit saan ako magpunta…Bitbit ko pa rin.Ang nakaraan.Ang mga desisyon.At ang taong pilit kong iniiwasan.Si Damian.Napaupo ako sa gilid ng kama, hawak ang maliit na maleta na matagal ko nang tinititigan.Hindi ko pa ito sinasara.Parang may parte sa akin na umaasang hindi ko na kailangan pang gawin ‘to.Pero kailangan.Napahawak ako sa tiyan ko.Mas lumalaki na.Mas ramdam ko na siya.“I’m doing this for you…” mahina kong bulong.Para sa anak ko.Para sa kapayapaan.Para sa buhay na walang gulo.Hindi ko kayang lumaki siya sa mundong puno ng komplikasyon.Ng power struggle.Ng sakit.Kaya pinili kong umalis.Malayo.Sa Abroad.Sa lugar kung saan walang nakakakilala sa akin.Kung saan pwede akong magsimula ulit.Malayo kay Damian.Malayo kay Sebastian.Malayo kay Isabella.Malayo sa lahat.Kinabukasan, maaga akong pumunta sa shop.Ta
Althea POVHindi ko na alam kung kailan nagsimulang maging ganito kabigat ang lahat.Dati simple lang ang buhay ko. Tahimik. Ordinaryo. Hindi ko kailangang mag-isip ng kung sino ang kakampi o kalaban. Hindi ko kailangang mamili kung sino ang masasaktan.Pero ngayon…Parang bawat galaw ko may epekto
Isabella POVHindi ko gusto ang pakiramdam na ito.Frustration.I rarely feel it. Sanay akong kontrolado ang mga sitwasyon. Sanay akong nakukuha ang gusto ko sa pamamagitan ng tamang salita, tamang galaw, at tamang timing.Pero ngayon…Helena refused me.Habang naglalakad ako palabas ng hospital ha
Helena POVAmoy antiseptic ang buong hallway ng hospital. The lights were too bright, halos masakit sa mata. Tahimik ang paligid pero ramdam ko ang bigat ng mga nangyayari.I was sitting outside the room, hawak ang folder ng mga reports. Hindi ko na alam kung gaano na ako katagal doon.Then I saw h
Sebastian POVHindi natapos sa confrontation ang galaw ni Damian.Alam kong may kasunod iyon.He never moves without a second strike.Maaga pa lang, nasa boardroom na ako kasama ang legal at PR team. Naka-flash sa screen ang mga balita, social media posts, at articles na unti-unting kumakalat.“Sir







