DIANA’S POV
“I might forget this is just a contract.” ’Yun ang huling sinabi niya bago siya tumalikod kagabi. Pero hindi ’yun basta salita lang, para siyang may iniwang bomba sa dibdib ko. Hindi ako nakatulog nang maayos. Hindi ko alam kung dahil sa sinabi niya, o dahil sa pagkakatitig namin sa isa’t isa. Wala man siyang emosyon sa mukha, pero ’yung mga mata niya, parang may gustong sabihin na hindi niya masabi. Pagising ko, wala siya sa bahay. Business trip daw. Tatlong araw daw siyang wala, ayon kay Manang Celia. Sa isang banda, medyo magaan sa pakiramdam. Tahimik. Walang tensyon. Pero sa kabilang banda… parang kulang. Oh no, Diana. Simula na ba ’to ng kalokohan mo? --- Tatlong araw. Tahimik ang buong bahay. Wala si Adrian, pero naroon ang mga bakas niya sa lamesa, sa banyo, sa hallway. Amoy pa rin ang perfume niya sa coat na naiwan sa sofa. Pati si Coffee, ’yung alagang Labrador na hindi ko alam na meron siya, e parang hinahanap-hanap din ang amo niya. “Miss ka na niya,” sabi ni Manang Celia habang pinakakain namin ang aso. Hindi ko sinagot. Kasi totoo rin — miss ko na rin siya. Sa sobrang tahimik ng bahay, nagdesisyon akong maglibot. Hindi ko pa talaga nalilibot ang mansion na ’to. May music room pala, may gym, may library at isang maliit na garden sa likod na may mini koi pond. Doon ako madalas naupo. Binabasa ko ang mga librong naiwan doon. At habang binabalik-balikan ko ang mga pages, hindi ko namalayang iniisa-isa ko na ring balikan ang mga sandaling kasama ko si Adrian. Ang tahimik niyang tingin. Ang mahigpit pero mahinang pagkakasabi ng “you’re mine.” At ang paraan niyang protektahan ako kahit hindi niya inaamin. Hindi siya mabait. Pero hindi rin siya masama. May kung anong malalim sa likod ng katahimikan niya. At mas lalo akong nacu-curious. __ Pagbalik niya sa bahay, late na ng gabi. Naka-black coat siya, pagod ang mga mata, pero pulido pa rin ang postura. “Kamusta ang biyahe?” tanong ko, hawak ang tasa ng tsaa na ginawa ko para sa sarili ko. Nagulat siya. Siguro hindi niya inexpect na naghihintay ako. O siguro hindi siya sanay na may naghihintay. “Exhausting,” sagot niya. Tiningnan niya ang tasa ko. “Wala bang para sa akin?” sabay ang mix na maamo at suplado niyang mukha. “May extra sa kusina,” sagot ko agad, sabay tungo. Pagbalik ko, inaabot ko sa kanya ang tasa, pero mainit pala ang hawakan kaya na bitawan ko. Bago pa ito tumapon sa sahig, sinalo niya ito sa kamay niyang walang gloves. Mainit. Nagkatinginan kami. Muli. At gaya ng dati, tahimik. Pero maraming nasasabi. “Salamat,” mahinang sabi niya. “For waiting.” “Hindi ako makatulog,” sagot ko. “Kaya nagpainit ako ng tsaa.” Uminom siya. Tapos naupo sa tabi ko sa couch. Tahimik ulit. Tumingin ako sa kanya. “May itatanong ako.” “Go.” “Bakit ako?” “Anong ibig mong sabihin?” “Bakit ako ang inaya mong magpakasal?” Hindi siya agad sumagot. Tumingin muna siya sa tasa. Para bang iniisip niya kung worth it bang magsalita. “Because you looked like someone who needed a way out. And I was looking for someone who wouldn’t expect anything in return.” “Wala ka bang ibang pwedeng piliin?” “Wala akong gustong iba.” Simple. Diretso. Pero nakakapraning. Anong ibig sabihin no’n? Na ako lang talaga? O dahil ako lang ang convenient sa oras na ’yon? Tumingin siya sa akin, this time diretso sa mata. “Ikaw lang ang hindi lumuhod para kaawaan.” Na-stuck ako sa upuan. Hindi ko alam kung papaano aaminin na tumama sa puso ko ang sinabi niyang ’yon. Lahat kasi ng tinulungan ko, akala nila utang na loob ko pa. Pero siya, siya lang ang nakakakita na hindi ako patapon. __ Kinabukasan, tinanong niya ako kung gusto ko raw samahan siyang mag-grocery. Napakunot noo ako. “Ikaw? Grocery?” “Why? You think CEOs can’t buy toilet paper?” Napatawa ako. First time kong makita siyang medyo… tao. Sa loob ng grocery, ibang level ng awkward. Akala mo couple kami. Lahat ng mata nakatingin sa amin. ’Yung ibang babae nakatitig sa kanya, ’yung ibang lalake naman parang nagtatanong kung anong suwerte ko. Pero siya, parang walang pake. Tahimik lang siyang naglalagay ng items sa cart, habang ako naman ay naglalakad sa gilid niya na parang PA lang. “Do you like strawberries?” tanong niya bigla. Napalingon ako. “Ha?” “I saw you eating strawberry jam the other day.” “Ah, oo. Favorite ko.” Kinuha niya ang tatlong pack at inilagay sa cart. Hindi nagsalita. Pero nakita ko ang maliit na ngiti sa gilid ng labi niya. May ngiti rin sa labi ko. Kasi kahit simple lang… ramdam kong unti-unti niya akong pinapansin. At ako rin, hindi ko maikakaila. Unti-unti ko na siyang nakikilala. At ’yung nakikilala ko? Delikado. Kasi sa likod ng lahat ng pagiging tahimik niya… may lalaking handang manindigan. May pusong kahit sarado, marunong tumanggap. And I’m starting to want to be the one to open that door.ADRIAN'S POVTahimik ang buong kwarto habang pinagmamasdan ko si Diana na abala sa paglalagay ng mga gamit sa side table niya. Ilang araw na kaming magkasama sa iisang kwarto, pero pakiramdam ko’y bawat segundo palang ay panibagong torture. Hindi dahil sa inis ako pero dahil sa hirap pigilan ang sarili ko.She's too close. Too soft. Too damn beautiful.“Gusto mo ba ng kape?” tanong niya habang nakatingin sa mini coffee machine na nasa sulok ng kwarto. Naka-oversized shirt siya, yung binigay kong pangtulog, at naka-bun lang ang buhok niya. Simple lang. Pero ang puso ko, parang ayaw na ata tumigil sa kakaiba nitong rhythm.“Yeah,” sagot ko, sabay balik ng tingin sa laptop ko. Kunwari busy. Kunwari di ako naaapektuhan. Pero totoo niyan, isa lang ang gusto kong gawin—yakapin siya. Halikan. Alamin kung may nararamdaman ba siya gaya ng nararamdaman ko.Pero hindi pwede. Hindi pa.I need to be sure.Pumunta siya sa gilid ko at inabot ang tasa ng kape. “Here. Pangtanggal antok.”Napatingin ak
DIANA'S POVPagmulat ng mata ko, hindi ko agad naalala kung nasaan ako.Nanibago ako sa lamig ng silid, sa bango ng linen, at sa kalmadong katahimikan. Dahan-dahan akong bumangon at napatingin sa paligid, oo nga pala, sa kwarto ni Adrian ako.Kasama ang mister ko. Sa papel.Napatingin ako sa sofa. Nandoon siya, nakahiga pa rin, pero gising na. Hawak niya ang phone habang tila may ka-text. Suot pa rin niya ang puting shirt at gray na pajama, pero mukhang ilang oras na siyang gising.“Good morning,” bati ko.Napalingon siya sa’kin, at sa isang iglap, nagtagpo ang mga mata namin. Parang may dumaloy na kuryente sa balat ko. Hindi ko alam kung dahil sa magkasama kami sa iisang kwarto o dahil sa titig niya na parang may binabasa sa mukha ko.“Gising ka na rin pala,” tugon niya. “I was about to wake you.”“Anong oras na ba?” tanong ko habang nag-iinat.“Past 8. I let you sleep in.”Napahawak ako sa mukha ko. “Grabe, ang himbing ng tulog ko. I guess... dahil sa kama mo.”Napangiti siya ng bah
⚠GUYS BEFORE WE PROCEED TO CHAPTER 21, SORRY FOR THE CHAPTER 20, WHICH IS GET ERROR, I PUBLISHED IT WITHOUT THE FULL CHAPTER, I'M SO VERY SORRY GUYS. AND SORRY FOR NOT UPDATING FOR THE PAST FEW DAYS, IT'S BECAUSE OF NO SIGNAL, I AM IN PLACE WHERE TYPHOON LANDFUL, BUT HOPEFULLY I AM SAFE. CHAPTER 21 IS UNDER REVIEW OF MY CO EDITOR, JUST WAIT A LITTLE. THANKS GUYS. ADRIAN’S POVTahimik akong nakaupo sa kotse habang binabaybay namin ang daan papunta sa ospital. Katabi ko si Diana, pero hindi ko magawang tumingin sa kanya. Hindi dahil sa galit—kundi dahil sa sarili kong nararamdaman na ayokong aminin.Ang lalaking ‘yon kagabi… si Caleb.Best friend daw niya.Close sila. Masyado.Alam kong wala akong karapatang magselos, pero naramdaman ko ang kumirot sa dibdib ko nang makita ko silang magkasama. Yung pagkakangiti niya habang nakatitig sa lalaki, yung natural na kilos nila sa isa’t isa… Na para bang wala akong lugar sa eksenang ‘yon."Hindi mo kailangan sumama," sabi ni Diana bigla, brea
DIANA’S POV Tahimik ang buong unit nang bumalik ako mula sa ospital. Wala si Adrian — may emergency raw sa board meeting, sabi ni Marcus. Pero sa totoo lang, kahit gusto ko siyang makita, mas mabuti na rin siguro ang pagkakataong ito. Kailangan ko ng konting peace of mind. Pagkapasok ko, sinalubong ako ng isang kakaibang tanawin. May bouquet ng pink peonies sa ibabaw ng lamesa. Paborito ko. At hindi iyon galing kay Adrian. “Missed you, Dian.” Napalingon ako sa pamilyar na boses. Napakapit ako sa puso ko, parang nanlamig ang batok ko. “Caleb?” tanong ko, halos hindi makapaniwala. Nakatayo sa sala ang matalik kong kaibigan mula pa pagkabata. Ang best friend kong sabay kong lumaki, kabonding ko sa lahat, at matagal nang nasa New Zealand kasama ang pamilya niya. Naka white polo siya at faded jeans, hawak hawak ang bulaklak na kanina’y nakapatong sa lamesa. “Surprise,” ngumiti siya, at niyakap ako nang mahigpit. Saglit akong napahinto, kinurot ko ang sarili ko. Totoo ba ‘to? “Wait
ADRIAN'S POVMula pa lang sa front door, naririnig ko na ang tawanan. Masaya. Magaan. Hindi ako sanay sa gano'ng tunog dito sa bahay. Usually, tanging tik-tak ng orasan at mga tahimik na yabag ng mga staff lang ang maririnig.I loosened my tie. May meeting akong galing pa sa Tagaytay, pero sa buong biyahe, ang iniisip ko lang ay kung kumusta na si Diana at si Lyka. At kung bakit hindi ako mapakali simula nang nag-text si Marcus kanina.“Sir, may lalaking bisita po si Ma’am Diana. Close daw sila.”No other details. Pero sapat na ‘yon para gumapang ang inis sa leeg ko.Pagpasok ko ng bahay, nakita ko agad siya.Isang lalaking naka-white polo, sleeves rolled up, hair slightly tousled like he’s been laughing for hours, at hawak pa ang stuffed toy na tiger. Nakaupo sa gilid ng couch, habang si Diana ay nasa tabi niya, nakangiti. At si Lyka, tawang-tawa sa mga jokes nito."Adrian!"Diana ang unang nakapansin sa'kin. Tumayo siya agad, may bahagyang kaba sa kilos."Welcome back," dagdag niya,
DIANA'S POVTahimik ang buong recovery room. Ang tanging maririnig ay ang unti-unting paghinga ni Lyka, habang tulog siya sa kama. Sa tabi niya, nakaupo ako, hawak ang kamay niya habang pinagmamasdan ang unti-unti niyang paggalaw.Thank God, stable na siya.Pero kahit gaano kalaking ginhawa ang naramdaman ko, hindi pa rin maalis ang guilt sa dibdib ko. I let her down. Ilang araw ko siyang hindi kinakausap dahil sa takot, sa hiya... sa lahat ng mabibigat na dahilan na hindi sapat para iwan ko siya.Tumayo ako sandali para kumuha ng tubig, pero hindi pa ako nakakalayo nang biglang bumukas ang pinto.“Surpriiise!”Napahinto ako. Sandaling natulala.Isang lalaking matangkad, naka-denim jacket, may bitbit na bouquet ng fresh tulips, ang ngumiti sa’kin nang may kasamang pagkamiss. May bitbit pa siyang maliit na stuffed bear at paper bag na mukhang galing pa sa airport mismo.“Liam…” bulong ko, nanlaki ang mga mata.“Yes, bestie! I’m back! You weren’t replying to my messages for days kaya I