Share

Kabanata 1

Author: Naja
last update Last Updated: 2025-07-04 19:45:09

Magsasalita pa sana ako nang biglang may dumaan at sa di inaasahan, nasagi ako at bumuhos sa akin ang alak, mula ulo, balikat, hanggang dibdib. Ramdam ko agad ang lamig ng alak na parang yelo na dumampi sa balat ko.

Nabasa ang suot kong puting blouse, at hindi ko na napigilan ang mapasinghap nang maramdaman kong bumakat ang itim kong bra sa manipis kong uniporme.

"Shît," bulong ko, nanginginig.

Nagtawanan sila.

Akala ko maririnig ko lang ang tunog ng yelo na bumagsak sa tray, pero mas malakas pa pala ang halakhak ng mga mayayamang impakto sa VIP.

Minamata nila ako dahil alam nilang mahirap lang ako at sila? Kayang-kaya nilang gawin kung anuman ang gusto nila dahil mapera sila. May yaman kaya nagagawa nilang apak-apakan ang mga taong tulad ko.

Napapikit ako ng mariin at nakuyom ang kamao.

Tingin ko mas malala 'to kesa doon sa trabaho nina Charlie at Miks. Iyon kasi puro katawan ang habol, 'yong dito, tingin ko, pambubully.

"Kawawa naman. Parang basang sisiw. Sorry girl. Hindi ko sinasadya," wika no'ng babae na nagsasalin ngayon ng alak. Pero alam kong sinadya niya 'yon. Kitang-kita ko sa paraan ng pagngisi niya.

Uminit ang mukha ko sa kahihiyan nang may biglang sumipol mula sa grupo.

"Uy pre, bakat."

Pumugto ang mga mata ko sa inis at galit. Tumama sa akin ang bawat salitang binigkas nila. Para akong binuhusan ng mantikang kumukulo.

Tangîna niyo.

Napapikit ako ng mariin, pinipigilan ang sariling makasuntôk.

Nakaramdam ako ng panlalambot sa tuhod, pero pinilit kong tumayo ng tuwid. Sa gilid ng mata ko, nakita ko si Yul. Nakaupo lang. Tinitigan ako saglit, blangko ang mukha. Parang hindi siya apektado. Parang wala lang.

Wala siyang sinabi.

Wala siyang ginawa.

Akala ko… kahit papano, kahit isa lang sa kanila, may magtanggol sa akin. Pero wala.

Lahat sila, maliban kay Yul, tawanan ang naging kasabwat sa kahihiyan ko.

Hindi ko na kinaya. Tahimik akong lumabas ng VIP room, hawak ang tray. Deretso ako sa CR. Sa loob ng cubicle, doon ko pinakawalan ang luha ko. Nanginginig ang buong katawan ko, sa lamig, sa galit, at sa sakit.

Tangîna niyo. Lahat kayo.

At 'yung Yul na 'yun. Ang yabang. Nakakainis. Akala mo kung sinong prinsipe. Pero mas malala pala. Napakalaking duwag. Anong klaseng prinsipe siya?

Habang pinupunasan ko ang katawan ko gamit ang tissue, ginugulo ng isipan ko kung bakit kailangan ko pa ‘tong danasin.

Binalot ko ng cardigan ang sarili ko at nagsuot ng luma kong blouse na baon ko na binili ko lang noon sa ukay. Amoy luma, pero mas maigi na kaysa magmistulang b0ld star sa daan mamaya.

Nang matapos ako, nagpaalam na ako sa manager ko na uuwi na. Mukhang napansin niyang wala ako sa mood kaya pinayagan ako.

Pag-uwi...

Pagbukas ko ng pinto ng bahay, agad akong sinalubong ng sigaw ng tatay kong lasing.

“Lian! Nasaan na naman ang pera?! Tinago mo na naman ba, ha?!"

“Tay, kararating ko lang po tapos lasing na naman po kayo—”

“Huwag mong ilihis ang usapan! Kailangan ko ng pera! May utang ako kay Aling Dodeng! Tindahan lang ‘yon pero hindi mo na mabayaran?! Anong klaseng anak ka!”

Hindi pa ako nakakapagpaliwanag nang lumapit siya sa akin. Amoy alak. Mabigat ang hakbang. At bago pa man ako makapagsalita, isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ko.

Pak!

Sa sobrang lakas, para akong nabingi.

“Wala kang kwentang anak! Anong silbi ng trabaho mo kung hindi mo kami kayang sustentuhan?!”

Napahawak ako sa aking pisngi. “T-Tay, kay Nanay po napupunta lahat, sa gamot, ospital—”

“Puro ka palusot!” sigaw niya bago niya ako tinadyakan sa tagiliran.

Napaluhod ako sa sahig, nanginginig, hawak ang tiyan ko habang nangingilid ang luha.

Hindi pa sapat ‘yon.

Biglang lumapit si Alex, ang kapatid kong adik na kanina pa nanonood sa eksena. Ni hindi man lang ako pinagtanggol o inawat man lang si tatay.

Ano bang nagawa ko para danasin ko ang paghihirap na 'to?

Mula sa pinagtatrabauhan ko, pati ba naman dito sa bahay? Wala man lang pahinga?

“Ate, pahingi ng bente. Kailangan ko lang. Pang-load lang, promise,” aniya habang hawak ang cellphone niyang bagong labas pa lang. Ako nga halos wala nang pambili ng sabon.

Hindi ko alam kung saan niya kinuha 'yon o saan na naman umutang para makabili no'n.

“Kita mo na ngang ganito ako tapos manghihingi ka pa?!” bulyaw ko.

“Ang kuripot mo!” sabay tulak niya sa akin. Sumubsob ako sa sahig. Dugo ang tumulo sa ilong ko.

Wala. Wala silang pakialam.

Hindi ako anak, hindi rin ako kapatid. Isa lang akong gatasang baka sa kanila.

Wala akong ginawa kundi magpaka-anak at ate sa kanila pero anong sinukli nila? Puro pasakit.

Kinabukasan, pinilit kong bumangon kahit masakit ang tagiliran at pisngi ko. Kailangan kong pumasok dahil kailangan kong kumita.

Muli, pinagserve ako sa VIP room. Akala ko makikita ko na naman ang mga hayóp pero bahagya akong nagulat nang madatnan ko na si Yul lang ang nandoon.

Tahimik akong nag-set ng tray. Pero maya-maya, nagsalita siya.

“You’re still working here?”

Hindi ko siya tiningnan.

"I thought you had some pride. Pero parang mas gusto mo yatang laging tinatapakan, laging inaapi. Hinahayaan mo na lang silang apak-apakan ka."

Napapikit ako. Nanginginig ang kamay habang nilalatag ang baso.

“Wala ka talagang alam, no?” malamig kong sagot. “Hindi mo alam kung anong hirap ng isang katulad kong araw-araw lumulunok ng kahihiyan para lang may maipambili ng gamot.”

“May choice ka naman,” aniya. “Pero pinipili mong manatili rito.”

Tumigil ako sa ginagawa. Binalingan ko siya tingin. “Oo, may choice ako. Pero hindi lahat ng choice, maganda. Yung iba, desperado. At kung nasaan ka ngayon, kung anong ginhawa ang meron ka, hindi mo ‘yon nakuha sa pagpili mo. Sa swerte mo ‘yon. Kami? Wala kaming swerte. Araw-araw kaming lumalaban para mabuhay.”

Tiningnan niya lang ako ng malamig. Hindi na umimik.

At doon ko naisip, wala akong dapat patunayan sa kanya.

Tumayo ako at tumalikod.

"Where are you going?"

Nanigas ako nang hawakan niya ako sa pulsuhan.

"Hindi mo ba ako sasamahan?" nahimigan ko ang tuwa sa boses niya. "Binalikan pa naman kita dito tapos iiwan mo 'ko?"

Marahas kong binawi sa kanya ang kamay ko.

"Para ano? Para pagtawanan? Insultuhin ulit?"

"No. I'm here to offer you something—hey, Lian!"

Lumabas ako ng VIP room. Dire-diretso sa locker. Tinanggal ang ID ko, isinilid ang uniporme. Umalis ako ng walang pasabi.

Ayoko na. Hindi na ako babalik doon.

Kung anuman 'yong offer sa sinasabi niya, sa kanya na! Hindi ko kailangan!

Naghanap ako ng ibang trabaho. Kahit anong trabaho.

Delivery. Dishwasher. Tagalinis. Kahit raket na delikado, ginrab ko na. Wala akong pahinga. Wala akong sapat na tulog. Pero mas mabuti na ‘to kesa tapak-tapakan ulit ang pagkatao ko.

Hanggang isang gabi, habang nagpapahinga ako sa gilid ng kalsada, may dumating na mensahe sa lumang cellphone ko.

[TXT MSG]: Good day, Miss Lian. This is from ShieldForce Agency. Congratulations! You have been accepted as a trainee under our Tactical Women’s Defense Unit. Please report on July 6, 9:00 AM. Full training details to follow.

Hindi ko mapigilang mapaiyak.

Totoo ba talaga 'to?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 4

    Natahimik ang lahat. Walang gumalaw. Pero ramdam ko ang gulat at pagkabigla nilang lahat. Maski ako. Sa gitna ng engrandeng bulwagan, habang nakatingin sa akin ang lahat ng maharlika, royal guest, at mga kinatawan ng ibang kaharian, ako lang ang hindi humihinga. "Anong…" Nakagat ko ang ibabang labi, pilit pinipigilan ang panginginig ng tuhod ko. “Lian,” mahinang sambit ni Yul, hawak pa rin ang bukas na kahon. “This isn’t about forgiveness. It’s not about clearing my name. I’m doing this because I want to choose you. Please… accept my proposal.” Bakit ako pa? Malaki ang galit ko sa kanya pero bakit... ako? "Help me, Lian," halos pabulong niyang sabi. Saan? Saan ko siya tutulungan? May humugong na pag-ubo mula sa gilid. Isang matandang ministro. Naroon ang hari’t reyna sa trono, parehong nakamasid, parehong hindi ngumiti o pumalakpak. Maging si Princess Ianna, ang tanging mukhang kalmado ay tahimik lang sa tabi. Dumapo sa balikat ko ang malamig na kamay ng tagapagsalita

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 3

    Tulala akong umuwi pagkatapos ng nangyari. Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag mula sa ShieldForce main office. Wala pang 12 oras mula nang mangyari ang eskandalo. “Lian dela Cruz, as per immediate directive from royal protocol, you are hereby suspended pending investigation,” malamig na sabi ng boses sa kabilang linya. “Please return your badge and ShieldForce-issued equipment within 24 hours.” Parang may bombang sumabog sa loob ng dibdib ko. “A-Ano pong dahilan, ma’am?” “Violation of proximity protocol. Inappropriate engagement with a high-profile client. Breach of conduct.” Hindi ko na narinig ang kasunod. Parang lumabo ang pandinig ko. Parang nalunod ang boses ng babae sa bilis ng tunog ng tib0k ng puso ko. “Ma’am,” garalgal kong sabi. “Hindi po ako ang nag-umpisa. May—may CCTV po." “We are reviewing the footage, Miss Dela Cruz. But for now, protocol stands. You are relieved of your duties until further notice.” Nabitawan ko ang cellphone pagbaba niya ng tawag.

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 2

    Hawak ko pa rin ang cellphone habang nanginginig ang kamay ko. Ilang beses kong binasa ang text, inulit-ulit, baka nagkamali lang ng padala.Pero hindi. Pangalan ko ang nakalagay. Ako talaga.Accepted. Tactical Women’s Defense Unit.Mahina kong natampal ang noo at napangiti sa tuwa. Sa likod ng isang junkshop, may streetlight na kumikislap-kislap. Doon ako madalas nagpapahinga pagkatapos ng isang araw ng paglalako ng gulay, paminsan tagabuhat pa sa palengke. May kaunting kinikita. Pero sa ospital pa rin halos napupunta.Napatakip ako ng bibig habang bumubuhos ang luha. Sa dami ng pinagdaanan ko, ngayon lang ako humagulgol ng ganito, hindi sa sakit, hindi sa gutom, kundi sa pag-asa.Pag-asang mabuhay... umangat sa hirap.July 6 — ShieldForce Training CampMaaga akong nagising. Alas-kuwatro pa lang, naglalakad na ako papuntang terminal.Pagdating ko sa training facility, hindi ako makapaniwala. Malawak ang compound, parang pang-militar. May mga babaeng nakasports gear, iba’t-ibang edad,

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 1

    Magsasalita pa sana ako nang biglang may dumaan at sa di inaasahan, nasagi ako at bumuhos sa akin ang alak, mula ulo, balikat, hanggang dibdib. Ramdam ko agad ang lamig ng alak na parang yelo na dumampi sa balat ko. Nabasa ang suot kong puting blouse, at hindi ko na napigilan ang mapasinghap nang maramdaman kong bumakat ang itim kong bra sa manipis kong uniporme. "Shît," bulong ko, nanginginig. Nagtawanan sila. Akala ko maririnig ko lang ang tunog ng yelo na bumagsak sa tray, pero mas malakas pa pala ang halakhak ng mga mayayamang impakto sa VIP. Minamata nila ako dahil alam nilang mahirap lang ako at sila? Kayang-kaya nilang gawin kung anuman ang gusto nila dahil mapera sila. May yaman kaya nagagawa nilang apak-apakan ang mga taong tulad ko. Napapikit ako ng mariin at nakuyom ang kamao. Tingin ko mas malala 'to kesa doon sa trabaho nina Charlie at Miks. Iyon kasi puro katawan ang habol, 'yong dito, tingin ko, pambubully. "Kawawa naman. Parang basang sisiw. Sorry gir

  • Crown Prince Proposal   Simula

    Lian's Point of View Bilang breadwinner ng isang pamilya na may tatay na lasinggero at kapatid na puro bisyo, isa lang ang gusto ko, ang makalaya. Okay na sa akin na si nanay lang ang makasama ko sa buhay, huwag lang ang tatay at kapatid kong walang ginawa kundi lustayin ang pera ko na dapat sana pambayad sa gamot at hospital bills ni nanay. Pero may pagpipilian ba ako kung sa akin sinisingil lahat ng utang nila? Kailangan kong magabayad kundi baka mabalita na lang sa akin na wala na si tatay o 'di kaya ang kapatid ko. Ganun palagi ang cycle ko sa buhay na gustong-gusto kong takasan. Hirap na hirap na akong pasanin sila pero sa huli pamilya ko pa rin sila. Mapait akong napangiti at napailing, bitbit ang trash bag na itatapon sa basurahan. Araw-araw akong nakikipaglaban sa buhay para lang may makain, may maipambayad sa utang at sa hospital bills habang ang tatay at kapatid ko, walang pakialam sa akiin. Puro bisyo ang inaatupag. "Dati ko pa sinabi sa kanya na magserve siya sa mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status