⚠️ Warning: This novel contains mature themes, explicit language, and sèxual content since this is erotica. Reader discretion is advised.
Lian's Point of View Bilang breadwinner ng isang pamilya na may tatay na lasinggero at kapatid na puro bisyo, isa lang ang gusto ko, ang makalaya. Okay na sa akin na si nanay lang ang makasama ko sa buhay, huwag lang ang tatay at kapatid kong walang ginawa kundi lustayin ang pera ko na dapat sana pambayad sa gamot at hospital bills ni nanay. Pero may pagpipilian ba ako kung sa akin sinisingil lahat ng utang nila? Kailangan kong magabayad kundi baka mabalita na lang sa akin na wala na si tatay o 'di kaya ang kapatid ko. Ganun palagi ang cycle ko sa buhay na gustong-gusto kong takasan. Hirap na hirap na akong pasanin sila pero sa huli pamilya ko pa rin sila. Mapait akong napangiti at napailing, bitbit ang trash bag na itatapon sa basurahan. Araw-araw akong nakikipaglaban sa buhay para lang may makain, may maipambayad sa utang at sa hospital bills habang ang tatay at kapatid ko, walang pakialam sa akiin. Puro bisyo ang inaatupag. "Dati ko pa sinabi sa kanya na magserve siya sa mga VIP pero panay tanggi. Ano lang naman ang gagawin niya doon, i-entertain ang mga bigateng boss at kung gusto pa niya ng malaking sahod, pwede niyang gamitin ang katawan at galingan na lang sa performance sa kama, paldo na siya doon. Baka pa nga may magtip sa kanya ng isang milyon, eh 'di bayad siya lahat sa utang. Easy money," rinig kong sabi ng kasamahan ko sa trabaho at alam kong ako ang tinutukoy niya. Ako lang naman yung tumatanggi sa offer nila na maging isa sa kanila, na katawan ang ginagawang pampaaliw sa mga bigateng boss. Oo't nagtatrabaho ako sa bar at club pero ni minsan hindi sumagi sa isip ko na ibenta ang katawan ko para lang makakuha ng malaking tip o yumaman. Sapat na sa akin 'yong may sinasahod ako at may kakaunting tip, huwag lang ang ganung bagay. May natitira pa naman akong respito sa sarili ko at dignidad kaya hinding-hindi ko gagawin yun. "Paano kaya sila nabubuhay? May lasinggerong tatay at mabisyo na kapatid, may nanay pang comatose. Kawawa talaga." Mapakla akong napangiti sa narinig. Normal na sa akin na pag-usapan nila dahil araw-araw naman yun nangyayari pero hindi ko pa rin maiwasan masaktan kapag tungkol na sa pamilya ko. Masakit pero mas pinipili kong manahimik na lamang dahil ayokong may maka-away. Ang dami ko nang problema, idadagdag ko pa ba yun? Sanay na rin naman ako. Ano pa bang bago? Pagchismis-an lang nila ako, wala akong pakialam. Humugot ako ng malalim na paghinga at itatapon na sana ang basura nang biglang may nagtulak sa pinto kung saan ako nakatayo. "Uy, nandyan ka pala. Magtatapon ka ng basura? Maninigarilyo sana kami. Padaan ha? Doon lang kami sa madilim. Tapos na kasi kami. Sama ka ba mamaya sa amin?" anyaya ni Mika na mabait lang kapag kaharap ako. "Naku wag mo na yang i-invite, Miks, tatanggi rin naman yan," sabat naman ni Charlie. "Tara na sa madilim, kating-kati na ako manigarilyo. Ang sarap kaya kapag katatapos lang may magbembang sa'yo tapos sigarilyo agad. Hindi naman yan makarelate si Lian. Ayaw magpagalaw. Virgin pa." Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi nila at itinapon ang trash bag sa tambakan no’n. Papasok na sana ako nang mahagip ng tingin ko ang malaking billboard sa kabilang building. “Crown Prince Yul is now looking for a bride to marry as he will be the next king of the country,” nakalagay sa caption, kasama ang gwapong mukha ng prinsipe. Hindi ko akalaing aabot ako sa panahon na may mga prinsipe at prinsesa pa, pero siguro iilan na lang. Sila lang din ang kilalang royalties sa bansa kaya sikat pa rin. Ina-acknowledge pa rin sila ng gobyerno. Ganun talaga kapag maimpluwensiya ang pamilya, malakas sa politika at iba pang aspeto kaya nare-recognize pa rin ng karamihan. Sino bang hindi? Bilyonaryo ang pamilya, may iba't-ibang kumpanya, may malaking palasyo, mga lupain, lahat na yata nasa kanila. "Funny isn't it?" Natigilan ako sa narinig. Hinanahap ko agad ang pinanggalingan ng boses hanggang sa dumako ang tingin ko sa pigura ng isang lalaki. "Bakit?" tanging lumabas sa bibig. "That royalties exist in modern time," wika ng lalaki. "If you are offered by marriage of the prince, will you accept it?" Namataan kong humarap siya sa akin. "A-Ako?" turo ko sa sarili, medyo nag-aalangan pa. "Yes, you. May kausap pa ba ako dito maliban sa'yo? Unless may nakikita kang 'di ko nakikita." Masungit niyang sabi. "Uh, hindi ko alam. Depende?" hindi siguradong sagot ko. "Even if you have the privelege on everything? Money, house and lot, travel around the world, just everything," diin niyang sinabi. Napaisip ako. Kung magpapakasal ako sa prinsipe, wala na akong pproblemahin sa lahat. Pero kapalit naman no'n ang kalayaan ko dahil matatali ako sa royal duties. Pero kung tutuusin, mas maayos naman 'yon kesa magtrabaho sa club at bar. "Oo, pwede naman. Pero hindi ba dapat kapwa-royalty rin ang pinipili bilang mapapangasawa ng isang prinsipe?" tanong ko, may halong pagtataka. "The prince has the right to choose whoever he wants," sagot niya, tila walang gana. "Anyway, thanks for answering. See you around." See you around? Regular customer ba siya sa bar? "Pero..." kumunot ang noo ko nang wala na siya sa kinatayayuan niya. Nasaan na 'yon? "Lian, tawag ka! Magseserve ka na raw," tawag sa akin mula sa loob kaya agad akong pumasok. "Ikaw ang magserve sa VIP, wala si Miks at Charlie. Huwag kang mag-alala, hindi sa paraang iniisip mo ang tinutukoy kong VIP. Puntahan mo na lang," si manager kaya sumunod ako dahil may tiwala naman ako sa kanya at alam niyang magkaiba kami nila Miks at Charlie. Pagpasok ko pa lang sa VIP na sinabi niya, mamahaling alak agad ang sumalubong sa akin at pabango. Hindi mausok, kwentuhan at tawanan lang. "Ito na po yung pulutan niyo," mahinang sabi ko at maingat na inilapag ang mamahalin tray sa lamesa. "Here's your tip." Napatingin ako sa kamay nang ilapag niya ang limang libo sa tabi ng kamay ko. "You're that girl, right? The one I talked to?" Mabilis akong nag-angat ng tingin sa nagsalita at bahagyang nanlaki ang mga mata. “I–Ikaw yung nasa labas kanina? At ikaw rin yung... nasa billboard, ‘di ba?” Siya ‘yong prinsipe? Si Prinsipe Yul? Yung naghahanap ng mapapangasawa? “Uh-huh. Why? Would you like to be my bride?”Pagkatapos ng ball, bumalik ako sa aking kwarto na durog, umiiyak sa sakit ng nararamdaman. Anong problema niya? Bakit niya ako ginaganito? Bakit hindi niya sa akin sabihin ng deritso ang dahilan bakit parang estranghero na lang ako sa kanya? Hindi 'yong iiwasan niya ako ng ganito.Ilang araw ang lumipas at parang multo ako sa palasyo. Ginagawa ko ang mga daily routines ko, pero ang utak ko, tuloy-tuloy sa pag-overthink. Hindi ako mapakali.Isang araw, nalaman kong nasa training grounds si Yul. Isa itong malawak na open field kung saan nagpapraktis ang mga prinsipe at ang kanilang mga guwardiya sa sword fighting, archery, at iba pang martial skills. Nakatago ako ngayon sa gilid, sa likod ng malalaking puno, habang pinapanood siya.Ang galing niya. Bawat galaw, preciso at malakas. Nakakamangha.Nang matapos ang training niya, lumapit sa kanya ang ilang mga guards. Binigyan nila siya ng tubig at towel. Pagkatapos, dumating din ang ibang royalties, mga babae. Nakita ko silang nakipagta
Pagkatapos ng gabing 'yon, nagbago ang lahat. Or, mas tama siguro sabihin na nagbago si Yul. Para akong hinulog sa isang malalim na balon na walang sapit, iniwan sa dilim matapos niyang iparamdam ang init. Ang dating tingin niya na puno ng pagnanasa at pag-unawa ay napalitan ng isang blangko at malamig na ekspresyon. Akala ko, ang gabing 'yon ang magiging simula namin. Ang magiging tulay para mas maging malalim ang koneksyon namin sa mundong ito na pareho naming pinasok. Pero nagkamali ako, I was left alone in the dark. Sa madaling salita, tinikman lang niya ako. Kinabukasan, pagkagising ko, wala na siya sa tabi ko. Ni isang bakas ng presensya niya, wala. Ang tanging natira ay ang amoy niya sa unan, at ang bakas ng init niya sa kumot. Pakiramdam ko, ang tanga-tanga ko. Bakit ba ako umasa? Bumalik sa dati ang lahat. Ang pakiramdam ng pagiging mag-isa, ang bigat ng responsibilidad na hindi ko pa rin lubos maintindihan. Bumalik ako sa pag-aaral ng mga tradisyon, sa pagsasanay sa
Pagkalapat ng pinto, bumuntong-hininga ako nang malalim. Pakiramdam ko, buong araw na akong naglalakad sa tightrope na walang safety net. Akala ko noon, kapag tapos na ang dinner with the King and Queen, tapos na rin ang pressure. Pero iba pala. Mas lalo lang akong hinihila papasok sa mundo na kahit ngayon, hindi ko pa rin lubos maintindihan. “Are you that tired?” tanong ni Yul mula sa likod ko. Hindi agad ako sumagot. Tumayo lang ako doon, nakatalikod sa kanya, hawak-hawak ang gilid ng pintuan. Akala ko kasi nakalabas na siya, hindi pa pala. Nilugay ko ang buhok since basa pa rin. Ramdam ko ang malamig na patak ng tubig mula sa dulo ng buhok ko hanggang sa batok. “Pagod,” sagot ko. “Pero… siguro masasanay din ako." Naramdaman kong lumapit siya sa akin pero hindi ko pinansin. Pagkatapos nanigas ako nang maramdaman kong inabot niya ang buhok ko at piniga nang marahan. Naramdaman ko ang init ng palad niya sa batok ko, sa balikat ko. Napalunok ako. Biglang uminit ang pal
Kinabukasan, bandang alas-sais ng gabi. Katatapos ko pa lang maligo, naka-robe pa, basa pa ang buhok ko, nang may kumatok. Pagbukas ko ng pinto, nandoon ulit si Sir Hendrik. “Miss Lian,” mahinang sabi niya. “The King and Queen request your presence for dinner. In the North Dining Hall. Now.” Bigla akong napatayo ng tuwid. “Now?” “Yes, ma’am. Formal.” “As in… long dress, heels, straight back, no slouching kind of formal?” “Correct.” “Okay, sige. Fifteen minutes?” “Ten.” Napalunok ako. Lord, pahinga lang po sana ang hinihingi ko. Labing-limang minuto ang lumipas, kahit sinabi niyang sampu lang, buti na lang tinulungan ako ni Marta sa pag-ayos. Pinili ko ‘yung navy blue na long dress na hindi masyadong flashy, pero elegante. Walang maraming alahas. Just enough para hindi ako magmukhang turista sa sariling buhay. Pagdating ko sa North Dining Hall, napakalawak ng espasyo. Gintong candelabra, glass panels, malambot ang ilaw. Sa gitna ng mahaba’t makintab na mesa, nakaupo na ang
Wala na akong lakas pagbalik ng kwarto.Tapos na ang buong araw na puno ng pagbasa, pagsulat, at pagkukunwaring hindi ako lutang. Naka-ponytail na lang ako, suot ‘yung oversized shirt na binigay ng laundry staff, at halos mahulog na sa kama habang tinititigan ko lang ang ceiling.Tahimik ang buong wing. Wala na ring tao sa hallway, base sa tunog ng paligid. Halos maramdaman ko pa nga ‘yung huni ng air vent.Tapos—biglang may kumatok.Napaupo ako agad.Sino na naman ‘to?Pagbukas ko ng pinto, isang pamilyar na mukha ang bumungad.Si Sir Hendrik, ang assistant ng Royal Chamberlain. Tahimik lang ‘to pero mukhang may sadya ngayon.“Miss Lian,” mahinang bati niya. “May ipinabibigay po ang mga Kamahalan.”May hawak siyang envelope. Makapal. May wax seal ng Royal Crest.“Ano po 'yon?” tanong ko. "Urgent po ba?"“Yes, ma’am. Their Majesties requested you to read and understand it before the end of the week. Pero mas maigi po kung ngayong gabi na para ma-process natin agad.” Sabay lahad niya s
Isa na namang hapon sa reading room. And as usual, boring. Kailan ba ako natuwa sa ganitong set-up? Parang mas gusto kong magtrabaho na lang sa palengke kesa mag-basa rito.Sa totoo lang, nakaka-nosebleed ang mga term na binabasa ko. Hindi ako makarelate. Sino bang makakarelate? Eh hindi naman ako galing sa maharlikang pamilya.I was just a commoner na pinili lang ng isang prinsipe na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit.Alam kong may malalim siyang rason, ayaw niya lang sabihin sa akin. At 'yon ang kailangan kong malaman habang nandito ako.Napabuntong hininga na lamang ako. Nasa third chapter na ako ng Royal Governance and Power Shifts during the Post-Founding Era, pero kahit ilang beses kong basahin 'yung paragraph tungkol sa diplomatic marriages, hindi pa rin pumapasok sa utak ko.May tatlong tutor sa kabilang mesa, nagbabasa rin. May assistant na inaayos ang susunod na lesson plan. At ako, pilit na pinipigilan ang antok habang hinihila-hila ko ang highlighter ko sa ma