Mag-log inIsang buong linggo na ang lumipas mula noong araw na sinabi kong sana ay huwag nang maulit ang nangyari sa pagitan namin. Mula noon, talagang hindi na ako muling kinausap o pinansin ni Ethan. Para akong hangin sa paningin niya sa loob ng bahay. Si Aiden lang ang tanging binibigyan niya ng pansin, kinakausap, at minsan ay naglalaro pa sila bago matulog. Ako naman ay parang hindi niya nakikita kahit magkaharap pa kami.
Hindi rin kami sabay umalis papunta sa kumpanya. Nauna nang umalis si Ethan nang napaka‑aga bago pa man ako tuluyang makabangon. Buti na lang ay may driver siyang inatasan na maghatid sakin ml. Naiwan naman si Aiden sa mansyon sa maayos at magandang kalagayan. May sarili siyang malawak na playroom na puno ng mga laruan at mayroon din siyang tagapag‑alaga na nagbabantay sa kaniya kaya sigurado akong hindi siya magiging malungkot habang wala kami. Ngayon ang aking unang araw bilang kanyang personal secretary. Nagtaka kung bakit wala ang table sa labas ng office niya kaya pagpasok ko sa loob ng kanyang opisina, gulat akong nang makita ang aking table. Wala iyon sa labas gaya ng inaasahan ko, kundi nasa loob mismo ng office, ilang hakbang lang mula sa kanyang table desk. Lumapit ako nang kaunti at nagsalita nang mahinahon. “Magandang umaga.” Hindi niya agad itinaas ang tingin mula sa mga papel sa harap niya. “Good morning. Take your seat.” Umupo ako nang tahimik at inayos ang aking table. Tahimik ang buong opisina, tanging mahinang tunog lang ng mga papel ang naririnig. Ramdam ko ang bigat ng katahimikan sa pagitan namin. Maya‑maya ay tinawag niya ako at inabot niya ang isang malaking tumpok ng mga nakakalat na dokumento. “Arrange all these files by date, from oldest to newest, and place them neatly inside the cabinet behind you,” utos niya nang walang emosyon. Kinuha ko agad ang mga iyon at sinimulang ayusin. Inayos ko isa‑isa nang maingat para walang mapagpalit. Tumagal ako nang halos isang oras bago ko matapos nang maayos dahil sa dami noon. Pagkatapos kong ayusin ay may ibinigay agad siyang susunod na gawain. “Now go through these quarterly reports carefully. Mark every number, note, or detail that looks inconsistent or unclear. Do not miss anything.” Muli akong sumunod ang iniutos niya. Binasa ko nang paulit‑ulit ang bawat pahina, tinitingnan ang bawat numero, at nilagyan ng marka ang mga kailangang ayusin. Nagtagal ako rito nang mahigit dalawang oras dahil bukod sa marami ay isa-isa pang kailangan basahin. Pero hindi pa doon natatapos ang lahat. Isa‑isa lang ang simula, hanggang sa naging sunod‑sunod na talaga ang mga ibinigay niyang gawain sakin. “Prepare my full schedule for the whole month. Include meetings, site visits, and dinner appointments.” “Make four exact copies of this partnership contract. Keep one for yourself and file the rest.” “Answer all unread emails in my inbox before noon. Be professional and precise.” “Check the inventory list and compare it with last month’s report.” “Organize all business cards and contact lists in this folder.” Tipong halos wala akong panahon para huminga, uminom ng tubig, o kahit sandaling magpahinga. Kapag natatapos ko ang isa ay agad na may susunod na ibibigay. Mabilis ang naging takbo ng oras habang abala ako sa paggawa ng lahat ng iniutos niya. Lumipas ang ilang oras. Ramdam ko na ang bigat ng pagod sa aking katawan. Naninikip ang aking balikat at medyo malabo na ang paningin ko sa sobrang pagbabasa. Hindi ko pa rin lubusang kabisado ang eksaktong paraan at gawi niya sa trabaho, kaya mas matagal akong natatapos sa bawat gawain. Habang nagpapanic ako para matapos ang inihahandang meeting agenda at presentation slides bago magsimula ang oras, hindi ko napansin na may maling detalye akong nailagay sa dokumento dahil na rin sa pagmamadali. Ilang sandali pa ay bumukas ang p***o at pumasok na ang mga board members para sa nakatakdang pag-uusap. Dumiretso sila sa meeting room na nasa loob lang din ng opisina ni Ethan, at agad na nagsimula ang talakayan. Ibinigay ko kay Ethan ang hawak kong folder. Tiningnan niya ito nang mabilis at binasa hanggang sa biglang tumigil ang tingin niya sa isang bahagi ng papeles. Bigla niyang itinaas ang folder at tumingin sa akin nang matalim at malamig. “What is this? How could you make such a careless mistake on something this important? This is not just a simple presentation, this involves confidential figures for our major partners!” Nanlaki ang mata ko sa gulat at takot. “P-pasensya na po, Sir… hindi ko po sinasadya.” “That is not an excuse!” putol niya nang pasigaw para marinig ng lahat sa loob. “You are hired to do this right, not to give me wrong details! Do you even understand how serious this error is?” Naramdaman ko ang biglaang pag‑init ng buong mukha ko. Lahat ng nandoon ay nakatingin nang diretso sa akin na may pagtataka, may awa, at may paghuhusga. Sobrang hiya ang naramdaman ko na parang gusto ko nang maglaho sa kinatatayuan ko. “I-I am sorry, ayusin ko na lang po agad… Aayusin ko na po ngayon din,” sagot ko nang mahina habang nakayuko. “It should have been correct the first time!” galit na hirit niya sa harap ko. “You wasted my time because you could not focus enough. If you cannot pay attention to simple work, then you do not belong here.” Pinilit kong pigilan ang pagpatak ng luha na nagsisimulang mamuo sa aking mga mata. Mahigpit kong pinagkuyom ang aking mga kamay sa gilid para hindi makita ang panginginig nito. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan sa harap nila. Tumahimik ang buong silid bago muling nagpatuloy ang meeting. Matapos ang halos isang oras ay tahimik nang lumabas ang mga board members. Naiwan kaming dalawa sa loob ng meeting room. Nanatili akong nakayuko habang inaayos ang mga papeles at sinusubukang itama ang aking pagkakamali. Hindi ako nangahas na magsalita o tumingin sa kaniya. Maya‑maya ay nag-ayos na rin siyang umalis para umuwi. Kinuha niya ang kaniyang coat at mga gamit. Bago siya tuluyang lumabas ay bigla siyang huminto at dahan‑dahang lumingon sa akin gamit ang kaniyang seryosong tingin. “If you can’t handle this job, the door is always open. After all, walking away has always been your specialty.”Limang araw na ang lumipas mula noong naging secretary ako ni Ethan. Sa loob ng limang araw na iyon, halos hindi niya ako kinakausap nang maayos. Panay pa rin ang utos niya sakin at panay rin ang paghahanap niya ng butas sa bawat ginagawa ko. Pakiramdam ko ay laging may mali sa akin sa paningin niya. Ngayon ang araw ng pahinga ko. Matagal ko nang pinangakuan si Aiden na ilalabas ko siya kapag wala akong pasok. Kaya dinala ko siya sa maliit na coffee shop na pag‑aari ni Melva, ang matalik kong kaibigan mula pa noong highschool pa lang kami. Maganda at tahimik ang lugar. Hindi masyadong matao kaya magandang tambayan. Umupo kami sa mesa pinakadulong bahagi malapit sa bintana. “Mama… gusto ko ng mango milkshake,” sabi agad ni Aiden habang nakatingin sa menu sa harap niya. “Sige, bibilhin natin ‘yon. Gusto mo rin ba ng masarap na tinapay?” sagot ko sa kanya. “Opo, Mama! Pwede ko rin po bang gamitin ang bagong tablet ko?” tanong niya. Oo, bagong tablet. Bigay iyon sa kaniya ni Ethan,
Isang buong linggo na ang lumipas mula noong araw na sinabi kong sana ay huwag nang maulit ang nangyari sa pagitan namin. Mula noon, talagang hindi na ako muling kinausap o pinansin ni Ethan. Para akong hangin sa paningin niya sa loob ng bahay. Si Aiden lang ang tanging binibigyan niya ng pansin, kinakausap, at minsan ay naglalaro pa sila bago matulog. Ako naman ay parang hindi niya nakikita kahit magkaharap pa kami.Hindi rin kami sabay umalis papunta sa kumpanya. Nauna nang umalis si Ethan nang napaka‑aga bago pa man ako tuluyang makabangon. Buti na lang ay may driver siyang inatasan na maghatid sakin ml.Naiwan naman si Aiden sa mansyon sa maayos at magandang kalagayan. May sarili siyang malawak na playroom na puno ng mga laruan at mayroon din siyang tagapag‑alaga na nagbabantay sa kaniya kaya sigurado akong hindi siya magiging malungkot habang wala kami.Ngayon ang aking unang araw bilang kanyang personal secretary. Nagtaka kung bakit wala ang table sa labas ng office niya kaya pa
Kinabukasan, diretso akong bumaba papunta sa kusina sa first floor. Ramdam ko pa rin ang kakaibang pakiramdam at pagod mula sa nangyari sa amin kagabi dahil hindi lang basta halik ang namagitan sa amin, kaya mas lalo akong hindi mapakali. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Ethan ngayong umaga pagkatapos ng gabing iyon. Pagdating ko sa kusina ay nakita kong magkatabi na silang dalawa ni Aiden sa hapag, mukhang komportable na sa isa't isa habang kumakain. Nagtaka pa ako kung paano sila naging ganoon kabilis magkasundo gayong ilang araw pa lang simula noong magkakilala sila. Nang tuluyan akong makalapit, doon ko naramdaman ang biglang pananahimik sa paligid at ang mabigat na tensyon sa pagitan namin ni Ethan. "Good morning," bati ko para basagin ang katahimikan bago umupo sa kabilang dulo ng mesa para lumayo nang kaunti sa kaniya. "Mama! Gising ka na po!" masiglang sigaw ni Aiden sabay kaway gamit ang maliliit niyang kamay. "Bakit ang tagal mo po bumaba? Gutom na po ako kanin
Lumipas ang dalawang araw mula noong gabing iyon sa kwarto, pero tila nakaukit pa rin sa isip ko ang lahat ng nangyari. Ang halik ni Ethan at ang pagkakahiya na tila dala-dala ko kahit saan ako magpunta. Sa loob ng dalawang araw ding iyon, hindi ko man lang siya nakita sa mansyon. Walang paalam, walang text, walang balita-wala. Hindi ko alam kung nasaan siya o kung ano ang ginagawa niya pero sa kaloob-looban ko, hindi ko maikaila na may bahagi pa ng aking sarili na naghihintay na bumalik siya.Ngayong Lunes ng umaga ay nasa opisina niya ako sa loob ng mansyon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Ethan ang tumawag. Maikli lang naman ang usapan, inutusan niya akong kunin ang ilang mahahalagang document at isang flashdrive mula sa kanyang drawer at dalhin ito sa kanya sa main office."Dalhin mo agad dito," ang huling sinabi niya bago ibaba ang tawag.Sumunod ako agad sa mga sinabi niya at sumakay sa sasakyang naghihintay para sa akin. Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang mag-isi
Lumipas ang isang buong linggo mula noong pumirma ako sa kontrata. Pitong araw na pananatili sa loob ng mansyon, pitong araw na pagsunod sa mga utos ni Ethan at pitong gabing pagnanais na makauwi na lang ulit. Ngayong Sabado, sa wakas ay pwede na akong umuwi gaya ng pangako ko kay Aiden na dadalhin ko siya sa amusement park na matagal na niyang hinihiling.Habang papalapit ako sa aming bahay, hindi ko mapigilang mapangiti sa isiping makikita ko na agad ang anak ko. Pero nang buksan ko ang pinto at pumasok, tila tumigil ang ikot ng mundo ko. Ang bagay na inaasahan kong hindi mangyari, iyon pa ang sumalubong sa paningin ko.Nakaupo si Ethan sa aming wooden sofa at sa kanyang kandungan ay nakaupo at masayang-masaya si Aiden. Naririnig ko pa ang mahinang tawa ng dalawa habang may hawak na laruan ang bata na tila ibinigay pa ng lalaking iyon.Agad na napalingon sa akin si Ethan. Ang kislap ng saya sa kaniyang mga mata habang kausap ang bata ay dahan-dahang napalitan ng seryosong titig, per
Nakaupo ako sa passenger seat ng mamahaling sasakyan ni Ethan, katabi ko siya na tahimik na nagmamaneho. Sa unang ilang minuto ng biyahe ay balot na balot kami ng katahimikan at tanging ang sarili ko na lang na paghinga ang naririnig ko sa loob. Sobrang bigat ng pakiramdam sa pagitan naming dalawa. Kahit sa kalsada lang siya nakatingin, hindi ko pa rin mapigilang mabalisa.Huminga ako nang malalim at pinipilit na pakalmahin ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko matanggal sa isip ko ang tanong ni Aiden kanina bago kami umalis. Ang inosenteng boses ng aking anak na tinanong kung si Ethan ba ang kaniyang ama. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kaba at hiya sa harap ng lalaking kasama ko ngayon.Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya para kausapin siya. "Ethan..." panimula ko at nakita kong bahagya siyang sumulyap sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. "Pasensya ka na sa sinabi ni Aiden kanina... alam mo na bata, uh madalas magtanong ng kung ano-ano. Huwag mo na lang sanang m







