Mag-log inPaano kung ang babaeng niloko at pinaiyak mo nang dalawang taon ay biglang maglaho... at sa muling pagkikita ninyo, asawa na siya ng pinakamakapangyarihang lalaki sa bansa? Matapos i-block at iwan ni Amara Celeste Villareal ang kanyang abusadong ex-boyfriend, bumalik siya sa Cebu para sa isang sekretong kasunduan. Ang maging substitute bride ng mailap na tycoon na si Ethan Lorenzo. Walang nakakaalam sa totoong motibo ni Ethan kung bakit sa dinami-rami ng babae, ang isang brokenhearted na tulad pa ni Celeste ang pinili niyang pakasalan sa loob lang ng isang araw. Magagawa ba ni Celeste na makapaghiganti sa tulong ng bago niyang asawa, o nahulog lang siya sa mas mapanganib na bitag ng isang seryoso at possessive na bilyonaryo?
view more"Zachary, dinala mo talaga pabalik sa Pilipinas ang adopted sister mo? Hindi ka ba natatakot na magalit si Celeste?" tanong ng isa sa mga kaibigan ni Zachary.
Nakatayo si Celeste sa labas ng private room ng club. Isang taon siyang naging bingi at kakabalik lang ng pandinig niya, kaya biglang naging estatwa ang ngiti niya at nanigas ang buong katawan niya sa narinig. Bumalik na si Franchesca sa Pilipinas? "Basta hindi kayo magsasalita, wala siyang malalaman. Saka higit isang taon na rin ang nakalipas, namimiss na ni Franchesca ang bahay," malamig at walang emosyong sagot ni Zachary. "Sa tingin ko hindi bahay ang namimiss niya, kundi ikaw," hirit ng isa pa niyang kaibigan. Agad na nagtawanan ang mga tao sa loob ng private room dahil doon. "Anong pinagsasabi niyo? Kapatid lang talaga ang tingin ko sa kanya," pagtatanggol ni Zachary. "Zachary, nakita ko kaya na hinalikan ka ni Franchesca, tsk tsk tsk... anong kapatid, parang little sister mo na may lihim na pagtingin!" panggatong pa ng isa. Bahagyang kumunot ang noo ni Zachary at sinabing, "Bigla siyang lumapit noong nadistract ako, kaya hindi ako nakailag. Bata pa siya at immature, hindi ako pwedeng magalit sa kanya." Matapos sabihin iyon, tila may naalala siya kaya nagbabala siya, "Itago niyo muna 'to. Pagdating ni Celeste, walang pwedeng magbanggit tungkol dito, huwag kayong magsalita about dito!" Sa sandaling iyon, may isang boses na mahinang umubo at seryosong nagtanong, "Bro, Zachary, sa totoo lang, hindi mo ba talaga sisisihin si Franchesca sa pag-hire ng tao para sagasaan si Celeste noon? Halos mamatay si Celeste, at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makarinig." "Labing-siyam na taong gulang lang si Franchesca noon, naging pasaway lang siya. Ngayong nagdusa na siya sa abroad ng isang taon, mas matino na siya ngayon. Bakit ba kailangan pa nating ungkatin 'yan?" sagot ni Zachary sa banayad na boses. Pasaway... lang? Naramdaman ni Celeste na parang may sumabog sa utak niya, na parang tinamaan siya ng kidlat. Isang matinding pakiramdam ng kawalang-katarungan ang bumalot sa kanya, dahilan para halos hindi siya makahinga. Isang taon ang nakalipas, walang tigil ang paghahabol ng adopted sister ni Zachary na si Franchesca sa kanya hanggang sa mabigo ito. Sa sobrang galit, nagbayad ito ng tao para sagasaan si Celeste, na naging sanhi ng pagkawala ng pandinig nito. Galit na galit si Zachary noon at muntik nang mapatay sa bugbog ang taong responsable gamit ang batas ng pamilya nila. Kung hindi lamang namagitan ang kanyang mga magulang, hindi sana agad naipadala sa ibang bansa ang lalaking iyon. Sa nakalipas na taon, gumastos si Zachary ng malaking halaga para maghanap ng mga eksperto sa loob at labas ng bansa para lang mapagaling ang pandinig niya. Iniwan pa nito ang lahat ng trabaho para lang samahan siya sa kanyang mga rehabilitation treatment. Ngunit napakahaba ng proseso ng paggagamot. Sa tuwing nagbebreakdown si Celesta ay si Zachary ang unang umiiyak habang yakap siya, at sinasabing hindi siya makapag-hintay na patayin si Franchesca. Hindi naman sa kailanman ay hindi siya nagalit, pero sa tuwing nakikita niyang walang kapagurang naghahanap ng lunas si Zachary para sa kanya at inaalagaan siya araw at gabi... Hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga. Kahit papaano, nakatagpo siya ng lalaking labis siyang mahal. Hindi niya namalayang hinaplos niya ang maliit na velvet box sa kanyang bulsa. Sa loob noon ay ang singsing ng lalaki na patago niyang ipinagawa. Paulit-ulit na naantala ang kasal nila dahil sa hindi inaasahang trahedyang ito. Ngayong nagbalik na ang kanyang pandinig, akala niya ay mapapaksalan na niya sa wakas si Zachary tulad ng pangarap niya, pero hindi niya akalain… Hindi lang pala hinayaan ni Zachary na makabalik si Franchesca sa Pilipinas, kundi ganoon na lang din nito kadaling pinatawad ang babae? Talagang... nakakatawa. Habang nadudurog ang puso ni Celeste, biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Matagal bago siya nakahuma para tingnan ito, isang mahabang mensahe mula sa kanyang ina, na humihiling sa kanya na bumalik sa Cebu para pakasalan ang anak ng pamilyang Lorenzo kapalit ng kanyang stepsister. Isang oras lang ang nakalipas nang makausap niya ang kanyang ina sa telepono. Nakapagkasundo na ang pamilyang Villareal at Lorenzo sa isang arranged marriage, ngunit hindi inaasahan ay tumakas ang stepsister niyang si Chloe. Makapangyarihan ang pamilyang Lorenzo sa Cebu, lalo na ang mapapangasawang lalaki, ang anak nilang si Ethan, na balita raw ay walang awa at malupit. Kung malalaman nitong naglakas-loob ang pamilyang Villareal na sirain ang kasunduan at paglaruan siya, kayang-kaya nitong pabagsakin ang buong pamilya sa isang iglap. Walang ibang pagpipilian ang ina niya kundi ang tawagan si Celeste para humingi ng tulong. "Celeste, wala na talagang ibang paraan ang Tito mo at ako. Pakiusap, bumalik ka na at tulungan mo kami, okay?" nakikiusap ang boses ng kanyang ina. Ito ang unang pagkakataon na nakiusap sa kanya ang kanyang ina mula nang pakasalan nito ang kanyang stepfather at isinama siya sa pamilyang Villareal. Sa loob ng maraming taon, kahit mabuti naman ang pakikitungo ng kanyang stepfather sa kanila, alam ni Celeste kung gaano kahirap ang pinagdaanan ng kanyang ina para lang makakuha ng puwesto sa pamilyang Villareal, ibinubuhos ang halos lahat ng lakas nito sa kanyang stepfather at stepsister. Kaya naman, palaging masunurin at matino si Celeste, at hindi kailanman nagdala ng problema sa kanila. Ang dalawang bihirang pagkakataon ng pagrerebelde niya ay parehong dahil kay Zachary… una, noong umalis siya ng Cebu nang mag-isa para sa kanya, at pangalawa, kanina lang nang tumanggi siyang magpakasal kapalit ng kapatid niya. Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Celeste, ano nga bang sinabi niya noon? Sinabi niyang bumalik na ang pandinig niya, na mahal na mahal siya ni Zachary, at malapit na silang magpakasal… na naniniwala siyang siguradong tutulungan siya ni Zachary na lutasin ang problema ng pamilyang Villareal… Ang maniwala sa kanya… Pikit-matang binalot si Celeste ng matinding sakit sa puso. Hinigpitan niya ang hawak sa kahon ng singsing sa loob ng bulsa niya, pilit na pinipigilan ang panginginig na halos sumasakal na sa kanya. Kaya naman pala, ang wagas na pag-ibig na pinaniwalaan niya, ang pag-ibig na bumuhay sa buong mundo niya, ay isa palang ilusyon na nakatayo sa buhangin at sobrang rupok. Ano kaya sa mga paglalambing at pag-aalaga na pinakita sa kanya ni Zachary ang totoo, gaano kalaki ang galing sa guilt, at gaano kalaki ang para sa show lang? Huminga nang malalim si Celeste, nilabas ang phone niya, at nag-type. "Mom, I'm willing to marry Master Lorenzo in place of my sister," text niya. Nang makitang successfully sent na ang message, biglang tinulak ni Celeste ang pinto ng private room. Sa isang iglap, natigil ang lahat ng tawanan at kuwentuhan. Medyo madilim ang kwarto, na punong-puno ng amoy ng sigarilyo, alak, at pabango. May pito o walong lalaki at babae ang nakasuot ng mararangyang damit ang nandoon, ang iba ay nakaupo at ang iba naman ay nakatayo, at lahat sila ay nakatitig sa pintuan. Nakatayo si Celeste sa pagitan ng liwanag at dilim. Bakas sa suot niyang long dress ang kanyang sexy at balingkinitang katawan, na lalong nagpalitaw sa mala-gatas niyang puti at napakagandang mukha. Pero ang dati niyang malinaw at makinang na almond-shaped eyes ay parang natatakpan na ngayon ng hamog, na tila mga malalalim na balon. Nakaupo si Zachary sa main seat ng sofa na tapat ng pinto, may hawak na kalahating sigarilyo ang mga daliri niya, at tinatago ng usok ang kanyang hugis ng mukha. Siya ang unang nag-react, at may sandaling takot na dumaan sa mga mata niya. Pero nang makitang hindi suot ni Celeste ang hearing aid nito, mukhang nabunutan siya ng tinik. Tumayo siya, naglakad papalapit sa kanya, at nag-sign language. "Celeste, bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinihintay ng lahat," senyas niya. Naramdaman ni Celeste ang matinding pagkasuklam. Bago pa siya makapagsalita, may boses na umalingawngaw sa likod niya. "Oh, it’s so lively," sabi ng isang mapang-akit na boses, na sadyang pinapahaba ang dulo ng bawat salita, na parang pulot na malagkit at nakakaumay ang tamis. Halos lahat sila ay kusang lumingon. Nakatayo si Franchesca sa ilalim ng madilaw na ilaw ng corridor, suot ang isang hapit na red halter dress na may hiwa na halos umabot na sa hita niya. Bagsak ang mahaba at medyo kulot niyang buhok sa kanyang balikat, perpekto ang make-up, at pulang-pula ang mga labi. Sumandal siya sa doorframe, tamad na tinignan ang bawat tao sa loob ng private room, at sa huli ay tumitig kay Zachary habang may makahulugang ngiti sa mga labi. Bahagyang nagbago ang mukha ni Zachary. Nang makitang hindi lumingon si Celeste, mas naging sigurado siyang hindi siya narinig nito, kaya nakaramdam siya ng ginhawa. Agad siyang bumulong kay Franchesca. "Bakit ka pumunta rito? Di ba sinabi ko sa'yong manatili ka lang sa kabilang kwarto?" bulong niya na may halong inis. Ngumiti lang si Franchesca. "Namimiss na kita. Tatayo lang naman ako rito sa pinto sandali. Hindi ko naman hahayaang makita niya ako, okay? At saka hindi naman niya ako naririnig, kaya anong kinakatakot mo?" sagot nito. Ang mga salitang iyon ay parang batong itinapon sa kalmadong tubig na lumikha ng mga alon. May bumulong din bilang pagsang-ayon, "Fuck, muntik ko nang makalimutan na bingi nga pala siya! Kinabahan ako doon ah!" "Oo nga, akala ko magkakabistuhan na," sabi naman ng isa pa. Hindi man lang itinago ng mga tao ang nararamdaman nila, at bakas pa ang pang-uuyam sa mga mukha nila. Nanginig ang mga daliri ni Celeste sa kanyang gilid, muling nabaon ang mga kuko niya sa kanyang palad, at gumuhit ang matinding sakit sa kanyang balat. Bawat salita ay parang karayom na tumutusok sa mga tainga ni Celeste. Naririnig niya. Narinig niya nang malinaw ang bawat salita. Lalong naging matamis ang ngiti ni Franchesca, at bigla nitong nilakasan ang boses niya. "Di ba, Celeste? Hindi mo ako naririnig, no? Kawawa ka naman, hindi ka nga namatay sa car accident na 'yun, naging baldado ka naman," panggigigil niya. "Enough!" bulyaw ni Zachary sa mababang boses, sabay tingin nang kabado kay Celeste, na tila natatakot na baka may mapansin ito. Hindi pinansin ni Franchesca ang galit nito, bagkus ay lalo pa siyang tumawa nang malakas. Tinulak niya lang ang pinto ng private room at pumasok, tumayo mismo sa likod ni Celeste, habang nakatitig nang husto kay Zachary. Nilakasan niya ang boses niya para marinig ng lahat ng tao sa kwarto. "Zachary, hindi ka ba natatakot na malaman niyang bumalik na ako ng bansa? Huwag kang mag-alala, wala siyang maririnig kahit ano. Kahit sigawan ko siya ngayon at tawagin siyang malanding babae, hindi pa rin siya..." Isang malakas na sampal ang pumutol sa hindi natapos na sasabihin ni Franchesca. Biglang humarap si Celeste at sinampal si Franchesca nang napakalakas sa mukha! Binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong private room. Lahat ay natulala na lang sa nangyari. Ano ang ibig sabihin nito? Hindi ba bingi si Celeste?Ngunit noong sandaling nag aalala siya, inalis ni Ethan ang kanyang tingin, sumandal sa katad ng upan at bahagyang gumalaw ang Adam’s apple niya.“Sumakay ka na sa kotse.”Yumuko si Celeste at sumakay sa kotse nang tahimik. Nang sumara ang pinto ng kotse na nagpahiwalay sa kanila mula sa mainit at mahalumigmig na hangin ng hapon sa Airport. Mulusad nang maayos ang itim na Mayback na sumasabay sa bilis ng daloy ng trapiko ng airport, habang mabilis na lumalampas ang mga karatula sa daan sa labas ng bintana.Hindi ito dumiretso sa bahay ni Celeste at hindi na rin ito dumaan patungo sa bahay ng mga Lorenzo.Bagamat dalawang taon siyang hindi nakabalik ng Pilipinas, malinaw pa rin sa kanyang alaala ang direksyon ng pangunahing daan.Tumingin nang patingkayad si Celeste sa lalaking nasa tabi niya. Nahulog si Ethan nang nakapikit ang mga mata, at ang mga guhit sa gilid ng kanyang mukha ay lalong nagiging matalas sa salit salit ng liwanag sa silid at mga anino nito. Ang kuwelyo ng kanyang
Kadarating pa lang ni Celeste sa Manila Airport nang biglang mag-vibrate ang phone niya."Hello, Rayven?" tanong ni Celeste pagkasagot ng tawag."Celeste, tumawag lang sa akin ang JG Entertainment mula sa Montenegro. Sinabi nilang si Jerick Flores ang pinili nilang general manager," narinig ang banayad na boses ni Rayven sa kabilang linya, na may kasamang tawa na parang walang magawa.Napatigil sandali si Celeste, bago nagpatuloy sa paglalakad habang hila-hila ang kanyang suitcase. "Really?"Mukhang nagulat naman si Rayven sa kalmado niyang reaksyon. Natigilan ito ng isang segundo bago siya biniro. "Ano? Hindi mo ba ako ipagtatanggol? Ako kaya ang nirekomenda mo, tapos inagaw lang ng iba nang ganoon kadali, pero hindi ka man lang galit?"Bahagyang ngumiti si Celeste. "Rayven, tumawag ka ba para mang-kompronta tungkol dito?""Wala akong ganoong karaming oras," seryosong sumagot si Rayven habang nawawala ang tawa sa kanyang boses. "Tumawag ako para paalalahanan mo si Zachary na hindi ma
Pagkalipas ng dalawang araw, halos magaling na ang mga sugat ni Celeste, at bumalik na rin sa normal ang kanyang boses.Sa buong panahong ito, hindi man lang siya dinalaw ni Zachary kahit isang beses.Nakatanggap naman siya ng isang package mula sa kanyang ina sa Cebu. Sa loob nito ay ang ID card ni Chloe.Nakatayo siya sa tabi ng bintana ng ospital, pinapanood ang abalang trapiko sa ibaba, habang may manipis na ngiti sa kanyang mga labi, isang ngiti na tila nang-uuyam at parang walang magawa.Eksakto namang bumukas ang pinto.Pumasok si Tyler. Hindi niya suot ang kanyang white coat ngayon, kundi isang dark gray na shirt na nakatupi ang mga manggas hanggang sa braso. Mas mukha siyang madaling lapitan ngayon kumpara sa madalas niyang malamig na aura."Tapos na ang mga papeles," sabi ni Tyler, sabay abot sa kanya ng mga dokumento. "Pwede ka nang umalis."Kinuha ito ni Celeste, sinulyapan, at mahinang nagsalita."Salamat, Dr. Tyler," pasasalamat ni Celeste.Hindi sumagot si Tyler, nakata
Sa pakiusap ng iba? Si Zachary kaya?Napatigil si Celeste, habang bitbit ang kanyang ballpen sa ere.Sa nakalipas na isang taon, nakita niya kung paano walang pagod na naghanap ng medikal na tulong si Zachary para sa kanya, pero laging walang nangyayari.Noon lang anim na buwan ang nakalipas, nang si Tyler na ang pumalit, unti-unting bumuti ang pandinig niya.Pero sa hindi malamang dahilan, naramdaman ni Celeste na may mali.Ganoon ba talaga kalapit sina Zachary at Dr. Tyler?Kung ganoon, bakit ni minsan ay hindi niya nakita si Dr. Tyler na magpakita ng kahit kaunting pagiging magiliw kay Zachary tuwing nagpapa-check up siya?Tumingala siya kay Tyler, at bakas sa kanyang mga mata ang maraming katanungan.Ngunit hindi na itinuloy ni Tyler ang usapan."Sige, hindi ko na muna iistorbohin ang pahinga mo. Alagaan mo nang mabuti ang sarili mo," habilin ni Dr. Tyler."Thank you, Dr. Tyler," bulong ni Celeste.Sumara ang pinto.Muling binalot ng katahimikan ang ward.Biglang nag-vibrate nang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.