로그인Kinabukasan, diretso akong bumaba papunta sa kusina sa first floor. Ramdam ko pa rin ang kakaibang pakiramdam at pagod mula sa nangyari sa amin kagabi dahil hindi lang basta halik ang namagitan sa amin, kaya mas lalo akong hindi mapakali. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Ethan ngayong umaga pagkatapos ng gabing iyon.
Pagdating ko sa kusina ay nakita kong magkatabi na silang dalawa ni Aiden sa hapag, mukhang komportable na sa isa't isa habang kumakain. Nagtaka pa ako kung paano sila naging ganoon kabilis magkasundo gayong ilang araw pa lang simula noong magkakilala sila. Nang tuluyan akong makalapit, doon ko naramdaman ang biglang pananahimik sa paligid at ang mabigat na tensyon sa pagitan namin ni Ethan. "Good morning," bati ko para basagin ang katahimikan bago umupo sa kabilang dulo ng mesa para lumayo nang kaunti sa kaniya. "Mama! Gising ka na po!" masiglang sigaw ni Aiden sabay kaway gamit ang maliliit niyang kamay. "Bakit ang tagal mo po bumaba? Gutom na po ako kanina pa!" "Good morning, Atasha. You took your time coming down." pormal na bati ni Ethan. Tiningnan niya ako nang diretso sa mata, isang tingin na may kasamang pahiwatig at tila nagpapaalala sakin ng pangyayari kagabi. "Ah, m-may inasikaso lang ako saglit sa itaas," mabilis kong sagot sabay iwas ng tingin, bago bumaling kay Ethan. "Salamat sa pag-aasikaso kay Aiden, hindi mo naman siya kailangang ipaghanda agad ng agahan." "He woke up early looking for you, so I thought it would be best to bring him down for breakfast," sagot ni Ethan habang nakatitig pa rin sa akin. "He shouldn't skip the first meal of the day." "Mama, masarap po ang tinapay na hinanda ni Papa Ethan!" sabi ni Aiden habang ngumunguya nang dahan-dahan. Tumingin siya kay Ethan tapos ay bumalik ang tingin sa akin habang nakangiti nang malaki. "Alam mo po, Mama? Sabi ni Papa Ethan, magkamukha raw kami! Kasi po pogi rin ako kagaya niya!" Napatingin ako nang saglit kay Ethan bago sumagot. "Talaga ba, anak? Baka namamalikmata lang siya." "I am not seeing things, Atasha," asar na sagot ni Ethan habang nakangiti nang nakakaloko. "And besides, my eyesight was perfectly fine last night, especially when—" "Ethan, please," mabilis kong pagputol sa kaniya bago pa niya matuloy ang sasabihin niya. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko kaya yumuko na lang ako at kumuha ng pagkain. Ramdam ko pa rin ang tingin ni Ethan sa akin, kaya lalo akong naiilang at hindi makatingin nang maayos. "Mama..." tawag ulit ni Aiden sa akin. Huminto siya sa pagkain at lumingon sa pwesto ko. "Pwede po ba dito na lang tayo laging tumira? Kasi po ang laki ng bahay na 'to, ang sarap po tumakbo! Marami ring kwarto tapos kasama pa natin si Papa Ethan lagi. Masaya po kapag sama-sama tayo!" Nagulat ako sa sinabi niya. Lumingon agad ako kay Ethan, parang hinihintay ko pa rin ang sasabihin niya bago ako sumagot. "Why not? It's actually a good idea. The house is safe, he has more space to play, and you won't have to travel back and forth anymore," sabi ni Ethan habang nakatingin nang diretso sa akin. "You'll be more comfortable here too." "Pero Ethan, hindi naman ganu'n lang kadali magdesisyon," sagot ko nang mabilis. "May bahay kaming inuuwian, may mga magulang pa rin akong kailangang dalawin." "We can visit them anytime you want. Nothing changes, except that this will be your home from now on. It's more practical this way," sabi ni Ethan bago muling bumaling sa kaniyang pagkain. Tumingin ulit si Aiden sa akin, nakanguso nang kaunti habang nagmamakaawa. "Please po, Mama? Dito na lang tayo. Mas gusto ko po rito. Sabi ko pa kay Papa Ethan, kung kamukha ko siya, ibig sabihin pwede na po siyang laging kasama natin!" Napabuntong-hininga ako nang malalim. Paano ko tatanggihan ang anak ko gayong kitang-kita ko ang tuwa sa mukha niya? At si Ethan naman ay tila ayaw nang magpatalo sa usapang ito. "O sige na... kung 'yan ang gusto ninyong dalawa, wala na akong magagawa," pagsuko ko na lang dahil wala naman na akong panalo sa kanilang dalawa. "Yehey! Salamat po, Mama!" masayang sigaw ni Aiden habang pumapalakpak ang maliliit niyang kamay, bago bumaling sa katabi niya para yakapin ang braso nito. "Salamat din po, Papa Ethan!" Nang matapos kaming kumain ay tumakbo na si Aiden palabas para maglaro sa damuhan, naiwan kaming dalawa sa mesa. Agad kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Mas lalo kong naramdaman ang pagiging ilang sa pagitan namin dahil sa nangyari kagabi. "Now that you're staying here permanently, we need to fix your work too," panimula ni Ethan, tumayo nang bahagya at lumipat ng pwesto palapit sa akin. Lalo akong napaatras nang kaunti sa kinauupuan ko. "Anong ibig mong sabihin?" "You won't just do household chores anymore. Starting tomorrow, you'll be my personal secretary. You'll go to the office with me, handle files, schedule meetings, and work directly under me," paliwanag niya, nananatiling nakatingin sa mukha ko. "Don't worry, you'll get a proper salary every month. Enough for you and Aiden. It's part of our agreement anyway." Tumango ako nang mabilis, umiiwas pa rin ng tingin. "Ah... g-ganoon ba? Sige, naiintindihan ko. Mas okay naman siguro 'yon." Huminto siya sa pagsasalita sandali. Tinitigan niya ako nang matagal at doon ko naramdamang may iba pa siyang gustong pag-usapan. "And Atasha..." sabi niya, bahagyang humina ang boses niya ngayon. "About what happened last night. I've been wanting to talk to you about it since I woke up." Napahigpit ang hawak ko sa hawak kong kutsara at tinidor. Hindi ko inaasahang babanggitin niya ito agad. Ramdam ko ang init na muling umakyat sa mukha ko, at lalong tumindi ang pagkailang ko. "W-wala lang 'yon, Ethan," nauutal kong sagot nang mabilis habang pilit na nagpapakabusy sa pagkain ko. "What do you mean 'wala lang'? That wasn't just nothing. You felt it too, didn't you? You didn't push me away, you even responded," sabi niya, may himig ng pagkadismaya at pagtatampo sa kaniyang boses. "Don't act like it didn't happen." Huminga ako nang malalim, pinilit kong maging matatag kahit na ang puso ko ay gusto nang sumabog sa kaba. Kailangan kong linawin ang sitwasyon namin bago pa kami tuluyang magkalituhan. "Ang ibig kong sabihin... nadala lang tayo ng init ng katawan. Walang ibang kahulugan ang nangyari sa atin kagabi," paliwanag ko, hinarap siya nang diretso kahit nanginginig ang loob ko. "Hindi dapat makaapekto sa trabaho natin o sa kasunduan natin. Isa ’yong malaking pagkakamali." "Is that really how you see it? Just a mistake? Just heat of the moment and nothing more?" tanong niya, bakas sa mukha at boses niya na nasaktan siya sa naging sagot ko. Tumingin ako sa kaniya nang seryoso, pilit na itinatago ang totoong nararamdaman ko. "Yes, Ethan. Wala lang 'yon. At sana... hindi na maulit 'yon.”Mula noong nag-usap kami kagabi ay ibang‑iba ang trato niya sakin ngayon. Naging maayos at magaan ang pakikitungo ni Ethan sakin. Hindi siya nagbigay ng maraming gawain at hindi rin siya naghanap ng mali sa bawat ginagawa ko. Pakiramdam ko ay parang mas mabait siya sa akin ngayong araw. Nakaupo ako sa table ko sa loob ng opisina nang biglang may malakas na katok sa pinto ang narinig ko. Dali-dali akong tumayo agad at lumabas para buksan ito. Pagbukas ko ay nakita ko ang isang babaeng nakatayo roon. Matangkad siya kaunti sakin, dahil siguro nakasuot siya ng mataas na heels. Nakasuot siya ng red sleeveless mini-dress na sobrang hapit sa kurba ng katawan niya at halos luluwa na ang dibdib niya sa pagkahapit ng dress. Siya ‘yung babaeng nakabangga sakin noon sa loob ng office ni Ethan. “Where’s Ethan? Let me see him.” Wika niya at umambang papasok.“Excuse me, Miss. Bawal pumasok dito kung walang appointment,” sabi ko
Nanigas ako sa kinauupuan ko nang makita si Ethan na nakatayo sa likuran namin. Hindi ko alam kung gaano katagal na siya roon at kung ano ang eksaktong narinig niya sa usapan namin ni Melva. Bago pa man ako makabuo ng kahit isang salita para sumagot, biglang tumayo si Aiden sa kinauupuan niya at mabilis na tumakbo palapit sa kanya habang sumigaw nang malakas at masaya. “Papa! Papa!” Agad siyang yumuko at binuhat ang bata nang dahan‑dahan. Kahit kanina ay seryoso at matalim ang tingin niya sa amin, biglang lumambot ang buong mukha niya nang makita si Aiden. Hindi niya napigilang mapangiti nang totoo habang nakatingin kay Aiden. “Did you miss me that much, little one?” tanong niya nang malumanay habang hinahaplos nang dahan‑dahan ang buhok ni Aiden. “Opo! Sobrang sobra po!” sagot agad ni Aiden sabay yakap nang mahigpit sa leeg niya. Pagkatapos ay hinalikan niya nang malakas ang pisngi ni Ethan. “Papa… nami‑miss
Limang araw na ang lumipas mula noong naging secretary ako ni Ethan. Sa loob ng limang araw na iyon, halos hindi niya ako kinakausap nang maayos. Panay pa rin ang utos niya sakin at panay rin ang paghahanap niya ng butas sa bawat ginagawa ko. Pakiramdam ko ay laging may mali sa akin sa paningin niya. Ngayon ang araw ng pahinga ko. Matagal ko nang pinangakuan si Aiden na ilalabas ko siya kapag wala akong pasok. Kaya dinala ko siya sa maliit na coffee shop na pag‑aari ni Melva, ang matalik kong kaibigan mula pa noong highschool pa lang kami. Maganda at tahimik ang lugar. Hindi masyadong matao kaya magandang tambayan. Umupo kami sa mesa pinakadulong bahagi malapit sa bintana. “Mama… gusto ko ng mango milkshake,” sabi agad ni Aiden habang nakatingin sa menu sa harap niya. “Sige, bibilhin natin ‘yon. Gusto mo rin ba ng masarap na tinapay?” sagot ko sa kanya. “Opo, Mama! Pwede ko rin po bang gamitin ang bagong tablet ko?” tanong niya. Oo, bagong tablet. Bigay iyon sa kaniya ni Ethan,
Isang buong linggo na ang lumipas mula noong araw na sinabi kong sana ay huwag nang maulit ang nangyari sa pagitan namin. Mula noon, talagang hindi na ako muling kinausap o pinansin ni Ethan. Para akong hangin sa paningin niya sa loob ng bahay. Si Aiden lang ang tanging binibigyan niya ng pansin, kinakausap, at minsan ay naglalaro pa sila bago matulog. Ako naman ay parang hindi niya nakikita kahit magkaharap pa kami.Hindi rin kami sabay umalis papunta sa kumpanya. Nauna nang umalis si Ethan nang napaka‑aga bago pa man ako tuluyang makabangon. Buti na lang ay may driver siyang inatasan na maghatid sakin ml.Naiwan naman si Aiden sa mansyon sa maayos at magandang kalagayan. May sarili siyang malawak na playroom na puno ng mga laruan at mayroon din siyang tagapag‑alaga na nagbabantay sa kaniya kaya sigurado akong hindi siya magiging malungkot habang wala kami.Ngayon ang aking unang araw bilang kanyang personal secretary. Nagtaka kung bakit wala ang table sa labas ng office niya kaya pa
Kinabukasan, diretso akong bumaba papunta sa kusina sa first floor. Ramdam ko pa rin ang kakaibang pakiramdam at pagod mula sa nangyari sa amin kagabi dahil hindi lang basta halik ang namagitan sa amin, kaya mas lalo akong hindi mapakali. Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Ethan ngayong umaga pagkatapos ng gabing iyon. Pagdating ko sa kusina ay nakita kong magkatabi na silang dalawa ni Aiden sa hapag, mukhang komportable na sa isa't isa habang kumakain. Nagtaka pa ako kung paano sila naging ganoon kabilis magkasundo gayong ilang araw pa lang simula noong magkakilala sila. Nang tuluyan akong makalapit, doon ko naramdaman ang biglang pananahimik sa paligid at ang mabigat na tensyon sa pagitan namin ni Ethan. "Good morning," bati ko para basagin ang katahimikan bago umupo sa kabilang dulo ng mesa para lumayo nang kaunti sa kaniya. "Mama! Gising ka na po!" masiglang sigaw ni Aiden sabay kaway gamit ang maliliit niyang kamay. "Bakit ang tagal mo po bumaba? Gutom na po ako kanin
Lumipas ang dalawang araw mula noong gabing iyon sa kwarto, pero tila nakaukit pa rin sa isip ko ang lahat ng nangyari. Ang halik ni Ethan at ang pagkakahiya na tila dala-dala ko kahit saan ako magpunta. Sa loob ng dalawang araw ding iyon, hindi ko man lang siya nakita sa mansyon. Walang paalam, walang text, walang balita-wala. Hindi ko alam kung nasaan siya o kung ano ang ginagawa niya pero sa kaloob-looban ko, hindi ko maikaila na may bahagi pa ng aking sarili na naghihintay na bumalik siya.Ngayong Lunes ng umaga ay nasa opisina niya ako sa loob ng mansyon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Si Ethan ang tumawag. Maikli lang naman ang usapan, inutusan niya akong kunin ang ilang mahahalagang document at isang flashdrive mula sa kanyang drawer at dalhin ito sa kanya sa main office."Dalhin mo agad dito," ang huling sinabi niya bago ibaba ang tawag.Sumunod ako agad sa mga sinabi niya at sumakay sa sasakyang naghihintay para sa akin. Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang mag-isi







