LOGINSandaling natigilan si Sofia. Halos hindi siya makahinga. Pilit niyang hinanap ang tamang sagot sa isip niya, habang pinipigilan ang nanginginig na tinig.
“W-wala po, Mom. Baka… baka lumabas sandali, o nasa study room,” sagot niya, pinilit na ngumiti. “Hindi korin po siya nakita nang dumating ako.”
Tinitigan siya ni Sally nang ilang segundo, parang sinusuri kung totoo ang sinasabi niya. Ngunit makalipas ang ilang sandali, ngumiti ito at tumango. “Sige na, maghanda ka na at bumaba. Huwag mong paabutin na lumamig ang pagkain. Hahanapin ko na rin ulit si Anton.”
Sa loob ng malaking cabinet, halos hindi gumalaw si Anton. Pinipigilan niyang huminga nang malalim, pinakikiramdaman ang bawat yabag ng mga paa sa labas ng pinto.
Pagkaalis ni Sally, napahinga nang malalim si Sofia. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto, at sa sandaling iyon, naramdaman niya ang bigat ng sitwasyong pinasok nila.
Mayamaya, marahang bumukas ang pinto ng cabinet Lumabas si Anton, pawisan at halatang hirap huminga. Nakasuot pa rin siya ng bukas na polo, at ang buhok niya ay magulo. Sa kabila ng tensyon, ang titig niya kay Sofia ay nanatiling mainit, puno ng damdamin na hindi niya kayang itago.
“Safe na?” mahina niyang tanong, halos bulong.
“Sa ngayon,” sagot ni Sofia, mahina rin ang tinig. “Pero kung hindi ka lumabas ngayon, siguradong mahuhuli tayo.”
Lumapit si Anton, mabilis at determinadong parang ayaw na muling mapalayo sa kanya. “Sofia…” aniya, tinutok ang mga mata sa kanya. “Hindi na ako makakabalik sa ibaba. Hindi ko kayang harapin si Sally ngayon.”
Napasandal si Sofia sa pader, pinilit na maging matatag. “Kailangan mong bumalik. Kung hindi, lalo kang paghihinalaan. Baka isipin niyang may tinatago ka, na may problema sa inyo.”
“Hindi mo ba narinig ang sinabi niya?” boses ni Anton, halos pabulong pero puno ng galit at poot sa sarili. “Hinahanap niya ako. Kung bababa ako ngayon, baka makahalata siya. At kapag nagtanong kung saan ako galing, ano’ng sasabihin ko? Na kasama kita sa—”
“Anton, tama na,” putol ni Sofia, mahigpit ang tinig. “Tama na, bago pa lumala.”
Tahimik silang pareho. Sa pagitan nila ay ang amoy ng pabango at pawis, at ang mga labi na ilang minuto pa lang ang nakalipas ay naghanap ng isa’t isa. Pero ngayong bumalik ang katinuan, pareho nilang ramdam ang bigat ng kasalanan.
“Hindi ko sinasadyang mangyari ulit ito,” mahinang sabi ni Sofia, halos pabulong. “Sinubukan kong iwasan ka, Anton. Pero lagi rin kitang naiisip kahit ang layo ko na sa’yo ng ilang buwan.. Lahat ng tingin mo, lahat ng salita mo, hindi ko makalimutan.”
Lumapit si Anton, hinawakan ang kamay niya. “Dahil hindi mo dapat kalimutan. Dahil totoo ang naramdaman natin. Hindi ako nagkunwari kahit isang beses, Sofia.”
“Hindi mo ba naiintindihan?” balik ni Sofia, umiwas ng tingin. “Asawa mo si Mama. Hindi lang ito bawal, Anton. Kasalanan ito. At kung malaman niya, masisira ang buhay niya. Ang pamilya natin.”
“Pamilya?” mapait ang ngiti ni Anton. “Hindi na ako makatingin sa kanya bilang asawa, Sofia. Noong araw na nakilala kita, nagbago na ang lahat. Pinagsisihan ko na siya ang pinakasalan ko. Dapat ay nilaban kita noon pa man.”
Napatigil si Sofia. May mga luha nang namumuo sa kanyang mata. “Tigilan mo na ‘yan. Hindi mo alam kung gaano kasakit pakinggan ‘yan habang nasa kwarto ak, —anak ng babaeng pinakasalan mo. Kahit anong sabihin natin, mali ito.”
Hinawakan ni Anton ang pisngi niya, marahang pinunasan ang luhang tumulo. “Kung mali man, bakit ganito? Bakit tuwing tinitignan kita, ikaw lang ang nakikita ko?”
“Dahil matagal mo nang pinili ang maling tao,” sagot ni Sofia, marahan niyang inalis ang kamay nito. “Pero ngayon, kailangan ko nang tumigil.”
Saglit na katahimikan. Sa labas, maririnig ang malayong tawanan ng mga bisita, parang walang nangyari. Ngunit sa loob ng silid, mabigat ang bawat paghinga.
“Umalis ka na,” sabi ni Sofia, tinig ay matatag ngunit nanginginig. “Lumabas ka sa bintana, dumiretso ka sa likod. Walang makakakita sa’yo doon. Pagkatapos, bumalik ka sa study room. Gawin mong normal ang lahat.”
“Paano kung hindi ko kaya?” tanong ni Anton, malalim ang boses. “Paano kung ayaw ko nang magkunwari?”
“Kung mahal mo ako,” tugon ni Sofia, “gawin mo ‘yon. Kasi kung hindi, hindi lang buhay mo ang masisira. Pati ako… pati si Mama.”
Tinitigan siya ni Anton nang matagal, parang sinusubukang tandaan ang bawat detalye ng mukha niya. Ang mga mata, ang labi, ang paraan ng paghinga. Pagkatapos, dahan-dahan niyang inilapit ang noo niya sa noo ni Sofia. “Hindi ko alam kung paano ko mapuputol ‘to,” mahina niyang sabi. “Pero kung ito lang ang paraan para hindi ka masaktan, susubukan ko.”
“Anton…” mahinang sagot ni Sofia, pero bago pa siya makasagot ng iba pa, bahagya siyang hinaplos ni Anton sa buhok at marahang umatras.
Dahan-dahan niyang binuksan ang bintana, sinilip ang labas. Tahimik at madilim ang hardin, tanging ilaw ng pool at mga parol sa gazebo ang nagbibigay liwanag. Tumingin siya kay Sofia, huling beses, bago tuluyang bumaba.
Pagkaalis ni Anton, napaupo si Sofia sa gilid ng kama. Nakatitig siya sa sahig, pinipigilan ang luha. Sa isip niya ay paulit-ulit ang tanong, ‘Paano ko haharapin si Mama pagkatapos nito?’
Sa kabilang bahagi ng bahay, naglakad si Sally papunta sa study room. Bitbit pa rin niya sa isip ang larawang bumalik-balik, ang itim na boxer sa ilalim ng kama ng anak. Napailing siya, ngumiti nang bahagya.
“Siguro may tinatago na talaga ‘tong batang ‘to,” mahina niyang sabi sa sarili, may halong biro. “Malaki na rin naman siya. Baka may boyfriend na.”
Ngunit sa ilalim ng ngiting iyon, may maliit na kirot ng duda. Si Sofia ay laging maingat, laging tahimik. Ni minsan, hindi nagbanggit ng lalaking pinakilala. Kaya’t sa kabila ng tiwalang mayroon siya, may bahid pa rin ng tanong sa isip ni Sally.
Pagdating sa study room, tumingin siya sa paligid, walang tao. Ang mga papel ni Anton ay nakalatag sa mesa, ang laptop ay nakabukas, ngunit ang upuan ay bakante.
“Anton?” tawag niya. “Nandito ka ba?”
Walang sumagot.
Napailing siya, napabuntong-hininga. “Lalaking ‘yon talaga,” bulong niya. “Kung kelan may okasyon, saka nawawala.”
Paglabas ni Sally, tuluyan na niyang binitiwan ang pagdududa. Ngunit hindi niya alam, sa kabilang daan, tahimik na naglalakad si Anton papunta sa hardin, dumaan sa likod, at nagkunwaring galing sa labas. Sa mga mata niya, may halong pagod, takot, at pagnanasa na hindi pa rin tuluyang napapawi.
At sa silid ni Sofia, nanatiling nakabukas ang bintana, tila paalala ng kasalanang kailanman ay hindi na maibabalik sa dati.
Pagkauwi ni Anton sa bahay nila, agad siyang sinalubong ni Sally. Suot pa nito ang apron, halatang galing sa kusina. Nakangiti ito nang makita siya, ngunit mabilis ding nagbago ang ekspresyon nang mapansin niyang mag-isa lang si Anton.“Wala si Sofia?” agad na tanong ni Sally, sabay lingon sa labas, umaasang may isa pang sasakyan na susunod. Nang makitang wala, unti-unting bumagsak ang kanyang mga balikat.Umiling si Anton habang inaabot ang suitcase at inilapag iyon sa gilid ng sofa. “Wala. Hindi ko siya nakita buong araw,” pagsisinungaling niya. Hindi niya malaman kung bakit hindi niya sinabi ang totoo kay Sally, pero sa tuwing iniisip niya ang nangyari kanina, ang paglapit ng lalaki kay Sofia ay gusto niya nalang muna na siya ang nakakalaam no’n para malaman muna kung ano ang relasyon ni Sofia sa lalaki.“Malapit nang mag-isang linggo, Anton. Hindi pa rin siya pumupunta rito.” Napalungkot ang mukha ni Sally habang naglalakad papunta sa sala, iniupo ang sarili sa sofa. “Sa tuwing d
Isang linggo ang lumipas matapos ang huli nilang pagsasama ni Anton, at pag-uwi niya galing sa Singapore. Apat na araw narin siyang pumapasok sa trabaho. Isa siyang journalist sa kilalang News company sa bansa, at dahil matagal na siya sa kumpanya isa narin siya sa pinagkakatiwalaan na ipadala sa kahit saang bansa para sumulat ng report. “Sofia, may mga OJT students tayo, nakalimutan ko sabihin kahapon na ikaw ang ginawang supervisor nila. Tatlo sila.” Lumapit ang kasamahan niyang si Kate at binalita iyon. Tumayo naman si Sofia, tinignan si Kate na para bang sinisigurado kung nagsasabi ito ng totoo. Naisip niya na baka ayaw lang ni Kate o ng iba mag-surpervise kaya sa kanya ibinato na hindi alam ng superior. Pero si Kate, tinaas ang dalawang kamay. “Hey, totoo ang sinabi ko, okay? Just look at the announcement. Akala ko titignan mo kagabi, pero nakita kong hindi ka nakapag-seen kaya as your little friend naisip ko na ngayon ko nalang sasabihin sa persona,” paliwanag ni Kate. Kaag
Hindi agad nakasagot si Sofia. Ang mga salitang binitawan ni Anton ay umalingawngaw sa isip niya, parang mga tunog na pilit niyang gustong burahin. Hindi siya makatingin sa kanya. Saglit siyang natahimik, huminga nang malalim, at bago pa makapagsalita, binuksan na niya ang pinto ng kotse.“Enough, Anton,” mahina niyang sabi, halos pabulong, saka lumabas.Hindi siya pinigilan ni Anton. Tinitigan lang niya ito habang lumalayo. Walang galaw, walang salita. Alam niyang anumang sabihin niya ay wala nang saysay sa mga sandaling iyon. Si Sofia naman ay mabilis na naglakad, tinawag ang unang taxi na dumaan at agad sumakay. Ngunit nang sumilip siya sa salamin, nakita niya ang kotse ni Anton sa likod, malayo, ngunit nakasunod.Pagdating niya sa tapat ng condo building, agad siyang nagbayad at bumaba. Nasa likuran pa rin ang kotse ni Anton, nakaparada lang. Hindi siya lumingon. Diretso siyang pumasok sa lobby, nag-swipe ng access card, at dumiretso sa elevator.Sa loob ng elevator, napahawak siy
Hindi agad nakapagsalita si Sofia; nakatingin lang siya kay Anton. Marahang hinawakan ni Anton ang dalawa niyang kamay at bahagyang hinalikan ang likod nito. Ngunit agad din iyong binawi ni Sofia nang mapagtanto niya na muli na naman silang lumampas sa hangganan.“Aalis na ako,” mahinahon ngunit mariing sabi niya. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at mabilis na tumakbo palayo.Mabilis ang tibok ng puso ni Sofia, ngunit hindi niya na iyon ininda. Ang tanging gusto niya ay makalayo kay Anton. Huli na para magsisi, nagawa na naman niya ang pagkakamaling pilit niyang iniiwasan.“Ang tanga mo, Sofia…” mahina niyang bulong habang patuloy sa pagtakbo.Pagdating niya sa bahay, agad niyang nakita ang mama niya sa hardin, kausap ang isang kasambahay. Napahinto siya. Sa tuwing nakikita niya si Sally, bumabalik ang bigat ng mga kasalanan at lihim na pilit niyang itinatago.“Sofia, anak! Nandiyan ka pala! Akala ko umalis ka, nag-jogging ka lang pala,” masayang bati ni Sally, sabay abot ng baso ng
“Alam kong hindi mo rin ako kayang tiisin,” bulong ni Anton kay Sofia habang hinahalikan nito ang butas ng tainga ng dalaga. Napapikit si Sofia, maliit na ungol ang lumabas mula sa bibig niya. Kahit pilit niya paring itinulak si Anton palayo sa kanya ay hindi niya tuloyang magawa dahil mas lalo siyang nanghihina. “Anton…please, stop…” mahinang sabi ni Sofia. Ngunit dahil sa narinig na ungol mula sa kanya, mas lalong ginanahan si Anton. Bumaba ang halik niya sa leeg ni Sofia, mapusok hanggang sa mamula ito. Tumingin siya kay Sofia na puno ng pagnanasa ang mata. “Sofia…I want you,” mahinang bulong niya. Si Sofia naman ay tuloyan naring sumuko, nanginginig ang kamay niya. Kahit anong pigil niya, tama si Anton. Hindi niya kayang tiisin ang lalaki. “This is not right—”Hindi natapos ang sasabihin niya nang hinalikan siya nang mapusok ni Anton. Dahil sa naramdamang init ni Anton, mabilis niyang hinubad ang damit pang-itaas ni Sofia. Nagulat siya nang walang suot na bra si Sofia, at da
Nang matapos ang kasiyahan kagabi, at nagsi-uwian na ang mga bisita, kaagad ding umakyat si Sofia sa kanyang silid para makapagpahinga, hindi niya na nakausap pa muli ang ina at si Anton. Kinabukasan, madaling-araw pa lang ay gising na si Sofia. Sa labas ng bintana ng kanyang silid, mabagal na gumigising ang paligid, ang mga ibong nag-aawitan, ang malamig na hangin na dumadampi sa balat. Nakasuot siya ng simpleng jogging pants at kulay abong sweatshirt. Gusto niyang makalabas, kahit saglit. Sa loob ng bahay ay parang hindi siya makahinga, bawat sulok ay may alaala ng kagabi, bawat ingay ay tila paalala ng kasalanan.Pagbukas niya ng gate, saglit siyang napahinto.Si Anton ay naroon, nakasuot din ng pang-jogging, earphones sa leeg, at hawak ang bote ng tubig. Tila nagulat din ito nang makita siya, ngunit agad ring binawi ang reaksyon, nagpakawala ng mahinang ngiti.“Maaga ka ah,” sabi ni Anton, kalmado ang boses, pero may bahid ng pag-aalangan. “Magjo-jogging ka rin?”Hindi sumagot si




![ACADEMIC AFFAIRS [SPG]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


