Share

Chapter 5

Marahang ibinaba ni Taliyah ang kamay niyang may hawak na cold compress. Gumuhit ang lungkot sa mga mata nito bago ito nag-iwas ng tingin.

"Sorry, Rothus." Mahina niyang wika.

Marahas namang napabuntong-hininga ang kanyang mister. 

"Sorry? That's not the answer that I want, Taliyah."

Muling bumaling sa kanya si Taliyah.

"Pasensya ka na, Rothus, p-pero hindi ko pwedeng sabihin sa'yo kung sino ang ama ng bata 'tong."

Gumuhit naman ang frustration sa mukha ng lalaki.

"But why, Taliyah? Please tell me. Let me understand you." 

Napailing-iling si Taliyah. Nangislap ang mga mata nito at tila anumang oras ay maluluha ito. 

"Lalo ka lang magagalit sa'kin." 

Napabuntong-hininga si Rothus. 

"Mas lalo akong magagalit kapag hindi mo sinabi sa'kin kung sino."

Sinalubong ni Taliyah ang tingin ng kanyang mister. Kitang-kita ang sinseridad sa mga iyon.

"Kapag nalaman ang kung sino ang ama nito, baka masaktan ka lang, Rothus. At hindi ko kakayanin 'yon."

Umarko naman ang makapal na kilay ni Rothus.

"Ba't ako masasaktan, Taliyah?" Sandali itong tumigil bago siya nagpatuloy. "Walang dahilan para masaktan ako dahil hindi naman kita mahal."

Tila kinurot ang puso ni Taliyah sa narinig. Ramdam naman niyang wala siyang halaga sa lalaki ngunit mas masakit pala kapag narinig iyon mismo sa kanya. 

"Hindi ko pa rin pwedeng sabihin." Mahina niyang turan. 

Padabog namang tumayo sa pagkakaupo si Rothus. Tila tuluyan na ring naputol ang pisi ng kanyang pagtitimpi.

"You know what, I am trying to understand you. Pero ikaw naman itong ayaw na maintindihan ka. Now, if you will keep that as a secret. Then keep it! But never expect me treat you well, Taliyah." Mariin siya nitong tinitigan bago nagpatuloy. "Instead, expect hell!"

"Sorry, Rothus." Napayuko na lamang si Taliyah. Kasabay no'n ay ang pagtulo ng kanyang luha. 

"Alright! Ikaw ang pumili niyan, Taliyah!" Mariing turan nito bago siya nito tuluyang iwan. 

Napahikbi na lamang si Taliyah nang tuluyang nang makalabas ng silid ang kanyang mister. Aniya, mukhang malabo na talagang magkaayos pa sila ng kanyang mister. Mahal niya ito at handa siyang magtiis sa piling nito. Handa siyang gawin ang lahat para sa kanya. Ngunit ibang usapan na kung ang hihilingin nito ay ang pagbunyag sa kanyang lihim. 

"Balang-araw maiintindihan mo rin kung bakit kailangan kong ilihim ito sa'yo. Hindi lang 'to para sa'kin kundi para sa'yo rin." Muling tumulo ang kanyang luha. 

Matapos ang sandaling pag-iyak ay tumayo si Taliyah sa pagkakaupo at inasikaso ang nakasanayan na niyang gawin gaya nang paglilinis sa kanilang silid at paghahanda ng pagkain para sa kanyang mister. Gaya rin ng dati ay hinintay niya sa sala ang pag-uwi ng kanyang kabiyak at tulad ng inaasahan niya ay lango na naman sa alak. 

"I hate you, Taliyah!" Bulalas nito kasabay ng pag-alalay ni Taliyah sa kanya upang mahiga sa kanilang kama. "You're pregnant but you still married me. Ginagago mo ako, Taliyah."

"Hindi ko alam na bun--"

Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay tinabig ni Rothus ang kanyang kamay.

"Niloko mo ako!Pinagmukha mo akong tanga. Someone else deserve your place.Iyong hindi mo katulad na disgrasyada." 

Napabuntong-hininga na lamang si Taliyah. Pinili na lamang niyang manahimik dahil tiyak niyang wala rin namang halaga ang sasabihin niya dahil mukha naman walang balak makinig ang kanyang mister. Sa halip na magsalita ay umupo siya sa tabi na kanyang mister at kinalas ang butones ng polo nito upang masimulan na ang pagpunas niya sa katawan nito.

"I want to hit you! I want to punish you," litanya nito habang maingat na pinupunasan ni Taliyah ng basang bimpo ang kanyang katawan. Nanatili na lamang walang imik si Taliyah. Nagbuga naman si Rothus ng hangin bago nito iangat ang kanyang kamay patungo sa tiyan ng kanyang misis. 

"But this unborn child is stopping me." 

"Rothus," nasambit ni Taliyah nang maramdaman niya ang paghaplos ng kamay ni Rothus sa kanyang impis na tiyan. 

"This unbon child is your savior, Taliyah." 

Hindi naiwasan ni Taliyah ang pagtulo ng kanyang luha. Hindi naman na iyon nasaksihan ni Rothus dahil pumikit ito matapos muling magpakawala ng buntong-hininga.

"Little one, I wish you are mine." Mahinang sambit nito bago ito tuluyang lamunin ng antok. 

Ang mga katagang iyon ay tila naman nagbigay ng pag-asa kay Taliyah. Aniya, marahil kapag naisilang na niya ang bata ay matututunan itong ituring ni Rothus na parang kanya.  Lalo siyang nabuhayan ng pag-asa nang mabawasan ang pananakit sa kanya ng physical. Iyon nga lang at halos hindi na tumao sa bahay nila ang lalaki. Naging abala ito sa trabaho, alak at babae. Masakit iyon kay Taliyah ngunit may pagbawi naman ang kanyang mister dahil sa tuwing nalalasing ito ay tila naging habit na nito ang haplusin ang kanyang tiyan. At sandaling kakausapin ang 'little one' sa kanyang sinapupunan.

"Rothus, anak! Halika rito! Dumating na ang mag-ina mo." Puno ng excitement ang tinig ng katulong na si Cedes kasabay nang pagpasok nila sa pintuan ng bahay.

Napunta naman ang tingin sa kanya ni Rothus habang na karga-karga niya ang three days old na bata.

"I don't want to see your child, Taliyah. Kung pwede lang, ilayo mo siya sa'kin at baka pareho ko kayong masaktan."

Nadurog ang puso ni Taliyah sa narinig. Sa isang iglap ay gumuho ang nabuo niyang pag-asa na magiging isa pa silang pamilya. 

"Aba! Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Kung ayaw mo sa misis mo, huwag mo namang idamay ang anak niyo!" 

Gayunpaman ay para bang hindi narinig ni Rothus ang tinuran ng katulong. 

"You heard me, Taliyah! Distance your child away from me!" Mariing wika nito bago ito humakbang paalis ng kanilang tahanan.

"Hay nakung bata ka! Pagsisihan mo 'to balang-araw!" Pahabol naman ni Cedes sa kanyang alaga bago ito tuluyang makalayo.

Nang hindi siya pinansin ni Rothus ay naiiling itong bumaling sa bata.

"Kamukhang-kamukha pero kung makaasta parang hindi siya ang tatay. Hay naku! Sumosobra na talaga ang batang iyon!"

Hindi na lamang umimik si Taliyah. Aniya, kung alam lamang nito ang katotohan ay tiyak na si Rothus ang kakampihan nito.

Sa mga sumunod na araw ay bumalik ang pagiging mainitin ng ulo ni Rothus. Naranasan muli ni Taliyah ang pananakit nito at dumalas din ang pagdadala nito ng babae sa kanilang tahanan. Dumaan ang mga araw na tila sirang-plakang nauulit ang mga pangyayari. At nakakapagod iyon. Nakakaupos, hindi lamang ng lakas ng katawan kundi ang maging ng kaluluwa.

"Taliyah!" Umalingawngaw ang tinig ni Rothus sa buong silid dahilan upang matarantang pumasok si Taliyah sa Master's bedroom na katabi lamang ng silid na inuukopa nilang mag-ina. "What did you do with my shirt?"

Itinaas nito ang isang polo na may sunog sa laylayan.

"Sorry. Bigla kasing umiyak si baby Axell kaya--" Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin ay naunahan na siya ng kanyang mister.

"Don't make alibi to cover your stupidity!" Inihataw ni Rothus ang hawak nitong damit. Tumama ang dulong bahagi nito sa kanyang mukha. Naramdaman niya ang paghapdi ng kanyang labi ngunit mas ininda nito ang sumunod nitong tinuran. "Wala ka talagang kwenta!"

Hindi pa nakuntento roon si Rothus. Mariin nitong hinawakan ang pisngi ng kanyang misis. 

"Sa susunod, huwag ka na lang makialam sa mga gamit ko!" 

Tumulo naman ang luha ni Taliyah kasabay nang marahas na pagbitaw nito sa kanyang pisngi. Mabilis na pinunas ni Taliyah ang kanyang luha habang nakasunod ang tingin niya sa pagtalikod ng kanyang asawa.

"How I wish that you'll just disappear in my life!"

Tipa sinaksak ang puso ni Taliyah ngunit sa pagkakataong iyon ay tinatagan niya ang sarili upang huwag maluha. Ang pait na nakaguhit sa kanyang mga mata ay napalitan ng poot. 

"Isang piraso lang 'yan ng damit, Rothus."

Natigilan naman ang lalaki sa paglalakad at awtomatiko itong nabaling sa kanya. 

"Pwede ka ulit bumili ng bago. Hindi mo ako kailangan saktan at laitin."

Umigting ang panga nito sa narinig. Humakbang rin ang paa nito palapit sa kanya.

"Don't try my patience, Taliyah!" Mariing banta nito ngunit hindi naman iyon inintindi ng kanyang misis.

"Sige, lumapit ka, Rothus. Gusto mo akong saktan? Sige lang, saktan mo ako. Gulpihin mo ako hangga't gusto mo."

"Taliyah!" Mariing banta nito. Pinanlakihan din siya nito ng mata na tila nagbabanta ngunit hindi naman siya natinag.

"Sige na, Rothus. Saktan mo na ako ngayon dahil ito na ang huling araw na masasaktan mo ako."

Bago pa makaimik ang lalaki ay muli siyang nagsalita.

"Mahal kita pero pasensya ka na dahil pagod na ako. Pagod na akong umasa na pwede pa tayo." 

Nanatiling walang imik si Rothus kaya muli siyang nagpatuloy. 

"Tama na siguro ang isang taon na pagtiis ko, Rothus. Ayokong lumaki ang anak ko sa bahay na nakikita niyang may nakakakit sa'kin. Ayokong masaksihan niya ang halos araw-araw na pagdadala mo ng babae dito."

Umarko ang gilid ng labi ng lalaki.

"Lalayas ka? Go, Taliyah! Umalis ka! Hindi kita pipigilan. Infact, I will be very glad."

Sinalubong naman ni Taliyah ang kanyang tingin. At mula sa mga mata nito ay nasaksihan ni Rothus ang tapang.

"Alam ko, Rothus. Congrats! Dahil mula ngayon, wala nang Taliyah na salot sa buhay mo! Mag-celebrate ka dahil mas magiging malaya ka na ngayon."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status