Share

Chapter 7

"R-Rothus?" Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Taliyah. Sa kanyang pagbukas ng pinto ng inuupahan niyang bahay ay bumungad sa kanya ang amoy-alak na si Max Rothus Villaron.

"A-Anong ginagawa mo rito?"

"Taliyah." Humakbang ito palapit sa kanya ngunit nawalan nito ng balanse. Nagawa siyang masalo ni Taliyah dahilan para bumagsak ang mukha ng lalaki sa kanyang leeg.

"Lasing ka." Ginamit niya ang kanyang buong lakas upang itulak ang lalaki. Hindi naman siya nagtagumpay dahil lalo siyang niyakap nito. Tila tinambol ang puso ni Taliyah.

"Taliyah." Anas nito. "Tell me that I am not dreaming."

Bago pa makaimik si Taliyah ay muli itong nagsalita.

"Tell me that I'm already home."

Mahinang tumikhim si Taliyah upang alisin ang bara sa kanyang lalamunan.

"Nasa'n 'yong sasakyan mo? Kaya mo bang mag-drive?"

Umiling ito bago nagsalita.

"I don't have a car with me." Naramdaman ni Taliyah ang pagluwag ng yakap nito. Sinamantala naman niya iyon upang muling itinulak si Rothus. Nang tuluyan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status