INICIAR SESIÓN"Good morning, Ma'am."
Ngiti ang palaging sagot ni Foina sa mga estudyante na bumabati sa kaniya. Kung titingnan, hindi pa talaga siya ready na tawaging "Ma'am" kung pagbabasehan ang height niya na parang pinagkaitan ng tangkad. Na kahit may suot na siyang heels ay parang wala pa rin iyong naiambag sa kaniya. Hindi naman talaga iyon ang problema niya, mas pinoproblema niya kung paano niya haharapin ang bawat araw ng pagiging guro sa isang university.
Hindi pa talaga siya sanay na sa bawat lakad niya ay may bumabati sa kaniya. Hindi pa sanay ang labi niya na ngumiti kapag may babati. Nakakapagod pala ang bagay na 'yon, kaya siguro may teacher siya noon na parang pinagsakluban ng langit at lupa. At hindi pa siya sanay na palaging may nakamasid sa kaniya. Ito pala ang pakiramdam ng mga guro niya noon.
"So, Ms. Dela Fuente," pagkuha ng pansin ng kasama niyang Principal. Tumingin siya rito at hindi pinahalatang parang nahihiya siya sa tangkad nito. Ngumiti ito sa kaniya bago pumasok sa classroom na hinintuan nila. "Ito ang magiging classroom mo. Ikaw na ang bahala sa pag-aayos ha? 'Yong last teacher kasi na gumamit nito—” Huminto ito sa pagsasalita at bumulong sa kaniya. “Hindi yata marunong mag-decorate."
"Hoy! Nandito si Ms. Principal!" sigaw ng isang estudyante na parang President ng section.
So, ito ang magiging section ko, bulong niya sa sarili at pinagmasdan ang mga bata na bumalik sa kaniya-kaniyang upuan. Sabay-sabay na tumayo ang mga bata at bumati sa kanila. Agad hinanap ng mga mata niya kung may ka-height ba siya sa mga estudyante na magiging under niya.
Huminga siya nang malalim at pilit na ipinasok sa isip ang lahat ng nangyayari.
Teacher na ba talaga ako? Tanong niya sa sarili.
Ito na ang sign ng bagong buhay niya. Kailangan niyang kayanin dahil wala naman siyang choice.
Hawak ang strap ng kaniyang bag ay sumunod siya sa principal na pumasok sa loob ng classroom. Agad namang tumayo ang mga bata at binati ang principal. Pinakilala agad siya nito sa mga bata at tuwang-tuwa naman ito na makilala siya.
Mas natuwa siya dahil ang advisory class niya ay Grade 11. Madali na lang i-handle compare sa lower grade. Baka siya pa ang unang ma-highblood.
“Oh, Ma’am Foina.” Tawag sa kaniya ng principal. “Ikaw na po ang bahala dito, ano?”
Tumango siya bago sinagot ang principal. Saka ito nagpaalam na babalik na sa opisina.
Muli siyang humarap sa mga bata at matamis na ngumiti.
This is it.
"IKAW 'yong bagong teacher?"
Natigil sa pag-aayos ng sarili si Foina nang may biglang pumasok sa classroom niya. Dalawang teacher ang lumapit sa mesa niya na sa tingin niya ay kaedad lang din niya. Parang ang hirap ding paniwalaan kung teacher na ba o hindi. Parang mga ka-height nga lang din niya ang mga ito. Na kung hindi naka-uniform, mapapagkamalan mong estudyante.
"Halata naman siguro, Theresa? Ngayon pa lang natin siya nakita, diba?" pa-epal na tanong ng isang teacher na hanggang balikat lang ang buhok.
So, Theresa ang pangalan nitong isa, bulong ng utak niya.
"Sabi na kasing Maria lang ang itawag mo sa'kin eh!" Hinampas ng isang guro ang nagsalita kanina. Nakabusangot na ang mukha nito, parang ayaw yatang tawagin sa pangalang Theresa.
Maganda naman ang pangalang Theresa ah.
Palipat-lipat lang ang tingin niya sa dalawang guro na parang nilapitan lang siya para maging saksi siya sa pag-aaway ng dalawa. Hindi tuloy siya makapaniwala na guro na ba talaga ang dalawang babae na nasa harap niya. Ganitong-ganito sila noon ng kaibigan niya no’ng panahong internship nila. Kung umakto sila ay parang mga estudyante pa rin at nakikipagbardagulan pa.
"Anyways, ang ganda mo, Ma’am. Welcome to the club po, sana magtagal ka dito. ‘Wag ka po sanang magpalipat agad," ani ng teacher na tinawag na Theresa ng kasama nito. Inilapit pa nito ang mukha sa mukha niya kaya napaatras siya. "Pero, Ma’am, anong brand ng liptint mo? Maganda ah, bagay na bagay po sa’yo ang color. Kissable lips na."
Hinampas naman ng isa ang balikat ni Theresa na hindi pa niya alam kung pangalan. "Wala ka ba talagang magawa kun'di manakot ng bagong teacher?"
"Hindi ko naman siya tinatakot eh! Nagtatanong lang naman ako kung anong brand ng liptint niya. Bakit? Hindi ka ba curious? Maganda kaya oh.” Tinuro pa nito ang lips niya, saka nagpatuloy. “Feeling ko nga bagay din ‘yan sayo pero dapat color black gamitin mo para partner kayo ni Luci.”
“Sinong Luci?”
“Si Lucifer.”
Napailing na lang siya at kinuha ang liptint sa bag niya bago pa mag-away ang dalawa. Mukhang may papantay sa kalokohan ng best friend niyang si Georgie. PInakita na lang niya kay Theresa ang liptint para matapos ang bangayan ng dalawa. Tuwang-tuwa naman ito at nagpaalam na makikigamit ng mirror niya na nasa mesa sabay gamit sa liptint niya.
“Oh, tingnan mo. Bagay din sakin,” sabi nito matapos takpan ang liptint. Agad din naman nitong binalik sa kaniya ang liptint. “Itago mo na, Ma’am. Baka mainggit pa ang isa dyan.”
Napatawa na lang siya sa sinabi ni Theresa. Kasing ugali nga ito ng kaibigan niya.
At least, hindi magiging boring ang panahon ko as teacher, bulong niya sa sarili bago nagpahila sa dalawa. Pupunta raw silang cafeteria bago pa matuloyan si Theresa.
Bawat madadaanan nilang classroom ay pinapakilala siya ng dalawa sa mga guro. Maganda naman ang pakikitungo ng lahat sa kaniya, lalo na ang mga lalaking estudyante na face-to-face pa kung magsabi na hintayin raw niya. Baka sa paghihintay niya, hahantong pa na magiging matandang dalaga na lang siya. Hintayin ba naman niya ang mga Grade six students!
"At ito," ani ni Theresa at iniharang ang katawan sa pinto ng classroom. "Isa lang ang say ko. Huwag kang lalapit sa teacher na may-ari ng classroom na 'to."
Napataas ang kilay niya sa sinabi ni Theresa. Hindi siya lalapit? Bakit?
"Vampire ba ang teacher dito? Nangangagat ng leeg?"
Si Sheen naman ang humarang sa kaniya at hinawakan ang dalawa niyang balikat. Sheen ang pangalan ng kasama ni Theresa. Base sa tawag ni Theresa dito.
Sheen at Theresa.
"Kahit hindi leeg, kinakagat niyan. Kaya beware." Hinawakan nito ang sariling baba na para bang nag-iisip. "Pero kung kaguwapohan ang pagbabasehan. Girl! Papasa na siyang vampire!"
“At sa dami ng nakagat niya sa leeg, literal talaga siyang vampire. Bampira sa kapogian!” tili ni Theresa pero agad itong kinurot ni Sheen sa tagiliran.
Parang di ako mahihirapan makipagbardagulan sa dalawang ‘to.
IPINUSOD ni Foina ang hanggang baywang na kulot na buhok. Nang makarating sila sa cafeteria ay nalukot ang mukha ni Sheen nang makitang wala ng bakanting mesa. Pero si Theresa ay dire-diretso lang sa pagpasok at lumapit sa isang tindera.
"Bumalik na lang kaya tayo, girl. Iwanan natin si Theresa," sabi ni Sheen na sinamahan pa ng pagtawa. "Pero siyempre, gusto ko pang mabuhay."
Napailing na lang siya. Noong si Georgie pa ang kasama niya ay kasing-ugali niya si Theresa, kinatatakutan din siya ni Georgie.
"Wait lang ha? Balik lang ako saglit sa classroom ko. Naiwan ko pala 'yong wallet ko."
Tumango na lang siya kay Sheen at hinatid niya ng tanaw ang babae hanggang sa nakapasok na ito sa classroom nito na hindi naman kalayuan sa cafeteria.
"Ikaw 'yong bagong teacher?"
Agad siyang lumingon sa gilid niya nang may biglang nagsalita. Kasing lamig ng boses nito ang aura nito. Medyo basa ang itim nitong buhok na halatang bagong ligo.
Tanging pagtango lang ang nagawa niya at nag-iwas ng tingin. Amoy na amoy pa nga niya ang shampoo ng lalaki.
"Wala ng vacant. Dito ka ba kakain ng lunch?" tanong na naman nito.
Kalma, Foina. Kalma. Teacher yata ang isang 'to kaya maging mabait ka.
Ngumiti siya at muling humarap sa lalaki. "Yes, Sir. But I guess, nakahanap na po siguro ng puwesto ang kasama ko."
Pero laking gulat niya nang ilahad nito ang kamay sa kaniya.
"I'm Ryan Chester Serrano. English teacher. Are you free tomorrow night?"
Natigilan siya sa tanong nito. Para bang sanay na sanay ito na i-deliver ang linyang iyon. Ni hindi nga ito nabulol nang tanungin siya kung free ba siya bukas ng gabi.
"Free?" gulat niyang tanong sa lalaki. "Tomorrow night? Why?"
"Date? May alam akong magandang resto," anito at kumindat pa sa kaniya.
Mas lalo siyang natigilan. Dire-diretso ito kung sabihin na date ang pakay nito sa kaniya. Hindi niya alam kung dapat ba niya itong kabiliban o hindi. Pero sabagay, talent 'yon.
Kasing presko ng buhok nito ang ugali ng lalaki. Sobrang unbelievable ng kapreskohan nito. Lihim niyang kinagat ang ibabang labi at napatikhim pagkatapos. Kung ito ang makakasama niya sa trabaho, mukhang hindi siya magtatagal sa paaralang ito.
"Please, don't do this again, Sir Serrano. This is just my first day and I don't want to start looking for another public school."
Pero parang wala lang sa lalaki ang sinabi niya. Nagawa pa nitong salubungin ang mga mata niya.
"Oh, Babe. I'm so sorry," anito at kumindat pa.
"Don't call me that, please lang. I'm willing to forget everything you just said but please don't do it again."
"Okay, I'll try. See you tomorrow night."
Yumuko pa ito sa kaniya at pumasok na ng cafeteria.
Pagkauwi ni Foina sa bahay niya ay hindi pa nakabukas ang ilaw. Meaning wala ang Mama niya sa kaniyang bahay. Pagkatapos niya kasi sa college at no’ng nakapag-ipon siya ay bumili siya ng sarili niyang bahay. At paminsan-minsan ay dumadalaw ang kaniyang Mama para bisitahin siya.Binuksan niya agad ang ilaw. Alas sais na kasi siya nakauwi dahil may binili muna sa Watson. Sa sobrang stress niya parang kailangan niyang mag-self care at bumili ng pampaganda upang mabalik ang one-fourth na gandang nawala sa kaniya kanina.Nang malapag niya sa mesa ang pinamili niya ay saka nag-ring ang kaniyang cellphone. Agad din naman niyang kinuha sa bulsa ang cellphone at nabasa niya ang pangalan ni Georgie. Ang best friend niya no’ng college. Rumehestro agad sa kaniyang mga labi ang ngiti. Miss na miss niya ang babaeng ‘to.“Hi, Luv!” bati agad nito nang masagot niya ang tawag. Cheerful na naman ang babae, as always. Kapag talaga nauubos ang socialization battery niya ay si Georgie ang sumasalo.Ngumit
Nawalan ng gana si Foina na kumain kaya hindi na niya nahintay ang dalawa at bumalik na lang siya sa classroom niya. Meron pa naman siguro siyang natirang sandwich do’n, iyon na lang siguro ang kakainin niya.Hindi siya makapaniwalang may mga guro na gano’n kung umasta. Aayain ka agad ng date samantalang unang interaction pa nga lang nila. Ni hindi pa nga niya nasasabi dito kung anong pangalan niya. Pero kung makaaya ito ay parang close na close sila.Or baka personality lang talaga niya na gano’n siya tapos OA lang ako.Pero kahit na siguro. Hindi naman siguro magandang gawin ‘yon dahil hindi pa nga sila close.Nang makarating siya sa kaniyang classroom ay nakita niya ang mga bata na nagtatawanan pang kumakain at nagkwekwentohan. At nang makita siya ng mga bata ay biglang natahimik ang mga ito. Ngumiti na lang siya sa mga bata para hindi ma-intimidate ang mga ito sa kaniya.“Ma’am, kumain na po ba kayo?” tanong ng isang estudyante sa kaniya. “Hindi pa nga, eh.” Hilaw niyang sagot. H
"Good morning, Ma'am."Ngiti ang palaging sagot ni Foina sa mga estudyante na bumabati sa kaniya. Kung titingnan, hindi pa talaga siya ready na tawaging "Ma'am" kung pagbabasehan ang height niya na parang pinagkaitan ng tangkad. Na kahit may suot na siyang heels ay parang wala pa rin iyong naiambag sa kaniya. Hindi naman talaga iyon ang problema niya, mas pinoproblema niya kung paano niya haharapin ang bawat araw ng pagiging guro sa isang university.Hindi pa talaga siya sanay na sa bawat lakad niya ay may bumabati sa kaniya. Hindi pa sanay ang labi niya na ngumiti kapag may babati. Nakakapagod pala ang bagay na 'yon, kaya siguro may teacher siya noon na parang pinagsakluban ng langit at lupa. At hindi pa siya sanay na palaging may nakamasid sa kaniya. Ito pala ang pakiramdam ng mga guro niya noon."So, Ms. Dela Fuente," pagkuha ng pansin ng kasama niyang Principal. Tumingin siya rito at hindi pinahalatang parang nahihiya siya sa tangkad nito. Ngumiti ito sa kaniya bago pumasok sa cla
"I always get what I want."Nanigas ang panga ni Foina nang nagpumilit talaga si Ryan Chester na pumasok sa bahay niya. Sobrang guwapo nitong tingnan sa suot nitong black polo shirt at black long pants. Palihim niya ring pinapagalitan ang sarili dahil binuksan niya pa rin ang pinto kahit alam niyang ang hambog na teacher ang nasa labas ng bahay. Gusto lang naman sana niyang manigurado dahil hindi siya makapaniwala na nalaman nito kung saan siya nakatira. Mabuti na lang talaga dahil hindi niya kasama ang Nanay niya. Baka ito pa ang unang sumipa sa mukha ni Chester. Ayaw na ayaw pa naman nitong may bumibisita sa kaniya kapag malalim na ang gabi."I thought I made it clear that I won't go out with you," aniya at agad nag-iwas ng tingin. Hindi niya kayang tingnan nang matagal ang mga mata ng lalaki. Pakiramdam niya kasi kapag titingnan niya ito nang matagal ay mababasa nito ang laman ng isip niya."You're a very smart woman, Babe. So, I wonder why you haven't figured out that I always g







