Compartir

Chapter 2

Autor: Mariyah
last update Última actualización: 2026-02-03 21:00:04

Nawalan ng gana si Foina na kumain kaya hindi na niya nahintay ang dalawa at bumalik na lang siya sa classroom niya. Meron pa naman siguro siyang natirang sandwich do’n, iyon na lang siguro ang kakainin niya.

Hindi siya makapaniwalang may mga guro na gano’n kung umasta. Aayain ka agad ng date samantalang unang interaction pa nga lang nila. Ni hindi pa nga niya nasasabi dito kung anong pangalan niya. Pero kung makaaya ito ay parang close na close sila.

Or baka personality lang talaga niya na gano’n siya tapos OA lang ako.

Pero kahit na siguro. Hindi naman siguro magandang gawin ‘yon dahil hindi pa nga sila close.

Nang makarating siya sa kaniyang classroom ay nakita niya ang mga bata na nagtatawanan pang kumakain at nagkwekwentohan. At nang makita siya ng mga bata ay biglang natahimik ang mga ito. Ngumiti na lang siya sa mga bata para hindi ma-intimidate ang mga ito sa kaniya.

“Ma’am, kumain na po ba kayo?” tanong ng isang estudyante sa kaniya. 

“Hindi pa nga, eh.” Hilaw niyang sagot. Hindi niya alam kung paano sasabihin na hindi siya natuloy dahil may isang teacher na gusto daw siyang i-date.

“May pagkain po ba kayo dyan, Ma’am? Gusto niyo po bang bilhan ko kayo sa canteen?” sabi nong lalaki niyang estudyante na nakalimutan niya ang pangalan.

Nag-introduce yourself naman sila pero hirap talaga siya mag memorize ng mga names. ‘Yon talaga ang kahinaan niya.

Pero bago siya nakasagot ay sinapak ng isa niyang estudyante ang nag-alok sa kaniyang bilhan siya ng pagkain.

“Sus, talaga! Mga galawan mo, Anton! Dati kay Ma’am Tumanda, ‘di ka mautos-utusan. Pero ngayon kay Ma’am Foina, ikaw pa ang nag-o-offer. Saan ba nakadepende ang kasipagan mo, ha? Nakadepende sa ganda ng teacher natin?”

Nagtawanan na naman ang mga bata dahil sa sinabi nito. Pati siya ay nakitawa na rin. Ibig sabihin mas maganda pala siya sa dating advisory ng mga bata. Well, that’s a compliment.

“Syempre, ‘yon ang turo ni Sir Chester. Dapat ang kabaitan, naka-base sa kagandahan.” sagot na naman ni Anton.

Tumayo ang babae na sumaway kay Anton at nanghingi ng sorry sa kaniya. “Pasensiya na, Ma’am. Ganito po talaga kapasaway ang mga classmates ko. Pero mababait naman po ang mga ‘yan kapag tulog.”

Ngumiti na lang siya. Wala naman talaga sa kaniya ‘yon. Sanay naman siya sa mga estudyanteng ganito. Ang mas naintregaa siya ay sa sinabi ni Anton na Sir Chester. Ang lala naman nito magturo kung gano’n. Sana nagbibiro lang ang guro na ‘yon.

“Sino pala ‘yang Sir Chester na tinutukoy ni Anton?” tanong niya, hindi na naman niya napigilan ang pagiging tsismosa.

Tila nagkaroon ng sparks ang mga mata ng mga bata lalo na ang mga babae. Teka bakit parang excited sila? Ganon ba ka gwapo ang Sir Chester na tinutukoy nila?

“Ay, Ma’am! Kung hindi niyo naiitatanong. Si Sir Chester ang president ng Pogi Club sa school na ‘to. Dahil sobrang po-” Hindi na naman natapos ni Anton ang sentence nito dahil muli na naman itong nasapak.

“Para kang tanga!”

“Ano ba, Cindy! Nakadalawa ka na, ah!” angal ni Anton.

“Bilhan mo na lang ng makakain si Ma’am do’n.”

Natawa na lang siya sa ginawi ng dalawa. Binigyan na lang din niya ng pera sa Anton para bilhan siya ng pagkain.

Pero kung siya talaga ang tatanungin. Kung ang Sir Chester na tinutukoy nito ay ang Chester din na nagpakilala sa kaniya kanina ay iisa.

Well, pogi naman talaga. Hindi ko kayang i-deny since nasa mukha ang evidence. Pero in terms of attitude? A big no, no!

Natapos ang klase niya nang hapon na ‘yon na para siyang na-drain physically and mentally. Hirap na hirap na siyang tandaan ang mga pangalan. Nagliligpit na siya ng mga gamit niya nang biglang pumasok na naman ang dalawang teacher na nakilala niya kanina. Si Theresa at si Sheen. Naalala niya talaga ang mga kaibigan niya sa college dahil sa dalawang ‘to.

“Hoy, girl. Bakit ka nawala sa canteen kanina? Hinintay ka pa namin.” angil ni Theresa sa kaniya nang makalapit ito sa kaniya.

“Sabi naman sayo kasi na nakita kong kausap niya si Sir Chester kanina tapos parang inaway yata siya.”

“Inaway?” tanong na naman ni Theresa. “Inaway ka ba? Di naman nang-aaway si Sir pero kumakain ‘yon.”

“Loka ka, baka may makarinig sayo,” saway ni Sheen kay Theresa. “Pero anong sinabi ni Sir sayo? Bakit parang nagalit ka kanina?”

Kalahi nga kayo ng mga classmate ko noon, mga chismosa din, bulong niya sa sarili saka nagkibit-balikat na lang. Hindi naman pwedeng pati ang sinabi ni Sir Chester ay ikwento niya rin. 

Hindi na niya sinagot ang mga tanong ng dalawa. Pinagpatuloy na lang niya ang pagliligpit para makauwi na siya. Sobrang pagod siya ngayon araw at parang kailangan niyang mag me-time.

“Ano nga kasing sinabi ni Sir sayo? Inaya ka bang mag-date?” pag-ulit na naman ni Theresa.

Do’n siya natigilan. Bakit alam nito na inaya siya? Tinitigan niya ang dalawa at nakita niya sa mga mata ng dalawa na parang nababahala.

“Pa’no niyo nalaman?” takang tanong niya rin.

Agad na natampal ni Sheen ang noo nito na para bang hindi nito nagustuhan ang tanong niya. Pero hinawakan ni Theresa ang kamay niya.

“Kasi gano’n din ang sinabi niya sa’min no’ng bago pa lang kami dito. Ang bali-balita, inaaya daw talaga ni Sir ang mga bagong lipat sa school. ‘Yong iba na walang alam, syempre makikipag-date sa kaniya kasi nga diba? Gwapo, matalino, mabango? Ano pa ba?”

Pero sinapak ni Sheen si Theresa kaya hindi nito natapos ang sasabihin. “At talagang nag-isip ka pa ng mga qualities niya? Ganda mo rin.”

“Masyado kang kill joy. Umamin ka na lang kasi na naging crush mo rin ‘yon dati.”

At muli na namang nag-away ang dalawa. Nagbuga na lang siya ng hangin. Baka gano’n nga siguro talaga si Chester. Baka lahat ng kilala nito ay naaya na nito. Wala naman sigurong meaning ‘yon kaya hindi na dapat siya mabahala.

“Pero, seryoso, Foina.” Muling pagtawag ng pansin ni Sheen sa kaniya. Kahit anong mangyari ha? Huwag na huwag kang makikipag-date kay Sir.”

“Bakit?”

“Kasi playboy ‘yan. Kahit nga siguro kahoy na dadamitan mo ng pambabae ay jojowain niyan eh.”

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Dating the Playboy Professor   Chapter 3

    Pagkauwi ni Foina sa bahay niya ay hindi pa nakabukas ang ilaw. Meaning wala ang Mama niya sa kaniyang bahay. Pagkatapos niya kasi sa college at no’ng nakapag-ipon siya ay bumili siya ng sarili niyang bahay. At paminsan-minsan ay dumadalaw ang kaniyang Mama para bisitahin siya.Binuksan niya agad ang ilaw. Alas sais na kasi siya nakauwi dahil may binili muna sa Watson. Sa sobrang stress niya parang kailangan niyang mag-self care at bumili ng pampaganda upang mabalik ang one-fourth na gandang nawala sa kaniya kanina.Nang malapag niya sa mesa ang pinamili niya ay saka nag-ring ang kaniyang cellphone. Agad din naman niyang kinuha sa bulsa ang cellphone at nabasa niya ang pangalan ni Georgie. Ang best friend niya no’ng college. Rumehestro agad sa kaniyang mga labi ang ngiti. Miss na miss niya ang babaeng ‘to.“Hi, Luv!” bati agad nito nang masagot niya ang tawag. Cheerful na naman ang babae, as always. Kapag talaga nauubos ang socialization battery niya ay si Georgie ang sumasalo.Ngumit

  • Dating the Playboy Professor   Chapter 2

    Nawalan ng gana si Foina na kumain kaya hindi na niya nahintay ang dalawa at bumalik na lang siya sa classroom niya. Meron pa naman siguro siyang natirang sandwich do’n, iyon na lang siguro ang kakainin niya.Hindi siya makapaniwalang may mga guro na gano’n kung umasta. Aayain ka agad ng date samantalang unang interaction pa nga lang nila. Ni hindi pa nga niya nasasabi dito kung anong pangalan niya. Pero kung makaaya ito ay parang close na close sila.Or baka personality lang talaga niya na gano’n siya tapos OA lang ako.Pero kahit na siguro. Hindi naman siguro magandang gawin ‘yon dahil hindi pa nga sila close.Nang makarating siya sa kaniyang classroom ay nakita niya ang mga bata na nagtatawanan pang kumakain at nagkwekwentohan. At nang makita siya ng mga bata ay biglang natahimik ang mga ito. Ngumiti na lang siya sa mga bata para hindi ma-intimidate ang mga ito sa kaniya.“Ma’am, kumain na po ba kayo?” tanong ng isang estudyante sa kaniya. “Hindi pa nga, eh.” Hilaw niyang sagot. H

  • Dating the Playboy Professor   Chapter 1

    "Good morning, Ma'am."Ngiti ang palaging sagot ni Foina sa mga estudyante na bumabati sa kaniya. Kung titingnan, hindi pa talaga siya ready na tawaging "Ma'am" kung pagbabasehan ang height niya na parang pinagkaitan ng tangkad. Na kahit may suot na siyang heels ay parang wala pa rin iyong naiambag sa kaniya. Hindi naman talaga iyon ang problema niya, mas pinoproblema niya kung paano niya haharapin ang bawat araw ng pagiging guro sa isang university.Hindi pa talaga siya sanay na sa bawat lakad niya ay may bumabati sa kaniya. Hindi pa sanay ang labi niya na ngumiti kapag may babati. Nakakapagod pala ang bagay na 'yon, kaya siguro may teacher siya noon na parang pinagsakluban ng langit at lupa. At hindi pa siya sanay na palaging may nakamasid sa kaniya. Ito pala ang pakiramdam ng mga guro niya noon."So, Ms. Dela Fuente," pagkuha ng pansin ng kasama niyang Principal. Tumingin siya rito at hindi pinahalatang parang nahihiya siya sa tangkad nito. Ngumiti ito sa kaniya bago pumasok sa cla

  • Dating the Playboy Professor   Prologue

    "I always get what I want."Nanigas ang panga ni Foina nang nagpumilit talaga si Ryan Chester na pumasok sa bahay niya. Sobrang guwapo nitong tingnan sa suot nitong black polo shirt at black long pants. Palihim niya ring pinapagalitan ang sarili dahil binuksan niya pa rin ang pinto kahit alam niyang ang hambog na teacher ang nasa labas ng bahay. Gusto lang naman sana niyang manigurado dahil hindi siya makapaniwala na nalaman nito kung saan siya nakatira. Mabuti na lang talaga dahil hindi niya kasama ang Nanay niya. Baka ito pa ang unang sumipa sa mukha ni Chester. Ayaw na ayaw pa naman nitong may bumibisita sa kaniya kapag malalim na ang gabi."I thought I made it clear that I won't go out with you," aniya at agad nag-iwas ng tingin. Hindi niya kayang tingnan nang matagal ang mga mata ng lalaki. Pakiramdam niya kasi kapag titingnan niya ito nang matagal ay mababasa nito ang laman ng isip niya."You're a very smart woman, Babe. So, I wonder why you haven't figured out that I always g

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status