INICIAR SESIÓNPagkauwi ni Foina sa bahay niya ay hindi pa nakabukas ang ilaw. Meaning wala ang Mama niya sa kaniyang bahay. Pagkatapos niya kasi sa college at no’ng nakapag-ipon siya ay bumili siya ng sarili niyang bahay. At paminsan-minsan ay dumadalaw ang kaniyang Mama para bisitahin siya.
Binuksan niya agad ang ilaw. Alas sais na kasi siya nakauwi dahil may binili muna sa Watson. Sa sobrang stress niya parang kailangan niyang mag-self care at bumili ng pampaganda upang mabalik ang one-fourth na gandang nawala sa kaniya kanina.
Nang malapag niya sa mesa ang pinamili niya ay saka nag-ring ang kaniyang cellphone. Agad din naman niyang kinuha sa bulsa ang cellphone at nabasa niya ang pangalan ni Georgie. Ang best friend niya no’ng college. Rumehestro agad sa kaniyang mga labi ang ngiti. Miss na miss niya ang babaeng ‘to.
“Hi, Luv!” bati agad nito nang masagot niya ang tawag. Cheerful na naman ang babae, as always. Kapag talaga nauubos ang socialization battery niya ay si Georgie ang sumasalo.
Ngumiti na lang siya para mapantayan kahit papaano ang sigla ng kaibigan saka umupo sa sofa.
“Ano ‘yan? Kakauwi mo lang?” tanong nito nang mapansing hindi pa siya nakapagpalit ng damit. Tumango siya bilang sagot dito.
“Eh, ikaw? Kumusta?” tanong din niya. Saka naalala ang dalawang katrabaho niya na kaugali ng kaibigan. “Alam mo ba, luv. May kaugali ka talagang teacher do’n sa school namin. As in kaugali mo talaga-”
“You mean, maiingay?” Tumawa pa ito nang malakas. “Baka ipagpalit mo ko dyan ah! Susugurin talaga kita dyan sa bahay mo.”
“Sus! Walang papantay sa’yo, alam mo ‘yan.”
“Mabuti naman.” Muli na naman itong tumawa. “Oh, kumusta naman do’n sa school niyo? May nakita ka bang pogi?”
Tumaas agad ang kilay niya sa tanong nito. Tumayo na lang siya sa sofa imbes na sagutin ito at umakyat na sa kwarto. Bigla niya tuloy naalala ang teacher na pinakapogi daw sa buong school. ‘Yong Sir Chester na idol din ng mga bata niya.
Ay talaga naman, oo. Naging idol pa nga. Napailing na lang siya ng wala sa oras.
“Anong iling ‘yan? You mean walang pogi do’n? Edi ang boring do’n.” At gaya ng palagi nitong ginagawa. Tumawa na naman ito nang malakas.
Pero hindi siya sumabay. May gwapo naman talaga pero hambog nga lang, plus playboy pa.
“Ay, snob talaga, eh no? Galing mo rin-”
“Actually, luv, merong pogi do’n. Para ngang artista eh.” panimula niya kaya natahimik ito kakatalak at nakinig sa kaniya. “Alam mo bang dahil sa sobrang gwapo niya, may fans club pa siya don. Poging-pogi sa sarili.”
Napaismid pa siya nang maalala ang sinabi ng kaniyang estudyante kanina na may fans club nga daw ito. At ang malala pa do’n, kung ano-ano ang itinuturo sa mga bata. Kung pwede lang talaga, siya na mismo magsusumbong sa DepEd. Pero hindi rin naman siya sigurado kung totoo ang mga sinasabi ng estudyante niya. Baka over lang din ang mga ito magkwento.
“What?” gulat na tanong naman ni Georgie. “Gano’n siya kapogi? Makapunta nga dyan sa school niya at magpapabinyag ako sa kaniya.”
“Baliw.”
‘Pero gwapo nga ba talaga?” kulit na naman nito nang matahimik siya.
Hindi na lang niya ito sinagot. Nagbihis na lang muna siya at hinayaan na magsalita ang kaibigan. Ang dami nitong tanong tungkol kay Sir Chester pero hindi niya sinagot. Paano na lang kung sabihin niyang niyaya siya nitong mag-date kahit unang pagkikita pa lang nila? Baka hindi talaga siya nito titigilan kakausisa.
“Hoy, luv! Napakadamot mo talaga sa information!” Narinig niyang sigaw nito kahit nagbibihis pa siya. “Ano bang mukha niya? May dimple ba? Makapal ang kilay? Maputi? Matangos ang ilong? Ano? Sumagot ka dyan?”
Natawa na lang siya sa narinig. Gano’n ang ugali ni Georgie. Hindi nga rin niya alam kung paano niya nakayang makasama ito sa loob ng apat na taon sa college. Nang matapos siyang magbihis ay bumalik na siya sa harap ng cellphone at kinindatan ang kaibigan.
“Wanna hear some interesting news?” aniya na mas nagpa-excite kay Georgie. “‘Yong teacher na ‘yon ay inaya akong mag-date.” Sasabihin na lang niya dito ang nangyari kanina para ma-stress din ito. Hindi pwedeng siya lang ang ma-stress sa nangyari sa unang araw niya sa DepEd.
“Ano? Inaya kang mag-ano?”
“Bingi?” Tumawa pa siya. “Inaya akong mag-date kako.”
“Whatda! Bakit ka inaya? Close ba kayo?”
That’s my point! Buti na lang, naiintindihan ako ni Georgie. Tama pala talagang nakwento ko para may kasama akong ma-stress ngayong gabi.
“See? Diba ang weird niya! At maliban pa do’n, luv, babaero pa siya. Playboy!” Nakataas pa ang kilay niya habang nagkukwento. “At alam mo pa, ang sabi ng isa kong kasama kapag may bago daw talaga doon, ay gano’n ang galawan ng teacher na ‘yon. Playboy daw talaga.”
Pero sa hinaba-haba ang sinabi niya ay parang tuwang-tuwa pa ito sa narinig. Para bang nag-sparkle pa ang mga mata nito habang nakikinig sa sinasabi niya. Nakapangalumbaba pa ito na para bang bawat salita niya ay ninanamnam nito. Para itong bata na enjoy-enjoy sa kwento niya.
“Oh, tapos? Ano pa?”
“Anong ano pa?”
“Anong sinabi mo kay Sir no’ng inaya ka niya makipag-date? Pumayag ka ba?” Papikit-pikit pa ang mga mata nitong tanong sa kaniya.
Putek! Seryoso ba siya? Akala ko pa naman kapag sinabi ko sa kaniya ay magiging kakampi ko siya at magagalir din siya kay Chester! Parang nag-iba yata ang ihip ng hangin. Bakit parang kakampi pa siya ni Chester?
“Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Diba sabi ko playboy siya?” Hindi niya inakalang gano’n pa ang sasabihin ng kaibigan niya. “Tapos sabi ko diba lahat ng babaeng teacher sa school ay niligawan niya? Kahit nga ‘yong dalawa kong nakilalang teacher kanina ay niligawan niya rin. Anong gusto mong gawin ko? Pumayag sa gusto niya?”
“Gwapo diba?”
Wala sa sarili siyang tumango. Totoo din naman kasing gwapo. Magsisinungaling pa siya kung hindi siya tatango.
“Go muna!”
“Ewan ko sa’yo, luv. Hindi ka rin matino kausap.”
Papatayin na sana niya ang tawag nang may biglang lumabas sa notification niya. Friend request iyon sa F******k at mas lalo siyang kinabahan nang makita ang pangalan ng lalaking pinag-uusapan nila ngayon ni Georgie.
“Oh my God!” bulalas niya.
“Why, luv? Nag-friend request na ba?”
“Pa’no mo nalaman?”
“Syempe ganiyan ang galawan no’ng ex ko eh. Accept mo na ‘yan para masimulan niyo na ang love story niyo.”
Pagkauwi ni Foina sa bahay niya ay hindi pa nakabukas ang ilaw. Meaning wala ang Mama niya sa kaniyang bahay. Pagkatapos niya kasi sa college at no’ng nakapag-ipon siya ay bumili siya ng sarili niyang bahay. At paminsan-minsan ay dumadalaw ang kaniyang Mama para bisitahin siya.Binuksan niya agad ang ilaw. Alas sais na kasi siya nakauwi dahil may binili muna sa Watson. Sa sobrang stress niya parang kailangan niyang mag-self care at bumili ng pampaganda upang mabalik ang one-fourth na gandang nawala sa kaniya kanina.Nang malapag niya sa mesa ang pinamili niya ay saka nag-ring ang kaniyang cellphone. Agad din naman niyang kinuha sa bulsa ang cellphone at nabasa niya ang pangalan ni Georgie. Ang best friend niya no’ng college. Rumehestro agad sa kaniyang mga labi ang ngiti. Miss na miss niya ang babaeng ‘to.“Hi, Luv!” bati agad nito nang masagot niya ang tawag. Cheerful na naman ang babae, as always. Kapag talaga nauubos ang socialization battery niya ay si Georgie ang sumasalo.Ngumit
Nawalan ng gana si Foina na kumain kaya hindi na niya nahintay ang dalawa at bumalik na lang siya sa classroom niya. Meron pa naman siguro siyang natirang sandwich do’n, iyon na lang siguro ang kakainin niya.Hindi siya makapaniwalang may mga guro na gano’n kung umasta. Aayain ka agad ng date samantalang unang interaction pa nga lang nila. Ni hindi pa nga niya nasasabi dito kung anong pangalan niya. Pero kung makaaya ito ay parang close na close sila.Or baka personality lang talaga niya na gano’n siya tapos OA lang ako.Pero kahit na siguro. Hindi naman siguro magandang gawin ‘yon dahil hindi pa nga sila close.Nang makarating siya sa kaniyang classroom ay nakita niya ang mga bata na nagtatawanan pang kumakain at nagkwekwentohan. At nang makita siya ng mga bata ay biglang natahimik ang mga ito. Ngumiti na lang siya sa mga bata para hindi ma-intimidate ang mga ito sa kaniya.“Ma’am, kumain na po ba kayo?” tanong ng isang estudyante sa kaniya. “Hindi pa nga, eh.” Hilaw niyang sagot. H
"Good morning, Ma'am."Ngiti ang palaging sagot ni Foina sa mga estudyante na bumabati sa kaniya. Kung titingnan, hindi pa talaga siya ready na tawaging "Ma'am" kung pagbabasehan ang height niya na parang pinagkaitan ng tangkad. Na kahit may suot na siyang heels ay parang wala pa rin iyong naiambag sa kaniya. Hindi naman talaga iyon ang problema niya, mas pinoproblema niya kung paano niya haharapin ang bawat araw ng pagiging guro sa isang university.Hindi pa talaga siya sanay na sa bawat lakad niya ay may bumabati sa kaniya. Hindi pa sanay ang labi niya na ngumiti kapag may babati. Nakakapagod pala ang bagay na 'yon, kaya siguro may teacher siya noon na parang pinagsakluban ng langit at lupa. At hindi pa siya sanay na palaging may nakamasid sa kaniya. Ito pala ang pakiramdam ng mga guro niya noon."So, Ms. Dela Fuente," pagkuha ng pansin ng kasama niyang Principal. Tumingin siya rito at hindi pinahalatang parang nahihiya siya sa tangkad nito. Ngumiti ito sa kaniya bago pumasok sa cla
"I always get what I want."Nanigas ang panga ni Foina nang nagpumilit talaga si Ryan Chester na pumasok sa bahay niya. Sobrang guwapo nitong tingnan sa suot nitong black polo shirt at black long pants. Palihim niya ring pinapagalitan ang sarili dahil binuksan niya pa rin ang pinto kahit alam niyang ang hambog na teacher ang nasa labas ng bahay. Gusto lang naman sana niyang manigurado dahil hindi siya makapaniwala na nalaman nito kung saan siya nakatira. Mabuti na lang talaga dahil hindi niya kasama ang Nanay niya. Baka ito pa ang unang sumipa sa mukha ni Chester. Ayaw na ayaw pa naman nitong may bumibisita sa kaniya kapag malalim na ang gabi."I thought I made it clear that I won't go out with you," aniya at agad nag-iwas ng tingin. Hindi niya kayang tingnan nang matagal ang mga mata ng lalaki. Pakiramdam niya kasi kapag titingnan niya ito nang matagal ay mababasa nito ang laman ng isip niya."You're a very smart woman, Babe. So, I wonder why you haven't figured out that I always g







