Share

Kabanata 27

Chance

Dalawang araw ang nakalipas at hindi pa ako ulit nakakadalaw kay Theros. Hindi ko rin siya tini-text dahil wala naman akong phone.

Kay Raven ko na lang pinapasabi na busy ako sa school kaya hindi ko muna mapupuntahan si Theros. Pero hindi 'yon totoo. Naisip ko kasi na iwasan muna siya para makapag-isip ako nang maayos tungkol sa nararamdaman ko.

Hindi ko iyon magagawa kung araw-araw ko siyang makikita.

Sa loob ng dalawang araw na iyon, hindi pa rin kami nag-uusap ni Lino. Nakakasalubong ko siya sa campus at nakakasama sa gas station pero ramdam ko na umiiwas siya. Hindi ko rin naman siya sinubukang lapitan. Kung ayaw niya pa akong kausapin, ayos lang.

Ang dami ng gumugulo sa isip ko at ayaw ko na siyang idagdag pa doon.

"Dawn, napapansin ko na parang may iniinda ka nitong mga nakaraang training natin. Ayos ka lang ba?" tanong ni Captain Angelli.

Katatapos lang ng training namin ngayong hapon at pinaiwan niya ako
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status