공유

Chapter 76

작가: jhowrites12
last update 게시일: 2026-06-01 08:12:22

NOTE: (Ang kuwentong ito ay kathang isip lamang. Kaya huwag masyadong isapuso ang galit. Sige ka, mahighblood ka. Kathang isip din ang isla kaya walang maghahanap kung saan nakarating si Ysabella 😄 🤣. Happy reading.)

*****

Malaking bahagi ng isla ay niyog. At ang ikinabubuhay ng mga naroon ay kopra. Napag-alaman ni Ysabella na ang islang iyon ay mismong pag-aari ni Daniel at ang mga tauhan doon ay mga dati ng nakatira sa Isla. May halos labinlimang pamilya na naroon. At ang ikinabubuhay ay pa
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (9)
goodnovel comment avatar
Lorena Laggui
Ang ganda tlaga ng kwento nito palagi hinihintay bago chapter pero sana dagdagan mo author
goodnovel comment avatar
dyann awacay
Misteryoso si Guyam. Is he from Ysabella's past? Or same sila ng kapalaran, inapi at pinarusahan? Naku! Exciting naman. Sana po more chapters everyday. Pagsisikapan ko talagang i-unlock :-)
goodnovel comment avatar
anie
Ms.a kahit nobela lang eto nakakantig din po ng puso masakit din po at exciting Saka my aral ka ding nakukuha...sana happy ending din makuha ni ysabela at maparusahan din Charlotte n yan..kayamanan lang nmn ang habol hay nako...
댓글 더 보기

최신 챕터

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 99

    "Miss..."Nagulat at napaiwas agad si Ysabella nang makitang may mga nag-aabang na lalake sa exit door kung saan siya dumadaan. Isa lang ang nasa harapan niya pero may napansin pa siyang kasama ito. Inayos niya ang suot na sumbrero at mask na nasa bibig at ilong bago mailap na lumayo sa mga ito. Pero ikinagulat niya nang biglang humarang sa kaniya ang isa pang lalake na halatang lasing na. Namumula ang mga mata nito at nakangising nakatunghay sa kaniya."Miss ang ilap mo naman..." sabi nito. "Gusto lang namin makipagkilala. Bago ka yata dito."Kinabahan si Ysabella. Kinipkip niya ang bag na naglalaman ng suweldo niya. Nandoon din ang kutsilyong bigay sa kaniya ni Guyam pero wala na siyang oras na kunin iyon. Alangan namang kalkalin pa niya sa oras na iyon na nasa harapan na mismo niya ang kapahamakan.Pinalibutan siya ng tatlong lalake. "W-wala kayong mapapala sa akin," sabi niyang nilakasan na lang ang loob. Batid naman niya sa sarili na kapahamakan ang maidudulot sa kaniya sa pagp

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 98

    Mabilis ang pag-usad ng araw. Si Ysabella, nakaisang buwan na sa trabaho. Si Raj, pauwi na ng mansiyon at doon na niya ipagpapatuloy ang therapy at kadagdagang mga kakailanganin para sa kaniyang paggaling. Mahirap pero kailangan. At pilit pa rin niyang inaalala ang mga nakalimutang alaala. Gustuhin man niyang mag-imbestiga, wala pa siyang magagawa dahil baldado ang kalahati ng kaniyang katawan.Sa isang buwan ay hindi niya nakita ni isang beses si Ysabella. Kaya sa kaniyang pag-uwi, excited siya dahil inaakalang kahit papaano ay makikita pa rin niya ang babae. Kahit na sister in law na niya ito, masaya siyang muling masilayan ang mukha ng babaeng alam niyang matagal na niyang mahal.Pero sinalubong nga siya sa pagdating niya ng mga tauhan sa mansiyon pero walang Ysabella. Wala din ang ina nito. Nagtanong siya pero pilit lang na binalewala ang katanungan niya."Sa iba na nakatira sila Ysabella at Daniel." Iyon lang ang sagot na nakuha niya. Sagot na gustong paniwalaan ng kaniyang isip

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 97

    "Jusko! Raj! Salamat sa Diyos at nagising ka na, apo!" Ang nanghihinang boses ni Granny Mira ang pumaibabaw sa silid na iyon. Gumaralgal ang boses nito at pinipigilan na lang talaga ang maiyak. Hanggang maaari ay ayaw niyang maging emosyonal sa harapan ng apo. Lalo at kagigising lamang nito mula sa mahabang pagkakatulog. Si Raj naman ay tila nagtataka. Pinilit niyang lumingon sa kaniyang paligid. "Why I am here?" tanong niya. Kahit mahina ay naroon na ang awra nito gaya ng dati.Nagtaka ang matandang Lincoln. Sasagot sana siya nang biglang dumating si Benjamin para tingnan ito. Si Daniel na agad napasugod galing sa opisina ay nakatayo sa may pinto. Nagmamasid sa kapatid na unti-unting bumabangon habang tinutulungan ni Benjamin. Naglagay ng unan ang nurse sa likuran ni Raj para kahit papaano ay mas angat ang ulo at itaas na katawan nito.Nanghihina ang pakiramdam ni Raj. Wala siyang maramdaman sa kaniyang mga paa. Pero gaya ng dati, nagawa niyang ngumiti. Nagawa niyang itago ang damd

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 96

    Pumalakpak ang manager ng club na nagngabgalang Bianca after sumayaw ni Ysabella. Naroon pa rin ang palakpakan at sigawan. They still want more kahit na tatlong sayaw na ang ginawa niya."Belle, congratulations! You take the lead entertainer if the club. Four days in week ka sasayaw. Let's go to my office. Pag-usapan natin ang suweldo mo."Humihingal pa si Ysabella pero naroon ang saya sa kaniyang mukha. She made it. Matagal na siyang hindi nakakasayaw pero buti na lang at nasa ritmo pa siya. Talagang nasa dugo niya ang pagsasayaw. At hindi pa nakakalimutan ng katawan niya ang bawat galaw.Wala na roon si Kaye dahil bumalik na ito sa hospital. Sigurado siyang matutuwa ito sa magiging balita niya.She made it!"Thirty thousand a month plus your tips. Okay ba sa iyo ang offer?"Agad na tumango si Ysabella. Sapat na iyon para mabuhay niya at makaipon kahit papaano. Malaki na iyon kaysa sa ibang trabahong sinubukan niyang pasukan."Good! Then I'll make a poster and give you your sched

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 95

    "Hindi na ako tumatanggap ng waitress. Kung gusto niya, entertainer. Maganda siya at seksi. Siguradong maraming magta-table sa kaniya at magbabayad ng malaki para maikama siya." Dinig ni Ysabella ang pag-uusap ni Kaye at ng manager ng bar na pinagtatrabahuan nito. Ipinapakiusap siya ni Kaye bilang waitress.Muli siyang sinipat ng manager. "Gusto mo ng malaking pera? Ibenta mo ang sarili mo," sabi nitong mismong siya na ang kausap. Umiling siya. Papasok siya sa club pero bilang waitress at hindi para ibenta ang sarili."Kahit anong trabaho ang ibigay ninyo sa akin. Huwag lang ang magpagamit sa mga lalake..."Natawa ang manager. "Kung ganoon ay umalis ka na dito. Kaye, palabasin mo na ang kaibigan mo!" Naiinis na utos nito kay Kaye. "Hindi puwede dito ang painosente! Kung nangangailangan kayo ng pera, makipagsapalaran kayo!" pahabol pa nito.Malungkot na lumapit sa kaniya si Kaye. "Sorry Belle, hindi kita naipasok..." hinging paumanhin nito. Ngumiti lamang siya dito. "Sinubukan nati

  • Dear Husband: You Love Me Too Late   Chapter 94

    "Angela..." tawag niyang niyakap ang batang babae. Kahit alam niyang hindi naman talaga si Angela iyon. Siguro dahil na-miss niya talaga ang bata kaya nangungulila siya dito.Payat at mukhang sakitin ang batang yakap niya. Samantalang malusog ang pangangatawan ni Angela. Alagang alaga ni Guyam."Hindi po Angela ang pangalan ko," sabi nito. "Ako po si Lilay," sabi nitong humagikgik. Pero agad iyong natigil dahil napalitan iyon ng ubo.Inilayo niya ang bata sa kaniyang katawan. Baka napahigpit ang yakap niya kaya inubo ito.Namumutla ang batang babae kaya nakaramdam siya ng awa dito."Ayos ka lang ba?"Tumango naman ito. "Opo. Ayos lang po. Kayo po hindi..."Nagtaka siya sa namutawi sa bibig ng bata. Nagpalinga-linga siya para hanapin kung saan ito galing. O kung may kasama ba ito. Wala naman.Mukhang napansin ng bata ang ginawa niya. Humagikgik muli ito tsaka may itinuro. Sa katabing kuwarto niya."Naririnig ko po kayong umiiyak kahapon at noong isang araw. Kaya naiisip ko po, baka gu

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status