Labis ang pasasalamat ko at naagapan agad ng mga doktor ang kalagayan ni Tatay. Pero hindi pa rin ako napapanatag dahil kung anuman ang ginawa ng mga doktor ay pansamantala lamang iyon, kailangan na talagang maoperahan ni Tatay sa lalong madaling panahon. Nakausap ko nga siya noong nakaraang araw. Sobra-sobra talaga ang pagpipigil ko ng hikbi habang kausap si Tatay Isko sa cellphone. Bukod sa sobrang nag-alala ako sa kaniya ay doon ko lang din napagtanto kung gaano ko siya nami-miss, silang dalawa ni Nanay Isang. Dumagdag ang gastusin sa ospital dahil may mga bagong gamot na kailangang inumin si Tatay. Naisangla na rin ni Nanay Isang ang lupa ng dahil doon ngunit hindi pa namin iyon ipinapaalam kay Tatay Isko dahil alam naming malulungkot siya at hindi iyon makabubuti sa estado ng puso niya. Kakausapin ko rin si Angelina kapag nakahanap ako ng tiyempo, papakiusapan ko siya na kung pwede ay makuha ko na ang kalahati ng napag-usapan naming pera para maipa-opera ko na si Tatay. Sana
Ilang araw ko ng sinusubukang kausapin si Angelina ngunit hindi siya nagri-reply sa mga text ko at hindi niya rin sinasagot ang mga tawag ko. Nagtataka ako dahil hindi naman siya ganito noon. Nag-alala na rin ako kasi hindi niya na rin ako tinatawagan kagaya ng madalas na ginagawa niya. Sana naman ay walang nangyari sa kaniya. Hindi ko pa naman alam kung may kasama ba iyon ngayon. Ngayong umaga ay sinubukan ko ulit na tawagan si Angelina ngunit kagaya ng mga naunang subok ko ay hindi niya iyon sinasagot. Napabuntong-hininga na lamang ako at pinagkatitigan ng ilang sandali ang cellphone ko bago napagpasiyahang magtipa ng mensahe sa kaniya kahit na hindi naman niya iyon niri-replyan. Kailangang-kailangan ko talaga kasing makausap si Angelina. Makikiusap ako sa kaniya na kung maaari ay makuha ko na kahit man lang ang kalahati muna sa ibabayad niya para naman maipa-opera ko na si Tatay Isko sa lalong madaling panahon. “Nandito na ang mga designer,” imporma sa akin ni Guada pagsapit ng
Wala ako sa sarili buong oras ng party. Kahit pa noong ipakilala ako ni Damon sa kaniyang mga kakilala ay tanging isang tipid na ngiti lang ang naigaganti ko. Naging balisa rin ako dahil pakiramdam ko ay nasa malapit lang si Luisana, pinagmamasdan ako, at pakiramdam ko ay anumang oras ay pupunta siya sa lamesa namin para sabihin kay Damon ang lahat ng nalalaman niya. Natatakot ako. Natatakot ako ng sobra. Naiisip ko pa lang na magagalit sa akin si Damon ay para ng sinasaksak ang puso ko sa sakit. Pero, kahit na anuman ang gawin ko ay doon pa rin naman mauuwi iyon, ‘di ba? Malalaman at malalaman niya rin naman iyon, it is just a matter of time. “Hindi ka pa ba bababa? Hindi ka kumain ng agahan at kaonti lang ang kinain mo kaninang tanghalian. Hinihintay ka na ni Sir Damon sa baba,” nag-aalala ang boses ni Guada noong muli niya akong pasukin sa kwarto. Hindi ako gumalaw sa pagkakaupo sa kama. Tulala lang ako habang iniisip ang mga posibleng mangyari. Hindi na ako mapakali ng dahil s
Nagising ako na parang nag-marathon ng dahil sa sakit ng katawan. Nanatili akong nakapikit at napa-daing noong maramdaman ang sakit sa gitna ng mga hita ko.Agad kong naimulat ang aking mga mata nang bumalik sa aking alaala ang nangyari kagabi. Tila isa ‘yong tubig at umagos ng malaya ngayong nagising na ako mula sa mahimbing na pagkakatulog ng dahil sa pagod.Nakagat ko ang aking labi at sumilip sa ilalim ng kumot. Suot ko na ngayon ang panty ko, mabuti naman at naisuot ko pa ‘yon…o si Damon pa ‘ata ang nagsuot sa akin nito kagabi, matapos naming gawin ‘yon! Wala na akong lakas noong matapos kami kaya imposible na ako ang nagsuot nito sa sarili ko.Nasa gitna pa ako ng pagbabalik-tanaw sa mga nangyari kagabi at pag-iisip kung paano ko ba mahaharap si Damon ng hindi ako nahihiya noong maramdaman kong gumalaw ang katabi ko. Hinila niya ako para mayakap, ipinatong niya rin ang isa niyang binti sa mga binti ko.“Hmm, good morning,” naramdaman ko ang pagtama ng hininga niya sa pisngi ko,
Hindi pa man nagtatagal ngunit ang sinabing iyon ni Angelina ang naging hudyat upang tuluyan na akong magising sa aking pangangarap. Hindi ko alam kung papaano ko naitawid ang pakikipag-usap ko sa kaniya sa gabing ‘yon ng hindi ipinapakitang nasasaktan ako sa naging desisyon niya. Tahimik lang akong nakinig sa mga sinabi niya, kahit sa parte kung saan sinabi niya sa akin na ibibigay niya ang pera kapag nakarating na siya rito ay hindi ako nabuhayan. Halos hindi ako makatulog ng gabing iyon. Hindi ko inaasahan ang magiging desisyon ni Angelina. Ang buong akala ko ay hindi siya magpapakasal kay Damon. Pero sino ba ako para makialam sa magiging desisyon niya kung sa una pa lang ay sila naman talaga dapat ni Damon. Wala naman talaga dapat ako rito kung hindi lang ako binayaran para magpanggap. “This looks magnificent on you, I am sure of that!” wika ni Mrs. Dela Rue noong makapili ako ng gusto kong wedding gown. “But, hija, I think…it is so simple and the price is cheap.” Sinasabi ko
“Nagsisimula na akong mag-empake ng gamit ko. Pwede ko na ring e-empake ang gamit mo kung gusto mo,” offer ni Guadalupe.Sandali akong nag-isip sa offer ni Guada ngunit kalaunan ay tumango na lang. “Uhm, sasama ka ba sa pag-alis ko?” Nag-aalangang tanong ko sa kaniya. Amo niya si Angelina, at pupunta iyon dito kaya hindi pa tapos ang trabaho niya. Maliban na lang kung… “Aba, syempre naman! May ipon naman na ako. Ang tagal-tagal ko ng nagtitiis sa ugali ng babaeng ‘yon, tatanda talaga ako ng maaga kung patuloy akong maglilingkod sa kaniya!” sagot sa akin ni Guada. Kinaumagahan ay dumating na nga ang karagdagang wedding organizers na ipinadala ni Ma’am Rowena kaya mas lalong napabilis ang proseso ng mga kailangang gawin. Walang sinabing exact date si Angelina kung kailan siya darating pero sinabi niya na next week daw kaya malapit na iyon. Kinakabahan talaga ako at nakararamdam ng sobrang takot sa mga puwedeng mangyari. Sa ngayon ay pinanghahawakan ko na lang ang sinabi niyang hin
Lahat sila ay nakatingin na sa akin ngayon. Hindi pa man naipapaliwanag ang kabuohan ay alam ko ng mayroon na silang ideya sa kung ano ang nangyayari dahil nababasa ko ang panghuhusga at galit sa kanilang mga mukha. “This girl is a fraud! She is not my daughter. Isa siyang trabahante sa aming mansiyon at nagpanggap siyang si Angelina para sa pera,” Tiningnan ni Ma’am Rowena ang lahat habang sinasabi ‘yon, “Hindi pa siya nakuntento sa pagiging kabit ng asawa ko!” “Hindi po ganoon, Ma’am—“ “Shut up!” napapikit ako ng putulin ni Mrs. Dela Rue, “How did this happen, Rowena? This is a disgrace to our family! Alam na ng lahat na engage ang anak ko sa babaeng ‘to, at malapit na ring ikasal. Pero ngayon malalaman namin na nagpapanggap lamang pala ang walanghiyang ‘to!” Patuloy ako sa pag-iyak ngunit ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya upang pigilan ang paghikbi sa takot na baka mas ikagalit nila iyon. Na ako na nga ang may kasalanan pero ako pa ang umiiyak ngayon. Ayokong isipin nila
“Sa tingin ko ay dito na tayo maghihiwalay. Alam kong dahil sa mga ginawa ko noon ay hindi mo ako pinagkakatiwalaan, but if you need my help, feel free to call me,” saad ni Luisana at ibinigay sa akin ang contact number niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin ang dahilan ng pagtulong niya sa amin ni Guada. Pero gayunpaman ay ipinagpapasalamat ko pa rin iyon. Ng dahil kay Luisana ay mas napadali ang pag-alis namin doon. Hinatid niya kami patungo rito sa airport at gumawa rin siya ng paraan upang makakuha ng ticket para sa flight ngayong gabi mismo. “Luisana, hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin ang rason kung bakit mo kami tinutulungan. Pero gusto kong magpasalamat sa iyo dahil talagang malaking tulong para sa amin ni Guadalupe ang ginawa mo. Maraming-maraming salamat,” sinserong saad ko. Napabuntonghininga siya, “I told you the reason already. I may hate you but the man that I love loves you. Because of that I am willing to help you in any way that I can.”