Share

Chapter 12

Labis ang pasasalamat ko at naagapan agad ng mga doktor ang kalagayan ni Tatay. Pero hindi pa rin ako napapanatag dahil kung anuman ang ginawa ng mga doktor ay pansamantala lamang iyon, kailangan na talagang maoperahan ni Tatay sa lalong madaling panahon.

Nakausap ko nga siya noong nakaraang araw. Sobra-sobra talaga ang pagpipigil ko ng hikbi habang kausap si Tatay Isko sa cellphone. Bukod sa sobrang nag-alala ako sa kaniya ay doon ko lang din napagtanto kung gaano ko siya nami-miss, silang dalawa ni Nanay Isang.

Dumagdag ang gastusin sa ospital dahil may mga bagong gamot na kailangang inumin si Tatay. Naisangla na rin ni Nanay Isang ang lupa ng dahil doon ngunit hindi pa namin iyon ipinapaalam kay Tatay Isko dahil alam naming malulungkot siya at hindi iyon makabubuti sa estado ng puso niya.

Kakausapin ko rin si Angelina kapag nakahanap ako ng tiyempo, papakiusapan ko siya na kung pwede ay makuha ko na ang kalahati ng napag-usapan naming pera para maipa-opera ko na si Tatay. Sana
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status