Share

Chapter 5.1

Lumipas ang ilang araw at mukhang nagkaayos na ang magkapatid kasi bumalik na sa normal ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Nagkausap na rin kami ni Damon pero siniguro kong hindi niya na ulit ako mahihila pa sa kwarto niya dahil sigurado akong may balak na naman siya kapag doon kami nag-usap.

“No more flirting with other men. Akin ka na, sa akin lang,” sinabi niya iyon sa akin.

Magpoprotesta sana ako kasi hindi ko gusto ang sinabi niya. Tao ako at hindi bagay na maaaring angkinin, may sarili akong pag-iisip at desisyon, walang ibang nagmamay-ari sa akin kundi ang sarili ko lang.

Gusto kong ipaglaban sa kaniya iyon pero sa huli ay tumango na lang ako sa sinabi niya para matapos na ang usapan. Napagtanto ko rin na kahit pa iprotesta ko ‘yong pinaniniwalaan ko ay wala rin namang silbi kasi hindi naman ako ang magpapakasal sa kaniya.

Mabuti na rin iyon kasi kung ako ang nasa kalagayan ni Angelina ay hindi ko ‘ata makakayanan ang level ng possessiveness ni Damon. Ang unfair niyon sa part niya. Gusto niyang siya lagi ang nasusunod, ni hindi man lang nagtatanong ng opinion mo kung agree ka ba o hindi sa bagay na ipinipilit niya.

“Come on!” Hinihila ni Gustave ang braso ko habang paulit-ulit naman akong umiiling.

Tumawa ako, “Ano ba, baka mag-away na naman kayo niyan ng kapatid mo!”

“Kaya nga magpapaalam muna tayo sa kaniya. Dadaanan natin siya sa planta mamaya para personal kong masabi sa kaniya na isasama kita sa resort,” pagpapaliwanag niya. “Isang araw lang naman tayo roon. Sige na, please!”

Sunod-sunod ulit akong umiling pero mukhang ayaw talagang sumuko ni Gustave. Ipinakita niya sa akin ang mga paper bags na pinabili niya sa isang kasambahay kanina. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang naglalaman iyon ng mga beach dresses, sunglasses, sunblock, at ilang pares ng bikini.

“Pinabilhan na kita ng mga ‘to kasi sigurado na ako na papayagan ka ni Kuya. Nasabi ko na rin ito sa kaniya noong isang araw,” nakangiti na siya ngayon sa akin at kumpiyansa na papayagan talaga ako ni Damon.

“Pero kasi—“

Pinutol niya kaagad ako, “Sige na, Angelina! Alam ko namang bored na bored ka na rito eh. Malalapit na kaibigan ko lang naman ang makakasama natin kaya wala kang dapat na ikabahala, at kung gusto rin ni Kuya ay pwede naman siyang sumunod sa atin doon.”

Tatanggi na sana ulit ako kaso nga lang ay biglang nag-ring ang cellphone niya kaya naman natuon doon ang atensyon ni Gustave. Bago siya umalis para sagutin ‘yon ay binalingan niya muna ako.

“Magpalit ka na ng damit, dadaanan natin si Kuya para magpaalam.”

Napa-face palm na lang ako dahil sa kakulitan niya. Siya lang naman itong inaalala ko eh, baka kasi ma-bad trip na naman sa kaniya si Damon at mag-away na naman sila, ayaw ko naman n’on.

“Sumama ka na,” bigla ay narinig ko ang boses ni Guada sa likuran ko, “para makapagpahinga ka rin. Alam kong marami kang iniisip nitong mga nakaraang araw.”

“Pero—“

Umiling si Guada, “Ako na muna ang bahala rito. ‘Wag kang mag-alala.”

Si Guadalupe na mismo ang humila sa akin patungo sa kwarto at namili ng susuotin ko. Dahil beach ang pupuntahan ay pinili niya ang isang maong shorts at plain white cotton shirt. Halos ipagtulakan na niya ako dahil gusto niyang bilisan ko na ang kilos kaya naman nakapagbihis na ako at nakababa na nang matapos si Gustave sa tawag.

Pinasakay ako ni Gustave sa sasakyan niya. Ipinasok din doon ang bag na dala ko na naglalaman ng ilang kinakailangang gamit at damit.

Nandito lang naman sa Sorsogon ang beach resort na pupuntahan namin pero kailangan pa naming bumyahe patungong Albay dahil naroon ang power plant ng mga Dela Rue kung saan nagtatrabaho si Damon para personal na magpaalam sa kaniya.

Medyo mahaba ang byahe kaya naman nakatulog ako, naggising lang nang maramdaman kong tuluyan ng huminto ang sasakyan.

Marahan kong iminulat ang aking mga mata at kinusot ito upang luminaw ang paningin. Agad na bumungad sa akin ang mga naglalakihang tubo at ang mga steam na lumabalabas mula sa malalaking tubo sa may kalayuan.

“We’re here,” imporma sa akin ni Gustave at lumabas na ng kaniyang sasakyan.

Tinanggal ko na ang seatbelt ko at pinasalamatan siya nang pagbuksan niya ako ng pinto. Nauna na sa paglalakad si Gustave kaya naman sumunod na ako sa kaniya.

“Where’s Kuya?” tanong niya sa isang trabahante.

“Naroon po sa kaniyang opisina si Sir Damon, ka-meeting ‘yong kararating lang na engineer mula sa Maynila.”

Tumango si Gustave sa sinabi nang lalaki at tinanggap niya ang ibinigay nitong dalawang hard hats. Isinuot muna sa akin ni Gustave ang isang hard hat bago niya isinuot ang isa na para sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad, sumunod ulit ako.

Rinig na rinig ang mga makina at abala ang mga tao sa paggawa ng kani-kanilang trabaho.

Pumasok kami sa isang gusali. Hindi ako sigurado kung ilang palapag iyon pero hindi naman siya gaanong kataas kagaya ng mga building sa Maynila, malawak ang gusaling ‘to at mas marami rin ang trabahanteng nandirito.

Binabati kami ng lahat ng trabahanteng nadaraanan namin. Hindi ako makapagsalita sa pagkamangha sa paligid kaya naman tanging ngiti na lang ang iginaganti ko sa kanila.

“Nandito na tayo,” pahayag ni Gustave noong lumiko kami sa isang pasilyo. “Tapos na siguro ang meeting ni Kuya. Tahimik na, mukhang nakaalis na ‘yong engineer.”

Sumunod lang ako sa kaniya. Medyo excited din akong makita ang opisina ni Damon, parang gusto ko siyang makita habang nagtatrabaho. Ano kayang itsura niya kapag ganoon?

Tumigil kami sa harap ng isang itim na pintuan. Sa harap niyon ay nakalagay ang buong pangalan ni Damon kaya naman sigurado akong opisina niya ngang talaga ito.

Kumatok si Gustave ng tatlong beses ngunit walang sumasagot.

Nandito kaya siya? Mukhang wala naman yatang tao sa loob.

Akala ko ay kakatok pang muli si Stave pero nagulat ako noog bigla niya na lang pihitin ang doorknob, hindi iyon naka-lock kaya tuloy-tuloy niya iyong nabuksan.

May kung anong tumusok sa aking dibdib nang tuluyan kong makita ang loob. Naroon si Damon, pero hindi niya ‘ata narinig iyong pagkatok ni Gustave dahil masyado siyang abala sa kaniyang ginagawa.

May kahalikan siyang babae.

Nakaupo ang babae sa kaniyang lamesa habang siya naman ay nakatayo sa harapan nito, bahagyang nakayuko at agresibong nakikipaghalikan dito.

“Kuya, what the fuck is this?!” galit na sigaw ni Gustave.

Mukhang ngayon lang napansin ni Damon ang presensya namin ng kaniyang kapatid. Agad siyang lumayo sa babae at humarap sa amin. Magulo ang buhok niya at pulang-pula ang labi. Agad na natuon sa akin ang mata niya, iniwas ko naman ang paningin ko dahil may kung ano akong nararamdaman sa aking dibdib.

Bakit parang kumikirot ito? Hindi ko maintindihan.

“What are you doing here?” malamig na tanong ni Damon sa amin.

“What the fuck are you doing with that woman? Damn, I can’t believe it! You’re still an ass!” galit na galit si Gustave, hinawakan niya ang kamay ko at agad akong itinago sa kaniyang likuran.

Nakayuko lang ako pero kalaunan ay hindi ko napigilan ang sarili kong mag-angat ng paningin kay Damon. Nakatingin pa rin siya sa akin, sa kamay kong hawak ni Gustave to be exact.

Kita ko ang iritasyon sa mukha niya pero hindi na iyon ang concern ko sa mga oras na ito. Ang gago niya, napakagago!

Meeting? Ganito pala ang meeting para sa kaniya?!

“I am asking what are you doing here in my office, Gustave. Sagutin mo ang tanong ko!” tila kulog ang boses ni Damon.

Sinamaan ko siya ng tingin. Siya pa talaga ang may ganang magalit ngayon gayong siya itong may kasalanan. Ang kapal naman talaga ng mukha ng lalaking ‘to!

“Never mind about the reason why we are here. Ayusin mo ‘to, Kuya!” Hinila na ako ni Gustave paalis doon.

Huli kong nakita ay ang problemadong mukha ni Damon at ang paghilamos niya ng kaniyang palad sa kaniyang mukha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status