Share

Chapter 16

Hindi pa man nagtatagal ngunit ang sinabing iyon ni Angelina ang naging hudyat upang tuluyan na akong magising sa aking pangangarap.

Hindi ko alam kung papaano ko naitawid ang pakikipag-usap ko sa kaniya sa gabing ‘yon ng hindi ipinapakitang nasasaktan ako sa naging desisyon niya. Tahimik lang akong nakinig sa mga sinabi niya, kahit sa parte kung saan sinabi niya sa akin na ibibigay niya ang pera kapag nakarating na siya rito ay hindi ako nabuhayan.

Halos hindi ako makatulog ng gabing iyon. Hindi ko inaasahan ang magiging desisyon ni Angelina. Ang buong akala ko ay hindi siya magpapakasal kay Damon. Pero sino ba ako para makialam sa magiging desisyon niya kung sa una pa lang ay sila naman talaga dapat ni Damon. Wala naman talaga dapat ako rito kung hindi lang ako binayaran para magpanggap.

“This looks magnificent on you, I am sure of that!” wika ni Mrs. Dela Rue noong makapili ako ng gusto kong wedding gown. “But, hija, I think…it is so simple and the price is cheap.”

Sinasabi ko
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status