Husto na. Hindi na siya magiging biktima.
Buong gilas na gumagalaw sa kusina si Vana. Ngayong araw, plano niyang dalawin si Sandro sa kanyang opisina upang magdala ng pagkain. Pagod na siyang maghintay. Pagod na siyang umamot ng atensyon mula rito. Sawa na siyang umasa sa mga pangakong palagi na lamang napapako.
Oras na para bawiin kung ano ang pagmamay-ari niya. Oras na para muling makuha si Sandro.
Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Hindi na rin mahalaga kung malagay sa alanganin ang reputasyon ni Sandro. The hell with all of them! Hindi na importante kung pagpyestahan pa siya ng media.
Hindi na baleng tawagin siyang kabit. Hindi na niya problema iyon dahil alam niya at ni Sandro
In today’s day and age, everything can be learned online.Sa kulang tatlong oras na pagbababad sa internet, nakagawa ng obra si Lyv sa kusina. Aminado ang dalaga na hindi talaga siya expert pagdating sa pagluluto. Kaya naman niya ang mga simpleng lutuin kagaya ng pritong pagkain, nilaga, adobo at iba pa subalit ang mga ito ay pawang pambahay lamang. Nasanay siyang pinagsisilbihan ng kanyang Kuya Tri. Sa kanilang magkapatid, ito kasi ang in charge sa paghahanda ng kanilang pagkain.Isa sa mga bagay na naa-appreciate niya sa mga tagasilbi ng mga Dela Vega ay ang pagiging resourceful ng mga ito. Bawat pinabibili at pinapahanap niyang sangkap o gamit ay kaya ng mga itong i-produce. Sa kulang tatlong oras niyang pagmamaniobra sa kusina, wala ni isa sa kaniyang hiningi ang hindi naibigay ng mga ito.
Magkahalong pananabik at kaba ang nararamdaman ni Lyv habang nasa loob ng sasakyan. Panay ang silip ni Mang Turing sa kanya mula sa rear view mirror habang si Ate Marissa naman ay napansin na rin ang pagiging balisa niya. Hindi na makatiis ang matandang drayber sa nakikita kaya’t pinuna na nito ang buntis na amo.“Ayos ka lang ba, senyorita Lyv? Kanina ko pa napapansin ang pagiging balisa ninyo. May nararamdaman po ba kayo?”“Okay lang po ako, Mang Turing. Medyo kinakabahan lang po ako,” sagot naman ni LYv sa kanya.“Naku, ma’am! Bakit ka naman kakabahan? Eh pupunta naman tayo sa opisina ng asawa ninyo para magdala ng pagkain. Hindi naman po kayo ibang tao,” naiiling na untag ng matanda. Hindi na nito napigilan ang
Nagpakawala ng nakatutulig na tunog ng alarma ang kabuuan ng Chinese penetiary kung saan nakapiit si Aylo. Ang ordinaryong gabing iyon ay napalitan ng mga pangyayaring sa pelikula mo lamang makikita.Tagaktak ang pawis ni Aylo habang tumatakbo. Rinig na rinig pa rin niya ang alingawngaw ng alarm mula sa dakong kinaroroonan niya. Ang kanyang puso ay animo nagwawala sa loob ng kanyang dibdib. Tandang-tanda pa niya ang nangyari ilang minuto na ang nakalilipas. Alam niyang ang lahat ng ito ay hindi lamang parte ng isang masamang panaginip.Gising na gising siya sapagkat ramdam niya ang pamamanhid at pagbigat ng kanyang kanang balikat. Mula rito, tumatagas ang kulay pulang likido. Sa nipis ng hangin noong gabing iyon, langhap na langhap niya ang amoy kalawang na halimuyak ng sariling dugo. Subalit sa
Hindi ito pwede. Alam ni Aylo na may shoot-to-kill order na ang buong pamunuan ng kulungan sa kanila. Siguradong mamamatay siya sa kamay ng mga iyon kapag naiwan siyang mag-isa!Hindi niya hahayaan na masayang lamang ang mga mga oportunidad na dumadating sa kanya. Mali na kung mali. Subalit abot-kamay na niya ang pinakamimithing kalayaan. At handa siyang isugal maging ang dangal at kaluluwa niya makaalis lamang sa bansang iyon!“You..you can’t do this to me, Camilo. You can’t leave me here. I am going to die!” Sinubukang magmakaawa ng binata. Umaasa siyang ang mahinahon at maawaing Camilo na nakasama niya sa selda ay uusbong mula sa katauhan ng lalaking kaharap niya ngayon. Alam niyang suntok sa buwan ang gagawin subalit wala na siyang choice. Kailangan niyang subukan!&nb
Sa unang pagkakataon, natanaw na ni Lyv ang lugar kung saan ginugugol ng asawa ang malaking bahagi ng kanyang oras. Kasama sina Mang Turing at Ate Marissa, kasalukuyan na siyang nasa loob ng opisina ni Sandro.Puting-puti ang kabuuan ng silid. Magmula sa kulay ng sofa, kulay ng pader na lumilibot sa kabuuan ng kwarto, hanggang sa kulay lamesa sa dulo ng silid kung saan nakapatong ang kulay abong laptop at iba pang mga pang-opisinang gamit ng lalaki. Mayroon ding maliit na bookshelf na nagsisilbing back drop ng desk ni Sandro. Bukod sa mga mangilan-ngilang piraso ng mga libro, nakapatong din sa mga estante ang mga tropeyo at parangal na nakuha ng Dela Vega Empire sa mga nagdaang panahon. Sa kanang bahagi ng silid, tanaw na tanaw ang kabuuan ng Maynila salamat sa malaking salamin na nagsisilbing bintana nito habang sa salungat na bahagi naman ay isang maliit na conference room. Bahagya na
“I am here to see Mr. Sandro Dela Vega,” kaswal na wika ni Vana. Kasalukuyan siyang nakaharap sa receptionist ng opisina ni Sandro. Sa tantya niya, mukhang bago itong empleyado. Halata kasi na nangangapa ito sa pagna-navigate ng computer.“Ah, eh, do you have an appointment with him po?’ Alangang tanong ng receptionist.“None. But he was expecting me to bring him some food today. If you want, you can just call him. Vana Enriquez is the name,” muling untag ni Vana sabay abot ng kanyang driver’s license. Nanatiling mahinahon ang tinig ng dalaga. Ayaw niyang paghinalaang biglaan ang naging pagpunta sa lugar na iyon.“Ah! Nabitin po ba sila Sir Sandro kaya nagpadala ulit sila ng pagkain?” 
Panahon na para ipaalala kay Sandro Dela Vega kung sino si Vana Enriquez sa buhay niya! “What are you saying? Are we going to argue about this again, Vana?” Nagpanting ang tainga ni Vana sa narinig. The nerve of this guy! Mukhang ginagamitan na naman siya ng manipulation tantics nito upang ma-invalidate ang kanyang nararamdaman. Hindi, hindi na siya muling magpapakontrol dito! “Don’t you dare, Sandro Dela Vega! Huwag mo akong manipulahin. Alam ko ang ginagawa mo. You are gaslighting me! You made me question my own truth!” “Well, that’s the point!” Sandro retorted back at her. “It’s always about your truth! You always believe that Lyv and I are cheating behind your back when in reality, we a
Kasalukuyang nasa ground floor ng DVE Building si Lyv. Mabuti na lamang at mayroong upuan sa receiving area na pwede niyang pagpahingahan. Dahil buntis, hindi na siya sinita ng guard. In fact, ito pa mismo ang nag-offer ng pinakamaaliwalas na pwesto sa kanya. Pinili nito ang upuan na malapit sa buga ng air conditioning unit ng gusali upang mapreskuhan.Walang imik na kinuha ni Lyv ang cellphone at tinipa ang number ng kasamang kasambahay. Agad siyang nagsalita nang makakonek sa kabilang linya. “Hello, Ate Marissa?”“Senyorita Lyv?”“Oo ate, ako nga,” pagkumpirma niya. “Nandito na po ako sa ground floor ng building. Pwede na po ninyo akong sunduin ni Mang Turing.”