Share

Chapter Nine

Dumating na ang araw na pinakahihintay ng magulang ko. Pero hindi ako, kung kailan hindi ko hinihintay ang araw ay s'ya namang bilis nitong dumating.

Suot ang napakagandang gown, naka make-up at nakaayos ng maganda ang buhok. Walang emosyon kong tinitignan ang aking sarili sa harapan ng salamin. Ilang minuto na lamang at aalis na kami papuntang simbahan. Wala manlang akong maramdamang excitement, pakiramdam ko lamay ang pupuntahan ko. Gano'n kabigat ang pakiramdam ko sa mga oras na 'to.

Napabalik ako sa sarili dahil sa katok ng nasa labas.

"Czes! Come out now, we're heading to church!" Sigaw ni Daddy mula sa labas.

Isang malalim na buntong hininga muna ang aking pinakawalan bago tumayo at tumungo sa pinto. Pagbukas ko ay nag-aabang na si Daddy, suot ang kan'yang black tuxedo. Gwapong-gwapo itong matikas na nakatayo at naghihintay sa'kin.

Kung totoong kasal ko lang 'to, sa taong mahal ko at mahal ako, pupurihin ko sana si Daddy, kaya lang... Parang lamay ko 'tong magaganap na kasal.

In
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status