“Welcome home, Autumn!” Nagulat ako sa biglaang pagputok ng confetti nang pumasok ako sa bahay namin. May pa-welcome party na nalalaman si Ginger kaya ayan, puno ng mga balloons ang entrance door, may banner ng welcome home, at confetti.
I gave her a genuine smile with teary eyes out of happiness. I still couldn’t believe that I am free now. For how many weeks and months being inside the jail, I missed the feeling of home again. Kahit dalawa lang kami nakatira dito ay hindi ko feel na mag-isa. Ginger and I were best friends since we were kids kaya we have each other’s back whenever we have problems.
Hindi ako nakapagsalita at natulala muna rito sa pintuan habang pinagmamasdan ang buong bahay. Alam kong wala masyadong nagbago sa ayos ng bahay, pero pakiramdam ko malaki ang pinagkaiba nito. O siguro, ako ang nagbago.
“Good morning!” bati ni Ginger. Nauna siyang magising kaya naghanda na rin agad siya ng kakainin namin. Binati ko rin siya pabalik at nagtungo sa C.R para maligo.Paglabas ko ay nakahain na ang mga pagkain at nagliligpit na rin ng pinaghigaan sina Alvin at Wade. May sarili kasi kaming kwarto ni Ginger kaya sa sala sila natutulog. Natutuwa nga rin ako dahil wala namang problema sa dalawa so far dahil toka-toka pala sila ng bills monthly and kusa rin namang naglilinis. Pagdating lang talaga sa paglalaba medyo tagilid dahil hindi sila marunong.Pagkatapos ko magbihis ay dumeretso ako sa mesa para kumain. Hindi ko naman kailangan masyadong magmadali ngayon dahil hindi pa naman ako papasok. Pwera na lang kung pagtrabahuhin na agad ako ni Sir Rouge pagdating ko na sana huwag naman muna.Dumeretso ng banyo si W
Bigla akong napatigil sa narinig ko. Halos nakalimutan ko ang serial murder sa sobrang overwhelmed ko sa pagbabalik ko. May namatay na naman. Sino na naman kaya ang inosenteng pinatay.“What?” Tanging naging reaksyon ko.“Oo. May panggulo na naman ginawa ang killer.” He then sighed, exhausted about the news.“Bakit? Anong meron?” I wonderingly asked.“Pag-uwi na lang namin ni Wade ikwento. Sakay ka na para makakain ka na.”Hind na muna ako nagtanong about sa nangyari dahil mukhang puzzled pa siya sa case. Sinuot ko na lang agad ang helmet at sumakay sa motor.Habang nasa byahe, tahimik lang kami na tila parehong may
Hindi ko na tinapos ang pangalawang balita nang maalala ko ang serial murder case dahil sa kidnapping na ibinalita sa Caloocan. “Kidnapping. Hindi ba nawawala muna ang biktima ng killer bago siya pumatay?” bigla kong tanong habang nakikinig pa sila sa sumunod na balitang may sunog.“Yes, pero never nagkaroon ng footage ang pangki-kidnap niya. Saka sa Caloocan ‘yon. Hindi kasama ‘yon sa mga biktima kasi mostly tagarito sa Maynila mga pinatay ng killer,” sagot ni Wade.“Ano na pala balita? May namatay na naman daw kanina, ah?” Pinahinaan ni Ginger ang volume ng T.V. para malinaw namin marinig ang sasabihin ng dalawa.Nagkatinginan naman sina Wade at Alvin bago sumagot. “Huwag niyong ilalabas kahit kanino mga malalaman niyo sa amin, ha? Confidential ang mga informat
Alvin’s POV “Tara na, gutom na ako.” Tinapik ako sa balikat ni Wade pagkatapos ng meeting namin. Kaming dalawa ni Wade ngayon ang in-assign maging leader sa investigation ng bawat crime scene kaya marami kaming aasikasuhin. Mabuti nga ‘to dahil umaayon ang mga plinano namin sa bahay. “Teka, baka magpasundo si Autumn.” Kinuha ko muna ang cellphone ko para tingnan kung may message ba si Autumn pero wala naman kahit sa gc namin. Tinawagan ko na lang siya kung nakauwi na ba siya o nasa trabaho pero busy ang phone. Baka nga nasa office pa dahil sabi naman niya overtime siya ngayon. “Walang message. Sige, tara na.” Sabay kaming lumabas ng headquarters at sumakay sa motor namin. Pagdating namin sa bahay ay nakahanda na ang pagkain sa mesa habang hinihintay na lang kami ni Ginger na dumating. Tu
Bigla akong napatigil at hindi nakagalaw ng ilang segundo. May namatay kahapon tapos meron na naman ngayon. Halos or mahigit din isang linggo hindi pumatay ang killer tapos kahapon at ngayon ayan na naman siya.Sinabi ko na lang na papunta na kami. Pinatay ko na ang tawag at pinuntahan si Wade na kumakain.“Dalian mo. May murder na naman.” Napatigil din sila pareho ni Ginger nang marinig ang sinabi ko. Oo, ilang buwan na kaming sanay na may serial murder nga na nagangap pero nagugulat pa rin kami sa tuwing may bagong namamatay.Magpupunas na lang ako ng katawan dahil kailangan namin magmadali. Hindi na rin tinapos ni Wade ang pagkain niya at nagmadali kaming umalis. Nagpaalam din ako kay Autumn na hindi ko siya mahahatid ngayon sa trabaho niya.
“Crystaline Fejurido, 22 years old, last seen at Alfamart with her boyfriend buying an alcoholic beverage. Time of death is 1 am based on rigor mortis. Cause of death, multiple stab wounds.” Napailing si Wade matapos itong basahin.Naabutan pa namin ang katawan ng biktima kaya saksing-saksi ng mata ko ang nakasusukang pagpatay sa biktima.Naligo sa dugo ang biktima dahil sa maraming saksak sa kanya. Mukhang magaling din ang killer dahil sa dibdib, sa tyan, at sa noo ito sinaksak. May ibang hiwa rin sa braso at hita kaya lumabas na ang mga laman nito. Ang malala lang sa itsura niya ay ang butas sa kanyang noo. Nakadilat lang din ang mata ng biktima habang patuloy na umaagos ang dugo sa kanyang noo at bibig.“Natunton na ba ‘yong boyfriend?” tanong ko habang malalim na nag-iis
Si Wade ang nagbukas ng pintuan ng IR or Interrogation Room. May dalawang inspector na rin ang narito na kumakausap sa boyfriend ng biktima. Nang makita nila kami, agad nila kaming tinanguan at nagbigay ng space para sa amin ni Wade.“Try niyo pa i-push. Kanina pa tulala ‘yan,” bulong ng isang inspector bago kami lagpasan.Umupo kami sa tapat niya habang nakatitig lang siya sa kawalan. Nababasa ko rin sa mukha niya ang lungkot at sakit. Pero kahit na gano’n, posible pa rin na may kinalaman siya sa pagpatay.Binuksan ni Wade ang folder na naglalaman ng information niya at pinabasa sa ‘kin iyon.“Oliver Agustin.” Basa ko sa pangalan niya. Pero nanatili siyang tulala at walang imik.Tini
Autumn’s POV“Sige po, Tita Karen, dito na kami. Sana mahanap po ang pumatay sa anak niyo,” paalam ni Ginger.Mugto ang mata at bagsak na ang katawan ng ina ni Crytalline. Marami siyang kwento tungkol sa anak niya. Halatang miss na miss niya na ito at talagang nangungulila. Kung wala nga lang daw siyang anak at asawa na maiiwan ay susundan na lang niya sa si Crystalline. Kaso may pinag-aaral pa siya kaya kailangan niyang magpakatatag.I can feel her grief and loss. Kaya hindi ko rin napigilan na yakapin siya kanina because I know how it feels to lose someone you love. I also felt this way nang malaman kong patay na si Nanay Fely. Nakaka-discourage and nakakawalang gana mabuhay. But we still have a life to continue kaya kailangan na lang namin piliting tanggapin na wala na sila.&