Share

Kabanata 4

last update Last Updated: 2025-07-29 22:20:50

Irina POV

Putik, ang aga na naman. Parang tatlong oras lang ang tulog ko ah. Alas-kuwatro pa lang ng madaling-araw nakasakay na ako sa tricycle para umuwi sa bahay namin. Ganitong oras ako umaalis sa bahay ni Lola Vicky para naman umuwi sa amin. Gagayak kasi ako nang maaga para pumasok ulit ng maaga sa work. Utos na naman ni Boss Ravi kaya hindi ako puwedeng sumablay.

“Miss Elizalde, be in my office by 5:30 sharp,” sabi niya kahapon, pagkatapos akong utusan na i-rearrange ang buong file sa cabinet niya. At ngayon naman, gusto niya ako mismo ang maglinis ng opisina niya. Akong secretary. Cleaner na rin? Pero, duda akong paglilinisin niya. Pakiramdam ko, may ibang dahilan kaya niya ako pinapapasok.

Nakauwi na ako sa bahay. At inaasahan kong may boses na parang baril na tatama sa tenge ko.

“Alam mo, Irina!” sigaw ng boses mula sa kusina, habang papasok ako, alam na alam na rin niya kapag nakauwi na ako. “Ano na, wala ka pa rin bang sahod? Made-delay na ang bayad sa tuition ng anak ko ah!”

Here we go again.

“Lagi ka nalang late magbigay! Alam mo bang pina-follow up ako ng registrar kahapon? Napahiya tuloy ako!” Dagdag pa ni Tita Shiela habang todo bangas ng mga kaldero sa lababo.

“Magsa-sahod na po sa Friday,” sagot ko habang kinakalma ko ang sarili ko, ayokong sumagot, iyon ang iniiwasan kong mangyari dahil nandito ang mama kong baldado. Natatakot ako na baka sa kaniya niya ibunton ang galit ni Tita Shiela sa akin. Kahit pa paano naman kasi ay inaalagaan ni Tita Shiela si mama habang nasa work ako. “Ise-send ko po agad ‘pag pumasok na, pasensya na po talaga.”

“Dapat lang! At ‘wag ka ngang sumagot-sagot, Irina! Kung hindi dahil sa akin, wala kayong matitirahan ng nanay mo!”

‘Yun ang pamatay na linya niya. Palagi ‘yon. Paulit-ulit. Siguro, sinasadya niya, para lumabas ang sungay ko. Pero hindi niya ako matutukso, hindi ako sasagot hangga’t maaari.

Alam ko naman ‘yun. Utang na loob ko sa kaniya ang bubong na ‘to. Pero sana man lang, huwag niya gawing pangsaksạk sa akin ‘yun sa tuwing nade-delay ako ng ilang araw ng pagbigay sa kaniya ng sahod ko.

Bumuntong-hininga ako habang papasok na ng banyo. Naligo lang ako ng halos ilang minuto kasi male-late na ako. Pagkatapos, habang gumagayak at nagbibihis ako, nilapitan ko si mama sa kuwarto niya. Gising na siya at nakapag-almusal na. Sinabi ni mama na pinakain na siya ni Tita Shiela. Sa akin lang talaga galit si Tita, pero kay mama ay hindi kasi nung malakas pa ito at hindi baldado, talagang silang dalawa ang magkadikit.

“Pagtiisan mo na lang ang tita mo, wala e, ganoon talaga,” palagi niyang bilin sa akin.

“Mahal ko pa rin si Tita kahit ganoon siya sa akin, mama, huwag po kayong mag-alala,” sagot ko naman sa kaniya habang nagme-makeup na.

Tumingin ako sa salamin—mukhang pagod ang itsura ko, ang lala ng eyebags ko kaya kailangan ko ng concealer, maputla na rin ang labi ko dahil sa araw-araw na pagpupuyat kaya kailangan ko rin ng mapulang lipstick.

Pagkatapos kong mag-makeup, nagpaalam na ako kay mama. Humalik ako sa kaniya.

“Tita, mauna na po ako,” paalam ko sa kaniya kahit alam kong hindi naman siya sasagot.

Palabas na ako ng pinto nang makita ko ang pinsan kong lalaki na si Shaider. “Ate, sorry kung galit na naman si Mama sa iyo, ha!”

Kung anong kinasungit ni tita, siya namang kinabait nitong bunso niyang anak na lalaki. “Okay lang, Shaider. Heto nga pala, muntik ko nang makalimutan. Pambili mo ng stick-o sa tindahan mamaya,” sabi ko at saka ko siya inabutan ng bente pesos.

“Wow, thank you, ate. I love you, mahal kita, mag-ingat ka palagi,” sabi niya bago ako lumabas ng pinto.

Ay, naku, napaka-cute at napaka-poging bata. Sana, ganiyan din kabait ang bruha niyang ate na si Shirley. Iyon, kay Tita Shiela nagmana.

Pagbukas ko ng pinto, sinalubong ako ng malamig na hangin ng madaling-araw na iyon. Madilim pa ang paligid. Tahimik pa ang kalye. Pero sa loob ko, ang ingay-ingay na.

Inis kay Tita Shiela. Inis kay Boss Ravi. Inis sa mundong ito na walang ginawa kundi pahirapan ako.

Sumakay ako ng jeep habang yakap-yakap ang bag kong may lamang laptop, makeup kit, at isang supot ng crackers para sa almusal. Habang paandar na ang jeep, napatingin ako sa langit, madilim pa talaga, may iilang bituin pa akong nakikita sa langit.

Grabe, alas-singko pa lang. Samantalang ‘yung iba, tulog pa sa malambot na kama.

Ako, papasok na agad sa opisina. Hindi ko alam kung maglilinis ba ako ng office ni boss Ravi o tubo niya ang gustong ipalinis sa akin. Malakas kasi ang kutob ko na may spicy plan siyang pinaplano sa akin.

mukhang ito na ang umpisa nang paglalaro ni Boss Ravi sa katawan ko.

Bakit, ayaw mo ba?

Palagi mo nga siyang iniisip kapag nagma-mariang palad ka sa gabi kapag stress ka, ngayon ka pa aarte?

Fine, oo, gusto ko rin naman. Kailangan ko rin ito para hindi inaalikabok ang marya ko. At oo, masarap at hot naman si Boss Ravi, kaya tanga na lang ako kung tatanggi ako. Saka, wala akong choice, isang tanggi ko lang sa kaniya, tanggal ako sa trabaho, ayoko namang mangyari ‘yun.

Saka, pinaghandaan ko rin ito para mangyari sa amin ito. At ngayong tila naakit ko na siya, oras na para maranasan ko ang kuwento-kuwento ng mga staff doon, na grabe raw ka-wild si Boss Ravi kapag naka-sëx mo na.

Mukhang totoo naman kasi napakalibög niya!

Ang hindi alam ni Boss Ravi, wild din ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Sab Vareigh
kawawa nmn c Irina
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Diary Ng XXX Celebrity   THE END

    Azia POVKakatapos lang ng bakasyon namin sa Baguio at sa wakas ay makakapagpahinga na rin sa bahay.Pero, iyon ang akala ko. Sulit na sulit at sobrang enjoy na ang mga ganap sa Baguio, bet ko na rin sanang magpakabulok sa kama, kasi napagod din talaga ako sa kakagala, plus panay pa iyak ni Baby River.Pero biglang umiksena si Haide nang pag-abot sa akin ng envelope habang nasa hotel room kami, hawak-hawak ko pa si River na kakadede lang.“Anong ‘to?” tanong ko sa kaniya habang nakakunot ang noo.“Buksan mo, mahal, para makita mo,” sagot niya, na parang excited sa magiging reaksyon ko.Pagbukas ko, bumungad ang isang bagay na literal na nagpatayo sa balahibo ko. Plane tickets ang laman nun.Destination: Seoul, South Korea.Napatingin ako kay Haide. Tapos sa ticket. Tapos sa kanya ulit.“Ha—Haide…” hindi ko na agad ako makapagsalita dahil natulala ako.“Bukas na agad ang flight natin,” sabi niya, na parang normal lang ang lahat.Parang tinamaan ako ng kidlat. Parang natuliro ako. Ang g

  • Diary Ng XXX Celebrity   Season 2 (Chapter 74)

    Haide POVTradisyon nila Nanay Zizi na may buhos tubig ang baby. Hindi naman kami kumontra, hinayaan lang namin kasi mukhang kailangan talagang sundin ang mga magulang ni Azia.Manghihilot ang tinawag nila. Nagdasal sila, tapos may tubig na binuhos sa ulo ni Baby River. Pagkatapos nun, may pa-lugaw si Nanay Zizi. Siya ang nagluto at ang sarap. May putong puti pa nga.“Ang sarap mo palang magluto ng arroz caldo, balae,” puri ni Mama Shiela kay Nanay Zizi.“Totoo po ‘yan, Mama. Dati po kasi, nung bata palang ako at elementary, nagtitinda si Nanay sa tapat ng bahay namin. Marami sa mga kapitbahay namin ang paborito ang lugaw niya,” sabi naman ni Azia, na proud na proud sa nanay niya.“Salamat, Balae at anak,” nahihiya pang sagot ni Nanay Zizi.Pag-alis nung manghihilot na nagbuhos tubig kay Baby River, nagpasya naman kaming bumiyahe na papunta sa Baguio. Nagpasya kaming buong pamilya na magbakasyon doon ng isang linggo.“Handa na ang mga gamit ko,” excited na sabi ni Ate Shirley.“Kami r

  • Diary Ng XXX Celebrity   Season 2 (Chapter 73)

    Haide POVNasa gitna ako ng meeting noon. Nasa mahabang lamesa na may malalaking screen. Ang mga kasama ko pa naman ay mga taong seryoso ang mukha habang pinag-uusapan ang production numbers at expansion plans. Nasa harap ko ang tablet ko, may graphs, may projections, lahat mahalaga. Lahat pinaghirapan ko.Pero nang mag-vibrate ang cellphone ko sa tabi ng baso ng tubig, alam kong may mas mahalaga pa sa lahat ng iyon.Nakita kong tumatawag sa phone ko si Mama Shiela. Alam ni mama na may importante akong meeting kaya hindi niya ako basta-basta iistorbohin.Nanikip agad ang dibdib ko, kasi alam kong may emergency.Nag-excuse agad ako sa kanila, kahit na alam kong hindi profesional ang ginawa kong ‘yon. Ewan, naisip ko kasi agad sina Mama, Nanay at lalo na si Azia. Naisip ko, na baka isa sa kanila ang may nangyaring hindi maganda.“Hello, Ma?” mabilis kong sagot.“Haide,” nanginginig ang boses niya, “pumutok na ang panubigan ni Azia. Magmadali ka, tatakbo na namin siya sa ospital.”Parang

  • Diary Ng XXX Celebrity   Season 2 (Chapter 72)

    Azia POVLimang buwan na pala ang lumipas. Limang buwan mula nang magising ako sa isang hotel sa Italy, habang tanaw ang napakagandang dagat sa labas ng bintana. Doon kami nag-honeymoon ni Haide. Hindi siya pumayag nang wala ring bonggang honeymoon. After honeymoon, nagpasya na rin kaming tumigil sa pagiging XXX celebrity kasi ayos na kami sa mga business na hawak namin. ‘Yung ice cream shop ko ay halos sampu na ang branch ngayon. Buwan-buwan kasi ay nagpapatayo ako ng another branch, kaya dumami na nang dumami.Minsan, kapag iniisip ko ang mga araw na iyon, parang panaginip pa rin talaga, kahit paulit-ulit na lang ako. Pero mas lalo akong napapangiti kapag napapahawak ako ngayon sa tiyan ko.Tatlong buwan na akong buntis. Tatlong buwan nang may buhay na lumalaki sa loob ko.At ngayong araw na ito, sabay-sabay na nagbubukas ang dalawang bagong yugto sa buhay namin ni Haide.Nasa harap namin ang napakalaking building. Natupad na niya ang makapagpatayo ng isang pagawaan ng appliances na

  • Diary Ng XXX Celebrity   Season 2 (Chapter 71)

    Azia POVPagbukas pa lang ng malalaking pintuan ng ballroom ng five-star hotel, nakita ko agad ang pagiging sosyal ng lugar. Noon, iniisip ko, hindi manlang ata ako maikakasal ng may bonggang handa, bonggang reception at bonggang mapapangasawa, pero ngayon, heto na, nangyayari na at para pa rin akong nananaginip.Sa bawat sulok ay may mga puting bulaklak na may halong gold accents. Hindi siya sobrang makulay, pero sobrang elegante kung titignan.“Wow,” mahina kong sabi habang hawak ang kamay ni Haide.Napatingin siya sa akin habang nakangiti.. “Para sa ’yo ‘to.”Para sa akin talaga. Parang hindi ko pa rin ma-absorb.Pagpasok namin, sabay-sabay tumayo ang mga bisita. Palakpakan na naman at sigawan. May sumipol pa. Ramdam ko ang init ng mga tingin nila, pero hindi iyon nakakailang. Parang yakap kasi iyon sa amin, dahil alam naming masaya din sila sa nangyayari sa amin ni Haide ngayon.“Ladies and gentlemen,” malakas na announce ng host, “let us welcome for the first time as husband and

  • Diary Ng XXX Celebrity   Season 2 (Chapter 70)

    Azia POVParang kailan lang ay nakikipag-meeting lang kami sa coordinator. Tapos ngayon, araw na agad ng kasal namin ni Haide.Kakagising ko palang, pero ramdam ko agad ang kaba sa dibdib ko, pero hindi ito ‘yung kaba na gusto mong takbuhan. Ito ‘yung kaba na alam kong dahil saya masayang mangyayari mamaya.Sakto naman na pagkagising ko, may kumakatok na sa pintuan ng kuwarto ko.“Azia,” mahinang tawag ng isang pamilyar na boses.“Pasok po,” sagot ko.Dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok si Nanay Zizi. Napatayo agad ako sa kama.“Nanay.”Ngumiti siya. Napatitig ako bigla sa kaniya. Hindi na siya ‘yung payat at lupaypay na nakahiga lang noon. May kaunting pamumutla pa rin, oo. Pero tuwid na ang likod niya. May kulay na ulit ang pisngi. At ‘yung mga mata niya, halatang bumabalik na rin ‘yung kinang. “Ssshh,” sabi niya, sabay hawak sa kamay ko. “Huwag ka munang tumayo. Bride ka ngayon. Sige lang, mag-relax ka muna. Maaga pa naman”“Nanay…” nanginginig ang boses ko.Umupo siya sa g

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status