Happy Valentines day sa lahat! :) hehe
Carmella's POV . It's hard to explain everything, and I can't believe this is happening. It's unreal. Kung hindi sana ako umalis at nanatili sa tabi niya, ay siguro iba ang kahihinatnan ng lahat. Siguro buhay pa silang dalawa. Walang humpay ang iyak ni Betty, ang kapatid ni Diego na nasa tabi ko at nakayakap naman si Prince sa akin. Matigas ang tindig at pati na ang hitsura ni Drake. Bakas sa mga mata niya ang matinding galit imbes na luha. Hmp, mga lalaki nga naman. Ang tigas ng puso at ayaw umiyak sa mga sandaling ito. Agad kong pinunasan ang luha ko para hindi mapansin ni Prince ito. Gusto ko sanang ngumiti, dahil pinangako ko ito kay Diego noon na hindi ako iiyak kung mamatay siya. Mali ako, dahil heto, kusang bumabagsak ang luha sa mga mata ko na parang ulan ng langit. Ilang beses na ba na nalagay sa peligro ang buhay niya? Hindi ko na mabilang, at sa lahat ng iyon ay nakangiti siya sa akin dahil hindi pa raw siya sinusundo ni kamatayn. Pero iba na ngayon. Hindi ko na kai
Diego's POV . Eight months ago. "Are you sure about this, Digs?" Drake looked at me seriously, and I nodded. "There's no turning back anymore, Drake. Sa tagal ko sa serbesyo ay alam ko na ang lahat na maaring mangyari sa amin ni Cariena. Wala na akong ibang maisip, Drake, dahil lahat sila ay gustong mawala kaming dalawa. This is the only way for us to survive, Drake. And if luck will be on our side, I believe Cariena and I will survive." "Okay. I will arrange everything. What about the funding that's coming from Ranger?" "He already organised it, Drake. So leave it as it is. I will make sure that a Lawrence will exist in the flesh." At present, after two years. I caress her hand gently and smile secretly. She's getting better each day and loves to hold my hand. Ayaw niyang bitawan ang kamay ko, kaya sa bawat araw na magkasama kami ay wala na akong pag-aalala sa puso. Having my life beside me is enough to go on—enough for us to leave everyone behind. We must survive. It was vi
Cariena's POV . One, two, three, action! Halos ayaw ko na yatang umalis sa puwesto habang pinagmamasdan ang pinakasikat na action Hollywood star na si Tom Holland. Inabangan ko talaga ang paglabas niya, at maraming kaming nag-aabang rito sa lokasyon ng stunt nila. Karga si Lawrence sa bisig ko, ay nauna nang pumalakpak ang bata nang tumakbo si Tom Holland habang hinahabol ng mga kalaban sa likod. "Okay, cut!" saad ng direktor. Ngumiti akong lalo nang inilabas na ang magiging ka-double ni Tom Holland para sa pakikipaglaban. "Double, double, position. And, action!" saad ulit ng direktor. "Go, Papa!" si Lawrence. Mabilis ang pagtakip na ginawa ko sa bibig niya dahil napatingin na ang halos lahat ng cast at mga staff sa amin ngayon. "Be quiet, baby. Papa is working, okay?" Haplos ko sa mukha niya, at kinarga siya nang maayos. Umalis din agad ako sa puwesto at lumipat sa ibang anggulo para mamasdan ko nang maigi si Diego. Kinilig ako, at siguro naging bituin na ang mga mata ko
Diego's POV . I was lucky to be back again in the Philippines after three years. Iyon nga lang sekreto pa rin ito at alam kong hindi na ako nakikilala ng mga tao na dating konektado sa buhay ko. I have changed my looks. My hair is quite long, like Jesus. I have a beard. Enough to make me look more attractive yet, mysterious. Well, according to my wife, Cariena, who is now Joyce, I looked more charismatic in my image. Dammit. Effing shits and biscuits. I'm overloaded with love from Cariena, and I couldn't ask for more. I have a complete and happy family now. Cariena was still the same. She doesn't want to visit the Philippines as of the moment. Maghihintay na lang daw siya hanggang nasa tamang edad na raw si Lawrence. I am here in the place where I want to find a missing puzzle that Reeve left behind. Kinuha ko na ang pagkakataong ito habang nandito ako sa bagong pelikulang ginawa ng isang sikat na action star sa Hollywood. The director again, Mr Brian Macdammon, wants me to be
Simula Melissa Beau POV . "Mahal kita pagka't mahal kita. Iniisip nila ay hindi mahalaga. Mahal kita maging. . . " "Kapre ka man!" Naningkit ang mga mata ko at inis kong tinitigan ang nag-iisang matandang dalagang tiyahin ko. Kahit kailan talaga! Ang hilig niyang sumingit sa bawat birit kong kanta. "Mahal kita maging sino ka man!" Taas ng boses ko at natawa lang din si Tiya. "Nakakatawa ba ng boses ko, Tiya?" Humarap ako sa kanya at taas noo ko siyang tinitigan. Ibenandera ko ang katawan, at syempre pati na ang makinis at mahaba kong legs. "Sus, Ginoo! Kung labanan lang ito ng mga balyena tiyak panalo ka na!" kantyaw niya. Tumalikod agad siya at kinuha ang malaking basket. Nawala ang ngiti ko at napangiwi ako sa sarili. Bumaba na rin ako sa malaking bato rito. "Kainis ka naman, Tiya! Alam mo naman na araw-araw akong naliligo at kinikiskis ang balat ko para naman maging kulay perlas ito. Hindi pa ba sapat ang ganda ko?" Sabay hawi sa mahabang kulot na buhok ko. Sumeryoso a
Heartbeat. Check. Breathing. Check. Both eyes. Check. Nanginig ang kamay ko at handa ko na sanang bigyan siya ng CPR. Pero sa pagkakataong ito, ay natatalo ang puso at isip ko. Kaya mo 'to, Melissa! You need to save him. You have to save him no matter what. Humugot muna ako nang malalim na buntonghininga at saka sinimulan ko ang pag CPR sa kanya. One, two, three, four, five, blow, and again. And repeat. Lumabas ang tubig sa bibig niya at pinagpatuloy ko ito. Mukhang wala siyang buhay pero nang ma-e-check ko ulit ang pulso niya, ay tumitikbo na nang mas okay kaysa sa kanina. Nakatulong din ang paglabas ng tubig mula sa tiyan niya at napapansin ko ang paghinga niya. May tama siya, at natulala ako nang mahaplos ko ang bahaging ito. I swallowed hard while looking into my hands, that was covered in blood. And without thinking twice, I ripped the edge of my clothes and tied the piece of it onto his wound. Napansin ko rin na hindi lang isa, dahil dalawang sugat ang mayroon siya. Sa
"Ayaw ko, Tiya! Never!" Sabay irap ko sa kanya. Mabilis akong lumabas ng bahay at alam kong nakasunod lang din siya. "Dios mio marimar ka talaga, Melissa! Isipin mo nga ang sarili mo, anak. Wala na akong nakikitang solusyon sa problema mo kung 'di ito. Kaya kunin na natin ang pagkakataon na ito, hija." Nahinto lang din ako at tinitigan ang lahat ng mga lalaking manok sa paligid. Lahat ng mga manok ay nakatitig sa akin na parang naghihintay sa sagot ko. "Choo! Magsilayas nga kayo! Maghanap kayo ng mga babae, okay? Marami roon sa gubat! Alis!" Lahat sila ay patakbong umalis nang mahawakan ko ang walis tingting. Nagsi-ingay lang din ang mga ito at nawala na sa paligid. Napangiwi ako, dahil puno na naman ng mga dumi ng manok ang bakuran ko. "Tiya naman eh! Ilang beses ko na ba'ng sinabi na huwag mong pakawalan ang mga manok ni Papa! Malaki ang bakuran nila sa kabila. Ba't mo na naman pinakawalan!" Padyak nang paa ko. Nagkalat na naman kasi ang mga dumi nila rito. "Oo na, oo na. Kaila
Reeve's POV . It's a sharp pain. That's how I describe it. The pain is coming from my head down to my stomach. It's not that painful, but enough to make me dizzy. Sino nga ba ako? Bakit pagdating sa tanong na ito ay blanko ang utak ko? I didn't know how to respond, and the two left the room, leaving the door open. The dog name Pulgosos sat down beside me and licked my hand. I smiled and patted his head. He then rested his head on my lap. "Such a good dog," I whispered silently and looked around. The room is pretty tidy and colourful. It has a magic touch draws my attention to all the paintings on the wall. I couldn't even get my eyes away from her earlier when we stared. It was magnetic, and it felt so beautiful. "Sino nga ba ako, Pulgosos? At iyong babae kanina? Kaano-ano ko ba siya?" tanong ko sa ako, at nag-angat nang tingin ito sa akin. Tumahol ito at gumalaw ang buntot, at saka naupo pabalik sa gilid ko. I took a deep breath and shut my eyes. I wanted to recall what had h
Diezel.I hold the result in my hand, and my heart races as I read it. The twins are indeed mine, and a copy was also sent to Anastacia via the Captain of the Villa.Wala akong duda. Alam kong akin silang dalawa. Malaki ang hawig namin ni Zev, at si Skye? Namana niya ang mga mata ni Mama. Although she looks like more on Anastacia, but her eyes belong in my bloodline.Skye's smile and her deep dimple clearly reflect my traits. In contrast, Zev resembles a male version of Anastacia, yet his facial structure and lips share my characteristics. He may not have the deep dimple like Skye, but when he smiles, he retains that version of me.I need to go back. I'm done with everything and have made new arrangements with the heads regarding work. They can reach me online, and I can do my work online."Why are you not joining me for the food tasting today, honey? Hindi mo pa rin nasusukat ang damit mo. Kailan ka ba bibisita roon? Ikaw na lang ang kulang."I'm talking to Caterina on the phone. Sh
Anastacia.Talagang hindi niya ako binigyan ng pagkakataon na makapagpahinga ano?Nagtagpo ang kilay ko at seryoso kong tinitigan ang dalawa sa iilang mga tao sa loob ng bahay ko. Maaga pa lang ay ginising na ako ng ingay sa labas.The group of medical team together with Diezel's lawyer and some security, including our barangay captain and police were here early and that shocked me!Hindi kabilang si Diezel sa kanila. Wala siya. Mabuti nga, dahil kung nandito siya ay tiyak sinampal ko na.The lawyer spoke to me first and explained the process, and I could only agree to it. They're calm, okay, and collective, and the barangay captain is a good friend of mine. We had a good talk.Ang kambal lang ang medyo nalilito sa sitwasyon. Hindi ko inaasahan na ganito kabilis gagawin ni Diezel ang lahat. Wala pa akong sinabi sa mga bata. Wala pa silang alam! At ngayon na nasa haparan nilang dalawa ang isang nurse at doctor ay nalillito na ang kambal.Hindi nila alam kung para saan ito, at kung bak
Diezel.I sat stiffly in front of my two beautiful kids while Anastacia was making me coffee. I put on my best smile amidst the chaos inside my heart.I was nervous as hell when I landed in Cagayan de Oro. Reeve was with me, and we came together here.Malapit lang ang bagong hotel na pinapatayo ni Reeve rito at may bahay bakasyonan din siya, at doon ako pansamantala titira.I drove here with high hopes of seeing Anastacia and was shocked by everything. I didn't know we were having twins. I didn't know everything, and that pained me more.It deeply hurts me. I feel sorry, not for myself, but for the kids in front of me. I know I was an asshole, and I can't blame Anastacia for that. But for her not to tell me that she was pregnant was indeed selfish! How could she do this to me? Why is this happening? And the kids? Damn it.Iniwas ko saglit ang tingin sa dalawa at saka nahagip nang mga mata ko ang buong paligid.Simpli ang bahay na ito. Walang espesyal at normal ang lahat. Malaki ang l
Anastacia."What are you doing here?"Iba na ako sa dati. Hindi na kumakalabog ang puso ko dahil excited ako na makita siya. Iba ang noon, at iba ito ngayon. May halong takot na bawat pintig na pinapakawalan ng puso ko sa kanya. Wala na akong tiwala.Taas noo ko ulit siyang tinitigan sa mata."Are you lost? Mukhang nasa maling bahay ka yata?" I chuckled.His jaw ticked, and he looked at me coldly. His piercing eyes were like a dagger that straight cut right into me."So, this is where you are hiding?" He gritted.Kinabahan ako at napahigpit ang hawak ko sa pinto. Hindi ito nakabukas ng maayos dahil hinawakan ko naman. Kabado ako sa kung ano man ang makita niya sa loob. Kaya bago pa mangyari ito ay mas mabuti hindi na niya makita pa.“Excuse me? Did you say I was hiding?” I chuckled softly and pulled the door closer to me.Ako na lang ang nakikita niya ngayon at hindi na ang loob."Hindi ako kailanman nagtago, Diezel. I'm living here comfortably, away from those people who don't want
Anastacia.I looked so terribly ugly as I looked at myself in the mirror. I'm stressed and problematic with money, and here I am... sick.Simula pa lang noong nakaraang linggo ay hindi na maganda ang pakiramdam ko. Hanggang sa heto, bumigay na nga ang katawan ko.The kids are home because it's summer school break—no school for them and no summer activities. I felt sorry for my kids not attending any summer activities, but I'm short on money, and the bills are piling up. Isali mo pa ang butas sa kisame ng kwarto ko. Mabuti na lang at summer ngayon at hindi uulan.Skye and Zev asked me why I did not enroll them in swimming lessons. Sinabi ko na lang na kulang ang pera ko, at agad naman na intindihan ng dalawa ito. Nakakaawa nga, dahil lahat ng mga kaklase nila ay may ginagawa at sila? Heto nasa bahay.Hapon na nang nakaramdam ako ng gutom. Instant noodles ang kinain ko, kasama ang kambal. Nilagyan ko ng gulay at dalawang itlog ito, at masaya na ang dalawa. Para sa kanila ay masarap na
Diezel.I almost stumble as I exit my car, breathing heavily like a furious beast poised to attack.How dare she hide from me? How dare she lie that she's on pills and wasn't? Fucking dammit!"Sir Diezel. . . "Itinaas ko lang ang kamay kay Martino. Isa siya sa mga bodyguard ng bahay ko. Huminto siya at bahagyang yumuko at hindi na ako sunundan.I walk directly to the second floor where my office library is situated. I need to call someone—someone skilled at locating a person who is in hiding.Damn you, Anastacia!Napakuyom-kamao ako at ramdam ko ang panginginig ng laman. I understand that the odds may not be absolute, but I have a strong intuition that I'm the father. I need to discover the truth.Malamig ang aircon sa sekretong silid na ito, pero tagaktag ang pawis ko. Ito ang unang pagkakataon na bumalik ang ganitong pakiramdam sa akin.Once I activate my code, that will be the end of it. I will go against my grandfather and mother for this."Linus..." I clenched my teeth while en
Diezel.It's damn boring and I can't keep up with the boys schedules. They don't leave me, it's just that I was the one who wanted to be left out.I feel so lost and empty. Something is not right, and it’s a bother to wake up like this every morning. I'm tired of it, and tired of everything."Ciao, figlio mio! I miss you!"I spun my chair back to the door and saw my mother together with my fiancée, Caterina. The two of them look like mother and daughter. They have the same taste when it comes to clothing and food.Magaling magluto si Mama at ganun din si Caterina. Magaling sa lutong italian, at masaya ako dahil natitikman ang mga putahe na parang kay Mama na rin."Honey…" Caterina wrapped her arms around my neck and kissed me.I couldn't kiss back, and my lips just stuck still. She then let go and tangled her arms around my mother."I found the right wedding dress! You will love it!" siglang boses ni Caterina. "Oh, I'm so excited! I can't wait!""And I can't wait too, dear. I like my
Anastacia.Is he engaged? Soon to be married? Huh, good on him!After seven years, I never once checked about him or what's happened lately with the company. I don't want to hear any news from them, especially from him.Naging abala na rin naman ang buhay ko. Mahirap magpalaki ng kambal, at kahit ngayon ay nangangarag pa rin ako.Nawala na sa isip ko si Diezel. Hindi na ako interesado, at wala na akong pakialam kung nag asawa na ba siya o nagkaroon na ng maraming anak. Pero nang marinig ko kanina kay Dianne na engaged na siya ay nababagabag lang ako.Ba't ba ako ganito? Hay, naku, Anastacia!I can’t sleep, and it’s after one o’clock in the morning. I’ve already checked all the items I will deliver tomorrow after dropping the twins at school.Nakatitig na ako sa relo sa dingding habang inom ang chamomile tea. Tulog na ang kambal, pero ako? Heto, hindi man lang dinalaw ng antok.Kinuha ko ang cellphone sa bag at saka nag-search sa app tungkol sa kompanya. Dito tumambad sa akin ang mga
Anastacia.My heart raced when I saw Zev's face. He's got bruises around the right eye like someone had punched him in the face."Anong nangyari sa 'yo? Who did this to you?"Napaluhod ako at ininspeksyon ang mukha niya. Hindi ko sila nasundo ngayon dahil delivery ngayon ng orders ko galing Amerika. Ako mismo ang kumuha ng mga ito sa pantalan. Kaya pansamantala si George ang kumuha sa mga bata."Tinanong ko rin, Ate. Pero ayaw magsalita. Ganyan na ang mukha eh. Gusto ko sanang kausapin ang guro nila, pero wala raw. Kaya umuwi na kami."Bitbit ni George ang bag ng dalawang bata. Inilapag niya ito sa gilid at saka namaywang sa likod ko."Patingin nga. Dios ko…" Tumayo ako at kumuha ng maligamgam na tubig. Pina upo ko si Zev at tahimik siyang nakayuko. Samantalang si Skye ay nasa gilid lang. Nakasandal sa dingding at pinagmamasdan kami."Ano ba ang nangyari, Skye? Who did this to your brother?"Siya na ngayon ang tinanong ko. Alam kong matigas ang ulo ni Zev at madalas ay hindi siya na