REESE' POV
Kasama ang boy bestfriend ko na si Ryu ay nandito kami ngayon sa loob ng YG Academy. Kakatransfer ko lang mula sa Bataan dahil dito na kami titira ng pamilya ko. Kailangan naming lumipat sa Maynila dahil karamihan sa Clothing Business line nila Mom at Dad ay nandito. Sinama nila si Ryu sa Maynila at dito na rin siya mag-aaral ng college.Hindi gusto ng mga kuya ko na sina Kuya Red at Kuya Reevo si Ryu bilang bestfriend ko at hindi ko alam kung bakit. Pumayag naman sina Tita Anjanette at Tito Ryuko na sa Maynila na lang pag-aralin si Ryu para daw may kasama ako at taga bantay sa Maynila. Palagi rin kasing wala ang parents ko dahil busy sila sa trabaho nila. Ang mga kuya ko naman ay may mga trabaho na rin.Alam ko na pinagkakanulo na ako ng pamilya ko kay Ryu. Boto kasi sila dito dahil kababata ko siya at matagal na ring kakilala. Hanggang bestfriend lang naman ang turingan namin ni Ryu kaya kahit kailan ay hindi ako papayag sa aggreement ng pamilya niya at ng pamilya ko na ipapakasal kaming dalawa.Ryu is a Half Japanese. Ang totoo niyang pangalan ay Ryusuke Hiroshi. Gwapo ito at certified heartthrob sa school namin sa Bataan. Maraming nag-aakala na boyfriend ko siya pero itinatanggi ko iyon palagi. Si Ryu naman ay walang sinasabi tungkol doon kaya akala talaga ng iba na kami na. Ayaw na lang niya siguro patulan pa ang mga iyon.Habang naglalakad kami ni Ryu sa may hallway ng YGA ay ramdam ko ang mga titig sa amin ng mga estudyante ng YGA."Transferee ba sila? Ngayon ko sila nakita. Ang ganda at ang gwapo, no?""Oo nga! Lalo na 'yung guy. Mukhang anime character!""Yung girl naman mukhang korean na french. Nakaka insecure ang ganda!""Magjowa yata sila?"Aapela na sana ako sa babaeng nagsabi nun nang hinawakan ako ni Ryu sa braso ko. "Hayaan mo na lang sila. There's no point of arguing with them.""Pero, ayokong isipin nila na-" Hindi na ako pinatapos ni Ryu magsalita nang nauna na siyang maglakad.Ganyan siya. Parang gusto niyang iniisip ng ibang tao na kami pero no way! Hanggang bestfriend lang talaga ang turing ko sa kanya."Ryu! Hintayin mo ako!" Sabi ko at hinabol ko siya.Habang hinahabol ko si Ryu ay hindi ko namalayan na may taong nakabangga na pala ako."Sorry po!" Sabi ko habang nakayuko at sapu-sapo ang noo kong nabangga niya.Tumingala ako para tignan kung sino ang nakabangga ko at napasinghap ako nang makita ko ang isang gwapo at matangkad na lalakeng nakatingin sa akin. Walang emosyon ang kanyang mukha at talagang nakatitig lang siya sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at humingi ulit ng paumanhin."Sorry po talaga. Hindi ko po sinasadya." Nagbow na lang ako sa kanya at medyo nacoconcious ako dahil kanina pa yata siya nakatingin sa akin.Akmang aalis na sana ako nang bigla siyang magsalita."Next time, be careful and use your eyes, too." Malamig na sabi niya sa akin saka nagpamulsang naglakad na papaalis.Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya at napairap."Tsk! Gwapo nga pero ang sungit naman!"Dahil nilambing ko na si Ryu at sinabi na mamayang gabi ay sabay kaming kakain ng dinner sa labas ay nagkabati na kami. Matampuhin talaga ang bestfriend ko na ito kaya kailangan niya pang suyuin. Pero kahit na ganon ay isa siyang napakabuting kaibigan para sa akin.Mga bata pa lang kami ay siya na ang palaging kasama ko. Takot nga sa kanya ang iba kong manliligaw sa Bataan dahil masyado siyang overprotective at selfish pagdating sa akin. Okay lang naman iyon dahil wala pa naman akong balak magkaboyfriend. Siya nga ay wala pang girlfriend na ipinagtataka ko. Sa dami ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya at siya pa mismo ang nililigawan ay wala siyang kahit isa na in-entertain.Bakla kaya ang bestfriend ko? Pero hindi naman siguro dahil nakikipagbugbugan pa nga siya minsan sa mga lalakeng nambabastos sa akin. Kaya nga parang kapatid na ang turing ko sa kanya."So class, we have a new classmates here. Let's all welcome, Ms. Vereese Santillan and Ryusuke Hiroshi." Pagpapakilala sa amin ng bago naming Prof na si Professor Pablo sa mga magiging kaklase namin ni Ryu.Binati naman kami ng mga bago naming kaklase at naririnig kong pinag-uusapan na nila kami."Ang ganda ng bagong classmate natin, tol!""Girl! Ang gwapo ni new classmate!""Oo nga. Mamaya kakausapin natin siya, ha?""Tangina! In love na yata ako kay Ms. Vereese.""Gago! Baka boyfriend niya 'yang kasama niya kaya tumigil ka diyan!"At marami pa akong naririnig na minabuti na lang namin ni Ryu na hindi pansinin. Masama nga ang titig ni Ryu sa mga lalakeng pinag-uusapan ako kaya napaiwas sila ng tingin sa akin.Umupo na kaming dalawa sa upuan na in-assign sa amin at nagsimula nang magdiscuss ng lesson ang Prof namin.Habang nagdidiscuss ng lesson si Prof Pablo ay biglang bumukas ang pintuan ng classroom namin at pumasok ang isang lalakeng gwapo, matangkad at maputi. Naka earphone ito at nakasukbit ang backpack nito sa kaliwang braso niya at tila parang walang pakialam sa mga taong nasa paligid niya.Siya 'yung taong nakabangga ko kanina! Si Mr. Sungit.Nakita ko ang pagkamangha at pagkakilig ng mga kaklase kong babae kay Mr. Sungit habang ang mga lalake naman ay dinedma lang siya.Naningkit ang mga mata ng Prof namin at lumapit kay Mr. Sungit saka inalis ang earphone nito sa tenga niya."Mr. Sky Avenido. You're late again!" Madiing sabi ni Prof Pablo.Sky pala ang pangalan niya? Eh hindi naman bagay ang Sky sa kanya. Dapat Hell kasi ang sungit niya at pang Hell pa ang ugali niya!Sky ignored Prof Pablo saka ito naglakad at umupo sa bandang likuran ko. Doon na lang kasi ang bakanteng upuan na mayroon.Napansin naman niya ako at nginisian. What was that? Bigla tuloy akong kinilabutan sa ginawa niya.Bumuntong-hininga lang ang Professor namin at nagpatuloy na ito sa pagdidiscuss niya.Papabayaan niya lang iyon? Hindi man lang ba niya bibigyan ng punishment ang Sky na ito dahil nalate siya sa klase namin?Mukhang napansin ng kaklase kong babae na katabi ko lang rin ang pagtataka ko sa ginawa ni Prof Pablo kaya naglean siya sa akin at bumulong sa tenga ko."He's Sky Rivas Avenido. The only son of one of biggest stockholders here in YGA. The Consistent Top 1 Student. The handsome, mysterious, cold heartthrob and a Basketball Varsity Player here in YG Academy."What?Mukhang sikat pa yata siyang estudyante sa buong YGA. Sikat at matalino si Mr. Sungit!EIRIE'S POV8 years ago"I-I'm pregnant..." Naluluha kong sabi habang nakatingin kay Yuri na nagulat sa sinabi ko.Ipinakita ko sa kanya ang tatlong pregnancy kit na ginamit ko. Natahimik siya nang makita iyon sabay na sinipa niya ang pader na nasa likod niya."Fuck that guy! Why he did this to you?" Humarap sa akin si Yuri at nilapitan ako. Hindi ko na mapigilang mapaluha ulit nang makita ko siyang umiiyak na rin.He doesn't deserve this. Nagbunga ang kahayupan na ginawa sa akin ni Leona. Pati ang sarili niyang kapatid ay pinatay rin niya. Zane is dead at ang pagkamuhi ko sa kanya ay mas lalo pang tumindi. Hinding-hindi ko siya mapapatawad dahil sa ginawa niya sa akin at maging pati na rin kay Zane."I'm so sorry if I disappoint you, Yuri. H-Hindi ko ginusto 'to." Humihikbi kong sabi. Niyakap naman ako ni Yuri at pilit na pinapatahan."It's not your fault, baby. Kung may pwede man sisihin dito walang iba kundi ang gagong si Leona 'yon." He said na ikinatango ko nalang.Sandali ko siy
"Kuya Leona, okay lang ba sa'yong sinasaktan ka ni Dad? Hindi ka ba nagagalit sa ginagawa niya sa'yo?""Gusto ko sanang magalit kay Dad pero hindi ko magawang tuluyang magalit sa kanya. He's still our father at kahit sinasaktan niya ako ay mahal ko pa rin siya.""Hindi ka po ba magre-revenge, Kuya? Kapag may inaapi hindi ba dapat pong lumaban ka lang?""I will never do that, Zane. If you love someone you need to understand him or her. Walang magagawa ang revenge at galit sa puso mo. Don't hate someone or kill para lang makuha mo ang satisfaction na gusto mo."THIRD PERSON'S POVMahigit isang araw rin ang ginugol nila Yuri, Zane at Rafael bago sila makarating sa Palawan. Hindi alintana ang pagod at puyat nila sa biyahe makarating lang sa lugar na kung saan ay dito nilang pinaghihinalaang dinala ni Leona si Eirie.Hindi na nakapagtatakang magagawa iyon ni Leona dahil alam ni Zane sa sarili niya na lihim na pinagpapantasyahan ni Leona si Eirie. Hindi niya naman gaanong napapansin iyon da
YURI'S POVI'm so worried right now. Kanina ko pa hindi macontact si Eirie kaya nagpunta na ako sa bahay nila. I think na mababaliw talaga ako kung ilang oras ko lang siyang hindi makausap man lang o makasama. I'm already depending my life on her and I have no regrets about that.Nasa labas pa lang ako ng bahay nila Eirie ay nakita ko na kaagad sina Zane at Rafael na mukhang kakarating lang din dito."What are you two doing here?" I asked.Tumawa naman si Zane ng mahina at nagpamulsa ito. "Well, hindi lang naman ikaw ang may karapatang puntahan dito si Eirie kundi kami rin. We just want to see her so what's the problem with that? We're all four together, right?" He smirk.I just closed my fist at tinignan naman si Rafael na nakangisi rin.Ilang saglit pa ay bigla nalang bumukas ang gate nila Eirie at lumabas mula doon ang dalawang lalake na sa pagkakaalam ko ay ang mga kapatid niya. Nagulat naman sila nang makita kaming tatlo."Zane? Bakit ka nandito? Saka bakit kasama mo ang baliw na
THIRD PERSON'S POV10 years agoTahimik lamang na umiiyak si Leona habang nakaupo siya sa isang bench malapit sa paaralan nila at iniinda nito ang mga sugat at pasa dala ng pananakit sa kanya ng ama niya. His father Alfred forcing him to take Business Administration pero hindi iyon ang nais kunin na kurso ni Leona dahil gusto niyang maging doktor balang araw upang matulungan niyang mapagamot ang kanyang Lola Sonia na pinakamamahal niya at ang tanging nag-alaga sa kanya noong bata pa lang siya.Sa buong 18 years na nabuhay si Leona ay puro pandidikta lang ng ama niyang si Alfred ang naririnig at sinusumbat nito sa kanya. Pinipilit siya nito sa mga bagay na ayaw niya at kapag kinontra niya ito ay palagi nalang siya nitong sinasaktan. Dahil sunud-sunuran naman ang kanyang inang si Asra sa ginagawa ng ama niya ay wala itong magawa kahit binubugbog at sinasaktan na siya nito.Leona doesn't want to hate his father dahil kahit anong gawin niya ay ama niya pa rin ito pero masyado na itong sum
EIRIE'S POVNgayon ay nandito ako sa bahay nila Sarah at ikinuwento ko sa kanya ang lahat ng mga kaganapan na nangyari sa buhay ko nitong mga nagdaang linggo. Habang nagkukwento ako ay tahimik lang siyang nakikinig sa akin at nang matapos na akong magkwento ay tumango lang siya."So, na fall out of love ka na kay Zane? I think you loved him naman pero mas matindi na nga lang 'yung nararamdaman mo para kay Yuri." Sabi niya."Ayon nga e, tapos ngayon pumayag pa ako sa polyamory set-up naming apat. Alam ko na isa lang ang dapat pipiliin ko sa kanila at si Yuri 'yon pero alam ko rin na masasaktan sina Zane at Rafael." Malungkot ko namang sabi.Sarah tapped my shoulder. "Alam mo girl, hindi naman kita masisisi kung bakit ka nakipag-deal sa dalawang lalakeng 'yon pero sa tingin mo ba ay okay lang talaga sa kanila na naghahati sila sa pagmamahal at atensyon mo? Base sa mga ikwinento mo sa akin ay mukhang obsess na sila sa'yo. Hindi talaga maganda na kasama mo sila dahil alam kong in the end
THIRD PERSON'S POVMinsan talaga ay hindi rin maintindihan ni Eirie ang sarili niya dahil pumasok siya sa isang relasyon na hindi pangkaraniwan o 'weird' man sa paningin ng ibang tao.Magkakaibigan pa ang 'napuntirya' niya at naging boyfriend na niya ang dalawa dito na ang isa sana ay pakakasalan na niya. She can't imagine to have a situation like this. Alam niyang hindi basta-basta ang mga ito at alam rin niyang hindi talaga normal ang takbo ng mga utak nila.She was so scared of Rafael dahil may ginawa itong kahayupan noon sa naging ex-girlfriend ni Zane na may gusto pala kay Yuri. Alam niyang hindi siya titigilan ng binata dahil nakita niya kung paano ito magwala at magalit na katulad rin ni Zane.Minahal niya si Zane at totoo iyon pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay tila nabago ang nararamdaman niya at ngayon ay si Yuri na bestfriend nito ang mahal niya. She knows that Zane was also a dangerous guy at naisipan pa nga nitong tangkang patayin si Yuri kahit kaibigan pa niya ito.