共有

Chapter 10

作者: Lirp49
last update 最終更新日: 2024-09-16 20:33:59

MATAPOS makalabas sa eskenita ay kinausap ni Zia ang dalawang kasamang bodyguard. "Pwedeng makisabay sa inyo? Babalik na 'ko sa airport."

"Wala pong problema, Ma'am."

"Sige po, Ma'am."

Magkasabay na tugon ng dalawa. Nang nasa loob na ng sasakyan ay tinawagan ni Zia ang kapatid.

"Nakauwi ka na ba?" tanong ni Chris mula sa kabilang linya.

"Oo, kararating ko lang," tugon ni Zia.

Ang mga kasamang bodyguard ay pasimpleng tumingin sa kanya sa walang kaabog-abog na pagsisinungaling.

"Kuya, may nakalimutan akong sabihin kay Shiela. Pakibigay ang cellphone at pakausap sa kanya."

"Anong gusto mong sabihin at ako na lang ang magsasabi," ani Chris.

"Gusto ko siyang makausap, Kuya."

Isang pagod na buntong-hininga ang pinakawalan ni Chris mula sa kabilang linya. "Sige, sandali at pupuntahan ko lang sa kwarto."

Ilang sandali pa ay kausap na ni Zia sa kabilang linya ang hipag, "Hello, Shiela. 'Wag kang papahalata kay Kuya, okay? 'Yung pinakiusap mo sa'kin nagawa ko na. Mabuti ang kalagayan ng kaibiga
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (4)
goodnovel comment avatar
josie Parairo
ok lmg nmn un at least stress dun nmn din sya habulin ni chris dhil iba p rin c shiela at tingin ko dun s irene may attitude
goodnovel comment avatar
Sasaki Yuzuki
more update plss
goodnovel comment avatar
Mayfe de Ocampo
omg start na ng problema mo chris, kawawang shiela umaasa ng buong pamilya peru iba nsa isip ni chris
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 35

    HINIHINGAL na tumigil si Chantal, animo ay tumakbo siya ng pagkalayo-layo. Matapos ay nilingon ang pinanggalingan kahit pa hindi naman makikita ang banyo sa kanyang puwesto.Wala man lang kaide-ideya na nasa malapit si Felip, nakatanaw.Nang ibalik ang tingin ay nabigla pa si Chantal ng makita ito. "K-Kanina ka pa ba riyan?" Habang naglalakad palapit.Umiling si Felip. "Pupuntahan na nga sana kita. May nangyari ba?" Dahil pansin niya ang pamumutla nito, tila naka-encounter ng hindi maganda.Napakurap si Chantal sabay iwas ng tingin. "W-Wala, may narinig kasi ako kaya, a'yon, natakot bigla." Sabay tawa para itago ang katotohanan."Sila Archie ba, hindi mo napansin?"Tinuro ni Chantal ang direksyon patungo sa banyo. "Sa restroom. Tara, nagugutom na 'ko," aniya sabay hila sa kamay nito pabalik sa dining area at nagpatianod naman si Felip."Sina Archie at Jewel?" tanong naman ni Chris matapos bumalik ang mga ito."Nando'n pa, 'Pa," tipid na sagot ni Chantal.Matapos ay isang mahabang kata

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 34

    MATAPOS ay parehong natahimik ang mag-asawa... iniisip ang mga anak."Akala ko pa naman, magiging normal ang buhay pag-ibig ng mga bata... Kasing gulo rin pala ng sa'tin," ani Shiela."Napapaisip naman ako kay Chantal... Nabanggit ni Felip na pinaplano niyang manirahan abroad dahil nagpo-focus na siya sa negosyo nila sa States.""Bakit ngayon mo lang ito sinabi sa'kin?" mahihimigan ang pagtatampo sa boses ni Shiela."Plano pa lang, hindi pa rin naman niya nasasabi kay Chantal.""Kapag nalaman 'to ni Archie, paniguradong magkakagulo na naman," ani Shiela."Kaya nga dapat na hindi niya malaman."MALALIM na ang gabi pero katatapos pa lamang ni Felip na mag-shower dahil late na siyang nakauwi. Habang nagpupunas ng basang buhok ay napatingin siya sa asawa na natutulala sa kama, nakatingin sa labas ng bintana."Ayos ka lang ba?"Napalingon si Chantal at ngumiti ngunit hindi naman umabot sa mga mata ang tuwa. "Medyo napagod lang ako, ang dami namin pinuntahan ni Mommy," tukoy kay Yolanda.Na

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 33

    NATIGILAN si Jewel matapos iyong marinig, mababanaag sa kanyang mukha ang kalituhan at pagkabigla. "N-Nasisiraan ka na ba?!" hindi niya napigilang isatinig.Nais nitong totohanin ang pagpapanggap nilang magkarelasyon?!"Seryoso ako," ani Archie.Nasapo na lamang ni Jewel ang noo, nasi-stress sa pinagsasasabi nito. "Sa tingin mo ba'y masusulosyunan ang--""I don't care, ang mahalaga lang sa'kin ay ang result."Mas nadepina ang kunot sa noo ng dalaga. "Anong result ang sinasabi mo?""Ano bang gusto mong kapalit?" sa halip ay balik tanong ni Archie."Wala.""Are you sure? Magbe-benefit sa'yo ang pakikipagrelasyon sa'kin.""Nababaliw ka na ngang talaga," anas niya at ilang sandali pa ay napaisip. "Sige, kung anong gusto mo." Hindi maamin na may punto ito, malaking tulong sa kanya kung tototohanin nila ang relasyon kahit kunwari lang. Matutuwa ang magulang kapag nalaman ng mga ito na boyfriend niya si Archie. "Pero ayoko ng gulo, baka sugurin ako ng dati mong fiancee, mahirap na." Hindi na

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 32

    HINDI lang si Chantal ang nabigla sa sinabi nito dahil maging ang secretary ay napatigalgal sa narinig.Soon-to-be wife?!Saksi siya sa nangyaring date kagabi ng dalawa at alam niyang hindi naging maganda ang kinalabasan kaya naguluhan nang husto ang secretary.At isa lang ang dahilan kaya umaakto nang ganoon si Archie... walang iba kundi si Chantal. Gustong makita na magselos ang dating nobya.Tuloy, parang may dumaan na kung ano kaya natahimik silang lahat doon. Si Yolanda na nakangiti pa ay nagtaka rin at nagpalipat-lipat ang tingin sa mga ito. "May problema ba?"Agad naman natauhan si Chantal at ngumiti. "N-Ngayon ko pa lang kasi siya nakita at hindi ko akalaing ang ganda niya pala."Bumalik ang tuwa sa mukha ni Yolanda. "Siyang tunay kaya bagay na bagay sila."Si Jewel naman ay hindi kumbinsido sa sinabi ni Chantal. Open secret sa malalapit sa pamilya Cruz ang naging relasyong ng dalawa. At kabilang na ang pamilya niya roon sa nakakaalam.Sinamantala naman ni Archie ang sitwasyon

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 31

    NAGBABA ng tingin si Archie, nag-iisip ng maidadahilan na hindi nito ikasasama ng loob pero wala siyang maisip. "Ikaw ba, anong rason mo at pumayag ka na makipag-blind date?"Ngumiti si Jewel ngunit halata naman na hindi masaya. Ngiting walang ibang kahulugan. "Sa tingin ko'y same lang tayo ng rason."Sa madaling salita ay parehong napilitan ang dalawa.Tumango-tango naman si Archie. "Kung gano'n ay gusto mo bang mag-stay pa rito o gusto mong umalis na lang? Magkanya-kanya tapos sabihin na lang natin na maayos--""I can't do that," putol ni Jewel. Hindi siya pwedeng magsinungaling, gumawa ng kuwento sa magulang lalo na sa kanyang Ama dahil magtatanong ito ng detalyado. Hindi pa naman siya magaling magsinungaling sa harap nito."Then, pa'no ba 'yan... wala akong balak na magtagal," ani Archie."You can go, kung importante naman ang gagawin mo.""Are you sure?" paniniguro pa ni Archie na tinanguan nito kaya wala na siyang sinayang na oras at tumayo na. "Nice meeting you," aniya saka nag

  • Divorce by Mistake: Ex-husband CEO Started Chasing Her   Chapter 30

    NAMILOG ang mga mata ni Chantal, ito ang unang beses niyang makikilala ang magulang ng asawa dahil hindi naka-attend ang mga ito sa kasal nila noon."B-Bakit, biglaan naman ata?" may kaba niyang tanong.Napaiwas ng tingin si Felip, hindi magawang sabihin na si Cynthia talaga ang gustong makita ng Ina. "It's about time na makilala ka nila. Isang taon na tayong kasal pero hindi pa kayo nagkikita-kita."Nagtaas-baba naman ang dibdib ni Chantal, tila kinakapos ng hininga. Lalo pang tumaas ang kaba niya habang nag-iisip. "W-Wait, mag-aayos lang ako," aniyang natataranta, hindi alam kung anong unang gagawin."Okay, sasama rin sa'tin si Cynthia at mga bata," ani Felip.Tumango lang si Chantal, hindi na masiyadong inisip kung bakit sasama sa kanila ang dati nitong asawa at mas pinagtuonan niya ng pansin ang sarili.Napahinga na lamang si Felip habang pinagmamasdan itong natataranta. Ilang sandali pa ay lumabas upang sabihan ang tatlo sa baba na mag-ayos na rin."K-Kasama ako?" Nabigla si Cynt

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status