MasukMabilis na pumutok ang balita sa buong Pilipinas. Naging laman ng social media ang ginawa ni Claire sa anak. Dahil dito, isinailalim sa masusing imbestigasyon ang kaso, at kalaunan ay natuklasang si Claire ay may severe psychotic depression.Dahil sa mga medical records, psychiatric evaluation, at testimonya ng kaisa-isang psychiatrist na tumingin dito, mabilis na umusad ang imbestigasyon. Sa halip na ikulong si Claire sa presinto, dinala ito sa isang mental hospital upang doon sumailalim sa gamutan.Samantala, si Marcus naman ay nagsampa ng Petition for Sole Custody of the Child. Nag-file rin ito ng Petition for Declaration of Nullity of Marriage Based on Psychological Incapacity upang tuluyan nang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Claire.Sa pagdinig sa korte, napatunayan ni Marcus ang kondisyon ng asawa batay sa mga ebidensya at ulat ng mga eksperto, kaya agad na pinagbigyan ang mga petisyon nito.Hindi naglaon, tuluyan nang napunta dito ang sole custody ng bata, at idineklara ring
“Anak, you don't have to do this. May bahay naman ako, I can stay there with Tonette.”“‘Nay naman, sa tingin niyo po ba hahayaan kong malayo kayo sa akin? At isa pa, pumayag naman po si Zachary,” tugon ni Nimfa sa ina habang tulak-tulak niya ito sa wheelchair. “May mga personal kayong buhay rito sa bahay niyo. At baka makasagabal lang kami ni Tonette.”Marahas na lang siyang napabuntong-hininga nang sandaling iyon bago ipinagpatuloy ang pagtulak sa ina. Nang makarating sila sa living area, huminto siya bago nakangiting umupo sa harap ng ina niya.“‘Nay, kahit kailan ay hindi po kayo makakasagabal sa amin. Mas matutuwa pa nga po kami, eh. Kasama ka po namin, h-hindi na po namin kailangang mag-alala dahil nasa iisang bubong lang po tayo. At isa pa, ‘nay…” Kinuha niya ang isa nitong kamay bago masuyong pinisil iyon. “Gusto ko rin po kayong alagaan. Gusto ko pong bumawi sa inyo.”Ngumiti ito bago sinapo ang pisngi niya. “Salamat, anak. Akala ko magagalit ka kapag nalaman mo ang totoo, b
Ngumisi si Everly bago dahan-dahang lumapit sa kaniya. Pero habang papalapit ang babae, pakembot-kembot pa ito. Pagkalapit, mariin nitong hinawakan ang necktie niya.“Na-miss mo ba ako, Marcus?” tanong pa nito.Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa, at isa lang ang masasabi ni Marcus—nagbago na ito. Hindi ito ganito noon. Pakiramdam tuloy niya'y ibang Everly ang nasa harap niya.“What are you doing here, Everly? Why did you come back? Wala ng rason para bumalik—”“Meron, Marcus!” madiin nitong sambit bago sinunggaban siya ng halik.Mabilis siyang naalerto, naiiwas niya agad ang ulo niya.“Umalis ka na, Everly. Wala akong panahon para makipag-usap sa iyo. Isama mo na rin ang batang kasama mo!”Pagkasabi niyon, nilapitan na niya ang lamesa niya. Ngunit nang uupo na siya, biglang humalakhak si Everly.“Ipinagtatabuyan mo ba kami ng anak mo? ‘Yong batang sinasabi mo, anak mo!” asik nito na ikinamulagat niya.“What… what did you say?” Ngumisi ang dating sekretarya bago luma
Kinabukasan, maaga pa lang, nagising na si Marcus. At dahil gustong sumama ng anak sa kaniya, pinagayak na niya ito kay Emma. “Where is Harry? Hindi ko siya napansin kagabi.” aniya sa asawa sa gitna nang pagkain nila ng umagahan.“Nasa lola niya,” malamig nitong tugon habang nakayuko. “Nagpahatid kay Gino.”Hindi na niya sinagot ang asawa. Nagpatuloy lang siya sa pagkain hanggang sa matapos. Binuhat na niya si Marco patungo sa kaniyang sasakyan.At dahil hindi pa sila maayos ni Claire, pinagmasdan niya lang ito bago tuluyang sumampa sa kaniya sasakyan saka iyon minaneho patungo sa Delacroix Finance. Wala na siyang problema sa kumpanya dahil sa loob ng ilang taong paghihirap, muli niyang nakuha ang tiwala ng mga tao. Bumalik na sa dati ang lahat—ngunit hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagnakaw ng ₱2 billion sa kumpanya at pagsira ng reputasyon niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya nalalaman ang nasa likod noon.Pagkarating, pumasok na silang mag-ama sa gusali. At habang naglal
Nagtagis ang panga ni Marcus sa narinig mula sa asawa. Matalim niya itong tiningnan bago sunod-sunod na nagpakawala ng hangin sa bibig.“What the hell are you talking about?!” asik niya.“Simple lang ang tanong ko, Marcus. Mahal mo pa rin ba si Nimfa?” “Of course not!”“Hindi pala eh, so bakit mo siya dinedepensahan sa akin? Ako ang asawa mo, Marcus, ako dapat ang kinakampihan mo, hindi ang babaeng ‘yon!”Napailing siya. “Dinedepensahan? From you? Paano mo naisip ‘yan, Claire? I'm not defending Nimfa. Ipinapaintindi ko lang sa iyo na hindi biro ang rāpe! ‘Yon lang! Mahirap ba ‘yon unawain?” “Oo, mahirap, sa isang katulad kong parang mas pinipili ng asawa niya ang ibabang babae kaysa sa mismo niyang asawa!” wika nito. “Sana, natuluyan na siya ni Bryes. ‘Yon naman ang bagay sa kaniya, ang magdusa!”Pagkatapos, lumabas na ito ng silid. Marahas na lang na napabuntong-hininga si Marcus at hindi na hinabol ang asawa. Minsan, hindi na niya maunawaan ito. Para itong nawawala sa sarili na h
“Harry!” tawag ni Claire sa anak.Pero imbes na lumingon sa kaniya, dire-diretso lang itong naglakad. Umiling siya bago ito sinundan.“Harry, bingi ka ba? Kanina pa kitang tinatawag!” asik niya pa sa anak.Pero sa ginagawa nito, parang wala itong balak na pansinin siya. Sunod-sunod siyang umiling at bago pa ito makalabas ng bahay, mabilis niyang sinarado ang pinto. Gulat na humarap ang anak sa kaniya.“What, mom?!”“Tinatawag kita, bakit hindi ka umiimik?” singhal niya rito.“Para saan pa, mom? Ano pa ba'ng pag-uusapan natin?”Ngumisi siya. “Maghapon ka sa tabi ni Marco. Seryoso ka? Maghapon mong sinamahan ang batang ‘yon sa kuwarto niya kahit hindi mo naman siya kaano-ano. Nag-aaksaya ka lang ng oras sa kaniya, Harry!”“So?”“So? Hindi mo ba ako naunawaan, Harry? Ilang beses ko bang kailangang ipaintindi sa iyo na hindi mo tunay na kapatid si Marco? Why do you care about him so much?” “Because he's still my sibling—my baby brother. Mom, when you told me Marco’s not my sibling, I did
“Nasa'n tayo, Bryes?” nagtatakang tanong ni Nimfa nang hubarin niya ang suot na helmet.Pinagmasdan niya ang buong paligid, at wala siyang ibang makita kundi mga puno at halaman. Sa harap naman nila, nakatayo ang isang maliit at simple ngunit magandang bahay. Isa lang ang malinaw sa kaniya, nasa gu
“Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang nang-hack sa system ng Delacroix Finance!” gigil na sambit ni Marcus habang tinatahi ng mga nurse ang bumuka nitong sugat sa tiyan.Dala ng stress at segu-segundong paggalaw, nagkaroon ito ng pagdurugo sa tahi nito. Halos dalawang oras di
“Meeting adjourned. Thank you, everyone.”Pagkasabi niyon ni Zachary, dali-dali siyang lumabas ng conference room, bitbit pa rin ang gumugulo sa isip niya simula nang magising siya kaninang umaga.Hindi niya alam kung may mukha pa siyang maihaharap kay Nimfa matapos ang nagawa niya kagabi kasama si
“S-Snîper? Snîper ang pumatay kay Dona?” tanong ni Nimfa nang marinig ang tinuran ng isa sa mga pulis na agad nagtungo sa bahay ni Zachary upang mag-imbestiga sa kalunos-lunos na pagkasawi ni Dona.Tumango ito. “Posible, ma'am. Pero under investigation pa rin ang kasong ‘to at babalitaan po namin k







