تسجيل الدخولCHAPTER 16: ANNOUNCEMENTPagkatapos maghanda, sandaling nag-ayos si Yasmine ng sarili. Hindi na siya nag-abala pang maglagay ng mga kolorete sa mukha dahil wala siya sa mood. Isa pa, hindi naman sa pagmamayabang pero natural ang taglay niyang ganda kahit pa walang nilalagay na kahit na ano sa kanyang mukha kaya kampante siyang hindi na gaanong mag-ayos. Nang tuluyang matapos ay agad siyang bumyahe patungo sa TV station na pinagtatrabahuhan niya. Oo nga at sariwa pa rin sa isip at puso niya ang desisyon niyang pagpirma sa divorce agreement pero kahit na gano'n ay alam niyang hindi dapat niya hayaang sakupin ng bagay na 'yon ang sistema niya.Dahil kahit hiwalay na sila ni Alfred ay patuloy pa rin naman ang buhay niya. Oo, mahal niya si Alfred. Mahal na mahal, kaya nga nang maaksidente ito noong nakaraang taon ay hindi niya ito pinabayaan. Naaksidente kasi ang sinasakyan nitong sasakyan na kasama si Chesca. Naalala niya pa kung gaano niya kagustong iligtas si Alfred na pilit niyang
CHAPTER 15: PANGAKO Matapos pirmahan ang divorce agreement ay umiiyak na pinagmasdan ito ni Yasmine. Hindi siya makapaniwala na darating ang araw na buong puso niyang pipirmahan ang papel na 'yon.Mahal na mahal niya si Alfred. Ngunit alam niya sa mga nangyayari ngayon ay nararapat lang na ang sarili niya naman ang mahalin niya. Nararapat lang na ang sariling kapakanan niya naman ang unahin niya. Habang tinititigan ang kanyang pirma ay hindi niya tuloy maiwasang alalahanin noong ang marriage contract pa nila ni Alfred ang pinipirmahan niya.Ingat na ingat siya noong mga panahong 'yon at sobrang saya niya dahil sa wakas ay naikasal siya sa lalaking mahal na mahal niya. Natatakot pa siyang magkamali sa pagpirma no'n dahil baka magbago ang isip ni Alfred.Pero ngayon, hindi na siya natatakot na baka magbago ang isip ni Alfred na makipaghiwalay sa kanya, dahil alam niya sa sarili niyang mas imposible pa 'yon sa pagputi ng uwak.Sa totoo lang ay mad natatakot pa siya sa sarili niya. Mas
CHAPTER 14: PASYANagmamadali siya ngunit bago pa man siya tuluyang makalabas sa pool area ay nakaahon na si Jack ng pool at saka siya marahas na hinawakan sa braso."Hindi pa tayo tapos mag-usap, Yasmine!" Nagpumiglas siya sa hawak nito ngunit masyadong mariin 'yon. "Bitiwan mo nga 'ko!" "Bakit?! Para ano, ha?! Para mapuntahan mo na ang pinakamamahal mong asawa?! Bakit ba baliw na baliw ka sa lintek na Alfred na 'yon, ha?! Hindi ka naman mahal no'n! Ako! Ako, Yasmine! Ako ang nagmamahal sa'yo! Bakit hindi na lang ako, ha?!" desperadong tanong nito saka siya muling tinulak a sun lounger at bago niya pa ito masipa au mahigpit na nitong pinigilan ang paa niya.Dinaganan siya nito saka pwersahang hinalikan."Let me go, you asshole!" pagpupumiglas niya ngunit hindi siya nagtagumpay."I won't, Yasmine! Ang bango bango mo, hmm..." tila baliw na bulong nito habang pilit siyanh hinahalikan.Nasa gano'n silang tagpo nang laking pasasalamat niya dahil bumukas ang sliding door ng pool area at
CHAPTER 13: PILLSDire-diretso ang lakad ni Yasmine ngunit napahinto siya nang tawagin siya nito."Stop it, Alfred. Wala akong panahon sa'yo!" aniya pero muli siya nitong tinawag kaya inis na nilingon niya ito saka pinagtaasan ng kilay."Bakit?" Mabilis na bumaba ng sasakyan si Alfred pagkatapos ay humalukipkip at sumandal sa hood ng kotse nito. "I have something to give you," ani nito.Tumaas ang kilay niya at tuluyang hinarap ang lalaki. Naglakad siya palapit dito at ginaya ang pagkaka halukipkip nito."At ano naman 'yon?" seryoso at malamig ang boses niyang tanong. Bumuntong-hininga ang lalaki saka umayos ng tayo at may kinuha sa bulsa ng slacks nito saka inabot sa kanya.Kunot-noo niya namang tinanggap ang binibigay nito saka 'yon pinagkatitigan. Kapagkuwan ay tumaas ang isang kilay niya nang mapagtantong contraceptive pill 'yon."Don't forget to take that," saad nito bago siya mariing pinagkatitigan.Nakipaglaban naman siya ng tingin sa lalaki. At habang ginagawa 'yon ay hindi
CHAPTER 12: LOCK"I'm asking you, Yasmine. Answer me," mahina ngunit seryosong saad ni Alfred kaya mas lalong humigpit ang pagkakakuyom ng kamao niya.Pakiramdam niya ay mayroong nakabara sa dibdib niya. Minsan ay nalilito siya sa ikinikilos ni Alfred. Ngunit, dahil sa nangyari ngayon ay siguradong-sigurado na siya na talagang wala lang siya para rito.Narinig niya ang pag buntong-hininga ni Alfred. "Yasmine, I'm ask-" "Alam mo Alfred, 'wag kang mag-alala dahil bago pa kita pakasalan ay alam ko na kung saan ako lulugar sa buhay mo. Pero payo lang, 'wag kang masyadong magpakampante dahil mahal lang kita;" nanggigigil niyang putol dito.Marahas niyang nilingon ang lalaki matapos no'n at naabutan niya itong seryosong nakatitig sa kanya. Naramdaman niya rin ang pagtulo ng mga luha niya kaya marahas niya rig pinunasan ang mga 'yon."Mahal lang kita, Alfred. Mahal kita, pero may dignidad at respeto ako sa sarili ko! At kahit anong gawin mo ay hinding-hindi mo 'yon masisira at maalis sa aki
CHAPTER 11: BRACELET (2)Mabilis ang lakad niya at dahil sa sobrang pagmamadali na makalayo kina Alfred ay hindi niya na namalayan na madulas ang madadaanan niya dahilan kung bakit nawalan siya ng balanse at natumba.Naitukod niya ang palad niya sa kalsada at dahil sa lakas ng impact ay ramdam niya ang pagkakasugat ng kanyang palad ngunit hindi niya alintana 'yon.Sa dami pa naman ng mga sakit na naranasan niya? Pisikal man o mental? Wala lang ang sugat sa palad niya ngayon kumpara sa mga sakit na pinilit niyang itago at lihim na indahin kahit pa gustong-gusto niya nang sumuko.Ngunit kahit na gano'n, hindi niya pa rin maiwasang malungkot habang tinitignan ang mga palad niyang may mumunting dugo dahil sa sugat na natamo. Ramdam niya ang hapdi roon lalo na nang mapatakan ng mga luha niyang hindi niya namamalayang tumulo na pala.Nasa gano'n siyang sitwasyon nang mapansin niya mula sa gilid ng mata niya ang pagsunod sa kanya ng kung sino na alam niyang walang iba kung hindi si Alfred.T
Ngunit, hindi agad nakuha ng mga ito si Chase dahil mahigpit pa rin ang pagkakahawak ni Yasmine sa kwelyo nito. Tila ayaw na madala si Chase sa hospital."Y-yasmine," nanginginig ngunit marahan ang boses na tawag niya sa babae.Hindi siya nito nilingon at sa halip ay lalo pang hinigpitan ang paghaw
Muling napaatras si Yasmine nang maglakad palapit sa kanya ang sampung bodyguard. Lihim siyang napamura sa isip niya bago sinulyapan ang direksyong pinanggalingan niya kanina. "Nasaan na ba sila?" bulong niya sa sarili, tinutukoy niya ang mga bodyguard na binayaran niya para magbantay at tumulong
Sa kabilang banda, abala sa pakikipag sayahan si Chase at pakikipagpalitan ng halik sa mga babaeng nakalingkis sa kanya nang may tumapik sa balikat niya.Napahingo siya dahil do'n bago inis na hinarap ang tumapik sa kanya ngunit kasabay ng pagpihit niya upang harapin ito ay isang paghampas ng bote
Bumuntong hininga si Yasmine nang makitang si Freya Lim ang nakatayo sa gilid niya. "Hmm, well, kung nabugbog din naman ako kagaya mo, malamang ay hindi ko rin kakayaning magsaya at makakain ng payapa," saad nito bago sumandal sa cubicle na para sa kanya. May bitbit pa itong kape na binili sa isa







